Epiko: Kahulugan, Katangian at mga Halimbawa ng Epiko ng Pilipinas

Ano ang Epiko?

Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.

Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari.

Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.

SEE ALSO: Ano ang Alamat, Mga Elemento, Bahagi, at Halimbawa ng Alamat

Katangian ng Epiko

Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:

  • Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
  • Mga inuulit na salita o parirala
  • Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
  • Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
  • Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

Halimbawa ng Epiko

Narito ang ilan sa mga kilalang halimbawa ng epiko ng Pilipinas.

Epiko ng Luzon

Epiko ng Visayas

Epiko ng Mindanao

29 Shares
Share via
Copy link