Ano ang Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Uri, at Halimbawa ng Pandiwa

Ano ang Pandiwa?

Ang pandiwa o verb sa wikang Ingles ay isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw, pangyayari, o katayuan. Isa ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech na nagbibigay buhay rin sa isang pangungusap.

SEE ALSO: Pang-abay: Ano ang Pang-abay, Halimbawa ng Pang-abay at mga Uri

Uri ng Pandiwa

Ang pandiwa ay may dalawang uri; ang Palipat at Katawanin.

1. Palipat

Ang uri ng pandiwang ito ay nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap sa kilos upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang tuwirang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng “ng”, “ng mga”, “sa”, “sa mga”, “kay”, o “kina”.

Halimbawa:

  • Nagsabit ng parol sa harap ng kanyang bahay si Ginang Chavez.
  • Bumili ng gulay kay Aling Ising si Ana.
  • Si Mang Berto ay lumilok ng palayok.
  • Sinuotan ng damit ni Bea ang kanyang manika.
  • Nagpadala ng mga pagkain sa mga raliyista ang ina ni Toto.
  • Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Ginoong Bautista.
  • Nagsampay ng damit si Clara.
  • Nagpadala ng bigas at de lata ang Pangulo para sa mga nasalanta ng bagyo.
  • Papunta kina Mang Victor ang nangongolekta ng buwis.
  • Si Sheena ay magaling sumayaw ng hip hop.

2. Katawanin

Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap ng kilos dahil ito ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag at nakatatayo na itong mag- isa.

Halimbawa:

  • Nabuhay si Mary.
  • Sina Elpie at Jhen ay ikinasal.
  • Lumilindol!
  • Natuwa ang magulang sa mataas na marka ng kanyang bunso.
  • Kumakain sa plasa ang mga kabataan.
  • Ang magkakapatid ay nagdarasal ng sabay-sabay.
  • Binura ni Magda ang nakasulat sa pader.
  • Si Alona ay aawit sa Tawag ng Tanghalan.
  • Nagkukwentuhan ang mag-asawa sa loob ng bahay.
  • Inaantok si Lea.

Mga Aspekto ng Pandiwa

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nangyari, nangyayari, o ipagpapatuloy ang kilos. May limang (5) aspekto ito; ang Naganap o Perpektibo, Pangkasalukuyan o Imperpektibo, Naganap na o Kontemplatibo, Tahasan, at Balintiyak.

1. Naganap o Perpektibo

Ito ay nagsasabi na natapos na ang sinimulang kilos. Kung minsan, ang panlaping “nag” ay karaniwang idinirugtong sa unahan ng pandiwang ginagamit sa pangungusap.

Halimbawa:

  • Nagpaalam si Itay bago siya umalis.
  • Katatapos ko lang kumain ng bigalang dumating ang Tiyo Alberto.
  • Nagpirito ng manok si Pam.
  • Kahapon kinasal si Aljon at Ana.
  • Nagluto si Hana ng umagahan bago pumasok sa paaralan.
  • Nagtanong ang guro kung sinong may lapis.
  • Dumating kahapon ang balikbayang si Eunice.
  • Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
  • Naghugas ng kamay si Rosa bago kumain.
  • Naglinis ng bahay ang kasambahay ni Perla.

2. Pangkasalukuyan o Imperpektibo

Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang “habang”, “kasalukuyan”, at “ngayon” o kaya naman ay dinurugtungan ng panlaping “nag” ang unahan ng pandiwang ginamit sa pangungusap.

Halimbawa:

  • Sinamantala kong maglinis ng sasakyan habang malakas ang ulan.
  • Naglalaba si Inday.
  • Habang si Mama ay nagluluto, ako naman ay naghahanda na sa hapag.
  • Naglilinis ng kuko si Nita.
  • Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay.
  • Ngayon ang kuhanan ng aming kard.
  • Nagbabasa ng libro si Marie nang biglang dumating si Joshua.
  • Araw-araw ay pumupunta ako sa bukid at nagbubungkal ng lupa.
  • Nagmimisa ang pari ngunit ang ilan ay inaantok pa.
  • Kasalukuyan akong nakikinig sa radyo.

3. Naganap na o Kontemplatibo

Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan, naisasagawa o nangyari. Plano pa lamang itong gawin o aspektong magaganap pa lamang. Ilan sa mga halimbawa ng salitang ginagamit bago ang pandiwang ito ay ang “bukas”, “sa susunod”, “sa makalawa”, “balang araw”, “pagdating ng panahon” at marami pang iba.

