Mga Alamat
Ang mga alamat ay isang uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tunay na mga tao o pook. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin mula pa sa ating mga ninuno na magpasahanggang ngayon ay napag-uusapan.
Ilan sa mga kilalang alamat sa Pilipinas ay ang “Alamat ng Pinya“, “Alamat ng Butiki“, “Alamat ni Maria Makiling” at marami pang iba.
Para sa karagdagang kaalaman kung ano ang alamat, elemento, bahagi at mga halimbawa nito, basahin ang: Ano ang Alamat, Mga Elemento, Bahagi, at Halimbawa ng Alamat.