Bugtong, Bugtong: 150+ Mga Halimbawa ng Bugtong na may Sagot

Ang mga bugtong o riddles sa wikang Ingles ay mga pahulaan na pangungusap na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.

Ito ay isang maikling tula na kalimitan ay patanong at patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

Ang mga bugtong ay nagpapatalas sa kaisipan ng mga taong naglalaro nito. Noong araw, isa ito sa mga pampalipas oras ng mga Pilipino.

Ito rin ay nakapagbibigay saya at sigla sa mga bata at matatanda.

Narito ang mga halimbawa ng bugtong na aming kinalap at pinagsama-sama na susubok sa talas ng inyong isipan.

Enjoy! 🙂

SEE ALSO: Pick Up Lines: 870+ Best English Pick Up Lines (Ultimate Collection)

Halimbawa ng mga Bugtong na may Sagot

Mga Bugtong Tungkol sa Katawan

  1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
    Sagot: Mga paa
  2. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
    Sagot: Mga mata
  3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
    Sagot: Tenga
    Bugtong
    • Save
  4. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
    Sagot: Suso ng Ina
  5. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
    Sagot: Ngipin
  6. May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bata.
    Sagot: Suso ng Ina

Mga Bugtong Tungkol sa Prutas

  1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
    Sagot: Langka
  2. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
    Sagot: Bayabas
  3. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
    Sagot: Kasoy
  4. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
    Sagot: Atis
  5. Isang tabo, laman ay pako.
    Sagot: Suha
  6. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
    Sagot: Santol
  7. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
    Sagot: Saging
    Bugtong
    • Save
  8. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
    Sagot: Balimbing
  9. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
    Sagot: Niyog
  10. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
    Sagot: Dahon ng saging
  11. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
    Sagot: Mais
  12. Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
    Sagot: Papaya
  13. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
    Sagot: Puno ng Siniguelas
  14. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
    Sagot: Duhat

Mga Bugtong Tungkol sa Gulay

  1. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
    Sagot: Sili
  2. Sinampal ko muna bago inalok.
    Sagot: Sampalok
  3. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
    Sagot: Sili
  4. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
    Sagot: Sitaw
  5. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
    Sagot: Kalabasa
  6. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
    Sagot: Ampalaya
  7. Munting tampipi, puno ng salapi.
    Sagot: Sili
  8. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
    Sagot: Dahon ng gabi
  9. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga.
    Sagot: Puno ng Kamyas
  10. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
    Sagot: Talong

