Folk Songs Lyrics
Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga Filipino Folk Songs Lyrics na naglalayong ipabatid ang mga katutubo nating awitin na unti-unti nang nalilimot sa paglipas ng panahon.
Paru-Parong Bukid Lyrics
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Sitsiritsit Alibangbang Lyrics
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto’t salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.