80+ Tagalog Move On Quotes

Ang sabi nila, hindi madaling mag-move on. Kung minsan inaabot ng taon o ng mas mahabang panahon ang itinatagal bago maka-move on sa isang relasyon. Hindi ka nag-iisa sa ganyang sitwasyon. Ngunit huwag naman sanang abutin ng pang habang panahon ang iyong pagmo-move on.

Dahil diyan, napakagandang malaman mo na may mga tagalog move on quotes na maaring magpalakas sa iyo. Basahin ang mga tagalog quotes sa ibaba at nawa ay unti-unti nitong mapagaan ang iyong damdamin at makatulong na maibsan ang sakit ng iyong nadarama.

SEE ALSO: 250+ Best Tagalog Love Quotes

Tagalog Move On Quotes

  1. Ang pag-ibig parang inuman lang yan, dadating din sa punto na masasabi mong, “Pass muna, hindi ko na kaya!”
  2. Hindi naman mahirap kalimutan yung tao. Mahirap kalimutan yung nararamdaman.
  3. Sayang naman ang ganda ng mga mata mo kung lagi mong iniiyakan ang maling tao.
  4. Ang pagsusulat, kapag masyado mong diniinan, hanggang sa susunod na pahina nagmamarka. Katulad ng pagmamahal, kapag masyado mong ibinigay lahat, yung sakit na gawa ng nakaraan, dala pa rin hanggang kasalukuyan.
  5. Sa pag-ibig daw, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay ang kapatawaran at hindi and pagsumbat sa kasalanan.
  6. Hindi ka makakahanap ng totoong magmamahal sayo kung pati sarili mo niloloko mo.
  7. Kapag nagmahal ka, mahal lang huwag mahal na mahal. Para kapag nasaktan ka, masakit lang hindi masakit na masakit.
  8. Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na nga ako at iniwan ng ganito tapos ngayon kung kailan ok na ko at nakalimutan na kita saka ka bumalik at sinasabing di na ko iiwan pa. Ano ba? Ayoko na! Masaya na ko ngayon pero bakit ganon? “Mahal pa rin kita leche ka!”
  9. Parang elevator lang yan eh!
    Bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo?
    Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.
  10. Hindi lahat ng blooming, inlove. Yung iba sa wakas naka MOVE-ON na!
  11. Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
  12. Matuto kang sumuko kapag nasasaktan ka na ng sobra.
    Minsan kasi ginagago ka na, kinikilig ka pa.
  13. Darating ang panahon, iiwan mo din ang bagay na nakakapagpasaya sa’yo para sa bagay na ikabubuti mo.
  14. Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sayo.
    Tandaan mo: hindi ka sardinas.
  15. Nakangiti ako di dahil masaya ako.
    Ngumiti talaga ako para patunayan sayo nandiyan ka man o wala itutuloy ko buhay ko.
  16. Hindi ka nya Niloloko. Ikaw ang mismo ang nanloloko sa sarili mo.
    Alam mo na ngang hindi seryoso, Go ka pa rin ng Go.
  17. Wag nang ipilit ang mga bagay na hindi na pwede.
  18. Akala natin madali lang mag-move on; madali lang makalimot; madali lang mag-pretend.
    Pero mahirap pala lalo na kung ang gusto mong kalimutan ay yung taong minahal mo ng lubusan.
  19. Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya.
    Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya.
    Sino ngayon ang manhid?
    Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya?
    O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?
  20. Mahirap pag nakalimutan ang dapat tandaan,
    pero mas mahirap pag lagi mong natatandaan ang dapat mo ng kalimutan.
  21. Huwag ka nang KUMAPIT kung alam mo na BIBITAWIAN ka lang. Mas masasaktan ka lang.
  22. Mahirap pag nawala ung mahal mo. Nakakalungkot, masakit, nakaka-miss.
    bakit ganun? Pgkatapos ng saya, dadating din yung time na iiwan ka niya,
    dun pa sa part na sobrang mahal mo na siya.
