170+ Tagalog Sad Quotes

0 Shares

Hindi maiiwasan ng tao ang kalungkutan lalo na sa isang natapos na relasyon. Bagamat mahirap ay kaylangan itong tanggapin at isipin na sa kabila na kalungkutan ay siguradong may bagong umaga na paparating. Gayunpaman, nais naming malaman mo na hindi ka nag-iisa sa oras ng iyong nadaramang kalungkutan. Ang page na ito ay naglalaman ng mga tagalog sad quotes na maaari mong maging gabay upang magpatuloy sa takbo ng buhay.

Pag-iisa man ang dulot ng nakalulungkot na pangyayaring iyan, palagi mong tandaan na iyan ay panandalian lamang. Halina’t basahin ang mga tagalog sad quotes sa ibaba at panandaliang kalimutan ang sakit na iyong nadarama.

SEE ALSO: 250+ Best Tagalog Love Quotes

Tagalog Sad Quotes Image 1

  1. Marami na akong nakilala, sabi nila ‘walang iwanan’. Pero dumating yung panahon na may umalis at may naiwan, kaya naisip ko, ikaw kaya, hanggang kailan?
  2. Minsan mas espesyal ang luha kaysa ngiti. Kasi kahit sino pwede mong ngitian pero ang luha tutulo lang sa taong di mo kayang iwan.
  3. Mahal kita, oo! Yun ang totoo. At kahit wala ka sa tabi ko ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Sabi mo noon mahal mo ko pero kung tatanungin kaya kita ngayon, anong sasabihin mo? Ako pa rin ang mahal mo o ang taong nakasama mo nung wala ako?
  4. Sa relasyon, hndi mo maiiwasang maghinala. Lalo na kung ang shota mo, parang si Dora. Gala nang gala.
  5. Pag ang taong mahal mo hindi na nagparamdam sayo malamang patay na patay na yan sa iba, sumalangit nawa ang malanding kaluluwa.
  6. Sa pag-ibig, walang bulag, walang pipi, walang bingi… pero tanga madami.
  7. Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
  8. Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran sila? Kailangan mo libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
  9. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo.
    Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
  10. Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
  11. Ang hirap magselos pag alam mong di naman kayo.
  12. Di ako bitter. Galit lang talaga ako sayo kasi sinaktan mo ko.
  13. Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
  14. Mas magandang mapalungkot mo ang isang tao dahil sa sinabi mo sa kanya ang totoo, kesa mapaiyak siya kasi nalaman pa niya ito sa ibang tao.
  15. Oo, nagseselos ako, kahit na sabihin mong magkaibigan lang kayo at ako ang mahal mo. Natatakot ako na isang araw iwan mo ako, dahil noong una “magkaibigan” lang din naman tayo.
  16. Pag hindi ka mahal ng mahal mo, wag ka magreklamo.
    Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.
  17. Dapat ba akong ngumiti dahil magkaibigan tayo? O dapat ba kong malungkot dahil hanggang dun lang tayo?
  18. Alam mo kung bakit nasasaktan ka? Kasi iniisip mo na gusto ka rin niya kahit hindi naman talaga.
  19. Minsan may mga taong iniiwasan mong pansinin pero ang puso mo gustong-gusto siyang kamustahin.
  20. Sana sinusulat na lang ang FEELINGS para madaling BURAHIN.
  21. Yung eksenang ang bilis ng panahon ngayon noh?
    Kanina mahal ka pa niya, maya-maya may kalandian na siyang iba.
  22. Ang love parang dalawang taong naghihilahan ng rubberband…
    Kapag bumitaw yung isa, paniguradong masasaktan pati yung nakakapit pa.
  23. Aminin mo,
    minsan mas madali mong sabihin ang tunay mong nararamdaman sa pabirong paraan.
  24. Sa panahon ngayon, JOKE na lang ang totoo at PROMISE na ang panloloko.
  25. Tandaan: pwedeng kiligin pero bawal mag-assume.
  26. May mga tao na parang lechon. Masarap pero masakit sa puso.
  27. Ang swerte mo. Yung taong pinapangarap ko, baliw na baliw sayo.
  28. Sana ang tao parang CELLPHONE.
    Namamatay ng kusa kapag nagloloko.
  29. Bakit tayo nasasaktan? Kasi lagi tayong umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Naghihintay sa isang nakaraan na hindi na pwedeng balikan at nagmamahal sa taong hindi tayo kayang panindigan.
