Tagalog Quotes: 300+ Best Quotes and Sayings about Life

37 Shares

Ang mga tagalog quotes ay popular sa panahon natin ngayon. Madalas natin itong nababasa sa mga text na ipinapasa sa atin o hindi naman kaya ay sa mga status sa social media ng ating mga kaibigan at kapamilya. Iba-iba ang tema ng mga tagalog quotes; mayroong masaya, malungkot, nakakatawa at nakaka-inspire.

Kung ang hanap mo ay mga tagalog quotes sa iba’t ibang paksa, nasa tamang pahina ka! Narito ang higit sa tatlong daang tagalog quotes na aming kinalap at pinagsama-sama na tiyak na makakatulong sa iyo.

Tagalog Love Quotes

Ang koleksyong ito ng mga tagalog love quotes ay naglalaman ng mga nakakakilig na quotation na maaari mong sabihin sa iyong minamahal. Maari din itong maging tulay upang iparamdam sa isang tao kung ano ang nilalaman ng iyong puso.

Tagalog Quotes Image 1

Aanhin mo pa ang bahay n’yo kung nakatira ka na sa puso ko?

Alam mo ba ang salitang “pagmamahal”? Hindi ko ‘yan pinag-aralan pero sa’yo ko ‘yan natutunan.

Sana ang pag-ibig parang sukli sa jeep. Kahit ipasa-pasa ka pa sa maraming tao, kukunin at kukunin ka pa rin ng tunay na nagmamay-ari sa’yo.

Sa isang patak ng tubig nabuo ang ulan.
Sa isang buhos ng ulan, nabuo ang baha.
Sa isang kapirasong lupa, nabuo ang mundo.
Sa isang hulma ng putik, nabuo ang tao.
Parang ikaw…
Sa isang ngiti mo nabuo ang puso ko.

Hindi ko naman kailangan ng perfect person na magmamahal sa akin. Kailangan ko lang ng taong magpapadama sa akin na kahit anong mangyari hinding hindi niya ako iiwan.

Sana kaya kong ibigay ang buong mundo sa’yo para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.

Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin yung pagmamahal ko para sa’yo.

Wag mong gawing soccer ang pag-ibig na pagkatapos mong sipain, saka mo hahabulin.

Tagalog Quotes Image 2

Kapag kasama kita mayaman ako. Kasi mahirap kapag wala ka.

Kung hindi mo mahal ang isang tao, ‘wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

Hindi sa lahat ng panahon ay may taong laging nandiyan para unawain at intindihin ka. Kaya kung sino man ang tao na iyon sa buhay mo: Pakaingatan mo siya.

Naranasan mo na ba makipag-inuman sa mahal mo? Yung tipong nalalasing ka na tapos napayakap ka sa kanya at bumulong siya sayo… “Mahal Kita”. Nagulat ka at nagtanong… “Ano?” Sumigaw siya… “Tagay mo na!”

Kapag sinayang ng isang tao ang pagmamahal mo, syempre ayaw mo na. Pero bakit pag may dumating na iba di natin maibigay ang lahat? Dahil ba takot ka na? O may naiwan pa rin sa puso mo para sa kanya?

Nag-aaway na naman ang utak at puso. Sabi ng utak sa puso, “kalimutan mo na siya. Tanga mo talaga!” Sagot ng puso, “Kala ko ba matalino ka? Paano ko kakalimutan eh lagi mong iniisip!”

Tagalog Quotes Image 3

Ang crush mo ang masarap kalaro ng taguan… Taguan ng feelings.

Once there was an angel who wants to take everything away from me, then nakita ko s’ya tumingin sayo… “Oist! Pag yan ginalaw mo gagawin ko shuttlecock ang pakpak mo!”

Yung love niya sayo parang siopao. Binobola-bola ka lang niya, asadong-asado ka naman.

Wag na wag kang maiinlove sa taong walang pakialam. Dahil para ka lang nagwawalis habang nakabukas ang electric fan, lahat ng effort nasasayang.

SEE MORE: Love Quotes Tagalog: 250+ Best Quotes about Love with Images

Tagalog Letting Go Quotes

Naranasan mo na bang magparaya o kaya naman ay nasa sitwasyon ka na kung saan kailangan mong tanggapin na hanggang kaibigan lang ang kayang isukli ng taong iyong iniibig? Kung oo ang sagot mo, tiyak na makaka-relate ka sa mga tagalog letting go quotes na ito.

Tagalog Quotes Image 4

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

Sa fairytales lang daw may HAPPY ENDING. Hindi rin. Kasi para sakin ang happy ending ay yung kahit di man tayo ang nagkatuluyan sa huli, alam kong naging masaya ka sa bawat kabanata ng LOVE STORY natin.

Kapag alam mong wala nang pagmamahal, wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo. Sa huli ikaw rin ang talo.

Darating ang panahong kailangan na nating palayain ang taong mahalaga sa atin. Sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao, dapat handa kang magparaya.

