Philippine Folk Songs
Ang Philippine folk songs ay mga tradisyunal na awitin o musika ng mga Pilipino. Habang tumatagal ay unti-unti nang nalilimot ang mga awitin na ito kaya naman kinalap namin at pinagsama-sama ang mga ito upang hindi tuluyang malimot ang mga katangi-tangi nating awitin.
Maari mo ring bisitahin ang aming koleksyon ng mahigit 140+ Philippine Folk Songs in Different Regions upang malaman mo din ang iba pang ipanagmamalaking katutubong awitin sa ibang parte ng Pilipinas.
Paru-Parong Bukid Lyrics
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Sitsiritsit Alibangbang Lyrics
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto’t salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.