  30. Hindi tanga yung taong sobrang nagmahal. Mas tanga yung taong minahal ng sobra pero naghanap pa ng iba.
  31. Yung mga taong kung magsalita akala mo kung sino, yung kung humusga sa kapwa nila akala mo perpekto. Malamang sila yung mga problemado. Ginagawang libangan ang manlait ng tao.
  32. Wag kang iiyak kahit mahalata mong masaya siya sa piling ng iba. Ni ang malungkot, iwasan mo. Malay mo, hiniling din niyang maging happy ka kahit na alam niyang hindi na pwede kasi wala na siya.
  33. Matagal kong tinagong mahal kita. Ginawa ko ang lahat para sayo. Binigay ko na pati puso at kaluluwa ko pero hindi mo pa rin ako napansin. Ang masakit pa dun, nang naglakas loob akong sabihin sayong mahal kita, ang sinabi mo lang, “Ows? Talaga?”
  34. Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayon ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?
  35. Kaya kong tuyuin ang iyong mga luha sa bawat sakit na iyong mararamdaman ngunit kailan mo kaya mapupuna ang aking luha? Pareho lang tayong nasasaktan ikaw sa kanya at ako sa’yo!
  36. Habang nasayo ang taong mahal mo, alagaan mo. Wag mo hayaan dumating yung araw na pagsisihan mo na nawala na sya at sabihin nya sayong, “kaw kasi eh, pnabayaan mo ko…”
  37. Lam mO hrap pag nwala ung mhal mo.. nakakalungkot, masakit,nakakamiss.. bkt ganun noh? Pgkatapos ng saya ddting din ung time na iiwan ka nia.. dun pa sa part na sobrang mahal mo na siya..
  38. Iniwan kita d dhl ayoko na, d rin dhl meron akong iba, d dhl suko n ko at d rn dhl nkkpgod na.. gus2 ko lng hanapin m ang pagmamahal ko.. kc pag nasayo.. winawala mo..
  39. Impt p b ako sau? Kc d ka na tulad ng dati.. ung swit, thoughtful, at lagi akong naaalala.. teka.. ibahin ko nlng tanong ko.. mhl m p ba ako?
  40. Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayun ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?
  41. Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sayo. Lalo na at wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.
  42. Tama na yung minsan mo kong paasahin, minsang saktan at minsang paluhain. Minsan mo lang naman din akong minahal; hindi tulad ko, minahal kita ng walang katapusan
  43. Kung magmamahal ka dapat sigurado kang handa ka masaktan.. kase masakit masaktan lalo na kung malaman mong hindi ikaw ang handa nyang mahalin at pakisamahan ng totoo…
  44. Please pakisabi na lang na MAHAL ko sya, di na baling may mahal syang iba…Ang mahalaga para sa akin ay malaman nyang Mahal ko sya.
  45. Minsan na ako nagmahal, minsan na rin ako nasaktan, minsan naging tanga dahil minahal kita.. Papayag pa ba ako maulit? bakit hindi… minsan lang ako naging masaya ng minahal kita..
  46. Masakit kapag yung taong mahal mo mas masaya sa piling ng iba, pero diba mas masakit isipin kung masaya ka para sa kanila pero sa isip mo, sana ako na lang sya.
  47. Alam mo ba na mahalaga ka sa Buhay ko. Hindi kumpleto buhay ko pagwala ka sa tabi ko. Bakit ko pa sinasabi ito, Tanong ko lang pag ako nawala… Kawalan ba ako para sayo?
  48. Nagmahal ako sabi nila tama na! Naghanap ako ng iba sabi nila pareho-pareho lang sila, Itinuring kitang espesyal sabi nila tigas daw ng ulo ko! Ang sabi ko di bale na… Mahal Kita eh!
  49. Nagparaya ako kahit masakit sa akin kase mahal kita, pero kung sasaktan ka lang niya… Balik ka ah! hihintayin kita…
  50. Suko na ako, Hindi na kita Mahal, Kalimutan mo na ako, Hindi na kita kailangan…. Pero ang totoo hindi ko kaya mawala ka… Mahal pa rin kita.
  51. Pumayag akong mawala ka dahil dun ka masaya, pumayag ako masaktan dahil dun ka masaya, pumayag ako umiyak dahil dun ka masaya. Napilitan lang ako pumayag dahil alam ko dun ka sasaya…
  52. Huwag kang mangako, huwag mo akong pangakuan.. Basta maghihintay ako sayo, at kung di na ka babalik dahil di na sya aalis.. lagi mo tandaan na Mahal na Mahal kita.. mahal na mahal..
