Tagalog Jokes: 260+ Best & Funniest Pinoy Jokes Ever

Likas sa mga Pilipino ang pagiging masiyahin at palabiro. 😁 Alam din natin na sa bawat samahan ng mga magkakaibigan, hindi mawawala ang isa na mahilig magpatawa. 😏

Pero kung minsan, may mga pagkakataon na hindi natin nakakasama ang kaibigan nating ito. At pag ganito ang sitwasyon, parang laging kulang ang saya ng barkada.

Sa mga pagkakataong ganito, kailangan mo ng mga linya o Tagalog jokes na pwedeng gamitin para hindi ma-bored 😔 ang tropa at tuloy-tuloy ang kasiyahan at tawanan.

SEE ALSO: Bisaya Jokes: 375+ Bisaya Funny Jokes

Dahil dyan, kinalap namin at pinagsama-sama ang mahigit sa 260 best Pinoy jokes na talaga namang maluluha ka sa kakatawa. 😂

Narito at ibahagi mo agad sa iyong mga kaibigan! 👇


Juan and Pedro Jokes – Ang Paborito Ng Lahat 😃

Pedro: ‘Tol, mag-iinternet ako! Bubuksan ko account mo sa Facebook!
Juan: Alam mo ba password ko, kuya?
Pedro: Oo naman, nakita ko! LIMANG ASTERIS!

Juan: Tay, ano po ba ang ibig sabihin ng birdflu? Kasi maraming nabibiktima ng birdflu.
Pedro: Kaya nga kita pinag-aaral para matuto ka eh.
Pedro: ang birdflu ay past tense ng birdfly.

Pedro: ‘Tol Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee? Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Juan: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton SUGAR FREE.

‎Pedro: Tol, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.
Juan: Baligtad yata?
Pedro: Mahirap kamayin ang lugaw, tol!

Juan: San ka galing?
Pedro: Sementeryo, libing ng byenan ko.
Juan: E bakit puro kamot ang mukha at braso mo?
Pedro: Mahirap ilibing eh… Lumalaban!

Pedro: Pare bakit malungkot ka?
Juan: Asawa ko nag hire ng driver: Gwapo, Bata, Macho!
Pedro: Nagseselos ka?
Juan: Nagtataka lang ako kasi wala kaming sasakyan!

Pedro: Niloko ko yung tindera kanina.. hahahaha
Juan: paano mo nmn niloko yung tindera??
Pedro: nagpaload ako eh wala naman akong cellphone!!!

Juan: Pare, sinong idol mo?
Pedro: Si Arnold Schwarzenegger.
Juan: Sige nga, spell Schwarzenegger?
Pedro: Hinde, joke lang. Pare, si Jet Li talaga idol ko!

Pedro: Galing ako sa doctor, nakabili na ako ng hearing aid grabe ang linaw na ng pandinig ko
Juan: Talga?! Magkano ang bili mo?
Pedro: Kahapon lang.

Juan: Pare, nasusuka ko kaya lang hindi ako masuka.
Pedro: Madali lang yun Pare, sundot mo tonsil mo.
(Sinundot ang tonsil)
Juan: hindi pa din eh!
Pedro: Try mo sundot puwet mo.
(sinundot ang pwet)
Juan: ayaw pa din!
Pedro: Ngayon saka mo isundot ulit sa bibig mo!

Pedro: Alam mo, yung pusa namin kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain!
Juan: Maniwala ako?!
Pedro: Totoo!
Juan: Ano ba ang ulam nyo?
Pedro: Asin!

Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.
Pedro: What is more important? Heart or Mind?
Juan: Spanish!

Pedro: Ang sakit-sakit tol! bakit iniwan niya ako?
Juan: Bakit? Saan ba dapat kayo pupunta?

Teacher: Juan, magbigay ng pangungusap na may tayutay.
Pedro: Ahem! Ang Tatay ay nadapa. “Tayo, Tay! Tayo, Tay!”

Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru’n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

Teacher: Juan i-english mo eto.
Juan: What Ma’am?
Teacher: Ang uwak ay hinang-hinang naglakad.
Juan: The wak wak weak weak wok wok.

Juan: Pare, sinabi mo daw sa syota ko na supot pa ako?
Ben: Hindi totoo yan pare, ang sinabi ko lang malapit ka ng tuliin.
Juan: Ah ok. Akala ko nilaglag mo na ako.

Sa kalagitnaan ng gyera
Pedro: Sumuko na kayo! wala rin kayo mapapala.
Terorista: Susuko lang kami kung mai-spell mo yung ceasefire?
Pedro: Ituloy ang laban! Patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng crysanthemum sa inyong libing!
Terorista: Spell chrysanthemum!
Pedro: Sabi ko rose, bingi ka ba? Laban kung laban. Walang spellingan!

Dok: umubo ka!
Pedro: Ho! Ho! Ho!
Dok: Ubo pa!
Pedro: Ho! Ho! Ho!
Dok: Okay.
Pedro: Ano po ba sakit ko, Dok?
Dok: May ubo ka.

Teacher: Class, gayahin niyo ang mga langgam. Lagi nagsusumikap, at hindi naglalakwatsa.
Pedro: Mam! kalokohan yan! Nandun kami kanina sa Luneta, nandun din sila!

Si Pedro nagsusulat sa slum book…
FAVORITE ACTOR: Arnold Schwachzzene.. (erase)
Arnold Schwazzene.. (erase)
Arnold Schwartzenne.. (erase)
Arnold Clavio…

Nanay: Pedro, anak tawagan mo nga ang Tatay moh eto ang cellphone gamitin mo.
Pedro: Nay, babae po yung sumagot!
Nanay: Sinasabi ko na nga ba may babae yang Tatay nyo, anung sabi daw?
Pedro: You have zero peso balance on your account… di ko na po tinapos mukha kasing matapobre eh!

Sisa: Ganda ng rolex mo bunso, ah!
Pedro: Napanalunan ko po sa karera, Ate.
Sisa: Talaga? Ilan kayong tumakbo?
Pedro: Tatlo lang po. Yung pulis, yung may-ari at ako po.

Hari: Ano gusto mong parusa? Ipakain sa leon o pasukan ng bubuyog sa pwet?
Pedro: Mas gugustuhin ko pong pasukan ng bubuyog sa pwet.
Hari: Mga kawal! Ilabas si Jolibee!

Pedro bumps a foreigner…
Pedro: Ay! Sorry.
Foreigner: Sorry, too.
Pedro: Sorry 3
Foreigner: What are you sorry for?
Pedro: (kala mo bobo ako ha!) Sorry 5!
Foreigner: I think you are sick!
Pedro: Hahahaha! Sick daw, seven sunod!

Pedro: Apply po ako ng sundalo, Sir.
Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong Sirang ngipin, bungi ka pa!
Pedro: Bakit Sir, sa gyera ba ngayon, KAGATAN na ang labanan?

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute.
Leo: Oh totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: Dun sa burol niya!

Pedro: Miss, pabili nga ng bolpen.
Miss: Sorry po Sir, wala po kaming bolpen.
(Inis na lumabas si Pedro sa tindahan)
Pedro: My God! Penshoppe walang bolpen! Haller!

Tatay: Bagsak k n nmn! Bakit hindi mo gayahin si Pedro? Palaging may honor!
Anak: Unfair naman Tay kung ikukumpara niyo ako kay Pedro…
Tatay: At bkit naman?
Anak: Matalino kaya Tatay nun!

Junjun: Magaling ang Tatay ko! Alam mo’yang Pacific Ocean, siya ang humukay nun!
Pedro: Wala ‘yan sa Tatay ko! Alam mo yung Dead Sea?
Junjun: Oo.
Pedro: Siya ang pumatay nun!

