Ang El Filibusterismo ay karugtong ng nobelang Noli Me Tangere na parehong orihinal na likha ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ilan sa mga tauhan ng El Filibusterismo ay matatagpuan din sa Noli Me Tangere. Kabilang dito ay sina Simoun (Crisostomo Ibarra), Basilio, Padre Salvi, Donya Victorina, at marami pang iba.
Sa post na ito, mababasa ninyo ang mga pangunahing tauhan pati na rin ang mga tauhan na kaunti lamang ang ginampanan sa nasabing nobela.
Halina’t sama-sama nating kilalanin kung sinu-sino at kung anu-ano ang mga katangian ng bawat isang tauhan sa El Filibusterismo. ?
SEE ALSO: El Filibusterismo Buod ng Bawat Kabanata (1-39 with Talasalitaan)
Mga Tauhan sa El Filibusterismo
Simoun
Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere. Nagpanggap siyang mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at taga-payo din siya ng Kapitan Heneral.
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kalaunan ay naging kakampi siya ni Simoun.
Isagani
Ang makatang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.
Kabesang Tales
Naghangad ng karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari. Siya’y kasama sa mga naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan.
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Juli
Anak ni Kabesang Tales at apo ni Tandang Selo. Siya ang nobya ni Basilio na hinalay ng paring matagal nang may pagnanasa sa kanya.
Kapitan Heneral
Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Siya din ay naging kaibigan ni Simoun.
Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning pampaaralan.
Juanito Pelaez
Ang kubang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor at nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Siya ang nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli ng storya.
Donya Victorina
Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina.
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Don Tiburcio de EspadaƱa
Pinagtataguan ang asawang si Donya Victorina.
Ben Zayb
Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ang katotohanan.
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Pecson
Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa Panciteria Macanista de Buen Gusto kung saan kanyang tinuligsa ang mga pari.
Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay Juli. Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay liwaliwan.
SEE LASO: El Filibusterismo Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod + PDF)
Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino
Ang amain ni Isagani na pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya malagutan ng hininga.
Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Padre Millon
Isang batang Dominikong pari na guro sa klase ng Pisika.
Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning ligal.
Don Custodio (Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo)
Kilala rin sa tawag na “Buena Tinta”. Sa kanyang mga kamay nakasalalay kung pahihintulutan ang Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.
Quiroga
Isang Intsik na mangangalakal na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Sa kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni Simoun ang mga sandata at pulbura na gagamitin sa himagsikan.
Hermana Bali
Humimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra na mapalaya ang kasintahang si Basilio.
Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglingkuran ni Juli noong mga panahon na kaylangan niya ng pandagdag na salapi para may maipantubos sa ama na binihag ng mga tulisan.
Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtanghal sa perya.
Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Kabesang Andang
Ina ni Placido Penitente na taga-Batangas.
Pepay
Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Siya rin ang hinilingan ng mga mag-aaral na kumumbinsi kay Don Custodio para suportahan nito ang paaralang nais nila.
Camaroncocido
Isang Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
Tiyo Kiko
Isang matandang lalaki na sinasabing matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Tano
Kapatid ni Juli, anak ni Kabesang Tales, at apo ni Tandang Selo.
Gertrude
Mang-aawit sa palabas.
Serpolette
Isang mang-aawit sa palabas na kaibigan ni Padre Irene
Paciano Gomez
Kapatid ni Paulita Gomez.
Tadeo
Estudyanteng tamad mag-aral at nagdadahilang maysakit ngunit nakakapasa pa rin sa klase.
SEE ALSO: Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa
Sinong
Isa siyang kutsero na dalawang beses na nahuli dahil nalimutan niyang dalhin ang kanyang sedula at walang ilaw ang kanyang kalesa. Siya rin ang tanging dumalaw kay Basilio nang ito’y nakakulong pa at nagbalita ng tungkol sa pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Juli.
Mautang
Isa sa mga Pilipinong gwardiya sibil na nagpahirap sa mga Pilipinong bilanggo.
Carolino
Nakapatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo.
I-download ang PDF bersyon ng post na ito at basahin ito offline. Maaari mo itong i-save sa iyong smartphone at basahin kahit saan. Kung nakatulong sa iyo ang post na ito, please share! Maraming salamat! ?