Halimbawa:

  • Balang araw, uunlad din ako.
  • Gusto kong pumunta sa Paris sa susunod na taon.
  • Bukas ko na kakainin ang prutas na bigay mo.
  • Pagdating ng panahon ay pakakasal ako sa’yo.
  • Plano kong manirahan sa Amerika kung mabibigyan lamang ng pagkakataon.
  • Sa makalawa na yata ang dating niya.
  • Bukas luluhod ang mga tala.
  • Sa susunod na araw ay simula na ng pasukan.
  • Ayoko namang umalis bukas nang hindi ka kasama.
  • Pupunta ako sa inyo kung hindi uulan.

4. Tahasan

Sa aspektong ito ang pandiwa ang gumaganap na simuno sa isang pangungusap.

Halimbawa:

  • Sinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere.
  • Nagluto si Badet ng kanilang tanghalian.
  • Umawit si Sarah Geronimo kanina sa ASAP.
  • Pumili si Nene ng damit para sa paligsahan.
  • Pumunta si Inday sa palengke para bumili ng gulay.
  • Namitas ng bulaklak si Amanda sa bakuran.
  • Tumakbo ang bata ngunit hindi naman maabutan.
  • Sumayaw ang kanilang grupo sa pyesta.
  • Tumugtog siya ng gitara.
  • Kumain sila sa karinderya.

5. Balintiyak

Ang aspektong ito ng pandiwa ay kasalungat ng sa tahasang aspekto. Ang simuno ay hindi gumaganap ng kilos o galaw bagkus ang taga-ganap ng kilos ay ang nasa hulihan ng pandiwa.

Halimbawa:

  • Ang magandang balita sa telebisyon ay iniulat ni Mike Enriquez.
  • Mabilis kong natapos ang trabaho ko.
  • Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ni Mayor.
  • Masarap ang nilutong ulam ni Linda.
  • Ibinato ni Baldo ang bola kay Jimbo.
  • Sa bahay ni Kristel nag-praktis sumayaw si Elsa.

Iba pang mga Halimbawa ng Pandiwa

1. Tumakbo

Halimbawa: Nagpapaunahang tumakbo ang magkakabigan.

2. Kumain

Halimbawa: Kung alam ko lang na tapos na kayong kumain ay hindi na sana ako sumunod pa.

3. Gagawa

Halimbawa: Bukas na ako gagawa ng takdang aralin.

4. Maglalakbay

Halimbawa: Kailan tayo maglalakbay sa bundok ng Sagada?

5. Iinom

Halimbawa: Iinom ako ng sariwang tubig sa bukal.

6. Pumunta

Halimbawa: Sa makalawa na tayo pumunta ng mall.

7. Kumanta

Halimbawa: Ayoko pa sanang kumanta ngunit mapilit ka.

8. Magkita

Halimbawa: Sa susunod na taon na tayo magkita.

9. Naglakad

Halimbawa: Naglakad pauwi si Carlo.

10. Mag-igib

Halimbawa: Doon tayo mag-igib ng tubig.

11. Isinusulat

Halimbawa: Isinusulat ni Bella ang kanyang pangalan sa papel.

12. Magtanim

Halimbawa: Ang magtanim ay hindi biro.

13. Maligo

Halimbawa: Masarap sanang maligo sa ilog kaya lang ay naulan.

14. Pumunta

Halimbawa: Sa ibang araw na lang tayo pumunta kina Alvin.

15. Gawin

Halimbawa: Ngayon mo na gawin ang takdang aralin.

16. Nagluluto

Halimbawa: Nagluluto ng masarap na ulam si Nanay.

17. Magsimba

Halimbawa: Tayo na’t magsimba sa Antipolo.

18. Nag-aaral

Halimbawa: Nag-aaral ng mabuti si Pilo upang makapasa siya sa pagsusulit.

19. Maabot

Halimbawa: Maabot ko rin ang aking pangarap.

20. Sumayaw

Halimbawa: Sumayaw ng walang humpay ang kasama ni Anjie.

21. Naglalakad, makasalubong

Halimbawa: Naglalakad ako ng makasalubong si Pedro.

22. Humingi

Halimbawa: Humingi ako ng baon kay Tatay.

23. Kumakanta, sumasayaw

Halimbawa: Kumakanta siya habang sumasayaw.

24. Inagaw

Halimbawa: Inagaw ni Nathali and kendi ni Lily.

25. Umarte

Halimbawa: Si Diego ay magaling umarte.

26. Umiyak

Halimbawa: Malakas palang umiyak si Silvia.

27. Titigil

Halimbawa: Kung di ka pa natauhan ay di ka pa titigil sa iyong kahibangan.

28. Maglakad

Halimbawa: Bakit ba ang bilis mong maglakad?

29. Naghihintay

Halimbawa: Naghihintay na sa atin si Nancy.

30. Magbibigay

Halimbawa: Bukas pa magbibigay ng bigas si kapitan.

37 Shares
Share via
Copy link