Titser: Ano ang hugis ng mundo?
Juan: Kuwadrado po, Ma’am!
Titser: Hindi! Ang mundo ay bilog.
Juan: Kuwadrado po, Ma’am!
Juan: Pero Ma’am, sabi ng lolo ko, narating na niya ang APAT na sulok ng mundo. May sulok po ba ang bilog?

Teacher: Okay class, review muna tayo sa past lesson natin. Tanong, sino si Jose Rizal?
Pedro: ???
Teacher: Again, sino si Jose Rizal?
Sisa: Ma’am di po namin yun kilala!
Juan: Ma’am classmate po ba namin siya?
Pedro: Bobo, baka sa kabilang section yun!
Teacher: Badtrip! Sige change the topic! Tanong sino pumatay kay Magellan?
Juan: Ma’am di po kami sure kung si Lapu-Lapu nga!
Teacher: O, bakit naman?
Juan: Kasi sabi po ng Tatay ko masama daw po ang mambintang ng kapwa kung di mo naman daw nakita ang totoo!

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.
Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?
Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!
Pedro: Ganun ba? Kuha ka na, kahit ilan! May langka pa doon!

Pedro: May ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! ‘SHA’ daw ang palayaw niya!
Juan: Jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!
(After eyebol, pedro went home)
Juan: Kumusta? Bakit malungkot ka yata?
Pedro: DioniSHA pare! DioniSHA!

SEE ALSO: Tagalog Knock Knock Jokes: 50+ Funny Knock Knock Jokes Songs


Random Tagalog Jokes Collection 🔀

Napanaginipan kita kagabi. Nakaupo sa tabi ng ilog, nag-iisa at mukhang mabigat ang loob. Lalapitan sana kita at yayakapin. Pero bigla kang tumayo at naghugas ng puwet.

During the cremation
All the relatives stood in silence. Everybody was silent till a child suddenly asked out of curiousity
“Ma, hindi pa ba luto?”

Vendor: Hoy! Kahit ganito ako at nagtitinda lang ng palamig, may anak ako sa UP, UE, ATENEO at UST!
Student: Wow! Sosyal. Ano po mga course nila?
Vendor: Wala! Nagtitinda rin sila ng PALAMIG.

BF: Gusto ko pong maging asawa ang anak nyo.
Tatay ng GF: Bakit, kaya mo bang buhayin ang anak ko?
BF: Bakit po, patay na po ba siya?

Amo: Inday, paalisin mo nga yung Pulubi sa labas ng bahay. (Lumabas si Inday)
Inday: Off you go! Under no circumstance this house would relent to such unabashed display of vagrant destitution!
Pulubi: Oh! I’m so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!
(nakakuha na ng katapat si Inday!)

Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang anak mo, ako o yung baboy? Umayos ka, Nay! Wag ganun!

Patient: Nurse, please bring me a hot water bag, my toes are cold.
Nurse: Sir, you are asking the wrong nurse, I’m the head nurse.
Patient: Ok. Tell it to the foot nurse. I need it now, thanks.

Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis : E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino ‘yun?
Mister: DA COS of all my ZORROs!

Ma’am: Yaya!!!
Yaya: Ma’am, bakit ho?
Ma’am: Nasarado mo na ba ung gate?
Yaya: Opo Ma’am!!
Ma’am: Ehh yung pinto nasara mo na?
Yaya: Opo Ma’am.
Ma’am: Ehh ung mga bintana???
Yaya: Opo Ma’am.
Ma’am: Uhmmm… Ano pa di nasasara?
Yaya: Yung bunganga nyo nalang po.

Apo: Lola, Lola… Alam nyo po, naaalala ko po kayo tuwing umuulan.
Lola: Ohhh, napaka maalalahanin naman ng Apo ko. Bakit naman Apo?
Apo: Ah eh kasi po, amoy lupa. Parang kayo. Alimuom

Guard: Bakit ka dumumi dyan?
Pulubi: Hindi ah!
Guard: Kita ko nasa dyaryo!
Pulubi: Bilis ah, kadudumi ko lang nasa balita agad.

What is Followed?
Followed is an act of loading your cellphone if your balance is 0.
Example: Miss, FOLLOWED nga po ng P10.

Lapis at ballpen, nag-aasaran
Ballpen: Haha! Kawawang lapis lumiliit sa kakatasa! Hahaha!
Lapis: Haha! Mas kawawang ballpen, NAGTATAE! Hahaha!

Cashier: Visa or Master?
Dan: Naku! Hinahanap visa ko!
(Nag-auto walang gas)
Gas boy: Pay first!
Dan: Papers daw!
(Nagpunta sa booth para tumawag sa bahay)
Operator: Hello, AT&T may I help you?
Dan: Naku! Alam nyang nagti-TNT ako!
(Pawisang lumabas sa CR)
Kano: Are you done?
Dan: Kilala nya ko!
Kano: Tourist?
Dan: Pati apelyido ko!
Kano: Be cool!
Dan: Naku! Alam nya pati probinsya ko?! Wahahahaha!

Seaman: Mag-apply sana kong Seaman.
Captain: Marunong ka bang lumangoy?
Seaman: Hindi eh.
Captain: Eh di ka pwede.
Seaman: Bakit? Yung piloto ba marunong lumipad?

Lolo: Nung araw sa SM pag may P20 ako, pag uwi meron na akong polo, maong, t-shirt, relo, kwintas at alahas.
Apo: E ngayon Lolo?
Lolo: Mahirap na Apo, may CCTV camera na eh!

Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa Math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!

A socialite and slang speaking nurse who works in America wanted to make an overseas phone call, so she dialed the operator.
Nurse: I would like to place an overseas call to the Philippines.
Operator: Ok, miss, what is your name?
Nurse: Maria Quintero
Operator: Could you please spell your last name Maria?
Nurse: [trying to impress the operator with her command of english] Ok, Quintero… Q as in Cuba…U as in Europe… I as in eyebrow… N as in pneumonia… T as in ptyalin… E as in India… R as in Argentina…O as in Australia.

Petra: Sir, kumusta po ang grades ko?
Teacher: Aba, Neng! Kasing ganda ng buhok mo.
Petra: Talaga po? Wow naman!
Teacher: Oo, parang bagong rebond. BAGSAK NA BAGSAK!

Dear Teh
Dear Teh
Dear Teh
Sabi ni Mommy Dionisia sa mga Apo nya na naglalaro sa madume.

Sa isang museum…
Tourist: Ito ba ang tinatawag nyong “art”? Ang pangit nakakasuka! Painting ba ito?
Tourist Guide: Hindi poh Sir. Salamin po yan!

Teacher: Class, ano ang kaibigan para sa inyo?
Dagul: Sabihan ng secrets, Ma’am!
Bebang: Kasama in good times and in bad times!
Teacher: Tama lahat ang mga sinabi niyo. Oh, Mando, ano ang kaibigan para sa iyo?
Mando: KAIBIGAN? Yan ang pinaka-nakakainsultong salita na itinawag sa akin ng mahal ko.

Bardagol: Bakit may tali ka sa paa?
Mael: Gusto ko nang mamatay! Magbibigti ako!
Bardagol: Bakit sa paa? Dapat sa leeg!
Mael: Sinusubukan ko na sa leeg kanina, kaso hindi ako makahinga!

Teacher: Popoy, paano mo nagawa na ma-perfect ang exam mo ha?
Popoy : BiLib kana naman sakin, Ma’am? Mata ko pa lang ginamit ko dyan, ha? Paano pa kaya kung pati utak ko na!

Lalake: Kailan mo ba ako sasagutin, ang tagal ko na nanliligaw sayo ah?
Babae: Sorry ha hindi naman ako maganda, hanap ka na lang ng mas maganda sakin, sorry talaga ha!
Lalake: Kung ikaw ngang panget di ko napasagot yung maganda pa kaya?

Habang naglalakad sa sea shore
Apo: Look at those boats, Lolo.
Lolo: Yes Apo, those are called yachts.
Apo: Lolo, how do you spell yachts?
Lolo: Oh! You’re right Apo, those are boats.

Boss: Why we need to hire you?
John: Kasi po mas bago palang po ako kaya wala pa po akong sungay.
Boss: English, please.
John: Uhmm, well you see I’m brand new so im not yet HORNY.

LOLO: Apo, Apo, magtago ka dali, nandyan teacher mo. Absent ka pa naman sa klase mo.
Apo: Naku magtago din po kayo Lolo. Kasi sabi ko namatay ka kaya absent ako!

Nung teenager pa ako, pag may pinupuntahan akong kasalan lagi akong tinutukso ng mga kamag-anak ko ng, “Uuuuyyyyy… Susunod na sya.” Naiinis ako kasi bata pa ako. Kaya noong minsang magkita-kita uli kami sa isang burol ng kamag-anak namin, sila naman ang pingasabihan ko ng, “Uuuuyyyy… Susunod na sila.”

Anong bansa ang walang pangit? UGANDA
Anong bansa ang di sikat? LAOS
Anong bansa ang madulas? GREECE
Anong bansa ang hindi sa iyo? KENYA
Anong bansa ang nakagApos? ITALY
Anong bansa ang maraming bacteria? GERM-ANY
Anong bansa ang nagmamadali? RUSSIA

SEE ALSO: Kissing Pick Up Lines: 65+ Best Lines To Get A Free Kiss Today

Let learn Japanese…
Is this your underwear? Jakimoto
Speechless? Wasabi
What are your thoughts? Kuro-kuro mo
Are you regular customer? Sukikaba

Wife: Gusto kong magpadagdag ng boobs.
Husband: Ha? Di ba masagwa yon, magiging tatlo?

Mga lasa ng gatas ng babae
Dalagita: Fresh milk
Dalaga: Pasteurized
Bagong kasal: Skimmed
Matagal ng kasal: Yogurt
Matandang dalaga: Taho
Lola: Tokwa

Tanong: Ano sabi ng nanay na donut sa anak ‘nyang donut na umakyat sa puno?
Sagot: Hoy, bavarian!

Tanong: Ano ang tawag sa penguin na nasa disyerto?
Sagot: Nawawala

Tanong: Ano tawag sa isa pang penguin na nasa disyerto?
Sagot: In love

Tanong: Ano tawag sa anak ng taong grasa?
Sagot: Baby oil

Tanong: Ano tawag sa hayop na walang gilagid?
Sagot: Langgum

Tanong: Anong number ang ayaw ng mga negosyante?
Sagot: NoBenta

Tanong: Ano sabi ng isda ‘nung mamamatay na sya?
Sagot: I’m daing

Tanong: Ano sabi nung isda nung hihiwain na sya?
Sagot: I’m tuna

Tanong: Ano tawag sa lalaking shrimp?
Sagot: He-pon

Tanong: Ano tawag sa babaeng hipon?
Sagot: She-remp

Tanong: Anong pagkain ang pinakamabilis kainin?
Sagot: Sopas

Tanong: Anong pagkain ang mas mabilis kainin?
Sagot: Pasta

Tanong: Sinong artista ang maramig ngipin?
Sagot: Si Mateeth

Tanong: Sinong artista ang mas maramig ngipin?
Sagot: Si Edgar Morteeth

Tanong: Bakit nagalit ang nanay na centipede?
Sagot: Kasi nagpabili anak nya ng sapatos

Tanong: Ano pinaka-hate na song ng centipedes?
Sagot: I have two hands, the left and the right. The left and the right. The left and the right…

Ang Alamat ng Santol
Guy 1: Pre, anong puno ‘yon?
Guy 2: Sa’n tol?
Guy 1: Ahhh!

Tanong: Anong sabi nung isda sa kababata niyang isda na matagal na niyang di nakikita nung nagkasalubong sila?
Sagot: Is-da you?

Leader: Pare balita ko bading ka daw, totoo ba?!
Ambo: Pare, Mga chismax lang yun galing sa mga chuvanes na walang magawa sa mga chenilyn nila… Chura nila! Hmpf!

Nurse 1: Hoy! Gaga, bakit may thermometer sa tenga mo!
Nurse 2: Ha? Susmaryosep! Kaninong pwet ko kaya naiwan yung ballpen ko?

Parishioner: Father, bakit may nakasampay na daster, bra at panty sa may kumbento? May asawa ka?
Father: Kung aasa ako sa mga donasyon nyo, di ako mabubuhay! Tumatanggap ako ng labada!

GF: I’m warning you! darating na si daddy within 1 hour!
BF: Eh ano ngayon? eh wala naman tayong ginagawang masama ah!
GF: Kaya nga! kung may plano ka, DALIAN MO NA!!

Tanong: Ano English ng, “baka maswerte ako?”
Sagot: Beef Lucky Me!
Tanong: Ano ang, “maswerte ako Inay?”
Sagot: Lucky Me Mami!
Tanong: Eh ang, “maswerte akong lalake?”
Sagot: Lucky Me with Egg!

Nun: I was raped. What shall I do?
Mother Superior: Here, take this calamansi.
Nun: Will then ease the pain?
Mother Superior: Gaga! Sipsipin mo ng mawala-wala ngiti sa mukha mo!!!

Anak: Nay, bakit po VICTORIA ang name ni ate?
Nanay: Kasi anak dun namin siya ginawa ng Itay mo.
Anak: Eh bakit si kuya, ANITO?
Nanay: Ay, tumigil ka na nga Luneta at baka mapalo kita! Tawagin mo na si kuya FX mo!

A mental patient is singing while lying on a hospital bed. After a song, dumapa sya.
The nurse asked, O, bakit ka bumaliktad?”
He answered, “Addict ka ba?! Side B na kaya!

Sabi ng Airforce: No Guts No Glory!
Sabi ng Marines: No Retreat No Surrender!
Sabi Army: No Pain, No Gain!
Pinoy Security Guards: “No I.D. No Entry!”

Ama: Buntis anak ko, panagutan mo!
BF: May asawa na po ako!
Ama: Pano ‘to?
BF: Areglo na lang po… 2M pag Boy, 2.5M pag Girl.
Ama: Ok, pero pag nakunan. GIB HER ANADER CHANS ha?

Baliw, tumawag sa mental hospital…
Hello? May tao po ba sa Room 168?
Telephone Operator: Wala po, bakit?
Baliw: Check ko lang kung nakatakas talaga ako!

Misis: Lolokohin ko mister ko, magpapanggap ako na prosti dito sa kanto namin.
(dumaan ang mister nya)
Misis: Pogi! Available ako ngayon, pwede ka ba?
Mister: Yoko sayo kamukha mo misis ko!

FACT: Did you know that those people who laugh with “hehe” loves sex and people who laugh with “haha” are intelligent?
Wala lang, just to let you know. hehe…
Ay, haha pala!

Maid: Sir sinong mas yummy? Si Ma’am ba o ako?
Sir: Syempre naman ikaw, Day! Bakit?
Maid: Naguguluhan lang po kasi ako eh… Sabi kasi ng driver eh mas yummy daw talaga si Ma’am!

Bigo ka ba sa love? Ito mga good partner.
Kuba: Mapagkumbaba
Pilay: Hindi ka tatakbuhan
Bulag: walang paki sa looks mo
Pipi: Hindi nagbibitiw ng bad words
Duling: Hindi ka hahayaang mag isa!

American guy named Paul challenged a Filipino…
American: Use my name 4 times in a sentence!
Pedro: Paul, be carePaul, you might Paul in the swimming Paul.

Biyaya na makukuha sa Gulay
AMPALAYA, pampapula ng dugo
KALABASA pampalinaw ng mata
TALONG pampatirik ng mata
MANI pampatirik ng TALONG.
Ay! nalito na ako.

Wife: Dear, ano regalo mo sa 25th Anniversary natin?
Husband: Dalhin kita sa Africa.
Wife: Wow! How sweet naman… Eh sa 50th Anniversary natin?
Husband: Susunduin na kita!

Quote for the Day:
“Ang Buhay ay parang bato. It’s hard.”

A Husband came home 4AM and saw his wife in bed with another man
His wife shouted at him, “Where have you been?”
Husband: Who is that man?!?
Wife: Grabe ka! Dont change the topic!

UP: Many past president graduated from our school; Roxas, Quirino, Laurel, Garcia and Marcos, just to name a few.
Ateneo: That’s nothing, a number of Ateneo graduates became national heroes: Jose Rizal, Gen. Gregorio del Pilar, Gen. Antonio Luna, Evelio Javier and many others.
La Salle: Wala yan! Talo yan sa mga Graduates namin!
UP and Ateneo: Bakit? Sino ba ang graduates nyo?
La Salle: Aba marami kaming sikat na graduates: si Gary Valenciano, Dindong Avanzado, Ogie Alcasid at Monsour Del Rosario

SEE ALSO: Tagalog Pick Up Lines: 120+ Cheesy, Funny, Sweet & Dirty Lines

Holdaper: Re-reypin ko lahat ng babae dito!
Prosti: Ako na lang po, maawa kayo sa iba.
Lola: Sinabi na ngang LAHAT eh! Sasagot pa! Gagang ‘to!

Dalawang probinsyano sumakay sa elevator…
Gorio: Magkano ibabayad natin?
Andoy: Inosente! Bugok! Stupid! ‘Bat ka magbabayad eh wala pa tayong tiket?

Mister: Di ko na kaya problema ko!
Misis: Hon, problema natin ito. Tayo ang magkasama sa buhay, lahat ng problema mo problema ko. Anong problema natin?
Mister: Nabuntis natin si Inday, tayo ang ama!

Bakla at Macho, nagkasabay sa CR.
Bakla: Ang laki naman nyang sayo.
Macho: Wala na tong silbi kasi iniwan na ako ng GF ko. Puputulin ko na lang at ipapakain sa aso!
Bakla: Aw! Aw! Aw!

Advice:
Kapag may kaaway ka,
tandaan mo…
dito lang ako…
dito lang talaga ako…
Tapos dyan ka lang.
Wag kang pupunta dito!
Baka madamay ako!

Anak: Itay, bibili ako ng bond paper
Itay: Anak, wag kang bobo ha? Hindi “bond paper” ang tawag dun!
Anak: Ano po ba?
Itay: “Kokongban”

4 kinds of “Utot”
– Long but Harmless
– Loud and Proud
– Silent but Violent
– Wet and Wild

Madre: Father, tell your seminarian not to urinate along the fence…
Father: Sister naman, maliit na bagay lang papansinin mo pa…
Madre: No! Malalaki, Father! Malalaki!

Teacher: Sino pumatay kay Magellan, may initial na LL?
Student: Lito Lapid?
Teacher: Inuulit ang pangalan nya…
Student: Lito Lito?
Teacher: Mahaba buhok nya!
Student: Lot Lot?
Teacher: Madami sila
Student: Lot Lot And Friends?

Three girls make paalam to their Dad…
Girl 1: Dad, I’m going out with Pete to Eat.
Girl2: I’m going out with Lance to Dance.
Girl3: I’m going out with Chuck to…
Dad: Ah, hinde! Dito ka lang sa bahay!!!

Alam mo ba kung bakit may sabaw ang balot?
Kung ikaw kaya ang ikulong sa shell… Saan ka ji-jingle?
Aber?
Sumagot kaaaa!
SaaaAANNNNNNN?!?!?!

Farmer: Lalaki nga talaga ang aking anak kasi magsasaka na, “Ano ang plano mong itanim sa sakahan mo anak?”
Anak: Flowers papa! Lots of bongacious flowers!

Ama: Hoy! Huwag kang babaklabakla ha?
Anak: Hindi po Itay, pupunta nga ako ng basketbolan eh!
Ama: Yan! Astig!
Anak: Inay? Nakita mo yung POMPOMS ko?
Ina: Alin? Yung pink?

Mommy 1: Ano ang pinapainom mo sa baby mo?
Mommy 2: Promil para matatag na pangarap! Eh ikaw?
Mommy 1: Ako? Emperador, para sa totoong tagumpay!

Pare 1: Pare, sa wakas nag ka GF na rin ako!
Pare 2: Bakit? Ngayon ka lang ba nagka-GF?
Pare 1: Oo pare! Sobrang higpit kasi ni Misis eh! Ngayon lang ako nakalusot!

Employer: So why did you leave your previous job?
Applicant: The company relocated and they did not tell me where!

Wife: Himala! Ang aga mong umuwi ngayon.
Husband: Sinunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya “GO TO HELL”, kaya ito umuwi agad ako.

Sino mas kawawa?
Yung taong iniwan ng mahal nya?
O mga taong nagmamahal ng walang gusto sa kanya?
Pareho lang di ba?
Pero mas kawawa yung taong bihis na bihis na tapos…
Hindi naman pala kasama!

Mrs. Tanoy is a very kuripot Ilocana (no offense meant to all Ilocanos). When her husband died, she inquired with the newspaper, asking the price for the obituary.
Ad taker: 300 pesos for 5 words.
Mrs. Tanoy: Pwede ba 2 words lang? “Tanoy dead”
Ad taker: No Ma’am. 5 words is the minimum.
After thinking for a while,
Mrs. Tanoy: Ok, para sulit, ilagay mo…
TANOY DEAD, TOYOTA FOR SALE

Boy: Nay, may ulam ba?
Nanay: Tignan mo na lang dyan sa ref, anak.
Boy: Eh wala naman tayong ref, di ba?
Nanay: O, e di wala tayong ulam. Konting common sense naman dyan!

Caloy: Tay, di ba sabi mo bibigyan mo ko ng P100 pag pumasa ako sa Math?
Tatay: Oo. Bakit, pumasa ka ba?
Caloy: Good news, Tay! Di ka na gagastos ng P100.

Kano: Meg-kanow isang kilow mang-gow?
Tindero: One way.
Kano: Meg-kanow?
Tindero: I sed ONE WAY.
Kano: Aynowng ibig sabeyhin ng one way?
Tindero: Isang daan. Understand?!

MMDA (with pen and ticket to a traffic violator): Name?
Foreigner Driver: Wilhelm Von Corgrinski Papakovitz.
MMDA: Ahhh okay…(sabay tago ticket) Next time be careful, ok?

BF: Sunduin kita mamaya ha. Bubusina nalang ako pag nasa harap nako ng bahay nyo.
GF: Sige. Anong sasakyan ang dala mo?
BF: Wala. Busina lang.

Nag-aapply si Tomas na security guard…
Interviewer: Ang kailangan namin ay taong laging may suspicious mind, highly alert, insistent personality, strong sense of hearing with a killer instinct. Sa tingin mo ba qualified ka?
Tomas: Sa palagay ko po hindi. Pwede po bang yun misis ko nalang ang mag-apply?

Junior: Nay, bibili ako ng HIGH CAKE.
Nanay: Hindi high cake, anak. HOT CAKE yun.
Junior: Ok nay, whatever. Pahingi nalang ng barya.
Nanay: Sige, kumuha ka nalang dyan sa SOLDIER BAG ko.

Pasyente: Magkano ang facelift?
Doktora: Ccomplete treatment ay P145,000
Pasyente: Mahal!!! Ano bang pinakamurang treatment para magmukha akong bata?
Doktora: Heto tsupon, P20 lang!

Customer: Waiter! Bakit ang tagal ng order ko? Ilan ang cook nyo dito?
Waiter: Ay! Sir, wala pu kame cuk dito. Pipse lang po!

Pasyente: Dok, may problema ako. Tuwing alas otso ng umaga dumudumi ako.
Doktor: So, anong problema doon?
Pasyente: Eh alas nuwebe po ako nagigising.

Erap: Honey, nagpintura ako ng banyo.
Loi: Bakit dalawa ang suot mong jacket, ang init-init!
Erap: Sabi kasi sa label, for best results put on 2 coats.

Babae: Dok, nag-aalala ako sa kapatid ko. Dati kasi kinakausap niya ang sarili niya! Pero ngayon, hindi na niya ginagawa yun!
Dok: Aba eh di mabuti! Senyales yun na gumagaling na siya. Eh ano daw ang dahilan at di na niya kinakausap ang sarili niya?
Babae: Kasi magkagalit daw sila ngayon eh!

New Year Advice ng Chinese
Sa New Year, wak ikaw suot ng Polka Dots, kasi sign lang ito ng barya! Ikaw suot RECTANGLE para SYMBOL ng TSEKE. Pero wak ikaw tatalon para hini siya talbog! Okey? Eh di ganito sabihin mo, “Uy ang kyut-kyut mo naman! Kamukhang-kamukha ka ng Daddy mo!”
Paano mo sasabihin sa kausap mo na ayaw mo na siyang kausap ng hindi siya maghihinanakit?

Tanong: Paano mo sasabihin sa kausap mong Babae na mukha siyang LALAKI ng hindi siya masasaktan?
Sagot: Eh di ganito sabihin mo, “Uy ang kyut-kyut mo naman! Kamukhang-kamukha ka ng Daddy mo!”

Tanong: Paano mo sasabihin sa kausap mo na ayaw mo na siyang kausap ng hindi siya maghihinanakit?
Sagot: Ganito sabihin mo, “O sige Pare! Lakad nako, text-text na lang ha?”

Tanong: Paano mo naman sasabihin sa classmate mo na BUNGI-BUNGI ang ngipin niya ng hindi siya magagalit?
Sagot: Ganito lang, “Wow classmate! Ang ganda naman ng ngipin mo! Para silang nag-eexam. One seat apart!

Tanong: Paano mo sasabihin sa kausap mo na MAASIM ang amoy niya ng di niya daramdamin?
Sagot: Ganito, “Bestfriend, may dugong bughaw ka ba? Siguro Anak ka ni Datu Puti ano? Halata kasi sa amoy mo eh!

SEE ALSO: Pick Up Lines: 870+ Best English Pick Up Lines (Ultimate Collection)

Tanong: Paano mo sasabihin sa kausap mo na may LIBAG siya sa leeg ng hindi siya mapapahiya?
Sagot: Ganito, “Wow, ang ganda naman ng suot mong necklace. Black Gold!

Tanong: Paano mo sasabihin sa kausap mong Babae na mukha siyang LALAKI ng hindi siya masasaktan?
Sagot: Eh di ganito sabihin mo, “Uy ang kyut-kyut mo naman! Kamukhang-kamukha ka ng Daddy mo!”

Tanong: Paano mo sasabihin sa kausap mo na ayaw mo na siyang kausap ng hindi siya maghihinanakit?
Sagot: Ganito sabihin mo, “O sige Pare! Lakad nako, text-text na lang ha?”

Tanong: Paano mo naman sasabihin sa classmate mo na BUNGI-BUNGI ang ngipin niya ng hindi siya magagalit?
Sagot: Ganito lang, “Wow classmate! Ang ganda naman ng ngipin mo! Para silang nag-eexam. One seat apart!

Tanong: Paano mo sasabihin sa kausap mo na MAASIM ang amoy niya ng di niya daramdamin?
Sagot: Ganito, “Bestfriend, may dugong bughaw ka ba? Siguro Anak ka ni Datu Puti ano? Halata kasi sa amoy mo eh!

Tanong: Paano mo sasabihin sa kausap mo na may LIBAG siya sa leeg ng hindi siya mapapahiya?
Sagot: Ganito, “Wow, ang ganda naman ng suot mong necklace. Black Gold!

Inday: Dok, masakit na masakit po ang tiyan ko. Ano po ba mabuting gAmot dito?
Dok: Kelan pa ba nagsimula yan?
Inday: Simula lang po nung kumain ako ng talaba!
Dok: Baka naman Sira yung nakain mo? Nang buksan mo ba yung talaba eh wala kang naamoy na mabaho?
Inday: Binubuksan po ba yun?

Kid 1: Alam mo bang ang galing-galing ng Tatay ko? Maniniwala ka ba na yung mga taong lumpo eh napapalakad niya!
Kid 2: Mas magaling ang Tatay ko! Kasi yung mga taong nakakalakad nilulumpo niya!

Waldo: Pare, ano gagawin mo kapag may naka-usap kang tao na mukhang puwet?
Gerry: Eh di bibigyan ko ng brief at i-u-upo ko yung mukha niya sa silya, para marelax siya. Aba! mahirap yatang makipag-usap sa nakatuwad noh!! Eh kung ma-ututan ka non!

Anak: Alam nyo ‘tay, KAMUNTIK na po akong maging first honor kanina sa klase namin!
Ama: Tutuo ba yan Anak?
Anak: Opo, ‘Tay! Kasi itinuro po ng titser namin yung first honor namin kanina. Eh katabi ko po yung tinuro niya!

A Lizard fell on a table.
Genius: Oh! Reptila scincidae.
Kikay: Eew! Lizard!
Astig: Shit, butiki!
Mataray: Shucks, butiks!
Mayaman: Yuck! Lacoste!
Mahirap: Pare, ulam!

Lady: Father, ang gwApo at cute mo naman! Bakit ka pa kasi nagPari?
Priest: Kasi ayaw pumayag ng magulang ko na magmadre ako! Bruha!

Pari: Ang mga boys, sumunod sa karo ni San Jose at ang mga girls, sa karo naman ni Mama Mary!
Bakla: Kami father, saan kami susunod?
Pari: Hoy! Mga bruha! Follow me!

Tukmol: Sino sa inyo ang matapang? Lumabas!
Siga: Ako, matapang ako! Bakit may problema ka?
Tukmol: Wala po Sir, survey lang ho. O Ngayon, yung mga duwag naman ang lumabas!

Tanong: Anong pool ang pwedeng tulugan?
Sagot: Eh di Pool-ding bed!

Tanong: Anong pool naman ang paborito kung pasko?
Sagot: Eh di delicious a-pool!

Tanong: Anong pool naman ang ibinibigay sa mga sexing Babae?
Sagot: Ano pa, eh di si-pool!

Lady: Berto! San ka ba galing at inumaga ka ng uwi? Di ba sabi ko sayo kagabi eh dalhin mo itong pusa at iligaw mo? Eh bakit nandito pa ‘tong bwisit nato?
Houseboy: Dinala ko nga po siya kagabi dun sa pinaka loob ng gubat, Ma’am. Inikot ko pa nga po ng inikot sa madilim na lugar bago ko inilabas sa sako yang pusang yan eh!
Lady: Oh eh ano ginawa mo pagkatApos?
Houseboy: Mabuti na nga lang po at naisipan kong sundan siya. Kaya nga po ako nakauwi eh!

Jose: Kumusta ang assignment?
Rick: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Jose: Naku, ako rin! Paano ‘yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
Jose: Diyos ko naman! Di mo ba alamyun?! Ang H2O ay water! At ang CO2, cold water.

Misis: Hindi ko na kaya ‘to! Araw-araw nalang tayong nag-aaway. Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na ‘to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ako sa ‘yo!

Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang ipagsabi. Nahihiya ako.
Mister: Okey.
(Kinabukasan, dumating Collector ng Meralco)
Collector: Misis, delayed po kayo ng one month.
Misis: Ha? Bakit mo alam?
Collector: Nasa record po.
Mister: Bakit naka-record diyan na delayed ang Misis ko?
Collector: Kung gusto ninyong mawala sa record, magbayad kayo!
Mister: Eh kung ayokong magbayad?
Collector: Puputulan kayo!
Mister: Eh anong gagamitin ni Misis?
Collector: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.

Advantage at disadvantage ng may-asawa
Advantage: ‘Pag kailangan mo, nandiyan agad.
Disadvantage: ‘Pag ayaw mo na, andiyan Parin!

Anak: Itay, nagpapatanong si ma’am kung ano raw ang propesyon mo.
Tatay: Sabihin mo, cardiologist.
Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Tatay: ‘Yung tagaayos ng radio sa car!

Rod: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa ‘kin ang utol ko.
Rod: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rod: ‘Yun lang? Anong masama dun?
Harry: Ang masama dun twins kami! Twins!

Lasing 1: Shege Pare, ayan na yung bahay namin eh. Dito na lang ako, salamat sa paghatid mo sakin ha!
Lasing 2: Mali ka Pare, hindi yan ang bahay mo. Diyan ako nakatira kaya sa amin yang bahay na yan! Okey?
Babae: (Nagbukas ng pinto) Hoy, mga unggoy! Anong pinagtatalunan nyo diyan? Lasing na naman kayong mag-ama noh?

DIRTY OLD MAN: Alam mo Pare, lima ang chiks ko ngayon!
Pare: Magaganda ba sila, Pare?
D.O.M.: Maganda sila Pare at magkakamukha pa silang lahat!
Pare : Ha, bakit nagkaganon Pare?
D.O.M.: Lahat sila mukhang pera!

Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

B1: Pre, naholdap ako muntik pa ako mamatay!
B2: Bakit, hindi ka ba humingi ng tulong?
B1: Nag-text ako sa pulis station!
B2: Bakit, anong reply?
B1: Hay naku, eto reply! “Hu u? Wr did u get my no?”

Probinsyano: Alam ko na probinsyano lang ako kaya wag mo akong lolokohin. Bakit ganito room ko? Maliit, walang kama at bintana. Ang mahal mahal ng bayad ko, tApos ganito lang?
Bellboy: Sir nasa elevator palang tayo, wag ka excited.

Teacher: Why are you late??
Jr: Ma’am, there was a man who lost his P500 bill…
Teacher: Good! You helped him look for it, right?
Jr: No Ma’am! Tinapakan ko po kasi hanggang sa umalis siya!

Mga tanong na kailangan ng malalim na pag-iisip

  • Ang lamok ba pag natutulog nilalamok din?
  • Puwede bang uminom ng coke kapag coffee break?
  • Ang uod ba pag namatay inuuod din?
  • Bakit ang blackboard kulay green?
  • Ang lason ba pag na-expired, nakakalason pa din?
  • Nanganganak ba ang mga bakla? Kung hindi, bakit sila dumadami?
  • Pwede bang magdinner ang may dalang lunchbox?
  • Pag sinabi bang 6 feet, anim ang paa mo?
  • Pag nahulog ba yung ipis sa palangganang may sabon, lilinis ba yung ipis o dudumi yung palanggana?

Bunso: Itay, tingnan nyo po drawing ko oh!
Tatay: Wow! Ang galing namang magdrawing ng monkey ng bunso ko.
Bunso: Hala Itay, kayo po yan!

Tanong: Anong feet ang masakit?
Sagot: Edi FEETick!

Nasa palengke ang mayabang engineer.
Engr: Sino ang gustong makipagtagisan ng talino skin?
Tambay: Ako!
Engr: Pag nasagot mo tanong ko, bibigyan kita ng 5000. Pag nasagot ko naman tanong mo, bibigyan mo ako ng limang piso.
Tambay: Sige ba!
Engr: What’s the scientific name of a cat?
Tambay: (kinamot ang ulo) Eto, limang piso, hindi ko alam e! Ako naman magtatanong sayo!
Tambay: Anong hayop ang may apat na paa na pagtwid sa isang bundok ay tatlo na lang ang paa?
Engr: (Inabot ang 5000) Anong hayop ba ito?
Tambay: (Dumukot ng limang piso mula sa bulsa) Di ko rin alam!

Kumatok ang isang ahente sa bahay. Pagbukas ni Misis ng pinto, agad pumasok ang ahente at ikinalat sa sahig ang ebak ng kabayo.
Ahente: Ma’am, pag hindi nalinis ng vacuum cleaner ko ang kalat, kakainin ko ang mga yan!
Misis: O sige, umpisahan mo na pagkain niyan at brownout kami ngayon!

Atty: asan ka ng mangyari ang rape???
Witness: sa maisan
Atty: anong ginagawa mo dun??
Witness: tumatae Po
Atty: ilang hakbang ka mula sa krimen??
Witness: Aba ewan!!! may tumatae bang pahakbang hakbang??

Thought peace is very important in our lives cause without thought peace, paano tayo makakapag thought brass?

SEE ALSO: Patama Lines: 35+ Patama Lines Tagalog

Nahuli ng titser na may kodigo sa exam ang pupil.
Teacher: Bakit may nakatagong papel sa kamay mo?
Pupil: Ma’am, prayers ko lang po yan.
Teacher: Bakit may mga sagot dito?
Pupil: Naku, sinagot na ang prayers ko!

Matapos ang dalawang taon na pag-aaral sa Manila ay masayang umuwi ang Anak sa kanilang probinsiya.
Son: Itay, sa wakas natApos na rin ako sa pag-aaral.
Dad: Magaling Anak! Ano bang tinApos mo?
Son: AB, Itay.
Dad: AB lang inabutan ka nang dalawang taon? Ako, isang taon lang, tApos ko ang ABC hanggang XYZ!

Father: Musta exams nyo sa eskwela, mga Anak?
Brother: Mabuti po. Nakakuha kami ni Dina ng 100%.
Father: Magaling! Nagmana kayo sa talino ko.
Sister: 60% po yung sa akin at 40% yung kay Kuya.

French Lesson
Ashes – a vou
B1allon – lo vou
Car – re vou
Cough – u vou
Drug – sha vou
Goodbye – ba vou
Hazy – mala vou
Naked – hu vou

Judy: Ang hirap ng math test natin kanina. Nahirapan ako sa mga tanong.
Jhigz: Madali lang ang mga tanong. Dun ako nahirapan sa mga sagot.

Beth: Halata na ang tiyan mo. Bakit hindi pa kayo papakasal ng BF mo?
Maria: Ayaw ng pamilya niya eh.
Beth: Sino may ayaw, Tatay o Nanay?
Maria: Yung Misis niya.

Ama: Kumusta ang pagaaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po

Boy: Nakipag-away ako kanina
Ama: Nagbibinata na Anak ko ah. Pero bakit?
Boy: Eh, tinawag po kasi akong bakla! Hinampas ko nga ng shoulder bag ko yung mga chuva evers nay un!!! Hmpft!!!!

Teacher: What’s your name?
Pupil: Early Seven Strikeland po!
Teacher: Niloloko mo ba ko?
Pupil: Hindi po, yan ang name ko sa inglis! Sa Pilipino po, Agapito Hampaslupa.

Apo: Lola pupunta lang kami sa tipar!
Lola: Ano bang tipar ang pinagsasabi nyo?
Apo: Tipar is Party
Lola: Puro salitang kanto ang alam nyo mga PAKINSHET kayo!

Anak: Tays! Kains na tayos!
Ama: Tigilan mo ang kakalagay ng “s” sa salita mo! Ano ba ulam?
Anak: inigang na bangu na may ibuya at kamati. Hmmmm… arap ng abaw!

Inday: Koya, karamehan pala nakalebeng sa simintiryu GENAHASA!
Kuya: Pano mo nalaman?
Inday: Eh kase, nakalagay sa lafeda nela RIP!

Teacher: Give me colors that begin with letter “M”
Pupil: Maroon!
Teacher: Anybody else?
Ngongo: Mlue, Mrawn, mlak, maiolet
Teacher: Mery ngood!!!

Killer: Father mangungumpisal po ako.
Father: Ano ba kasalanan mo???
Killer: Pumatay po ako ng 20 katao.
Father: Bakit?
Killer: Kasi po naniniwala sila sa Diyos. Kayo po ba naniniwala?
Father: Dati, pero ngayon trip-trip lang.

Kung hindi ka na masaya sa buhay mo, bakit hindi mo subukan ang kabilang buhay?

Anak: Tay, may manok sa kusina. Tinutuka ang bigas mo.
Tatay: Paalisin mo!
Anak: Oy, alis ka daw! Ayaw umalis eh.
Tatay: Takutin mo!
Anak: Awoooooo manooook! May mumu diyan!

Lumubog ang barko, patay lahat ng tao. Ita lang ang naiwan.
Ita: Halika pating, kainin mo ko.
Pating: Wag mo kong lokohin. Di ako tanga! Pusit ka!

Erap in Mcdo
Erap: I’ll have large fries, coke and a burger.
Cashier: For dine in or for take out?
Erap: No, for Jinggoy.

Doktor: Sige, pag nakapasa ka sa test ko na to, lalabas ka na.
Patient: Sige!
Doktor: Tumulay ka sa ilaw ng flash light.
Patient: Ano ako gago? Ayoko nga.
Doktor: Mukhang magaling ka na nga.Teka, bat ayaw mong tumulay?
Patient: Dok, mautak ako. Eh kung patayin mo ung flash light, eh di nahulog ako?

Kapag nagyelo ang cell phone mo, nasa Alaska ka na.
Pag mainit ang cell phone mo, nasa Africa ka na.
Pag naglangis, nasa Saudi ka na.
Pero pag nawala cell phone mo, welcome to the Philippines!!!!

Pulis: Sino nakasaksi sa aksidente?
Tambay: Ako Sir! Kulay itim na van ang nakabangga.
Pulis: Nakuha mo ba yung plate number?
Tambay: Hindi Sir, nkaturnilyo kasi.

Bakit hindi tinatagalog ang NO ID, NO ENTRY sa gate lalo n s paaraalan?
Kasi pag tinagalog yun, ang kalalabasan, “WALANG ID WALANG PASOK!” Yahoo! Uwian na!

Beggar: Boss palimos po!
Student: Iinom ka? Magsusugal o magddroga?
Beggar: Wala po akong bisyo.
Student: Ok. Sama ka sakin para malaman ng nanay ko ang nangyayari sa taong walang bisyo!

Para mapatunayan ko na kaibigan mo ako, aakyatin ko ang Mt. Everest ng naka-wheelchair. Para mapatunayan ko naman na kaibigan kta, ikaw ang taga-tulak!

Chinese man dying on his bed…
Chinese: Aki asawa ajan ba?
Asawa ng Chinese: Oo.
Chinese: Aki panganay ajan ba?
Panganay ng Chinese: Opo.
Chinese: Aki bunso ajan ba?
Bunso ng Chinese: Opo.
Chinese: Wala hiya kayo. Dito kayo laat wala tao tindahan!

Erap: Anak, ilan ba ang Diyos?
Jinggoy: Dad, isa lang ang Diyos. Bakit mo naitanong?
Erap: Eh bakit may extra joss?

Hindi ba mahirap kapag may sakit ka? Hindi ka makakain, hirap lumunok. Tapos sasabihin pa ng nanay, “sige na Anak, kumain ka na… kahit tatlong kutsara lang.”
Pagkain nga hirap ng lunukin, kutsara pa kaya?

Sakit ba ulo mo dahil sa problema?
May gamot na!
TOGMORON 500!
iun-TOGMORON sa pader ulo mo 500mg.
Tandaan TOG MO RON!
Kung di epektib, TOGMOPA 50!

Tanong: Bakit hindi pwedeng magswimming ng sabay-sabay ang mga kalbo sa jacuzzi?
Sagot: Kasi magmumukha silang FISHBALLS!

Titser: Who can give example of a tag question
Pupil: My teacher is beautiful, isn’t she?
Titser: Good. Itagalog mo nga!
Pupil: Si Ma’am ay maganda, hindi naman di ba?

Tatay: Anak, gising na at kakain na tayo. Hinanda ko ang paborito mong ulam.
Anak: Talaga tay?
Tatay: Hulaan mo, may CHOP sa dulo.
Anak: Aha!!! Porkchop tay! Paborito ko yun eh!
Tatay: Ketchop anak. Sige kain ka na.

Use DEDICATE in a sentence.
“Kapag ginamitan mo yan ng glue for sure DEDICATE yan.”

How about CONTINUE
“Kahapon ang dami dami nyo bakit ngayon ang CONTINUE.”

Idagdag pa natin ang VIOLET.
“Naholdap yung cellphone ko. Hindi bale, I’ll VIOLET.”

Ito pa, OPINION.
“Papasok ka sa pinto kung OPINION.”

Eh ang CONCLUSION?
“Siyempre, hindi ka naman makakapasok sa pintuan CONCLUSION.”

Kapag iniwan ka ng mahal mo
Huwag kang lumuha,
Sa halip magsaya at sabihing…
Simula ng iniwan mo ako, my skin is firmer. my pores are smaller and my lines parang nawala.

Do you know INNER ROW?
What is inner row??
Inner Row comes before
Pibrerow
Marsow
Abril
Mayow

SEE ALSO: Hugot Lines: 490+ English, Bisaya, & Tagalog Hugot Lines (Ultimate Collection)

Mag syotang nag-uusap sa tabing dagat
Girl: Hon anong zodiac sign mo?
Boy: (nag-isip siya dahil bobo hindi nya alam) Sayo muna hon.
Girl: Zodiac sign ko Cancer.
Boy: Sa kin Goiter!

Anak: Tay, ilan po ang ‘r’ ng correspondent? Isa o dalawa?
Tatay: Tatluhin mo na para sure!

Tatay: Aba! Himala, bakit isang oras ka lang sa telepono? Dati anim na oras ka.. Sino ba yun?
Anak: Hindi ko kilala eh, WRONG NUMBER daw po.
Tatay: Buset!

Pakyaw: Jinky, honey ko. Buksan mo na yan Sweets.
Jinky: Nasaan honey? loving talga ang manny ng buhay ko. Mwuah, mwuah, mwuah!
Pakyaw: Hindi honey yung Sweets ng ilaw. Pakibukas hindi kasi ako makakita. Sobrang dilim dito.

A guy gave 3 roses to his GF.
Girl: Oh boy! You’re so romantic! Why did you gave me 3 roses?
Boy: Kasi hindi puwedeng bumili ng isa lang. Tatlo sampu talaga yan.

Girl 1: Ganda ng skirt mo, Girl.
Girl 2: Sorpresa ng mister ko sakin.
Girl 1: San nabili?
Girl 2 : Ewan. Nakita ko na lang sa ilalim ng kama namin kaninang umaga!

Preso: Warden, may last request po ako
Warden: Ano yun?
Preso: Hawakan nyo naman kamay ko, moral support ba!

May mga tanong at sagot na hindi magkatugma pero tinatanggap natin ang sagot. Gaya nito.
Tanong: Asan ang nanay mo?
Sagot: Bakit ho?
Tanong: Anong gagawin natin?
Sagot: Ikaw?
Tanong: Love mo ba ako?
Sagot: Ang corny mo!
Tanong: Asan ka?
Sagot: Papunta na!
Tanong: Kumain ka na?
Sagot: Busog pa ako eh!
Tanong: Asan na yung wallet ko?
Sagot: Nahulog mo lang yun!
Tanong: Anong trabaho ng nanay mo?
Sagot: Sa bahay lang.
(Eto hindi tanong)
Pare 1: Ganda ng polo mo ah.
Pare 2: A eto? Bigay lang ito!