“Ang mga sagot ngayo’y baon-baon mo na sa kung saan ka man papunta. Sa paglisan mo ngayon, hindi ka na talaga babalik. Babalik ka man sa aking isip, nakaapak pa rin ako sa lupa kung saan bawat buhos ng ulan ay magsisimula akong mangarap muli. Ako na lang, mag-isa.” —Don Vittorio C. Villasin

Akala ko kaya ko pang magtiis. Pero hindi na pala. Napagtanto ko na lang na kailangan na kitang bitawan kasi ang bawat pagtitiis ko ay siya namang kalungkutan mo.

Tagalog Quotes Image 5

Dapat matuto tayong bumitaw. Dahil mas okay ang maging malungkot ng panandalian kesa magmukhang tanga ng matagalan.

Huwag kang malungkot kung iniwan ka niya ang mahalaga ay napadama mo sa kanya kung gaano mo s’ya kamahal.

Gusto kong ako ang tanging dahilan kung bakit ka masaya. Pero mas nanaisin ko na lang na makita kang masaya sa piling ng iba dahil ayokong maging ako rin ang dahilan ng kalungkutan mo.

Mas madaling mag move on kung mag focus ka muna sa mga taong nagmamahal sayo. Hindi yung mag fo-focus ka sa taong mahal mo pero di ka mahal.

Alam ko na sa ilang saglit na lang ay iiwan mo na ako. Pwede ba kitang yakapin kahit isang minuto lang? Kasi sapat na yun para maramdaman ko na kahit sa maikling panahon lang minahal mo rin ako.

Huwag kang mangakong babalikan mo rin ako at ayokong umasa na tayo pa rin sa huli. Kasi ayokong magpatuloy ang relasyon natin ng dahil nalang sa isang PANGAKO.

Tagalog Quotes Image 6

Mas pipiliin kong ako na lang ang masaktan kaysa magkasama nga tayo pero s’ya naman ang hinahanap ng puso mo.

Akala ko ako ang nararapat para sa’yo pero hindi pala. Kasi kahit anong gawin ko, balewala lang sa’yo. Nakakapagod din pala lalo na kung s’ya lang talaga ang gusto mo.

Hayaan nating panahon ang magpasya kung tayo ba talaga. Dahil gusto ko sa huli magiging tayo dahil napatunayan natin na ang pag-ibig natin ay di kayang pigilan ng tadhana.

Sabi mo may tamang panahon para sa ating dalawa. Ngunit natatakot pa rin akong mag-let go. Paano kung hindi na dumating ang tamang panahon para sa ating dalawa?

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

Tagalog Sorry Quotes

Sa totoo lang, hindi talaga madali ang humingi ng sorry at magpatawad lalo na kung matindi ang sakit na idinulot ng taong humihingi ng sorry. Kung ikaw man ay nasa sitwasyon na kung saan kailangan mong humingi ng tawad o may kailangan kang patawarin, basahin at pag-isipan ang mga tagalog sorry quotes na ito na tiyak na makakatulong sayo at maaaring maging tulay sa ikakagaan ng iyong kalooban.

Tagalog Quotes Image 7

Ang sorry ay para lang sa mga bagay na hindi sinasadya; hindi para sa mga bagay na paulit-ulit ginagawa.

Mahirap mag sorry. Lalo na’t alam mong nasa tama ka.

Ang sorry nakakawala ng galit pero di agad nakakawala ng sakit.

Nakakasawa ang salitang sorry kapag paulit-ulit na lang sinasabi.

Wag kang mag-sorry kung gusto mo lang magkaayos kayo. Magsorry ka dahil tanggap mo na rin ang pagkakamali mo.

Mag-sorry ka man sa kanya, hindi pa rin magbabago ang katotohanang nakasakit ka na.

Ang SORRY nagpapagaan lang ng kalooban, hindi nagtatama ng kamalian.

Minsan hindi sapat ang salitang “SORRY”. Dapat laging may kasamang pagbabago.

Saying sorry won’t always mean “kasalanan ko”. But it’s a nice way to say, “kasalanan mo man o kasalanan ko, wag natin palakihin ito. Ayoko kasi na nag-aaway tayo.”

Tagalog Quotes Image 8

Minsan kahit di mo kasalanan, kailangan mong mag-sorry para matapos na lang.

Hindi porke’t mahal ka ng isang tao, pahihirapan mo na siya. Hindi mo alam, nakakasakit ka na. Hindi lang ikaw ang tao sa buhay niya pero ginagawa niya ang lahat para ipakita sayo na ikaw ang pinaka-mahalaga.

Yung sorry mo… MADE IN CHINA!

Madali lang magpatawad pero ang hirap makalimot!

Ang tao pag nagsabi ng PROMISE asahan mo kasunod niyan I’M SORRY.

Tagalog Sad Quotes

Ang kalungkutan ay sadyang pinagdaraanan ng bawat isa sa atin. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman iyan pangmatagalan. Minsan, kaylangan mo lang pagdaanan para makapag-isip-isip ka at mapulot ang mga aral buhat sa kalungkutang ‘yan. Gayunpaman, nais kong malaman mo na ang mga tagalog sad quotes na mababasa mo ay sadya naming pinagsama-sama para sa iyo na maaring magpalakas at magpatibay ng iyong damdamin. Kaya tama na sa pag-iyak. Basahin mo na lang ‘to.