  53. Minsan inisip ko, ang daya mo, Hindi ka tumupad sa pangako. Pero ano ba mas masakit? ang hindi tumupad sa Pangako o ang PAIYAKIN ka?
  54. Ayaw ko na masaktan, takot na ako magmahal pa… Pero sa tuwing naiisip kita… sabi ko na lang, sana hindi kita iniwan..
  55. Pano ko masabing ILoVe you kung may sinabihan kna ng ilove you too.
    Kaya itatago ko na lang to para di na masaktan ng todo.
  56. Kung hindi ka na talaga niya mahal at alam mong hindi ka niya kayang mahalin, wag ka nang umasa pa.
    Ang dami na ngang tanga, dadagdag ka pa?
  57. Pakawalan mo ang mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
  58. Minsan kung sino pa yung rason mo kung bakit ka masaya, siya din ang rason kung bakit masasaktan ka ng sobra.
  59. Dapat alam mo kung kailan ka dapat KUMAKAPIT at BUMIBITAW. Di naman kasi lahat ng minamahal dapat IPAGLABAN, dahil minsan yung inaakala mong MASAYA sayo mas sasaya pala pag PINALAYA mo. Sad but truth!
  60. Masakit iwan ng minamahal, eh papano kung iwan ka ng mahal mo? Kung iisipin pareho lang masakit e? Pero may mas sasakit pa ba kung iwan ka niya dahil sa iba? Kahit alam niya na di mo makakaya?
  61. Sabi mo, “Musta na?” Di kita sinagot, yumuko ako. Akala mo ayaw kita makita, pagtingin ko wala kana. Di man lang inantay sagot ko. Sasabihin ko sana, “Eto…mahal pa rin kita.”
  62. My friend asked me, “Mahal mo pa siya?” Then I replied, “Sobra.” They asked me again, “Bat di mo ipaglaban?” I just whispered, “Masaya na siya…guguluhin ko pa ba?”
  63. I always thought that you feel the same way I do. I was very happy. But when I turned my back, I saw you with someone else. Then I asked you, “Bakit mo ko pinaasa?” You said, “Di kita pinaasa, mahal kita, FRIENDS tayo di ba?!”
  64. Darating sa puntong kahit ilang beses ka nyang saktan, ikaw rin naman ang mahihirapang mang-iwan.
  65. Minahal kita noon pero pinabayaan mo ako. Minahal kita ngayon pero binalewala mo. Ngayon minahal mo ako pinakawalan ko. Bakit ngayon mo pa ako minahal? Ngayong may mahal na akong iba.
  66. Ang hirap maging ex lang. Di mo alam magseselos ka, kung magagalit ka. Kung magtatampo ka sa kanya. Bakit anong pakialam mo na panghimasukan ang buhay nya? Isa ka na lng nakaraan diba?
  67. Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
  68. Ang hangin kahit saan pwede pumunta, pwede madama, at pwede mo makasama. Samantala ako nandito mag-isa habang iniisip ka. Sana hangin na lang ako para sa mga oras na ito… Magkasama tayo.
  69. Lahat naman ng tao sumiseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
  70. Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin
  71. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
  72. Di ba masarap magkaroon ng theme song para sa mahal mo? Di nakakasawang pakinggan. Pero nang magkahiwalay kayo and dating kantang nagbibigay buhay sayo, ang siyang kantang unti -unting dumudurog sa puso mo.
  73. Lahat tayo napapagod. Wag niyong hintayin na mawala pa sila sa buhay niyo bago mo sila pahalagahan.
  74. Ibinigay ko na ang lahat pero di pa rin sapat.
  75. Ang oras ay isang mahalagang elemento sa mundo. Bumibilis kapag masaya ka at bumabagal kapag wala ka.
  76. Dapat pag nagmahal ka, mahal lang huwag mahal na mahal. Para pag nasaktan ka, masakit lang hindi masakit na masakit.
  77. Bakit pag may gusto tayo kaylangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? Pero pag andyan na, saka mo lng malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo…
  78. Kailan mo ba malalaman na mahal kita? Kapag wala na ako? Kapag wala kang matakbuhan? Siguro! Pero sana naman malaman mo kasi hirap na ko eh… Pagod na akong iparamdam sa iyong mahal kita… MANHID KA BA TALAGA?
