Tunay nga na ang maayos na eduksyon ang pamana ng mga magulang na hindi mananakaw ninuman. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang makakuha ng maayos at pormal na edukasyon. Kaya naman sa mga taong may kakayahang makapag-aral at makapagtapos ng kanilang pag-aaral ay hindi dapat ito gawing biro o kaya ay ipagsawalang-bahala lamang bagkus ay maging mapagpasalamat.
Malaki ang naitutulong ng edukasyon sa buhay ng tao. Upang malaman ang kahalagahan nito, magandang mabasa mo ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa edukasyon na nasa ibaba. Ang mga sanaysay na ito ay masusing pinag-isipan ng mga sumulat na maaring makaapekto kung paano mo tinatanaw o tinitingnan ang edukasyon na mayroon ka ngayon. Maaari mo rin itong gawing gabay kung sakaling gagawa ka din ng sanaysay sa kaparehong tema.
Halina’t basahin ang sampung sanaysay tungkol sa edukasyon na aming kinalap at pinagsama-sama. Nawa ay makatulong sa iyo ang mga sanaysay na ito. 🙂
SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Edukasyon
Mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Edukasyon
- Ang Kahalagahan ng Edukasyon
- Kahalagahan ng Edukasyon
- Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
- Ang Kahalagahan ng Edukasyon Para sa Akin
- Edukasyon Edukasyon
- Ang K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas
- Matuto Tayong Humawak ng Pera
- Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Kabataan
- Edukasyon: Tungo sa Magandang Kinabukasan
- Ang Pag-ibig ng Edukasyon
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Mula sa Sanaysay-Filipino.blogspot.com
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
Kahalagahan ng Edukasyon
Mula sa Edukasyon.wordpress.com
Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dhil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan d2 sa mundo. At ito ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito. At ang pagkamit ng tagump[ay ay kailangan buo determinasyon, tiwala sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas. “KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN”. Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay. at lagi tayo sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.
Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
Sanaysay ni Yolanda Panimbaan
Edukasyon…susi ng tagumpay. Ang tanging yaman na kahit kailan ay hindi makukuhalalong-lalo ng hindi mananakaw ng kahit na sino man dito sa mundo. to ay pinakaimportante o pinakamahalagang bagay para magtagumpay sa ating mga buhay. Anu-ano ang kahalagan ngedukasyon para makatulong sa ating bayan! Paano makakamit ang tamang edukasyon! Paanomakakatulong ang edukasyon sa ating buhay!
Ang kahalagahan ng edukasyon para makatulong sa ating bayan ” halimbawa sa isangkomunidad iilan lamang ang may alam tapos ang karamihan ay walang pinag-aralan” mahalagatalaga ang edukasyon para umunlad ang ating bayan. #akakamit ang tamang edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.
Sa buhay natin ay hindi lahat nakukuha ng walang paghihirap at pagsisikap, ganoon din sa pag-aaral. Dadaan ka muna sa butas ng karayom at ika nga nila bago ka makakatapos sa pag-aaral, kailangan malakas ang loob mong harapin ang kahit na ano man ang hadlang o suliranin dahilkung lahat ng hadlang ay kaya mong lampasan. Siguradong may maliwanag na bukas angmaghihintay sa iyo. Malaki ang tulong ng edukasyon sa ating mga buhay lalo na kung nakataposka ng iyong pag-aaral. Kapag nakatapos kana sa pag-aaral at nakakuha kana ng magandang trabaho ay gaganda na ang takbo ng buhay mo pero syempre pagdating naman sa trabaho dapat galingan ang pag tatrabaho para sa ikakaunlad ng buhay. Nakakapanghinayang lang ang iba nanakapagtapos na nga at lahat-lahat ay ayos ay hindi naman ginagamit ang pinag-aralan. Sayang lang ang ginastos at panahon na inilaan sa pag-aaral.
Kaya habang may buhay at may pagkakataon pang puwedeng mag-aral, sikapin at pilitin nating makakuha ng edukasyon para sa ikauunlad ng buhay dahil mahirap na hanggang sa kamatayan ay mangmang. Kaya nga nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Gagawa ka ng may pagtitiwala at pananalig sa Amang Lumikha para ang tulong Niya ay makakamit.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon Para sa Akin
Sanaysay ni Junrey Casirayan
Edukasyon daw ang tanging paraan tungo sa magandang Kinabukasan. Gaano nga ba Kahalaga ang Edukasyon? Bakit ba napaka-importante nito? Ilan lang yan sa mga katanungan ng bawat isa sa atin.