Mga Bugtong Tungkol sa Bagay

  1. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
    Sagot: Baril
  2. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
    Sagot: Posporo
  3. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
    Sagot: Sandok
  4. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
    Sagot: Gunting
  5. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
    Sagot: Pako
  6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
    Sagot: Zipper
  7. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
    Sagot: Sumbrero
  8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
    Sagot: Kamiseta
    Bugtong
    • Save
  9. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
    Sagot: Kandila
  10. Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
    Sagot: Sapatos
  11. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
    Sagot: Sobre
  12. Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
    Sagot: Singsing
  13. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
    Sagot: Walis
  14. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
    Sagot: Sapatos
  15. Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot:
    Sagot: Singsing
  16. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
    Sagot: Unan
    Bugtong
    • Save
  17. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
    Sagot: Kalendaryo
  18. Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo’y parang tagayan, alagad ng kalinisan.
    Sagot: Walis
  19. Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
    Sagot: Batya
  20. Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
    Sagot: Kalendaryo
  21. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
    Sagot: Yoyo
  22. Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng sumbrero.
    Sagot: Sabitan ng sumbrero
  23. Nagbibigay na, sinasakal pa.
    Sagot: Bote
  24. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
    Sagot: Bumbilya
    Bugtong
    • Save
  25. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
    Sagot: Kampana o Batingaw
  26. Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo.
    Sagot: Watawat
  27. Panakip sa nakabotelya, yari lata.
    Sagot: Tansan
  28. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
    Sagot: Sinturon
  29. Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay
    Sagot: Kalendaryo
  30. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
    Sagot: Bayong o Basket
  31. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
    Sagot: Pluma o Pen
  32. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
    Sagot: Sapatos
    Bugtong
    • Save
  33. Ang ulo’y nalalaga ang katawa’y pagala-gala.
    Sagot: Sandok
  34. Bagama’t nakatakip ay naisisilip.
    Sagot: Salamin ng mata
  35. Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako.
    Sagot: Plato
  36. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
    Sagot: Batya
  37. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
    Sagot: Banig
  38. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
    Sagot: Kubyertos
  39. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
    Sagot: Kulambo
  40. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
    Sagot: Payong
    Bugtong
    • Save
  41. Bahay ni Mang Kulas, nang magiba’y tumaas.
    Sagot: Payong
  42. Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot.
    Sagot: Gulok/Itak
  43. Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero nakaparada.
    Sagot: Silyang tumba-tumba
  44. Aling mabuting letrato ang kuhang-kuha sa mukha mo?
    Sagot: Salamin (mirror)
  45. Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak.
    Sagot: Posporo
  46. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito.
    Sagot: Duyan
  47. May bibig walang panga, may tiyan walang bituka; may suso walang gatas, may puwit walang butas.
    Sagot: Bayong
  48. Maliit na parang sibat, sandata ng mga pantas.
    Sagot: Pluma o Pen
    Bugtong
    • Save
  49. Gawa ito sa kinayas na kawayan, lalagyan ng santol, mangga at pakwan.
    Sagot: Tiklis
  50. Dalawang patpat, sabay lumapat.
    Sagot: Gunting
  51. Butasi, butasi, butas din ang tinagpi.
    Sagot: Lambat
  52. Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali.
    Sagot: Sapatos
  53. Urong sulong, lumalamon.
    Sagot: Lagari
  54. Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos.
    Sagot: Karayom
  55. Walang hininga ay may buhay, walang paa ay may kamay, mabilog na parang buwan, ang mukha’y may bilang.
    Sagot: Orasan
  56. Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
    Sagot: Biyulin
    Bugtong
    • Save
  57. Sandata ng mga paham, papel lamang ang hasaan.
    Sagot: Pluma o Pen
  58. Aso ko sa Muralyon, lumukso ng pitong balon.
    Sagot: Sungkaan
  59. Isang malaking suman, sandalan at himlayan.
    Sagot: Unan
  60. Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung dagdagan.
    Sagot: Tapayan
  61. Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibigan.
    Sagot: Singsing
  62. Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ang kapit.
    Sagot: Sinturon
  63. Utusan kong walang paa’t bibig, sa lihim ko’y siyang naghahatid, pag-inutusa’y di na babalik.
    Sagot: Sobre
  64. Instrumentong pangharana, hugis nito ay katawan ng dalaga.
    Sagot: Gitara
    Bugtong
    • Save
  65. Banga ng pari, pauli-uli.
    Sagot: Duyan
  66. Walang paa, lumalakad, walang bibig, nangungusap, walang hindi hinaharap na may dala-dalang sulat.
    Sagot: Sobre
  67. Isang panyong parisukat, kung buksa’y nakakausap.
    Sagot: Sulat
  68. Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang; kapag silay’y nag papasyal, nahahawi ang daanan.
    Sagot: Gunting
  69. Pitong bundok, pitong lubak, tig-pitong anak.
    Sagot: Sungkaan
  70. Halaman ng dunong, walang dilig maghapon, araw-araw kung bilangin isang taon kung tapusin.
    Sagot: Kalendaryo
  71. Aso ko sa muralyon, lumukso ng pitong balon.
    Sagot: Sungkaan
  72. Pinilit na mabili, saka ipinambigti.
    Sagot: Kurbata
    Bugtong
    • Save
  73. Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakyan, di lalamon.
    Sagot: Kudkuran
  74. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
    Sagot: Alkansiya

Mga Bugtong Tungkol sa Hayop

  1. Matanda na ang nuno di pa naliligo
    Sagot: Pusa
  2. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.
    Sagot: Langgam
  3. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
    Sagot: Palaka
  4. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.
    Sagot: Pusa
  5. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
    Sagot: Kuliglig
  6. Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga’y walang dahon.
    Sagot: Sungay ng Usa
  7. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
    Sagot: Paruparo
    Bugtong
    • Save
  8. Aling bagay sa mundo, ang inilalakad ay ulo?
    Sagot: Suso (snail)
  9. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
    Sagot: Gamu-gamo
  10. Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
    Sagot: Aso
  11. Bahay ng aluwagi, iisa ang haligi.
    Sagot: Bahay ng Kalapati
  12. Usbong ng usbong, hindi naman nagdadahon.
    Sagot: Sungay ng Usa
  13. Isang bahay na bato, ang takip ay bilao.
    Sagot: Suso (snail)
  14. Pagmunti’y may buntot, paglaki ay punggok.
    Sagot: Palaka

