Hindi madaling sabihin ang salitang sorry. Kung minsan ay inaabot ng ilang araw, buwan o ng mahabang panahon bago ito mabigkas ng taong nagkasala. Ngunit batid ng nakararami na kapag ang salitang ito ay nasabi sa iyong taong nasaktan, para kang nabunutan ng tinik sa iyong dibdib.
Kung nakaka-relate sa mga nabanggit ko, malamang ay maka-relate ka din sa mga sorry quotes tagalog na mababasa mo dito. Nawa’y makatulong sa’yo ang page na ito sa kung ano man ang kinakaharap mo ngayon sa iyong buhay.
SEE ALSO: 250+ Best Tagalog Love Quotes
- Hindi porke’t mahal ka ng isang tao, pahihirapan mo na siya. Hindi mo alam, Nakakasakit ka na. Hindi lang ikaw ang tao sa buhay niya pero ginagawa niya ang lahat para ipakita sayo na ikaw ang pinaka-mahalaga…
- Mahirap mag sorry. Lalo na’t alam mong nasa tama ka.
- Ang sorry nakakawala ng galit pero di nakakawala ng sakit.
- Nakakasawa ang salitang sorry kapag paulit ulit na lang sinasabi.
- Wag kang magsorry kung gusto mo lang magkaayos kayo.. Magsorry ka dahil tanggap mo na rin ang pagkakamali mo.
- Magsorry ka man sa kanya, hindi pa rin magbabago ang katotohanang nakasakit ka na.
- Ang SORRY nagpapagaan lang ng kalooban, hindi nagtatama ng kamalian.
- Minsan hindi sapat ang salitang “SORRY”. Dapat laging may kasamang pagbabago.
- Ang sorry ay para lang sa mga bagay na hindi sinasadya; hindi para sa mga bagay na paulit-ulit ginagawa.
- Saying sorry won’t always mean “kasalanan ko”. But it’s a nice way to say, “kasalanan mo man o kasalanan ko, wag natin palakihin ito. Ayoko kasi na nag-aaway tayo.”
Marami sa mga sorry quotes na nakapaloob sa pahinang ito ay hindi matukoy kung sino ang orihinal na may gawa o akda. Kung kilala mo kung sino sila, mangyaring kontakin kami upang mabigyan namin ng proper credit ang kanilang mga gawa.
Samantala, kung ikaw naman ay nag-enjoy sa iyong mga nabasa, ibahagi mo ito sa iyong mga kaibigan at kapamilya.
Kung may tao kang nasaktan at kailangan mong humingi ng sorry, wag mo nang patagalin pa at humingi na ng patawad sa kanya. 🙂