  23. Kasama sa pagmamahal ang salitang PAGPAPALAYA.
  24. Kung talagang para sa’yo ang isang tao,
    mawala man siya sa’yo ng mahabang panahon,
    magkikita pa rin kayo kapag…
    TAMA NA ANG MALI at PWEDE NA ANG DI DAPAT.
  25. Darating yung panahon na gusto mong balikan yung taong pinakawalan mo noon.
  26. Kahit na hindi mo balikan ang nakaraan,
    babalik at babalik ng kusa ‘yan hangga’t hindi mo binibitawan.
  27. Hindi lahat ng nakaraan binabalikan yung iba kailangan na talagang kalimutan kasi baka pag binalikan mo pa masaktan ka nanaman.
  28. Minsan yang pag momove on na yan, mas matagal pa kesa sa relationship.
  29. Mas madaling mag move on kung mag focus ka muna sa mga taong nagmamahal sayo. Hindi yung mag fofocus ka sa taong mahal mo pero di ka mahal.
  30. Ang paglimot sa taong mahal mo ay parang pagbangon sa umaga na may pasok. Mahirap pero kailangan.
  31. Kung mahal ka talaga niya, dapat hindi ka nya balikan. Dahil sa simula pa lang, dapat hindi ka niya iniwan.
  32. Kahit na hindi mo balikan ang nakaraan, babalik at babalik ng kusa yan hangga’t hindi mo binibitawan.
  33. Yung feeling na gusto mo na mag move on pero tuwing naaalala mo ang inyong pinagsamahan, namimiss mo sya.
  34. Saka mo lang malalaman na PANGET pala talga ang EX mo
    Kapag naka-MOVE on ka na.
  35. Ayokong nasasanay sa mga bagay na
    pwede namang palang wala sa buhay ko
    kaya tsupi!!!  Nakamove-on na ako.
  36. Alam mo ba ang DEFINITION OF EX:
    Thanks for the EXperience. Our time has EXpired. Now EXit my life.
  37. Isang araw magsisisi ka dahil pinakawalan mo ako. At sa oras na yun, naka-move on na ‘ko.
  38. Kung matagal ka ng nagho-hold on sa isang tao at wala pa ding nangyari, hindi let go ang solusyon dyan. Acceptance.
  39. Naging mas masaya ang buhay ko
    nung mabura ka sa buhay ko. Buti na lang!
  40. Kapag nakita mo ang crush mo na may kasamang iba.
    Isipin mo nalang ipinasyal niya ang Aso nya.
  41. Hahanapin sana kita sa dictionary..
    eh bigla kong naalala na wala ka na palang MEANING!
  42. Masarap magantay, kung may inaantay ka.
    Pero kung wala? Move-on, move-on na.
  43. Naka Move-on na ako tapos bigla kang magpaparamdam?!
    YOU DON’T DO THAT TO ME.
  44. Nung iniwan mo ako, ikaw ang sinisisi ko.
    Kung bakit lubos akong nasaktan. Mahal kasi kita,
    di mo ako maintindihan…
    Pero SALAMAT HA! Kasi kung di mo ako iniwan…
    Di ko siya matatagpuan!
  45. Kapag nireject ka hayaan mo na
    Instead gumawa ka ng mga paraan para magsisi sya
  46. Kung hindi mutual ang feelings natin,
    Pwes! gagawin kong mutual. Ayaw ko na rin sa’yo.
  47. Wag ka mag-alala, naka move on na ako!
    Asa ka namang Bitter pa ko
  48. Bakit kita IIYAKAN!
    Kaya naman kitang PALITAN!
  49. Alam mo kung paano ako magmo-MOVE ON? Magkukunwari ako na di kita mahal hanggang sa ito ay magkaTOTOO.
  50. Hindi lahat ng nakaraan binabalikan yung iba kailangan na talagang kalimutan kasi baka pag binalikan mo pa masaktan ka nanaman.
  51. Hindi ginawa ang break up para masaktan at lumuha, Ginawa ito para ilayo ka sa maling tao na akala mo tama.
  52. Tama na yong minsan, sinaktan mo na ako. Pagod na rin akong umasa. At isa pa, ayaw kong matawag na isang tanga.
  53. Kaya hindi ka maka-move on eh, kasi hanggang ngayon, iniisip mo pa rin na pwede ka pa niyang mahalin.
  54. Tandaan! Isa sa mga pinaka-mahirap gawin ay yung mag move on ka kahit hindi naman naging kayo.
  55. Move on. Kaya mo yan, hindi siya ang huling tao sa mundo na to.