September 18, 2009 namatay ang pinakamamahal kong Ama. Halos dinamdam ko ng sobra ang pagkawala niya. Unti-unti akong nanghina, nawalan ng lakas ng loob at unti-unting nawalan ng pag-asa. Sobrang sakit ang naramdaman ko noong mga panahong yon. Parang nadurog yong puso ko at nawalan ako ng ganang mag-aral. Kaya noong 2010, tumigil ako sa pag-aaral. Siguro nga sinayang ko lang ang mga oportunidad. Ang bawat pagkakataon ay binalewala ko lang. Kaya heto ako ngayon, walang natapos at punong-puno ng pagsisisi.
Sa panahon ngayon may mga taong nakapag-aral nga, ngunit wala namang mabuting asal. Yong puntong nakapagtapos nga sila ng magandang kurso, ngunit hindi naman umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan. Sa mahaba-habang panahon na lumipas, natutunan kong Pahalagahan ang Edukasyon. Para sa akin kasi, ang Edukasyon ay hindi lang pataasan ng marka o ng natapos na kurso. Kailangan mo ring panindigan na talagang may Pinag-aralan ka. Kailangan mong matutunan kung paano rumespeto ng ibang tao at kung paano irespeto ang sarili mo. Edukasyon ang masasabi kong pinaka-matibay na pundasyon. Para sa akin napakahalaga nito, dahil ito lang ang daan upang makamit natin ang ating mga mithiin. Edukasyon ang magsisilbing tulay natin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Kapag may pinag-aralan ka, madali na lang para sa’yo na abutin at kamtin ang hinahangad na tagumpay.
Ang Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang Karunungan kailan man ay hindi kumukupas. EDUKASYON lamang ang NATATANGING bagay na hindi MA-AAGAW ninuman. Hindi SAPAT na NAKAPAGTAPOS ka lang, kasi para sa’kin kailangan BAONIN mo rin ang KARUNUNGANG natutunan mo sa loob ng PA-ARALAN.
Edukasyon Edukasyon
Mula sa Academia.edu
Prayoridad sa sektor ng edukasyon ang susi sa ating kaunlaran!Maraming beses na natin itong narinig. Ilang mga dakilang tao na rin angpaulit-ulit na sinasabi ito. Ilang pag-aaral na rin ang nagpapatunay na malaking bagay ang sapat at dekalidad na edukasyon ng mgamamamayan para sa kaunlaran ng isang bansa.
Ngunit sa ating bansa, sa matagal na panahon ay napabayaan ng ating pamahalaan ang mahalagang sektor na ito ng ating lipunan. Sakawalan ng magandang plano sa sektor ng edukasyon, maging ang mga college graduates natin ngayon ay hindi na nakakahanap ngtrabaho. Sa pag-aaral ng Labor Force Survey ng National Statistics Office, lumalabas na kahit nakatapos sa kolehiyo, 18% ng mga walangtrabaho sa Pilipinas ay mga college graduates. Pangatlo ang mga college graduates sa listahan ng mga madalas walang makuhangtrabaho mula taong 2006 hanggang 2011.
Hindi na nakakagulat ito dahil marami sa mga kolehiyo sa bansa ay nakakakuha ng zero passing rates sa mga professional examinations.Sa lahat din ng professional exams sa lahat ng disiplina sa bansa, lubhang mababa ang average passing rates. Sa datos ng Commissionon Higher Education o CHED, noong 2010 ay 33.91% ang average passing rate at noong 2011 naman ay tumaas lamang ito sa 35.37%average passing rate. Ibig sabihin, lubhang kakaunti lamang ang pumapasa sa mga exams dahil na rin sa hindi dekalidad na edukasyon samaraming bilang ng mga colleges at universities sa bansa.
Ang isa pang dahilan ng patuloy na mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kawalan ng mga mahuhusay na guro sa bansa.Kung titingnan ang teacher-pupil ratio ng Pilipinas kumpara sa mga karating bansa nito, tunay na may problemang kinakaharap ito. Sadatos ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO, noong 2009, sa bawat isang guro sa Pilipinas ay 39pupils ang tinuturuan nito o may ratio na 1:39. Samantala, ang teacher-pupil ratio sa bansang Malaysia ay 1:13 lamang; Thailand ay1:16; Indonesia naman ay 1:17 lamang; at maging ang bansang Vietnam ay may teacher-pupil ratio lamang na 1:20.