Tagalog Quotes Image 9

Minsan mas espesyal ang luha kaysa ngiti. Kasi kahit sino pwede mong ngitian pero ang luha tutulo lang sa taong di mo kayang iwan.

Mahal kita, oo! Yun ang totoo. At kahit wala ka sa tabi ko ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Sabi mo noon mahal mo ko pero kung tatanungin kaya kita ngayon, anong sasabihin mo? Ako pa rin ang mahal mo o ang taong nakasama mo nung wala ako?

Mas magandang mapalungkot mo ang isang tao dahil sa sinabi mo sa kanya ang totoo, kesa mapaiyak siya kasi nalaman pa niya ito sa ibang tao.

Oo, nagseselos ako, kahit na sabihin mong magkaibigan lang kayo at ako ang mahal mo. Natatakot ako na isang araw iwan mo ako, dahil noong una “magkaibigan” lang din naman tayo.

Pag hindi ka mahal ng mahal mo, wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

Alam mo kung bakit nasasaktan ka? Kasi iniisip mo na gusto ka rin niya kahit hindi naman talaga.

Bakit tayo nasasaktan? Kasi lagi tayong umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Naghihintay sa isang nakaraan na hindi na pwedeng balikan at nagmamahal sa taong hindi tayo kayang panindigan.

Wag ka nang umasang magugustuhan ka ng ibang tao, kung ikaw nga mismo ayaw mo sa sarili mo.

Tagalog Quotes Image 10

Dapat ba akong ngumiti dahil magkaibigan tayo? O dapat ba kong malungkot dahil hanggang dun lang tayo?

Dahil sa sobrang assuming mo, pinagkakalat mo sa lahat ang love story niyo. Yun pala, toy story lang ang tingin niya sa ugnayan niyo.

Minsan mas matalas pa ang dila ng tao kaysa bagong hasang kutsilyo.

Hindi tamang gumamit ka ng ibang tao para maka move-on ka. Ginagago mo na nga ang sarili mo, nakasakit ka pa ng iba.

Kung pwede lang maging excuse ang pagiging broken hearted, malamang marami ng absent sa high school at college.

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

Tagalog Quotes Image 11

Bakit alak ang sagot sa mga taong nasasaktan? Simple lang. Dahil sanay tayong “alcohol” ang gamot pag tayo ay nasusugatan.

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.

Ang hangin kahit saan pwede pumunta, pwede madama, at pwede mo makasama. Samantala ako nandito mag-isa habang iniisip ka. Sana hangin na lang ako para sa mga oras na ito magkasama tayo.

Ang oras ay isang mahalagang elemento sa mundo. Bumibilis kapag masaya, at bumabagal kapag wala ka.

Ang hirap bitawan ng taong kahit hindi kayo, siya yung nagpapasaya at kumukumpleto sa araw mo.

Tagalog Quotes Image 12

Ibinigay ko na ang lahat pero hindi pa rin sapat.

Lahat tayo napapagod. Wag mong hintayin na mawala pa siya sa buhay mo bago mo siya pahalagahan.

Yung naghihintay ka sa isang bagay na imposible namang mangyari.

Masakit isipin na dahil sa isang pangyayari hindi na kayo pwedeng maging tulad ng dati.

Yung akala mo minahal ka niya pero hindi pala.

Sana tinuruan mo ‘ko kung paano madaling makalimot tulad ng ginawa mong paglimot sa’kin.

Buti pa ang ngipin nabubunot kapag masakit. Sa ang puso ganun din.

SEE MORE: 170+ Tagalog Sad Quotes

Tagalog Bitter Quotes

May mga tao talagang bitter sa life. Isa ka kaya sa kanila? Malalaman mo lang ang sagot sa tanong na ‘yan kung makaka-relate ka sa mga tagalog bitter quotes na nasa ibaba.

Tagalog Quotes Image 23

Umiiyak ka na naman? I-break mo na kasi!

Ayaw ko nang magmahal masasaktan lang ulet ako.

Di magatatagal yan! Lahat kaya may hangganan.

Di naman siya mahal niyan. Assuming lang talaga yan!

Ba’t naman sinagot mo? Lolokohin ka lang niyan!

Naku po hindi ka nyan mahal! Piniperahan ka lang niyan!

Niloloko ka na ang saya mo pa? Binobola ka na lang nyan nagpapaloko ka naman! Tsk!

Sus! Walang poreber uy! Maghihiwalay lang din kayo. (Advance ako mag-isip eh!)

Hindi ba sila nahihiya? Can they have some privacy? PDA pa more!

Yan panay kasi FB bagsak ka tuloy. Break mo na yan!

Yikes! Makapaglandian to the highest level! Di na nahiya!

