Ano ang Kandelabra at Saan ito Ginagamit?
Ang kandelabra o kandilabra ay isang lalagyan o lagayan ng kandila na tinatawag ding “Candelabra” o “Candelabrum” sa wikang Ingles.
Kung minsan ay tinatawag din itong “Candle Tree”.
Bagamat kakaunti na lamang ang gumagamit ng kandelabra sa modernong panahon natin ngayon, mayroon paring iba na ginagamit ito bilang pandekorasyon sa kanilang bahay.
Madalas, inilalagay ito sa gitnang bahagi ng malalaking lamesa.
SEE ALSO: Mga Sanaysay Tungkol sa Edukasyon
Mga Halimbawa ng Kandelabra sa Pangungusap
Narito ang tatlong halimbawa kung paano gamitin ang kandelabra sa pangungusap.
- Tuwang-tuwa si Lola Ising ng mahalungkat ni Miguel ang gintong kandelabra na nakatago sa baul.
- Habang naglilinis ng mesa si Susan ay bigla nitong natabig ang kandelabra at ito’y nalaglag sa sahig.
- Bumalik ang mga masasayang alaala ni Lourdes ng makita n’ya ang lumang kandelabra na regalo pa ng kanyang Lolo Isko.
Sana ay nasagot namin ang tanong mo patungkol sa kung ano ang kandelabra at kung paano ito gamitin sa pangungusap.
Kung nakatulong sa iyo ang pahinang ito, please share it with your friends. It means a lot to us! 🙂
SEE ALSO: Tula Tungkol sa Sarili