Love Quotes Tagalog: 60+ Tagalog Love Quotes

7
Tagalog Love Quotes

Ikaw ba’y umiibig at nais na mapasaya sa munting salita ang taong iyong iniibig? Hindi mo ba masabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo? Gusto mo bang ipaalam sa iyong minamahal kung gaano siya kaimportante at kahalaga sayo? Kung gayon, bagay sa iyo ang love quotes collection na ito!

Kinalap namin at pinagsama-sama ang mga tagalog love quotes na siguradong kakikiligan hindi lamang ng mga kababaihan kundi pati na rin ng mga kalalakihan. Maraming tao na ang napangiti ng mga simpleng banat na ito kaya ano pang hinihintay mo? Basahin na ang mga love quotes tagalog sa ibaba at ibahagi sa iyong minamahal upang mapasaya siya.

SEE ALSO: Hugot Lines: 60+ Tagalog Hugot Lines

Love Quotes Tagalog

  1. Minsan hindi mo na kailangan tanungin sa kanya kung mahal ka niya kasi sa paraan pa lang nang pag trato niya malalaman mo na.
  2. Sana ang pag-ibig parang sukli sa jeep. Kahit ipasa pasa ka pa sa maraming tao, kukunin at kukunin ka pa rin ng tunay na nagmamay-ari sayo.
  3. Ang PAG-IBIG parang harutan. Minsan hindi mo maiiwasang hindi MASAKTAN.
  4. Madali man akong magalit, magselos at mag tampo…
    Weakness ko pa din ang Sorry at I love you mo.
  5. Aanhin mo pa ang bahay nyo kung nakatira ka na sa puso ko?
  6. Alam mo ba ang salitang “pagmamahal”? Hindi ko yan pinag-aralan pero sayo ko yan natutunan.
  7. Sabi nila iwan na kita.
    Sabi ko ayoko nga!
    Sabi nila masasaktan mo lang ako.
    Sabi ko mawawala rin yun!
    Sabi nila pinaiiyak mo lang ako.
    Sabi ko ok lang!
    Tinanong nila kung bakit.
    Sabi ko mahal kita.
    Nanahimik sila.
  8. Hindi naman masamang maging selfish. May mga bagay lang talaga na hindi pwedeng may kahati.
  9. Di ko man maisigaw sa buong mundo kung sino ang mahal ko, sapat nang alam natin pareho na ikaw ang tinutukoy ko.
  10. Hindi sa lahat ng panahon ay may taong laging nandiyan para unawain at intindihin ka. Kaya kung sino man ang tao na iyon sa buhay mo: Pakaingatan mo siya.
  11. Sa tamang panahon may isang taong magpapatunay sayo kung bakit ka para sa kanya at kung bakit hindi ka para sa iba.
  12. Sa isang patak ng tubig nabuo ang ulan.
    Sa isang buhos ng ulan, nabuo ang baha.
    Sa isang kapirasong lupa, nabuo ang mundo.
    Sa isang hulma ng putik, nabuo ang tao.
    Parang ikaw…
    Sa isang ngiti mo nabuo ang puso ko.
  13. Piliin mo yung taong handang hawakan ang kamay mo anuman ang sitwasyon. Siya kasi yung taong handang iparamdam sayo na kahit hindi na maganda ang nangyayari hinding hindi ka niya bibitawan.
  14. Kung ang isang buong araw ay binubuo ng 86,400 segundo…
    Anong pake ko? Kung ikaw lang naman ang kailangan para mabuo ang araw ko!
  15. Paano ko ba mapapatunayang mahal kita?
    Tatawid ba ako sa alambre? Susungkitin mga bitwin?
    O aakyat sa pinakamataas na bundok?
    Mahirap yon.
    Ganito na lang…
    Hawakan mo na lang ang puso ko para mapatunayan kong sa’yo lang ang buhay ko.
  16. Sabi nila tanga daw ako dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko.
    Nasaktan ako sa sinabi nila pero hindi na ako kumibo.
    Alam ko naman kasi ang totoo.
    Hindi ako tanga. Hindi lang sila marunong magmahal.
  17. Iwanan ka man ng taong mahal mo…
    Iwanan ka man ng inaakala mong magpapasaya sa’yo..
    Wag kang mag-alala.
    Hahakbang ka palang papunta sakin,
    Tatakbo na ‘ko papalapit sa’yo.
  18. Importante ba yung salitang “mahal”? Ewan ko, di ko alam.
    Pero para sa akin, mas importante ka.
    Alam mo kung bakit?
    Paano ko masasabi yung salitang “mahal kita” kung wala ka?
  19. Minsan may nagtanong sakin kung na-inlove na daw ako.
    Napangiti ako sa sinabi niya.
    Because at that very moment I was thinking of YOU.
  20. Hindi ko naman kailangan ng perfect person na magmamahal sa akin. Kailangan ko lang ng taong magpapadama sa akin na kahit anong mangyari hinding hindi niya ako iiwan.
  21. Darating ang araw lahat ay lilipas at magbabago ang lahat.
    Pero isa lang ang hindi pwede magbago….
    Ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa’yo.
  22. Alam kong mas maswerte pa ako kay John Lloyd dahil nakilala kita.
    You know why?
    Kasi I had you at my best and I’ll know that I’ll still have you at my worst!
  23. Lahat tayo naghahangad ng magagandang bagay: magandang kotse, magandang bahay, magandang sapatos, magandang damit.
    Pero sakin isang magandang bagay lang ang hinahangad ko.
    IKAW.
  24. Sana kaya kong ibigay ang buong mundo sayo para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.
  25. Lagi kong sinasabi sayo na aalagaan kita, lagi kong sinsabi sayo na mamahalin kita habangbuhay.
  26. Sabihin man nilang ang “cheesy” ko pero para sakin totoo lahat yon.
