Kwentong Pambata
Ang mga Kwentong Pambata ay madalas nating ginagamit para turuan ng magandang asal ang mga bata. Lubos itong nai-enjoy ng maraming bata sapagkat ang mga kwentong pambata ay madalas na nakalagay sa mga libro na may makukulay na disensyo at magagandang guhit na hango sa mga karakter ng kwento.
Malaki ang nagagawang ambag ng nagbabasa ng kwento para mas lalong magustuhan ng mga bata ang kwentong kanilang pinakikinggan.
Sa Pilipinas, ilan sa pinakasikat na mga kwentong pambata ay Si Kuneho at si Pagong, Si Langgam at si Tipaklong, Si Pagong at si Matsing, Ang Araw at ang Hangin, Alamat ng Pinya at marami pang iba.