Ang Alkansya ni Boyet

Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang magsasaka subalit walang sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng palay. Ang ina naman niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang.

Sampung taon na si Boyet. Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa ika-apat na baitang na siya ng mababang paaralan.

Kapag ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon. Gumagawa siya ng alkansiyang kawayan. Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang bakuran, dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga.

Read Also: Ang Batang Maikli Ang Isang Paa

Pinipitas nila ng kanyang inay ang ay mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.

Mabili ang kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad siyang binibigyan ng pera sa kanyang inay.

“Salamat po, inay. Mayroon na naman akong panghulog sa aking alkansiya.” masayang sabi ni Boyet.

“Hayaan mo anak, bago siguro maubos ang mga bunga ng ating mga puno ay mapupuno na ang alkansiya mo,” sabi ng kanyang inay.

Napuno nga ang alkansiya ni Boyet. Masipag kasi siyang mag-ipon.

Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang mga tanim na palay ng tatay ni Boyet. Kakaunti lang ang kanilang inani. Nagkautang ang kanyang itay. Nag-alala naman ang inay ni Boyet.

Malapit na ang pasukan at nawala ang inaasahan nilang panggagalingan ng pera.

“Baka hindi ka makapag-aral ngayong taong ito, anak,” malungkot na sabi ng kanyang inay.

“Nasira ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa tayo.”

“Makakapagaral po ako, inay. Puno na po ang alkansiya ko. Ito ang gagamitin ko sa aking pag-aaral,” nakangiting sabi ni Boyet.

Nakapag-aral si Boyet ng pasukang iyon. Salamat at naisipan niyang mag-impok para sa darating na pangangailangan.

Aral:

  • Matutong mag-impok upang sa oras ng pangangailangan ay may madudukot.
  • Ang buhay ng tao ay sadyang pabago-bago, walang nakababatid maliban sa Diyos na may likha ng lahat kung ano ang meron sa bukas na parating.
  • Katulad ng maganda at masamang panahon, ang buhay natin ay kung minsan ay sagana at kung minsan ay taghirap.
  • Matalino ang taong iniisip at pinaghahandaan ang bukas na darating.
6 Shares
Share via
Copy link