Tagalog Quotes about Life

Ang mga sumusunod na tagalog quotes tungkol sa buhay ay maaaring maging daan upang mas lalong maintindihan ang masalimuot ngunit masayang ikot ng buhay. Halina’t ma-inspire at matuto sa iba’t ibang aral ng tagalog life quotes sa ibaba.

Tagalog Quotes Image 13

Gawing mong posible ang imposible. Kumilos kung gusto mong mangyare, ganun lang ka simple.

Tatlong salita lang ang kailangan mo para sa buhay kahit gaano kahirap: It Goes On.

Alam ko marami akong naging pagkakamali sa buhay ko, pero salamat LORD kasi hindi mo ako pinabayaan at hinding-hindi mo ako iniwan.

Nararapat lamang na mahalin ang tao at gamitin ang mga bagay, at wag na wag mong gagamitin ang tao dahil mahal mo ang mga bagay.

Wag kang mag-alala kung sa tingin mo maraming naninira sayo, isipin mo na lang na sadyang INGGIT lang sila sa kung anong narating mo.

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

Wag kang matakot magkamali. Walang mawawala kung di ka magbabakasakali. 🙂

Lahat ng PROBLEMA, may SOLUSYON, kaya SMILE lang.

Tagalog Quotes Image 14

Ang buhay ay parang Adidas at Nike lang… “Nothing is impossible” so “Just Do It”.

Ang buhay, parang gulong, minsan nasa itaas ka, minsan naman ay nasa ilalim.

Walang mangyayari sa buhay natin kung papairalin ang hiya at takot sa paggawa ng mga bagay na kaya naman nating gawin.

Lagi mong tandaan kahit gaano pa ka USELESS ang tingin mo sa sarili mo, isa ka pa rin sa mga rason kung bakit may mga masayang tao.

Matuto kang PUMIKIT ng hindi MAINGGIT. Hindi yung lait ka ng lait.

Tagalog Quotes Image 15

Lahat tayo ay may problema, pagandahan na lang ng pagdadala.

Kapag hinusgahan ka nila, Hayaan mo sila! Gawin mo na lang itong inspirasyon para maging mas matatag ka.

Ang pinakamalaking pagkakamali na maaaring gawin ng isang tao, ay ang patuloy na isipin na gagawa siya ng mali.

Kapag nadapa ka, Bumangon ka! Tandaan mo, May pagkakataon ka pa para ipakita sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon, TAMA sila!

Wag mong sanayin ang sarili mo sa pagsisinungaling, kasi baka dumting yung araw na ikaw mismo sa sarili mo di ka na naniniwala.

Hndi dapat laging nagmamadali, dahil lahat ay may tamang panahon. Ang mga bagay na madaling makuha ay ang mga bagay na madali ding mawala.

Tagalog Quotes Image 16

Sa mundong ito, gumawa ka man ng mabuti o masama may ipupuna sila. So do what makes you happy!

Lahat ng bagay, pinaghihirapan. ‘Di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan.

Kung wala kang nagagawa sa kinatatayuan mo ngayon, wala ka ring magagawa sa kung saan mo man gusto pumunta.

Wag kang magpapaapekto sa sinasabi ng iba, tuloy lang ang buhay.

Magpahinga kung kelangan, pero wag kang susuko.

Tagalog Quotes about Self

Marami sa atin ang dumadaan sa yugto ng buhay kung saan parang hindi natin mapagtanto ang ating sarili. Nalilito tayo kung ano ba talaga tayong klase ng tao o kaya naman ay may mga hinahanap tayong hindi natin matagpuan sa ating sarili. Kung ganyan ang nararamdaman mo sa mga oras na ito, basahin ang mga tagalog quotes para sa sarili na nasa ibaba upang maliwanagan at mapalakas ka ng mga ito.

Tagalog Quotes Image 17

Hindi ako nagbago. Natututo lang ako. Hindi kasi pwedeng habambuhay tanga tayo.

Hindi mo kailangang magpakita ng pusod at hindi mo kailangang naka-todo make up. Dahil ang tunay na maganda, ngiti palang, pamatay na.

Hindi mo kailangan makipagsabayan sa iba para masabing gwapo ka. Dahil ang tunay na gwapo, ugali muna ang inaayos bago ang itsura.

Wag kang mag-alala kung sa tingin mo maraming naninira sa’yo. Isipin mo na lang na sadyang inggit sila sa kung anong narating mo.

Hindi lahat ng tahimik ay nasa loob ang kulo. Sila kasi yung tipo ng tao na marunong mag-isip bago muna kumibo.

Kung normal kang tao dapat aware ka sa nararamdaman ng iba. Kapag alam mong nakakasakit ka na, titigil ka na.

Tagalog Quotes about Friendship

Kung ikaw ay simpleng kaibigan, tropa o bestfriend o kaya naman ay may tama ka sa friend mo pero hindi mo masabi, sakto sa’yo ang mga tagalog friendship quotes na ito. Siguradong makaka-relate ka dito.