Iba pang mga Bugtong

  1. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
    Sagot: Gumamela
  2. Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.
    Sagot: Yelo
  3. Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari.
    Sagot: Sampayan
  4. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
    Sagot: Kulog
  5. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.
    Sagot: Kumpisalan
  6. Pitak-pitak, silid-silid, pinto man ay di masilip.
    Sagot: Kawayan
  7. Sundalong Negro, nakatayo sa kanto.
    Sagot: Poste
  8. Sapagkat lahat na ay nakahihipo;
    walang kasindumi’t walang kasimbaho;
    bakit mahal nati’t ipinakatatago.
    Sagot: Salapi o Pera
  9. Tatlong hukom, kung wala ang isa’y hindi makakahatol.
    Sagot: Apog, ikmo at bunga
  10. Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda.
    Sagot: Kampana
    Bugtong
    • Save
  11. Bahay ni San Vicente, punung-puno ng diyamante.
    Sagot: Granada
  12. Rubing nanggaling sa brilyante, brilyanteng nanggaling sa rubi.
    Sagot: Itlog
  13. Likidong itim, pangkulay sa lutuin.
    Sagot: Toyo
  14. Pampalapot sa sarsa, almirol sa kamiseta.
    Sagot: Gawgaw
  15. Isang lupa-lupaan sa dulo ng kawayan.
    Sagot: Sigarilyo
  16. Buhok ng pari, hindi mahawi.
    Sagot: Tubig
  17. Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya.
    Sagot: Alon
  18. Nang munti pa ay may tapis, nang lumaki ay nabulislis.
    Sagot: Kawayan
  19. Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan ko ay nabuhay.
    Sagot: Makahiya
  20. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
    Sagot: Buwan
    width=600
    • Save
  21. Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag tinipon, matibay ang muog.
    Sagot: Bato
  22. Patung-patong na sisidlan, may takip ay walang laman.
    Sagot: Kawayan
  23. Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.
    Sagot: Palay
  24. Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
    Sagot: Bahaghari
  25. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
    Sagot: Anino
  26. Puno ay layu-layo, dulo’y tagpu-tagpo.
    Sagot: Bahay
  27. Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
    Sagot: Hagdanan
  28. Kung sa isda, ito ay dagat, kung sa ibon, ito’y pugad, lungga naman kung ahas, kung sa tao, ano ang tawag?
    Sagot: Bahay
  29. Tungkod ni apo hindi mahipo.
    Sagot: Ningas ng kandila
  30. Buto’t balat lumilipad.
    Sagot: Saranggola
    Bugtong
    • Save
  31. Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw.
    Sagot: Batingaw
  32. Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.
    Sagot: Matanda
  33. Wala pa ang giyera, wagayway na ang bandera.
    Sagot: Dahon ng Saging
  34. Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
    Sagot: Puno ng saging
  35. Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.
    Sagot: Pangalan
  36. Maaari mong makita ako sa tubig, ngunit hindi ako basa.
    Sagot: Panganganinag (reflection)
  37. Lupa ni Mang Juan, kung sinu-sino ang dumadaan.
    Sagot: Kalsada
  38. Bahay ko sa Pandakan, malapad ang harapan.
    Sagot: Pantalan
  39. Alin sa mga santa ang apat ang paa?
    Sagot: Sta. Mesa

Sana ay nagustuhan ninyo ang koleksyong ito ng mga tagalog riddles. Meron ka bang alam na mga bugtong na wala sa pahinang ito?

Mag-iwan lamang ng komento sa ibaba para maidagdag natin. Please don’t forget to share this post friends. Thank you! 🙂

SEE ALSO: Tagalog Jokes: 260+ Best Tagalog Pinoy Jokes

1K Shares
Share via
Copy link