Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.

Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.

Aral

  • Walang mabuting naidudulot ang inggit.
  • Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at iwasang ikumpara ang sarili sa iba.

SEE ALSO: Alamat ng Sampalok

Alamat ng Ampalaya (Buod)

Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya kanyang katangian.

Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at makinis na kutis, ang luya ay may kakaibang anghang, ang labanos ay may sobrang kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang mustasa ay luntian.

Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya ay may maputla at may lasang di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa ibang gulay.

Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng ibang gulay. Nang sumapit ang gabi, naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya ang taglay na katangian ng lahat ng gulay.

Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag kakaguluhan na ngayon.

Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng gulay na sundan ang kakaibang gulay.

Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si ampalaya. nagalit ang lahat at si ampalaya ay iniharap sa diwata ng lupain.

Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob ng kanyang katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang gulay.

66 Shares
Share via
Copy link