  79. Minsan kailangang maghiwalay para magkasubukan. Minsan kailangang masaktan para may matutunan. At minsan kailangan mong mag-isa para malaman mo kung siya na nga ba o kung may darating pa.
  80. Di madaling maghintay. Di rin biro magmahal. Minsan akala mo “ok na”. Minsan akala mo “siya na” pero mamamalayan mo na lang na dumaan lang pala siya sa buhay mo para “turuan ka”..
  81. siguro nga magkaibigan lang talaga tayo pero minsan di maiaalis na isiping sana maging higit pa dun pero kahit masakit, kelangang tanggapin NA YUN LANG ANG KAYA MONG IBIGAY!!
  82. minsan hindi sapat na mahal mo ang isang tao.. o kung alam mong mahalaga ka para sa kanya.. kasi bago ang lahat, dapat alam mo ang pagkakaiba ng MAHAL sa MAHALAGA KA LANG!
  83. isipin mo na lang…parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan, parehas tayong nahirapan. pero bakit ganun? sa bandang huli…sino lang ang natira? ako lang diba?
  84. sabi nila masakit kapag di ka nakikita ng mahal mo dahil may iba na siyang tinitignan.. pero mas masakit palang kahit wala na siyang tinitignang iba.. di ka pa rin niya makita!
  85. I LOVE YOU salitang madaling Bitawan, masarap pakinggan, MAhirap asahan, at madalas nadadala ka sa sobrang kaligayahan .KAHIT MINSAN WALANG KATOTOHANAN
  86. Minsan kahit ilang bese pang sinasabi ng isip mong TAMA NA. pilit paring ibubulong ng puso mong KONTENG TIIS PA.
  87. Alam mo minsan sumasagi sa isip ko kung ako nga talaga ang mahal nya kasi ang hirap paniwalaan ang taong puro salita at iyak lang. Pero intindihin ako di man lang magawa.
  88. Sana ako ang namimis mo. Sana ako ang palaging hinahanap mo. Sana ako ang mahal mo at sana wag kang magagalit sa mga pinagsasasabi ko dahil hanggang “sana” lang naman ako.
  89. Ni minsan hindi ako naniniwala na kapag ang tanga daw ay natuto eh, humanda ka… Kalokohan, eh!! Sa mga nakikita ko… Kapag ang tanga natuto, pahinga lang ng konti maya-maya tanga na naman ulit.
  90. Miss kita. Alam mo ba? Hindi? Tanga! Iniisip kita. Alam mo ba? Hindi? Tanga! Mahal kita. Alam mo ba? Hindi? Tanga! May mahal ka kasing iba. Ay! Ako pala ang tanga. Kaya pala..
  91. Maling iwasan ka pero ginawa ko.
    Maling mag-alala pero ginawa ko.
    Maling mahalin ka pero ginawa ko.
    Pero ang kalimutan ka, damn! Bat yun ang di ko magawa?
  92. Sabi mo di ka nanghihinayang na nawala siya sa’yo o nagsisisi na iniwan ka niya. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala dahil nakatulog ka ng lumuluha sa tabi ko habang pabulong kong sinasabi, “ako kaya iiyakan mo?”
  93. Its hard to realize, to accept. When the one you love has to go. It hurts but you say, “kaya ko to!” Tears fall coz wat you really mean is, “sh*t, pano nko?”
  94. Ang buhay raw parang biro. Kung ano pa yung mahalaga, un pa mawawala sau. Eh ang pagdating mo sa buhay ko? Biro rin ba? Wag naman sana. Kasi pag kaw nawala, hindi na nakakatawa..
  95. Ang love parang sugal. Minsan talo, minsan panalo, minsan tiba-tiba, minsan bawi lang. Pero lam mo kung ano masakit? Ang makita mong panalo kana sana. kaso hindi ka tumaya.
  96. Masama bang mapalingon sayo at titigan ka? Masama bang maging masaya pag nakakausap kita? kasalanan bang masaktan kapag tinutukso ka sa iba? At pakisbi naman sakin, kasalanan bang mahalin kita?
  97. Sabi ko dati, kahit ano mangyari ipaglalaban ko siya. Kahit ano mangyari di ko hahayaan mawala siya. Pero nakakapagod din pala na ipaglaban yun taong walang ginawa kundi pakawalan ka.