  56. Minsan kahit gaano pa kahalaga kailangan mong iwan talaga dahil ramdam mong hindi ka na mahalaga sa kanya.
  57. Bago ka magmahal ng iba, siguraduhin mong naka move on ka na talaga.
  58. Minsan ang pag move on hindi rin dapat pinipilit. Gaya ng pagdating nya, mawawala din yan ng kusa.
  59. Walang taong gustong masaktan. Pero wala kang matututunan kung hindi ka masasaktan.
  60. May mga bagay na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo pa rin maiiwasan na masaktan.
  61. Pag nagmahal, minsan masaya, pero madalas masakit, tapos tatawagin ka pang tanga ng iba. Kasi sinasaktan ka na, sinasabi mo pa, ”Pano sya? Di mo ba naisip.. Ikaw, pano ka?”
  62. Mas madaling mag move on kung mag focus ka muna sa mga taong nagmamahal sayo. Hindi yung mag fofocus ka sa taong mahal mo pero di ka mahal.
  63. Dapat matuto tayong bumitaw. Dahil mas okay ang maging malungkot ng panandalian kesa magmukhang tanga ng matagalan.
  64. Kapag alam mong wala nang pagmamahal, wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo. Sa huli ikaw rin ang talo.
  65. Yung ganyang kalaking pagmamahal, ganyang overwhelming love, imposibleng walang pupuntahan, e. May mababalik sa’yong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik ‘yan sa’yo.
  66. Dapat wala ka nang pakialam. Kasi the fact na nagagalit ka pa, ibig sabihin may pagmamahal pa.
  67. Hindi mo mahahanap ang tamang tao para sayo hangga’t hindi mo iniiwan ang maling tao na pilipilit mong maging tama para sayo.
  68. Wag na wag kang manghihinayang sa taong ikaw mismo ang sinayang.
  69. Yung eksenang sana kasing bilis ng pag-fall sa kanya ang pag-move on sa lahat ng bagay na namagitan sa inyong dalawa.
  70. Minsan, dapat matuto tayong bumitaw. Dahil mas okay na ang maging malungkot ng panandalian kesa magmukhang tanga ng matagalan.
  71. Lahat ng kasalanan kayang kalimutan, pero hindi lahat ng nakaraan kayang ibalik ng kapatawaran.
  72. Di madaling maghintay. Di rin biro magmahal. Minsan akala mo “ok na”, minsan akala mo “siya na” pero mamamalayan mo na lang na dumaan lang pala siya sa buhay mo para “turuan ka”.
  73. Kung  respeto ang hinahanap mo, unahin mo munang respetuhin sarili mo.
  74. Minsan kailangan muna nating masaktan bago tayo matauhan.
  75. Paano kung magkikita kayo ng ex mo at sinabing, “musta na?” sabihin mo, “I look good nung tayo pa pero tingnan mo ako ngayon… I look million times better nung mawala ka!”
  76. Paano mag move on? Simply lang, iwanan ang katangahan irampa and kagandahan.
  77. Sinaktan ka ng tulad nya tapos maghahanap ka ng tulad nya? Ano ka tanga?
  78. Bago ka pumasok sa isang relasyon siguraduhin mong ready ka.
  79. Ang pagsuko ay di pagpapakita ng kahinaan, sadyang may mga bagay lang talanga na di na kayang gawan ng paraan kahit gaano mo pa gustong lumaban.
  80. Dahil ba mahal kita noon. Mahal pa rin kita ngayon. Hind ba pwedeng nasiraan lang noon at natauhan na ngayon.
  81. Hindi mo makikita ang totoong taong nagmamahal sayo kung ikukulong mo ang sarili mo sa mga salitang “baka masaktan lang ako”.
  82. Hindi mahirap gawin ang salitang “move on” nahihirapan ka lang dahil iniisip mo na ikaw yong nawalan.
  83. Pwede ka naman maging masaya kahit wala ka sa isang relasyon. Dahil pwede ka naman sumaya sa simpleng inspirasyon.
  84. Binalewala mo siya tapos kapag nakita mo siyang masaya sa iba, masasaktan at magagalit ka. Tanga ka?
  85. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa kanya. Dahil kahit kailan walang sumasaya sa isang bagay na sapilitan lang.