Tagalog Quotes Image 18

Pag CP nalaglag makapag-panic wagas! Pero pag kaibigan ang nalaglag maka-tawa parang wala ng bukas!

Bestfriend – siya yung taong handang makinig sayo kapag pakiramdam mo lahat sila iniwan ka.

Bakit masakit magmahal ng kaibigan?
Kasi kahit kasama mo sya, nakakausap, nakaka-tawanan,
Di pa rin maiiwasan na kung love na ang pinag-uusapan,
Ibang pangalan na ang binabanggit nya.

Mahirap makipaghiwalay sa taong mahal mo sabay sabing “FRIEND” na lang tayo. Pero ang mas mahirap mag-quit sa isang pagkakaibigan at sabihing, “Friend, in love ako sayo.”

Friendship o love?
Hirap mamili noh?
Pero naisip ko..
Ang pagkakaibigan pwedeng tapusin at
Magmahalan na lang…
Pero ang tinapos na pagmamahalan..
Mahirap nang ibalik sa dating pagkakaibigan.

Sa tunay na kaibigan mo lang mararanasan yung mahampas dahil kinikilig siya. Sa tunay na kaibigan mo lang maririnig yung mga masasakit na salita kapag alam nilang mapapaphamak ka sa pinaggagawa mo. Sa tunay na kaibigan mo lang din mararanasan yung pakiramdam na wala kang problema kapag kasama mo sila.

Natatakot akong mahalin ka dahil kaibigan kita. Kailangan kong mamili sa dalawa. Sasaya ba ako kung pipiliin kong kaibigan lang kita o habang buhay kong pagsisisihan dahil hindi ko nasabing mahal kita?

Tagalog Quotes Image 19

Ang tunay na kaibigan, magalit man hindi nangbubunyag ng sekreto yan.

Nakakaloko kapag crush mo friend mo, di mo malaman kung paano itatago, dedma pag nangungulit, wala lang pag lumalalapit, pero alam mo yung pag naglalambing at nais mo ng sabihin na “Tama na! Pwede ba? Naiinlove ako.”

Kung pwede ko lang sabihing mahal kita..
Matagal ko ng sinabi..
Magulo, nakakalito. Kasi baka pagsinabi ko yon..
Sabihin mong: walang ganyanan, friends tayo diba?

Minsan nakakatamad na ring magtext
Minsan kakahinayang magsend
Minsan wala ng panahon dahil busy masyado
Pero ni minsan di kita nakuhang kalimutan!

Ang pagkakaibigan hindi nasusukat sa haba ng pinagsamahan kundi sa mga panahong hinding-hindi ka iiwan kapag kailangan.

Hindi sa lahat ng pagkakataon BAD INFLUENCE ang TROPA! Sadyang may mga bagay lang na masarap gawin kapag sila ang KASAMA.

Ang mga KAIBIGAN ay parang mga prutas. May dalawang klase yan, ang SEASONAL at FOR ALL SEASONS.

Tagalog Quotes Image 20

Ang tunay na kaibigan, mas bitter pa sayo kapag nalamang sinaktan ka ng taong mahal mo.

Hindi lahat ng kaibigan, dapat pinapayuhan. Minsan kailangan mo lang silang batukan para matauhan.

Ang tunay na kaibigan kahit busog pa yan, pag nanglibre ka, kakain at kakain yan.

Ang tunay na kaibigan ay hindi nagagalit kapag ininsulto mo. Sa halip ay mag-iisip sila ng mas nakaka-insultong salita na ibabato sayo.

Ang tunay na kaibigan ay parang magnet. Didikit sa bakal pero hindi sa plastik.

Ang tunay na kaibigan ay alam na alam kung paano ka sisirain pero hinding-hindi niya gagawin.

SEE MORE: 50+ Tagalog Friendship Quotes na Siguradong Magugustuhan Mo

Tagalog Inspirational Quotes

Kung hanap mo ay inspiration, basahin lamang ang mga tagalog inspirational quotes sa ibaba at siguradong gaganahan ka na lalong harapin ang bukas na parating.

Tagalog Quotes Image 21

Lahat naman tayo dumadaan sa problema. Pero dapat dumaan ka lang, wag kang tumambay.

Lahat tayo ay may problema, pagandahan na lang ng pagdadala.

Wag mo hayaang sumasabay ka lang sa agos ng dagat, minsan, dapat ikaw mismo ang kokontrol ng direksyon nito.

Kung lahat ng makakaya mo ay iyong ibinibigay, tagumpay mo’y walang kapantay.

Hindi mahalaga kung gaano ka katagal nabuhay, ang mahalaga ay kung paano ka nabuhay.

Ang negatibong tao ay nakakakita ng problema sa bawat pagkakataon. Ang positibong tao ay nakikita ang pagkakataon sa bawat problema.

Tagalog Motivational Quotes

Kung nahihirapan ka sa sitwasyon ng buhay mo ngayon, kapit lang kaibigan. Wag kang susuko. Hindi porke’t walang nagpapalakas ng iyong loob ay patuloy ka na lang manghihina at magpapakalugmok sa sitwasyon mo ngayon. Narito, basahin mo ang mga tagalog motivational quotes na ito upang mapalakas ka kahit papano.