  98. Masakit kapag nkikita mo yung mahal mo nasasaktan dahil sa mahal niya. Wala kang magawa kasi wala ka namang karapatan. Maiisip mo nalng bigla, “bakit ang taong pinapangarap ko, binabasura lang ng ibang tao?”
  99. Minsan sa pag-aakala kong mahal ako ng isang tao, nadedevelop narin ako, pgla2bn kc akla 22o. mskit ng mlamn qng my halong pnloloko. na2nhimik aq, drting xa, sa2ktan lng pla aq..
  100. mling icpn xa pro gnawa ko. mling mgalala s knya pro gnwa ko. mling mhlin xa pro gnawa ko. pro ang klimutan xa. “un sna ang tama pro bkt d ko mgawa?”
  101. bkt b pg ngmmhl ka ngmu2ka kng tanga? dhil ba ngiging mli ka kht tama ka? dhil b ngiging mhina k kht mlakas ka? dhil b ngbbgay k kht wlang kpalit? o dhil msaya ka kht mskit?
  102. mskit mging kaibigan ng taong mhl mo, di mo alam kun san k lu2gar. d k dpat umasa pa. o di kya mainis sknya. bkt? anu krapatn mo? kaibign k lng db?
  103. hirap dba? pag ung mhal mo dka pnapancin..ang lungkot iciping d mo cia mlpitan,mhawakan o mkausap man lng.pro dba mas mskit iciping cia ang buhay mo pro basura ka lng sa buhay nya.
  104. paulit ulit lng buhy pag ibg e. mkikilala ko, mahuhulog ako. mgmmhal ako, mmhalin ako. iiwn ako iiyk ako. kung mhl mo nko puede hanggang dun nlng?. wag mo nko paiyakin.
  105. sabi nila pag mahal mo isang tao, matututo kang pakawalan cia. kung sau, sau. kung hindi, hindi. eh pano mo iisiping pakawalan cia? kung cia ang dahilan kung bakit ka nagmamahal.
  106. kbgan kita, dpat iingatn mo ko. kbgan kta, klanga nlgi kang andyan. kbgan kta, dpat mhal mo ako. kbgan kta…kya 2lungan mo akong icping kbgan lng tlaga kita!!!
  107. kgabi ng-usap kmi ni Lord. sbi ko s kña “bkit po ang skit-skit…ngmhal nman ako db? nyakap ña ako sabi ña ‘anak, sobra kasi…”
  108. cguro nga di sa lhat ng oras e aasa tyo s mga pngarap ntin. masa2ktn lng tyo. kc di lhat ng pngrap ntin pra stin, natu2pad. parang ako, pngarap lng kita…hanggang pngarap lang.
  109. Minsan may bumatok sa akin, sabay sabi: matauhan ka na nga!
    hindi ka niya mahal at hindi na mamahalin pa!
    Nasabi ko na lang: hindi naman ako umaasa..
    MAHAL KO LANG TALAGA
  110. Minsan na ako nagmahal..
    minsan ding nasaktan..
    minsan ng naging tanga dahil minsan minahal kita..
    papayagan ko ba maulit?
    bakit hinde? eh minsan lang ako naging masaya..
    NUNG NAKILALA KITA..
  111. Wag kang magalit sa taong kinailangan kang iwan,
    tama man o mali ang kanyang dahilan.
    Dahil mas mabuti ng mang-iwan…
    kesa makipag-siksikan.
    Marahil ang dahilan ng katapusan ay hindi ang katotohanan
    na may panibagong aasahan kundi ang realidad na lahat ng bagay
    matibay man o hindi.. ay may hangganan.
  112. Minsan tinitingnan mo lang ang gusto mung MAKITA..
    Pinapakingan mo lang ang gusto mung MARINIG..
    Bakit hindi subukang intindihin ang hindi mo maintindihan.
    Baka sakling malaman m0 yung dapat mung MARAMDAMAN
  113. Minsan ang sinasabi ng isip,
    Iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin, nalilito!
    Hindi malaman kung alin ang dapat sundin.
    Ang isip na nagsasabi ng dapat?
    O ang pusong nagmamahal ng tapat.
  114. Minsan daw, kakapagod magmahal:
    Minsan masaya tapos may oras na iiyak ka!
    Sabi nila magsasawa din ako.
    Sabi ko di totoo yun! Alam mo bakit?
    “kailan ba nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo.