Tulad ng pagkain, tirahan, at trabaho, isang karapatang pantao ang pagkakaroon ng sapat at dekalidad na edukasyon. Dapat itongpahalagahan dahil bahagi ito ng pangangalaga ng dignidad ng tao. Ayon sa turo ng Simbahan, ang edukasyon din ang nagbibigaykakayahan sa sinuman na makilahok sa pagpapatakbo ng lipunan at sa pagsisigurong ang lahat ay nakikinabang sa mga bunga ng pag-unlad. Ang patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay patunay lamang ng napakalaking pagkukulang sa pangangalaga atpagtataguyod ng karapatang ito.
Panahon na samakatuwid na iangat ang sektor ng edukasyon sa ating bansa. Kailangang matukoy ng pamahalaan ang napakahalagangkontribusyon ng mga paaralan sa kaunlaran ng ating bansa. Kailangan ang tunay, mabilis at epektibong reporma para sa sektor ngedukasyon sa Pilipinas.
Ang K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas
Mula sa Academia.edu
Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon saBasic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbangsa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag naSenior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon naTechnical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian.
Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa saAsya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasanegosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mgasilid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrangdami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila.
Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga estudyante na maraming oras ang ginugugolsa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabottuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para langmakapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na rin mismo saKagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadongguro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon-taon rin ay naglilimbag ng aklat perokinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.
Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa edukasyon ngbansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindimuna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silidpaaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod atbenipisyo.
Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad ngedukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga Pilipinoang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mgapribadong paaralan. Dahil ito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng kanilang magulang. Maymga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.
Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung sangayong sistema pa nga lang ay marami na ang drop out ay paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin pang libre angpag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata. Ibigsabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirapmakahanap ng trabaho. Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing.
Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang malawakangpagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar. Nandiyan na ang teknolohiya ng Internet. Maaring sa halip na araw-araw napasakit sa pagpasok sa eskwelahan ay gawing lingguhan na lang. Pwede ring gamitin ang telebisyon sa pamamagitan ng paggawa ngmga educational channel na panonoorin ng mga bata na kasabay ng turo sa aktwal na panahon sa paaralan. Marami pang alternatibongparaan ang naghihintay na linangin para makatulong sa pag angat ng edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa.
Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang malinaw na direksyon at hindinapapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado ang problemang ito sa pamamagitan ng isang solusyong sa huli ay magigingdagdag pa pala sa suliranin.
Matuto Tayong Humawak ng Pera
Mula sa HinagapNiKaUre.blogspot.com
Ang kaalaman sa paghawak ng pera ay isa sa mga batayang kasanayan upang maayos na makapamuhay sa makabagong panahon. Ang paksang personal na pananalapi ay nakabuo na ng mga batayang kaalaman na dapat ituro sa mga mag-aaral na nais magaral nito. Bagamat pwede kang matuto ng personal na pananalapi sa pamamagitan ng pananaliksik sa Internet, dapat nating siguruhin na lahat ng Pilipinong mag-aaral ay nabibiyayaan ng ganitong kaalaman. Kaya naman nais kong ipanukala na isama ang tamang paghawak ng pera sa ating pangkalahatang kurikulum ng edukasyon.
Tayo ay naghahangad ng masaganang pamumuhay para sa ating mga pamilyang Pilipino. Upang matupad ang ganitong adhikain, kinakailangan ang masusing paghawak sa pananalapi ng pamilya. May mga prinsipyo at pamamaraan na pwedeng magamit upang makatiyak na ang ating mga pamilya ay hindi malalagay sa alanganin sa larangan ng pananalapi. Maiiwasan ang pangungutang at kung anu-ano pang panandaliang remedyo kung ang paggamit ng pamilya ng pera ay pinaplano. Ang kaalaman tungkol sa personal na pananalapi ay lubhang makatutulong kung paano mapapabuti ng ating mga pamilya ang paghawak ng pera.
Kasama sa mga aralin sa personal na pananalapi ang pagtatakda ng kung magkanong halaga ang nais mong makamit sa loob ng isang takdang panahon. Kalakip nito ay ang mga napiling pamamaraan kung paano makakamit ang layuning ito. Nais nating himukin ang ating kabataan na mangahas na mangarap ng isang magandang kinabukasan para sa kanyang sarili at sa kanyang magiging pamilya sa araw ng bukas. Ang adhikaing ito ay posibleng mapukaw kung maipakikita ang mga posibilidad na pwedeng mangyari kung ang isang tao ay magsusumikap. Ang pag-aaral hinggil sa personal na pananalapi ay pwedeng magsilbing punla upang magkaroon ng ganitong kamalayan.