    Kasi sa buhay ko ngayon ikaw na lang yung tangi kong pinanghahawakan kaya hinding hindi na kita pakakawalan.
  27. Nagseselos lang naman ako dahil mahal kita at takot akong mawala ka.
  28. Nakakainlove yung taong magkapareho kayo sa gusto at ayaw.
    Pero mas nakakainlove yung taong kahit ayaw nya basta para sayo gugustuhin nya.
  29. Ayokong mangako, hindi ako magaling sa mga ganyang bagay.
    Pero para sa’yo babaguhin ko lahat ng bagay na pag aawayan natin.
    Kasi mahal kita. Yun lang yon.
  30. Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin yung pagmamahal ko para sa’yo.
  31. Ikaw yung pinakamagandang bagay na dumating sa akin, kaya hinding hindi ko hahayaan na basta-basta ka na lang mawawala sakin.
  32. Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso.
    Extension ng puso ang tenga,
    kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal.
  33. Kung hindi mo mahal ang isang tao,
    ‘wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.
  34. Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka,
    wag mong sisihin ang puso mo.
    Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
    Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin!
    Bakit?
    Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay!
    Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo,
    kundi IKAW mismo!”
  35. Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.
  36. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
  37. Yung taong yayakapin ka sa likod, at ididikit ang mga labi sa tenga mo at sasabihin sayo, “Di kita iiwan.”
  38. Alam ko laspag na tong mga ganitong banat pero hindi ko matiis sabihin na sa tuwing nakangiti ka, hinihila ang mga paa ko papuntang langit, para kong nasa ulap.
  39. Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
  40. Ang relasyon parang ngipin, hindi masisira kung walang K-A-B-I-T-ies.
  41. Dear Lalake,
    Manligaw ka ng babae dahil mahal mo siya,
    ‘di dahil alam mong sasagutin ka niya.
  42. Yung feeling na may naalala kang nakakakilig na nangyari at bigla ka na lang napangiti!
  43. Lagi kong sinasabi sayo na aalagaan kita.
    Lagi kong sinsabi sayo na mamahalin kita habangbuhay.
    Sabihin man nilang ang “cheesy” ko pero para sakin totoo lahat yon.
    Kasi sa buhay ko ngayon ikaw na lang yung tangi kong pinanghahawakan kaya hinding hindi na kita pakakawalan.
  44. Nakakainlove yung taong magkapareho kayo sa gusto at ayaw.
    Pero mas nakakainlove yung taong kahit ayaw nya, basta para sayo gugustuhin nya.
  45. They say that “action speaks louder than words”, kaya lang puro ka lang paramdam.
    Malay ko ba kung may pagtingin ka sa akin.
    Ayoko namang umasa. Tanong ko lang, mahirap bang sabihing “mahal kita”?
  46. Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit paulit-ulit. Kahit araw-araw.
  47. Alam mo ba kung bakit nauuna ang A sa B?
    Kasi mas importante ang ATTITUDE kesa BEAUTY.
  48. Wag magpakatanga sa PAG-IBIG.
    ‘Cause GOD gave you REAL EYES to REALIZE the REAL LIES.
  49. Wag mong gawing soccer ang pag-ibig na pagkatapos mong sipain, saka mo hahabulin.
  50. Paano kayo magiging TOGETHER kung hindi naman gumagawa ng paraan TO-GET-HER?
  51. Ang hirap bitawan nung taong kahit hindi kayo, siya yung nagpapasaya at kumukumpleto ng araw mo!
  52. It’s better to be MAARTE than be MALANDI. Kasi being maarte is just being mapili while ang malandi walang pinipili.
  53. Mahal mo? Ipaglaban mo parang pangarap mo.
  54. Kala ko dati malas ako. Kala ko pinagtripan ako ng mundo. Tapos napatingin ako sayo, tpos napangiti. Bakit? Kasi kahit gaano ako kamalas, bawing-bawi naman dahil sayo!
  55. Kung nahihirapan kang maghintay ng tamang tao para sa’yo…
    Mas mahirap namang magsisi ng dahil sa kamamadali mo.
  56. Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan.
    Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan.
    Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran
    at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.
  57. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para sa taong mahal mo,
    Magpakatotoo ka lang at turuan syang tanggapin ang buong pagkatao mo.
  58. Kahit maraming TAO sa mundo na mas okay at deserving sa kanya,
    Kung tunay talaga ang pagmamahal mo sa kanya,
    NEVER kang maiinlove sa iba.
  59. Ang tunay na lalake pinapaiyak ang babae sa salitang “will you marry me” hindi sa salitang ” I will set you free”.
  60. May mga bagay na masarap ingatan kahit hindi sayo, parang ikaw ang sarap mahalin kahit hindi tayo!
  61. Twitter ka ba? Bakit? Trending ka kasi sa puso ko.
  62. Ang totoong nagmamahal ay parang matinong estudyanteng nag-eexam. Hindi tumitingin sa iba, kahit nahihirapan na.
Loading...