Filipino Folk Songs
Ang mga Filipino Folk Songs sa pahinang ito ay naglalaman hindi lamang mga tagalog folk songs kundi pati na rin ang iba’t ibang folk songs sa ilang bahagi o probinsya ng Pilipinas.
Samantala, maari mo ring bisitahin ang aming koleksyon ng 140+ Philippine Folk Songs in Different Regions upang malaman mo din ang iba pang mga popular na folk songs ng ating bansa.
Paru-Parong Bukid Lyrics
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Sitsiritsit Alibangbang Lyrics
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto’t salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.