  115. Kahit gaano ko kalakas isigaw sa buong mundo,
    Kung gaano pa rin kita kamahal,
    Hindi mo ito maririnig dahil iba na mundo mo.
  116. Minsan ang daling sabihing mahal mo sya
    Pero ang totoo, mas mahal mo yung isa!
    Pero bakit mo pinipilit na mahalin yung isa?
    Simple lang! Syempre, para makalimutan mo
    Yung mahal mong talaga! Tama ba
  117. Ipinagpalit ko lahat para sayo,
    Iniwan ko siya, dahil lang sayo…
    Kse mahal kta.. Pero iniwan mo din ako…
    Ngayon, alam mo ba kung sino kasama at kadamay ko?
    Siya, na iniwan ko, dahil lang sayo.
  118. Mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba
    Mahirap umasa, mahirap magmukhang tanga,
    Pero ayos lang, ang mahalaga, mahal kita,
    Hanggang mapagod ang puso kong maghintay at umasa
  119. Di ba sinabi ko sayo noon pa na gusto kita?
    Pinaramdam ko rin sayo na kelangan kita diba?
    Isang araw tinabihan po kita at sinabing,
    “alam mo, mahal kita” pero sabi mo naman…
    “kaw talaga nagpapatawa ka ba?”
  120. Biniro kita, ginago mo ko.
    Nasaktan kita, tinarantado mo ko.
    Sa lahat ng ginawa ko, mas matindi ang ganti mo.
    Kaya ngayon, tanong ko lang.
    Bakit di mo pinantayan ang ginawa ko,
    Nung mahalin kita ng todo-todo
  121. I asked God bakit masakit magmahal?
    Di nya ko sinagot, tumulo luha ko.
    Alam mo ba.. He shows me a sign.. the tears.
    Sabay sabi hangga’t may luha masarap magmahal.. kasi totoo
  122. Hindi kita nakikita pero okay lang..
    hindi kita nakakausap pero okay pa rin..
    masaya ko kahit wala ka sa tabi ko,
    pero gusto kong malaman mo na..
    kulang ang buhay ko kahit okay ako
  123. Kapag magulo ang mundo mo,
    kapag iniwan ka ng mahal mo at walang nkaikinig sa iyo,
    sana lapitan mo ako…at di ako magdadalawang-isip na sabihing
    “tara, samahan kita…iwanan natin ang mundo
  124. Na-feel mo na ba na akala mo forget mo na siya
    wala na, tapos ng lahat…
    tapos one day nagkita kayo…
    ngumiti sa iyo…at nasabi mo na lng na…
    tang ina, mahal ko pa siya
  125. Pinilit kong kalimutan ka
    Pinilit kong umibig sa iba
    Pero ano bang kelangang kong gawin
    Kung ang puso kong hibang, ayaw kang limutin?
  126. Sana, noon ko pa sinabi na mahal kita,
    Sana ngayon ay kasama na kita.
    Sana noon pa ay tayo na
    Dahil masakit tanggapin na sabihin mo na,
    “Mahal din kita, pero sana noon pa,
    Noong wala pa akong iba”
  127. Kahit gaano pa karaming coke ang inuumin ko,
    hindi ko parin makukuha ang tunay na happiness
    kung wala ka sa tabi ko.
  128. Mahirap maging “ghost” sa taong mahal mo..
    You’re always there pro d nya feel presence mo..
    nagpaparamdam k n pro balewala p rin..
    cguro gnun tlga.. lalo na kung walang 3rd eye ang puso nia
  129. Nakita kita na may kasamang iba,
    Nasaktan ako, lumuha,
    Ang sakit pala na makita mo ng harapan
    Na makitang hindi na sayo ang dating nagsasabing
    Mahal kita, magpakailanman.
  130. Hindi ko masasabing hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.
    Kasi nabuhay na ako bago pa man kita makilala.
    Siguro mas magandang sabihin na ayaw kong mawala ka.
    Kasi masayang mabuhay ng kasama ka..
  131. Huwag kang bumitaw hangga’t
    binibigyan ka nya ng dahilan para kumapit.
    Pero kung hindi ka naman nya hinahawakan ng mahigpit,
    mas okay na yung malalaglag ka at masaktan
    kesa iwanan kang nag-iisa nang nakalutang.
  132. Malalaman mo lang na mahalaga ang PISO
    kapag nagkulang ang PAMASAHE mo.
    Same as..
    Malalaman mo lang na MAHALAGA ako sayo
    kapag wala nako sa BUHAY MO.
  133. Habang nasayo ang taong mahal mo, alagaan mo…
    Huwag mong hayaang dumating yung araw,
    Na pagsisihan mo na nawala na siya, at sabihin niya sayong ,
    “Ikaw kasi eh, pinabayaan mo ko…
  134. Bakit ang tao pag love mo, iiwan ka.
    Pag naman iniwan mo mamahalin ka.
    Pag love mo siyang talaga,
    May love namang iba bakit ganun,magulo, tulad mo
  135. Alam mo ba na sa tuwing maiisip kong malungkot siya,
    gusto ko siyang lapitan,
    yakapin nang sobrang higpit at sabihing nandito lang ako
    kaso hindi ko magawa kasi ang alam ko,
    di naman ako ang kailangan niya..
  136. Alam mo kung ano ang pinaka-masakit
    na nararamdaman ko kapag namimiss kita?
    Yung tipong kahit na napakaraming taong nkapaligid sakin,
    Ikaw at ikaw parin talaga yung unang una kong hahanapin.
  137. Minsan gusto kong tumakbo, malayung-malayo sa iyo..
    baka sakaling makalimutan kita..
    kaya lang sa pagtakbo ko,
    dala ko pa rin ang puso ko na walang ibang laman kundi.. alaala mo
  138. Masakit iwan ng minamahal,
    Eh papano kung iwan ka ng mahal mo?
    Kung iisipin pareho lang masakit e
    Pero may mas sasakit pa ba kung iwan ka niya dahil sa iba
    kahit lam niya na di mo makakaya
  139. Kung my mahal ka, wag kang TANGA!
    Don’t let her na maagaw ng iba.
    Dahil pg yan nakita mong masaya, bka magcc ka..
    at masabi mong “dapat akin siya kung di lang ako tanga.”
  140. Pautang nga ng oras mo.
    Babayaran ko ng pagmamahahal ko.
  141. Hindi mo matiis ang isang tao kasi mahal mo siya.
    Pero natitiis ka niya,
    dahil alam niyang mahal mo siya.
  142. HINDI ko alam gamitin ang salitang MAGSERYOSO
    Sa mga taong hindi rin alam gamitin
    ang salitang MAKUNTENTO.
  143. Alam mo yung masakit ?
    Yung pinaramdam sayo na SPECIAL ka,
    pero iiwan ka rin pala
  144. Hindi naman masama ang magmahal
    Nagkakataon lang na mali ka ng minahal.
  145. Kahit masakit, pinilit kitang kalimutan..
    Kahit masakit, pinilit kong wag umiyak…
    Kahit masakit, pinilit kong wag magtiis…
    Pero kahit anong gawin ko,
    Kaw parin ang mahal ko eh
    Kahit MASAKIT!
  146. Sabi mo gusto mo ako,
    Sabi mo konting panahon na lang
    Magkakasama na tayo,
    Sabi mo iiwan mo na sya..
    Sabi mo intayin kita,
    Sabi mo mas mahal mo ako,
    Bakit ngayon asan ka na?
    Bakit kapiling ka parin nya.
  147. Nasaktan ka ba ng malaman mong may mahal na akong iba??
    Pasensya na ha.. ayoko na kasing umasa…
    Pagod na rin akong maghintay…
    Pero makakatulong ba kung sabihin kong
    Handa ko siyang iwan para sayo.
  148. Sabi nila tanga ako, sabi nila bobo ako,
    Lahat na sinabi nila pero makit mahal parin kita?
    Sabi ko… kala ko kase may pag-asa, wala pala!
    Nasaktan tuloy ako!
  149. Noon sabi mo, hindi kita iiwan.
    Magkasama tayo kahit na anong laban…
    ipagtatangol, poprotektahan… naniwala naman ako…
    nasiyahan… yun pala hindi na natin kailangan ng laban….
    Dumating lang siya… alam ko na kung sinong talunan
  150. Sabi ko “mahal na mahal kita”
    Sabi mo “alam ko na yun”
    Tanong ko “ako ba mahal mo?”
    Sagot mo “oo naman higit pa sa buhay ko”
    Napaluha ako sa tuwa tapos sabi mo…
    “O, wag na iyak bestfriend ko
  151. Minsan, hirap din pala magpahalaga sa isang tao..
    Yun tipong lagi ka andyan para sa kanya,
    Kasama sa gitna ng giyera, karamay sa problema..
    Tapos isang araw, magigising ka na lang…
    Iniwan ka rin pala!!!
  152. Aalis ako kasi may iba kang gusto..
    Aalis ako kasi alam kong mahal mo sya at mahal ka rin nya…
    Aalis na lang ako ha!
    Kasi sa tingin ko, Masaya ka na…
    Pero babalik din ako…
    Pag iniwan ka nya..
  153. There are times in my life that
    I just want to give up and let lose
    But have you ever thought why?
    I’m still here fighting against depression..?
    Kase andyan ka e….
    Wag mo ko iiwan ha.. Bibigay ako
  154. Hindi ko naman hinihiling na ako ang unahin mo. Ayoko lang maramdaman na parang wala lang ako sayo.
  155. Minsan nakakatamad na din magseryoso. Lalo na’t parati ka nalang niloloko.
  156. Masakit ang maiwan, pero mas masakit ang manatili sa isang relasyong alam mong ikaw na lang ang nagmamahal.
  157. Wag kang magpakatanga sa taong binabalewala ka.
  158. Pwede ba tayong magkunwaring mahal natin ang isat-isa?? Tapos totohanin na lang natin pag-naniwala na sila.
  159. Ang mag syota daw ay parang presyo ng bagong model na cellphone. Sa una nagmamahalan tapos di magtatagal magmumurahan!
  160. Kapag nakikita kitang malungkot at nag iisa, gusto kitang lapitan at damayan, yayakapin ng mahigpit at sabhing nandito lang ako para sayo. Kaso di ko magawa baka kasi sabihin mo… sorry hindi ikaw ang kailangan ko.
  161. Wag kang masyadong kampanteng mahal ka niya. Kasing lakas man ng alak ang tama niya sayo, baka isusuka ka rin niya.
  162. I binigay ko na ang lahat pero di pa rin sapat.
  163. Pag na-friendzoned ka, para kang nagbukas ng ice cream container na nasa freezer. Umaasa kang ice cream ang laman nito kasi yun yung nakalagay sa label. Pero pagbukas mo, isda pala ang laman.
  164. Huwag kang gumawa ng paraan para sumuko ako. Dahil sa oras na iparamdam mo sa aking balewala ako. Kahit sobrang mahal kita “bibitaw ako”.
  165. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga.
  166. Kahit gaano pa katagal ang pinagsamahan nyo. Darating at darating din sa point na madaming magbabago.
  167. Hanapin mo yung taong gagwin kang priority hindi yung gagawin ka lang temporary.
  168. Bakit kapag kiniliti mo sarili mo, hindi ka natatawa, pero kapag iba nangiliti sayo, matatawa ka. Talaga bang kailangan ng iba para sumaya?
  169. May mga taong di payag na mawala ka. Pero di naman gumagawa ng paraan para manatili ka.
  170. Ganun talaga. Kapag ikaw ang joker sa barkada, akala nila wala kang problema.
  171. Alam mo ba yung salitang “galit ako sayo”? Yun yung ayaw kitang pansinin pero hindi kita kayang tiisin.
  172. Diba madali lang manloko? Lalo na kapag di mo mahal yung tao. Pero masakit din maloko. Lalo na kung ang nanloko sayo ay ang taong sineryoso mo.
  173. Bakit ka ba naman kasi maglilihim kung pwede monamang sabihin? Hindi yung kung kelan huli na ang lahat tsaka mo aaminin.
  174. Yung magigising ka na lang sa gitna ng gabi na umiiyak. Hindi dahil sa bangungot ng nakaraan kundi sa takot na wala na siya kinabukasan.
  175. Hindi niya naman sinabing magpakatanga ka sa kanya. Hindi mo lang talaga mapigilan maging tanga kasi mahal mo siya.
  176. Ang love parang games, pag may CHEAT madaling matapos.

Marami sa mga tagalog sad quotes na nakapaloob sa pahinang ito ay hindi matukoy kung sino ang orihinal na may gawa o akda. Kung kilala mo kung sino sila, mangyaring kontakin kami upang mabigyan namin ng proper credit ang kanilang mga gawa.

Samantala, kung ikaw naman ay nag-enjoy sa iyong mga nabasa, ibahagi mo ito sa iyong mga kaibigan at kapamilya. 🙂

Loading...