Ang kwentong Ibong Adarna ay sinasabing isinulat ng makatang si José de la Cruz o mas kilala sa bansag na “Huseng Sisiw”. Ngunit, magpahanggang ngayon, ang eksaktong may akda nito ay pinagtatalunan pa.
Merong ibang bersyon ng kwento na nagsasabing una itong isinulat sa Espanya noong kalagitnaan ng ika-16 na siglo ni Miguel Lopez de Legazpi, at dinala sa Pilipinas noong 1565.
Ang pangunahing tauhan sa Ibong Adarna bukod sa naturang ibon ay si Don Juan, ang kanyang mga kapatid, at ang mga babaeng kanyang inibig.
SEE ALSO: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 (with Talasalitaan)
Halina’t kilalanin natin ang iba pang mga tauhan ng Ibong Adarna at kanilang mga katangian.
Mga Tauhan sa Ibong Adarna
Ibong Adarna
Isang uri ng ibon na umaawit ng pitong beses; nakakapagpagaling sa pamamagitan ng kaniyang pag-awit; nagiging bato ang sinumang mapatakan ng kanyang dumi.
Haring Fernando
Namumuno sa Berbanya; makatuwiran at makatarungan na hari.
Reyna Valeriana
Butihing asawa ni Don Fernando; ina ng tatlong prinsipe ng Berbanya na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.
Don Pedro
Panganay na anak ng hari at reyna ng Berbanya; magiting at matalinong mandirigma ngunit may lihim na inggit kay Don Juan.
Don Diego
Pangalawang anak ng hari at reyna ng Berbanya; sunud-sunuran sa kapatid na si Don Pedro.
Don Juan
Bunsong anak ng hari at reyna ng Berbanya; pinakanatatanging prinsipe; nakatuluyan ni Prinsesa Maria Blanca.
SEE ALSO: Ibong Adarna Buod ng Buong Kwento
Matandang Leproso
Matandang mahigpit na nagbilin kay Don Juan na dumaan muna sa ermitanyo bago hulihin ang Ibong Adarna.
Ermitanyo
Matandang nagpayo kay Don Juan ng mga dapat niyang gawin upang mahuli ang engkantadong Ibong Adarna.
Prinsesa Juana
Kapatid ni Prinsesa Leonora; prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa higante.
Prinsesa Leonora
Bunsong kapatid ni Prinsesa Juana; iniligtas ni Don Juan sa serpyenteng may pitong ulo.
Haring Salermo
Hari sa Reyno Delos Cristales; ama nina Prinsesa Isabel, Juana, at Maria Blanca.
Prinsesa Maria Blanca
Naging Reyna sa kaharian ng Reyno Delos Cristales; nakatuluyan si Don Juan.
SEE ALSO: Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa