Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Maraming  tauhan ang bumubuo sa nobelang Noli Me Tangere ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Halina’t sama-sama nating kilalanin kung sinu-sino sila at kung ano ang mga katangian ng bawat isa.

Sa post na ito, mababasa ninyo ang mga mahahalagang tauhan pati na rin ang mga tauhan na kaunti lamang ang ginampanan sa nasabing nobela.

SEE ALSO: Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod + PDF)

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere

Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin

Si Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin ay ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Nag-iisa siyang anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuring siyang “eskumulgado” at idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ay katipan ni Maria Clara.

Maria Clara

Ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra. Kilala si Maria Clara sa San Diego dahil sa kanyang angking ganda at kayumian. Anak siya ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso.

Elias

Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. Anak siya ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo.

Kapitan Tiyago o Don Santiago de los Santos

Mangangalakal na taga-Binondo. Siya ang ama-amahan ni Maria Clara. Madalas siyang magpahanda ng salu-salo at kilala sa pagiging bukas-palad.

Padre Damaso Verdolagas

Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang kumilos. Siya ay dating kura sa San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga hindi banyaga.

Padre Bernardo Salvi

Ang paring pumalit kay Padre Damaso na mayroong lihim na pagtingin kay Maria Clara.

Padre Hernando De La Sibyla

Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Kapitan-Heneral

Siya ang pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas. Siya ang lumakad upang maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Pilosopo Tasyo o Don Anastacio

Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Ang tingin ng mga ‘di nakapag-aral ay baliw ang matanda ngunit para sa mga may alam ay isa siyang pilosopo. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at maagang nabalo kaya ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat.

Sisa

Isang mapagmahal na ina na nabaliw. Siya ay may asawang pabaya at malupit.

Pedro

Iresponsableng ama at masamang asawa ni Sisa.

Basilio at Crispin

Magkapatid na anak ni Sisa. Mga napagbintangang nagnakaw. Pareho silang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang panganay at bunso naman si Crispin.

Tinyente Guevarra

Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Alperes

Siya ang puno ng mga gwardya sibil at kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. Asawa niya si Donya Consolacion.

Donya Consolacion

Napangasawa ng Alperes. Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Katawa-tawa siya kung manamit at ikinahihiyang isama ng Alperes. Ipinapalagay niya na siya’y higit na maganda kay Maria Clara.

SEE ALSO: Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 (with Talasalitaan)

Donya Victorina de los Reyes de Espadaña

Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Asawa ni Don Tiburcio de Espadaña

Don Tiburcio de Espadaña

Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran. Asawa ni Donya Victorina at nagpanggap na doktor.

Linares

Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo

Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin. Siya ang ama ni Sinang.

Senyor Nol Juan

Siya ang namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas

Taong dilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo Alasigan at Bruno Alasigan

Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel

Pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba

Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na maisilang ang anak.

Iday

Kaibigang maganda ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa.

Sinang

Anak ni Kapitan Basilio at masayahing kaibigan ni Maria Clara.

Andeng

Mahusay magluto na kinakapatid ni Maria Clara.

Victoria

Tahimik na kaibigan ni Maria Clara na kaintahan ni Albino.

Neneng

Isa sa mga kaibigan ni Maria Clara. Siya ay mahinhin at palaisip.

Don Rafael Ibarra

Ama ni Crisostomo Ibarra. Labis siyang kinainggitan ni Padre Damaso dahil mayaman ito. Tinawag din siyang erehe.

Don Saturnino

Ninuno ni Crisostomo Ibarra

Don Pedro Eibarrimendia

Lolo ni Crisostomo Ibarra. Siya ang naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias.

Don Primitivo

Isang matandang lalaki na marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin. Siya ay pinsan ni Tinchang at taga payo ni Kapitan Tinong.

Tinchang

Ang matatakuting asawa ni Kapitan Tinong

Mang Pablo

Matandang pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

SEE ALSO: El Filibusterismo Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Kapitan Basilio, Kapitan Tinong, at Kapitan Valentin

Ilan sa mga kapitan sa bayan ng San Diego

Kapitana Maria

Ang nag-iisang babaeng makabayan na pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Albino

Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. Siya ang kasintahan ni Victoria.

Andong

Napagbintangan na isang pilibustero.

Balat

Ang tiyo niElias na naging tulisan

Carlicos

Bayaw ni Padre Damaso na nanirahan sa Espanya.

Leon

Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.

Ermana Rufa

Kampi kay Padre Damaso

I-download ang PDF bersyon ng post na ito at basahin offline. Maaari mo itong i-save sa iyong smartphone at basahin kahit saan.

Kung nakatulong sa iyo ang post na ito, please share with your classmates and friends!

Maraming salamat! 🙂

40 Shares
Share via
Copy link