Tagalog Quotes Image 22

Wag kang matakot na maging ikaw. Tandaan mo: ang pagiging orig ay mas maganda kaysa sa fake.

Hindi mo na kailangan ng ibang tao para magkusa ka, kung gusto mo talagang magtagumpay, sapat na yung ikaw mismo ang magkusa para sa ikabubuti mo.

Ang mga taong agad sumusuko ay hindi nananalo. Ang mga taong laging panalo ay hindi kailan man sumusuko.

Lahat ng bagay, pinaghihirapan. ‘Di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan.

Lahat ng problema nasusulusyunan, kailangan mo lang tumayo at harapin yung mga bagay na dapat dati mo pa hinarap.

“Tapusin ang dapat tapusin nang may masimulan namang bago.” —Eros S. Atalia

Ang bawat kabiguan sa buhay ay paraan para patuloy kang magpursigi kahit na sa tingin mo naabot mo na lahat ng yong mga pangarap.

Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.

Huwag kang malungkot kapag may pagsubok, dahil pagkatapos nito ay may tagumpay.

Ang pagkabigo ginagamit yan para matuto hindi para muling magpauto.

Ang mga taong agad sumusuko ay hindi nananalo. Ang mga taong laging panalo ay hindi kailan man sumusuko.

Tagalog Quotes Image 24

Kapag may problema, iiyak mo lang tapos tama na. Punas luha. Ayos damit. Suklay buhok. Tapos smile. Tuloy ang ikot ng mundo.

Ang tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng karangalan na iyong natamo, kundi sa dami ng pagsubok na iyong nalalagpasan sa araw-araw.

Lahat kaya mong abutin kung magtitiwala ka sa sarili mong kakayahan.

Lahat tayo ay may problema, pagandahan na lang ng pagdadala. Lahat ng problema, may solusyon, kaya smile lang.

Lagi mong tandaan kahit gaano pa ka useless ang tingin mo sa sarili mo, isa ka pa rin sa mga rason kung bakit may mga masayang tao.

Kapag hinusgahan ka nila, hayaan mo sila! Gawin mo na lang itong inspirasyon para maging mas matatag ka.

Kapag nadapa ka, bumangon ka! Tandaan mo, may pagkakataon ka pa para ipakita sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon, tama sila!

Hindi dapat laging nagmamadali, dahil lahat ay may tamang panahon. Ang mga bagay na madaling makuha ay ang mga bagay na madali ding mawala.

Hindi mawawala sa buhay ng tao ang masaktan. Dahil dyan ka magiging matatag at matututo sa mga bagay-bagay.

Tagalog Family Quotes

Ang mga tagalog quotes tungkol sa pamilya na iyong mababasa ay makatutulong upang mas lalong mapalapit at mapaganda ang samahan ng inyong pamilya. Basahin at matuto sa mga quotes na ito.

Tagalog Quotes Image 25

Pahalagahan mo ang pamilyang meron ka dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan sila.

Iwan ka man ng mga kaibigan mo,
iwan ka man ng taong minamahal mo,
at kahit talikuran ka pa ng mundo,
di magbabago ang pagmamahal sayo ng pamilya mo.

Ipagpasalamat sa Diyos ang iyong pamilya.

Sa panahon ng kagipitan, may pamilya kang masasandalan.

Ipagtanggol ang dangal iyong pamilya sa abot ng iyong makakaya.

Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili. -Bob Ong

Tagalog OFW Quotes

May kapamilya ka bang Overseas Filipino Workers o OFW? Baka naman ikaw mismo ay isa sa kanila? Kung gayon, basahin mo ang mga tagalog OFW quotes na ito dahil siguradong makaka-relate ka dito.

Tagalog Quotes Image 26

ABROAD. Salitang masarap pakinggan pero dyan mo din mararanasan ang paghihirap na di mo inaasahan.

Ang aking anak ang syang dahilan bakit ako nakipagsasapalaran sa ibang bansa. Para mabigyan ko siya ng magandang kinabukasan.

Pagod at hirap na kaming magtrabaho dito sa abroad! Ang pamilya pa ang nagtatanong bakit wala ka naipon?

Nung nasa Pinas ka ang maliit na kita, kasya na! Ngunit nung nangibang bansa ka na hindi hamak na mas malaki na ang kita, halos ipadala mo nga lahat sa iyong pamilya, ang daing pa nila, kulang pa!

Hindi porket nag-abroad mapera na hirap at pasakit ang katumbas ng bawat sentimong kinikita, kaya huwag kang umasta na kung makahingi ka parang may pinapatago ka!

Ilang taon ka na dyan wala ka pa nagawa? Di ba ang sakit ng ganun eh alam naman nila na halos buwan buwan ka nagpapadala para sa kanila ni di mo naiisip na may matira sayo di ba?

Ang OFW akala nila ang dami mong pera di lang nila alam paghawak ng sahod padala lahat wala pang naiiwan minsan.

