Ano ang Apostrope? ?
Ang apostrope, apostropi o pagtawag ay isang pakiusap o panawagan sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Sa paggamit ng apostrope, hinihiwalay ng manunulat o nagsasalita ang sarili nito sa reyalidad at kumakausap sa isang karakter, mga bagay na maaring may buhay o wala ngunit parang naroroon at kaharap niya pero sa katotohanan ay wala naman ito.
SEE ALSO: Kandelabra: Kahulugan at mga Halimbawa sa Pangungusap
Samantala, sa larangan naman ng panitikan, ang apostrope ay isang tayutay na madalas ay gumagamit sa panamdam na “O.” Ngunit huwag ninyong lahatin dahil hindi laging may panamdam na “O” ang apostrope.
Note: Walang kaugnayan ang “kudlit” ( ‘ ) o “apostrophe” sa paksang ito na apostrope.
Mga Halimbawa ng Apostrope ?
- Swerte, dumapo ka sa akin at ako’y payamanin.
- O, giliw nasaan ka? Bakit ngayon ka pa nawala?
- Gubat na aming kailangan, kaylanma’y ‘di ka namin pababayaan.
- O, hirang! Huwag mo akong iwan.
- O, tukso! Layuan mo ako.
- Ulan, ulan kami’y lubayan na.
- O, aking sinta, sa ganda mo ako’y samba. (Sa utot mo ako’y tumba! Hahaha!)
- O, tadhana! Pag-ibig na tunay sa aki’y ibigay na.
- Araw, lumabas ka’t ipakita ang iyong sinag na nakakasilaw.
- Katapangan, lumapit ka sa ‘kin at ako’y samahan.
- Nais kong madama ang higpit ng iyong yakap kahit wala ka na sa aking piling.
- Ulan, bumuhos ka’t lunirin ako ng tuluyan.
- Tapang, kung lalapit ka sa akin ay bilis-bilisan dahil napupuno na ng kaduwagan ang aking puso.
- Lakasan mo ang iyong ihip hangin hanggang ako’y matumba!
- Magandang buhay, kailan kita mararanasan?
Umaasa kami na naipaliwanag namin nang maayos at natutunan mo kung ano ang apostrophe, at kung paano ito ginagamit sa pangungusap. Kung mayroon kang mga katanungan, mag-iwan lamang ng komento sa ibaba. ?
Kung nakatulong sa iyo ang post na ito, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaibigan. ?