Sa pagmamasid natin sa ating pamayanan ay mapapansin natin ang marami sa ating katandaan na naghihikahos. Sila marahil ay nagkamal ng malaking halaga noong kanilang kabataan ngunit sa kanilang pagtanda ay nabaon na sa kahirapan. Ito ay tanda ng kawalan ng sistematikong pagpapaunlad sa kanilang kabuhayan. Malaki ang maitutulong ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera upang maiwasan ang masadlak sa ganitong kalagayan. Tuldokan na natin ang kawalan ng tamang gabay na pananalapi na siyang sanhi ng kahirapan ng ating katandaan. Turuan na natin ang ating kabataan sa wastong pamamaraan sa paghawak ng pera.
Talamak pa rin ang kahirapan sa ating bansa. Isa sa mga dahilan ng ganitong kalagayan ang kakulangan ng kaalaman sa paghawak ng pera. Marami tayong maling kaisipan na dapat lang na ituwid kung gusto nating maiwasan ang kahirapan. Kailangan nating patatagin ang personal na disiplina upang makamit natin ang masaganang pamumuhay. Kinakailangan na gamitin natin ang ibat-ibang pamamaraang pang pinansiyal upang hindi tayo masadlak sa kahirapan. Siguraduhin natin na ang ating mga mag-aaral ay nabibigyan ng tamang kaalaman tungkol sa pananalapi. Paramihin natin ang mga mamamayang naiaangat mula sa pagiging mahirap sa pamamagitan ng kaukulang edukasyon.
Makabuluhan at nararapat na idagdag sa pangkalahatang kurikulum na pang edukasyon ang mga aralin tungkol sa personal na pananalapi. Tulungan natin na mapaunlad ang pamumuhay ng mga kapwa Pilipino at mabawasan ang kahirapan sa ating bansa. Makibahagi tayo sa mga nagsusulong na isama ang mga aralin sa personal na pananalapi sa mga pinag-aaralan sa mababa, mataas, at kolehiyong antas ng edukasyon. Sama-sama nating ipahatid sa mga kinauukulan sa Kagawaran ng Edukasyon at maging sa ating mga mambabatas sa Kongreso ang pangangailangan na maipatupad ang panukalang ito.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Kabataan
Mula sa Hayzkul.blogspot.com
Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malala-king ugat na hindi mabubuwag ang pagkakakapit sa lupa. Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na mga sanga kung saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki nitong bunga. Ang binhing aking tinutukoy ay ang kabataan. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang edukasyon. Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro, lumalago ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ang mga natutununan ay makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda. Ang kailangan lang gawin ng kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung lubos na maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan sana ang mga karaniwang suliraning hinaharap ng kabataan ngayon gaya ng hindi planadong pagkabuntis, maagang pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral. Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman. Ito ay kailangan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa pamamagitan nito, siya ay nahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon nang sa gayon ay hindi ito manghina ni masira sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay. Sa pamamagitan din ng edukasyon, lumalago ang karunungan ng bata at hindi lamang limitado sa akademiko. Ito rin ay nagiging daan upang ang isang bata ay makapulot ng gintong aral na tatatak sa kanyang buhay. Kung magagamit ng isang bata ang kanyang karunungan nang wasto at lubos, siya ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya, ng kanyang lipunan at ng inang bayan. Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan dahil naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa mga kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan sapagkat kung may pinag-aralan mas makakahanap ng mas magandang trabaho na tulay rin tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Di nga ba’t ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.
Edukasyon: Tungo sa Magandang Kinabukasan
Mula sa JohnLloydQuijano.wordpress.com
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na Edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo na isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na Edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na Edukasyon, ang praktikal na Edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya paring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang Edukasyon kung ito ay may pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay na maayos. Ang Edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap na isang bansa. Kung wala ito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng Edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang Edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng Edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humubog sa isipan at damdamin at pakikipagsalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang Edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ay nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdaig at malaman ang mga layunin nito.
Ang Pag-ibig ng Edukasyon
Sanaysay ni Dian Joe Jurilla Mantiles
Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.
Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.
Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.
SEE ALSO: Mga Sanaysay Tungkol sa Kahirapan
Umaasa kami na ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa edukasyon na iyong nabasa ay may positibong naidulot sa iyo. Maari mo din itong ibahagi sa iba upang maging sila man ay matuto. Maraming salamat!