Kapag nasa abroad akala nila ang dami mong pera. Ang di nila alam resibo na lang ang nasa iyo tapos yung kamay mo pa puro kalyo.

Hindi lahat ng OFW mayaman. Yung iba kasi inuuna yung yabang at nagmamayaman lang.

Kapag umuwi ang OFW wag ka agad mag-expect ng pasalubong. Bakit nung umalis ba sila may hiningi sila sa’yo?

Hindi ATM o money transfer ang OFW na lalapitan mo lang pag may kailangan ka.

Walang salitang PAGOD NA AKO sa isang magulang na OFW. Basta para sa kinabukasan nang ANAK lahat kinakaya gaano man kahirap.

Babuti pa ang salary buwan-buwan umuwi sa pamilya. Samantalang ang nagtattabaho aboad minsanan lang umuwi.

Nag-abroad ka para guminhawa ang buhay ng iyong pamilya hindi para magkaroon ng ibang pamilya!

Tagalog Funny Quotes

Kung mga nakakatawang quotes ang hanap mo, tamang-tama sa iyo ang mga tagalog funny quotes na ito. Nakakatawa na, nakaka-tanggal pa ng stress.

Tagalog Quotes Image 27

Congrats nga pala sa career mong wagi. Good luck na lang sa lovelife mong sawi.

Pag masaya ka, masaya rin ako. Pag badtrip ka, badtrip din ako. Pag malungkot ka, malungkot din ako. Pag nasasaktan ka, nasasaktan din ako… Wala lang! Gusto lang kitang gayahin!

Bakit pag umiinom tayo ng isang basong tubig parang ang hirap? Pero pag umiinom tayo ng redhorse kahit isang case parang kulang pa? Bakit ganon?

Paano ba nasusukat ang ang pag-ibig? Paano ba malalaman kung mahal mo ang isang tao? Paano ko malalaman kung siya na ba talaga? Hindi ko alam pero dapat tandaan mo na wag kang sisigaw pag nakasalubong mo si Sadako.

Wala naman talagang taong panget. Nagkataon lang na ang mukha nila ay di pa uso sa panahon ngayon.

Bakit pag late ka, pumapasok yung prof mo? Pero pag hindi ka late wala naman yung prof mo? Bakit ganon? Unfair!!!!!

Nakakainis kayo lagi niyo na lang ako tinatapakan. Hindi na ba magbabago ang pagtingin niyo sakin? —Doormat

Lahat naman tayo may kapintasan. Lahat tayo hindi perpekto. Kaya wag kang mag-alala kung ganyan ka pinanganak. Normal lang yan. Hindi mo naman kasalanan na maging kamukha mo si… KOKEY.

Masakit sabihin ang “I hate you”. Mahirap sabihin ang “I’m sorry”. Lalo na ang “I love you”. Pero pinakamahirap sabihin ang, “iskibiritsiboooop iskiribaaboap blooopikiribitkiribit”. Ikaw nga?

Kapag mahal na araw, wag kang lalabas ng bahay. Baka may masalubong kang pusang itim, mamalasin ka! Advance ako magisip.

Sinabihan ka lang ng maganda, naniwala ka naman? Mangungutang lang yan!

Yung ugali, hindi required iterno sa mukha. Kung panget mukha mo, pwede bang gandahan mo naman ugali mo?

Tagalog Quotes Image 28

Pag nagka amnesia ang bakla, makakalimutan ba niyang bading siya?

Na-Columbia Kala mo sa’yo yun pala hindi.

Mahirap magpaalam sa taong mahal mo, pero mas mahirap magpaalam pag galit ang nanay mo.

Kamote. Minsan halaman, minsan ikaw!

Simple lang naman ang paraan para hindi ka na mahirapan sa job interview: Wag kang mag apply! Diyan ka na lang sa bahay at maging palamunin ni nanay.

Dati ang magaganda pinagkakaguluhan ng mga lalaki. Ngayon ang magaganda kinikilatis muna. Baka kasi BEKI!

Kapag may gusto ka sa isang tao, dapat sabihin mo na habang maaga pa. Kasi pag gabi na tulog na yun!

Feel na feel i-post yung picture niya sa harap ng salamin sa CR. Anong gusto mong iparating? Na pretty ka pa rin pagkatapos mong jumebs???

Yung katawan ang tindi ng alindog. Pero yung mukha nakakausog!

Ang common sense minsan parang deodorant; kung sino pa yung mas higit na nangangailangan, sila pa ang hindi gumagamit.

Mahirap talaga pag Linggo ko lang o kaya isang araw lang ang pahinga. Pag nagpahinga ka kasi iisipin mo hindi ka man lang nakapasyal. Pag namasyal ka naman, iisipin mo hindi ka man lang nakapahinga.

Kung hindi mo mahanap ang solusyon sa problema mo, wag mo na yang problemahin. Mamomroblema ka lang.

Kung makapagsabi ka ng naka move-on ka na sobrang seryoso, samantalang hindi naman naging kayo.