Misis: Hon, bakit ang dumi dumi mo at ang baho mo pa?
Mister: Nakita mo ba yung maliit na imburnal sa kanto naten?
Misis: Oo!
Mister: Puwes, ako hindi ko nakita!

Binata: Ale, liligawan ko po ang anak nyo.
Ale: Wag muna, nag-aaral pa siya.
Binata: Sige po kapag uwian na lang nila!

NBI Clearance Applicant: Sir, available na ba clearance ko?
NBI: Followup mo na lang after 5 days may kapangalan ka kasi eh.
Applicant: Hua? Sino? Anong pangalan?

Alam mo ba na ang buhok mo sa puwet ay karugtong ng pilik mata? It’s true! Subukan mong hilain, mapapapikit ka! Sigurado yan! Try mo!

Nanay: Anak ano tong zero sa test paper mo?
Anak: Nay hindi po yan zero, naubusan po kasi ng star si Ma’am kaya binigyan nya akong moon.

Bata: Manong, may ubas kayo?
Manong: Wala.
Kinabukasan…
Bata: Manong, may ubas kayo?
Manong (Inis na ng kaunti): Wala nga e! Kapag bukas nagtanong ka pa sa akin kung may ubas ako, e isa-stapler ko ang bibig mo!
Kinabukasan uli…
Bata: Manong, may stapler kayo?
Manong: Wala.
Bata: May ubas kayo?

Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher…
Teacher: Bakit blank ang work mo?
Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.
Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang dAmo?
Bata: Ubos na po,kinain ng baka.
Teacher: (kAmot sa ulo) Eh nasaan yong baka?
Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng dAmo? Syempre umalis na po.

Jinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III?
Erap : (natawa) Trick question ba yan anak? Eh, di pang-lima! Kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba?

Dad: Mabait ba ang boyfriend mo?
Anak: Yes, Daddy.
Daddy: Maka-Diyos?
Anak: Sobra Dad.
Daddy: Nasaan siya?
Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!

Sa presinto…
Pulis: Ano ang itsura ng suspek?
Saksi: Naka-orange po siya at dilaw ang buhok.
Artist: (gumuhit) Bossing, hindi natin kayang hulihin ‘to.
Pulis: Bakit?
Artist: Dilaw raw ang buhok at naka-orange. Kung hindi si Naruto, si Son Goku ‘to!

Cholo: Ah, waiter, bakit may langaw itong Lomi ko?
Waiter: E kasi po Sir, sa sobrang sarap ng Lomi namin pati langaw gusto makatikim.

Para sa mga nagbabagang balita
Dalawang kalbo, nag-sabunutan!
Captain Hook dumaan sa Quiapo, pinirata!
Pala-isdaan, nasunog!
Tahanang Walang Hagdan, inakyat!
Bakla sumali sa away, napasubo!
Bagong tuli nagyabang, lumaki ang ulo!
Unanong madre, nagpakamalang penguin!
Bulag nakapatay, nagdilim daw ang paningin!
Iceman nanood ng porno, nag-init!
Tindera ng suka, tinoyo!
Barkong lumubog, hindi nakatiis, lumutang!
Batang nasunog, hindi nakilala!
Teacher nagkamali, tinuruan ng leksyon!
Eroplano nag-crash, lahat ng pasahero namatay sabi ng mga survivor!
Basurero nag-sampa ng kaso, binasura!
Dahil may reklamo, eskwelahan ng mga bingi nag noise barrage!
Tubero, nagkatulo!
Barbero tumestigo sa krimen, ayaw paniwalaan!
Misis ng photographer, nakunan!
Tindera ng tubig, namatay sa uhaw!
Kaso ng pilay, nilakad!

May tatlong magkukumpare na nagpapayabangan.
Pare 1: Naaalala ko si Junior ko. Napakagaling na bata. Biruin mo, sariling sikap lang na nakapag-aral sa America. Ngayon abogado na. Sa New York nagtratrabaho. May sarili na siyang Law Firm doon. Huli kong balita kay Junior, sa sobrang yaman ng anak ko na yan, binigyan lang ng mercedez benz yung isang kaibigan.
Pare 2: New York ba ikamo? Doon din yung isang panganay ko eh! Businessman. Graduate ng Yale. Scholar din siya. Ang dami ngang negosyo ngayon ng batang iyon. Iba-iba. Kaya ako’y proud na proud diyan sa anak ko na ‘yon eh. Gusto talagang makatulong. Yung isang kaibigan niya nga eh, balita ko binigyan niya nung isang apartment sa Manhattan.
Pare 3: (With his head bowed) Nakakahiya naman pala sa inyo, mga kumpare. Ako kasi’y pinagbagsakan ng langit at lupa nung nalaman kong ang kaisa-isa kong lalaki ay naturingang bakla. Mangyari’y hindi lang bakla, kundi napakalanding bakla. Ang damuhong iyon, ang huli kong balita ay nangangaliwa pa yata! Dalawa-dalawa pa ang BOYPREN. Pareho kasing mayayaman. Yung isa binigyan siya ng mercedez benz, at yung isa nama’y ibinahay siya sa Manhattan.

Anak: Tay, ang tanga naman ng mga kaklase ko. Ako lang nakasagot ng tanong ni titser!
Tatay: Bakit anak? Ano pala yung tanong ng titser mo?
Anak: Ang tanung ng titser namin ay, “sino walang assignment?” Tumaas ako agad ng kamay, Tay, at sinabi kong, “Ako!”

May joke ako about pizza.
Kaso baka di ko ma-deliver.

May joke ako about unemployment.
Kaso baka di mag work.

May joke ako about chemistry.
Kaso baka walang mag react.

May joke ako about sa grades ko.
Kaso baka hindi pumasa.

May joke ako tungkol sa estado ng Pilipinas.
Kaso di na nakakatawa.

May joke ako about Tito Sotto.
Kaso baka ipabura nya.

May joke din ako about Tito Sotto.
Kaso baka ipa-delete niya.

May joke ako about Tito Sotto.
Kaso baka kopyahin niya.

May joke ako about basura.
Kaso baka ikalat mo.

May joke ako about spiderman.
Kaso I don’t feel good.

May joke ako about sa slow.
Kaso baka tamaan PLDT.

May joke ako about sa isang kontrabida ng Teleserye.
Pero baka nakakainis.

May joke ako about sa timba.
Pero epic pail.

May joke ako about hairdressers.
Pero di sya Fanny.

May joke ako about panget.
Kaso baka ma-offend ka.

May joke ako about a country,
Peru…

May joke ako about calculators,
Casio…

May joke ako tungkol sa kasoy,
Cashew…

May joke ako about sa pabango.
Kaso it doesn’t make any scents.

May joke ako about Korina Sanchez.
Kaso, handa na ba kayo?

May joke ako about Linkin Park.
Kaso in the end, it doesn’t even matter.

May joke ako about sa medyas.
But it really socks.

May joke ako about court hearings.
Kaso

May joke ako about business.
Kaso baka di bumenta.


There you have it! 😁

Sana ay napatawa ka ng mga Tagalog jokes na ito. Kung may alam kang Pinoy jokes na hindi pa kasama sa koleksyon na ito, pwede kang mga iwan ng comment sa ibaba para maidagdag natin at mabasa din ng iba nating mga kababayan lalo na yung mga nagtatrabaho sa malayong lugar o OFW. ✈️ 🚢 🗾

Maraming salamat po! 😘

1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading...
Loading...