Ngayong malamig ang panahon, wag kang magsusuot ng puti pag mataba ka. Baka pagkamalan kang Polar Bear hulihin ka pa.

Walang matibay na relasyon sa malanding may determinasyon.

Ang sarap ng feeling pag iniisip ng lahat na ang galing mo, samantalang common sense lang naman ang ginamit mo.

Tagalog Quotes Image 29

Kung may baktol ka, wag mong ikahiya dahil pinagpawisan mo yan.

Mabuti nang hindi sobrang pretty, hindi naman makati.

Yung iba maganda sa malayo. Yung iba naman malayong gumanda.

Wag kang masyadong tahimik pag tunay na lalake ka, kasi sigurado iisipin nila bading ka.

Kung gusto mong makatipid, bumili ka pag sale kasi pwede kang makatipid hanggang 70% off. Pero kung hindi ka na lang bibili, makakatipid ka ng 100% off. Kaya mas okey na wag na lang bumili.

Hindi sa lahat ng oras pwede mo akong biruin. Hindi ako parang Yakult na everyday okay!

Mabuti nang mataba, hindi naman gutom!

Walang sinabi ang pabango mong mamahalin sa construction worker na maasim.

Wag kang post nang post ng selfie pag bumabagyo. Mukha ka kasing nasalanta baka may malito, akala nila isa ka sa tinamaan ng delubyo.

Hinay-hinay lang sa pagda-diet. Baka imbis na pumayat ka, pumanaw ka.

Tagalog Quotes Image 30

Dati ang mga gwapo tinitilian. Ngayon ang gwapo tumitili na rin.

Wag kang feeling oxygen, kasi mabubuhay ako kahit wala ka!

Pag may alipunga ka, wag mong amuyin ang paa mo kasi baka mahawa ang ilong mo.

Hindi ka naman panget, hindi ka lang talaga maganda.

Ang mabait na kapitbahay, walang password ang WIFI.

Kahit saang gubat may ahas; kahit saang lugar may beki.

Simple lang naman ang paraan para hindi ka ma-basted… wag kang manligaw.

Minsan ang mga pangyayari sa buhay parang kamag-anak. Kahit ayaw mo, andiyan na yan at wala ka nang choice kundi mag-adjust.

Ang taong negative mag-isip ang magandang utangan ng pera. Kasi hindi niya na inaasahang ibabalik mo pa.

Ang mga boss minsan parang kalawang. Hindi na nga nakakatulong perwisyo pa.

Aanhin mo pa ang sobrang gwapo kung mas magaling pang mag make-up kaysa sayo!

Tagalog Quotes Image 31

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, panget din ang nakarelasyon.

Mas gusto ng mga lalake yung babaeng mabait, maalalahanin, matalino, sexy at siyempre maganda. Bale limang babae lahat yun.

Pag wala ka, walang sikat ng araw sa buhay ko. You know, hindi mainit, mas presko at maaliwalas.

Hindi lahat ng babae maganda. Pero hindi lahat ng maganda babae.

Ang gwapo kahit marumihan at pagpawisan, gwapo pa din yun. Kaya kung panget ka dapat mas maarte ka sa kanila. Panget ka na nga hindi ka pa aarte, eh di mas pumanget ka lalo.

Masakit ang iwanan ang taong mahal mo, pero mas masakit ang iwan ka ng taong mahal mo…lalo na kung narealize mong tinangay niya lahat ng gamit mo.

Wag kang maging miserable kung mataba ka. Kasi pag panahon na ng kagutuman, patay na ang iba ikaw payat pa lang.

Ang pagsasabi sa partner mo na gusto mo nang lumagay sa tahimik ay di birong bagay. Dahil kung mahina umintindi ang jowa mo baka ilibing ka niya ng buhay.

Ubos-ubos biyaya. Bukas nakatunganga at mang-uuto na naman ng bakla.

Wag mong gawin sa kapwa mo ang gusto mong gawin- este ayaw mong kapwa gawin- este gawin mong gusto mong kapwa… Ay! Be kind to others na nga lang.

Tagalog Quotes Image 32

Ang taong hirap tumakbo, malamang lumpo.

Panget man ako sa iyong paningin… hinayupak ka pala e, bakit ka tingin nang tingin?

Aanhin mo pa ang magagandang babae, kung pumapanget naman sila pag ako ang katabi?

Matalino man ang matsing, unggoy pa rin!

Mabuti nang tamad. Hindi naman pagod.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Muta lang yan.

Kapag ang puno mabunga, mataba ang lupa!

When it rains, it floods.

Kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila.

Pagkahaba haba man ng prusisyon, mauubusan din ng kandila.

Tagalog Quotes Image 33

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa vulcanizing shop.

Ang taong nagigipit sa bumbay kumakapit.

Pag may usok, may nag-iihaw.

Ang taong naglalakad nang matulin, may utang.

Birds of the same feather that prays together, stays together.

Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Ang buhay ay parang bato, it’s hard.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

Behind the clouds are the other clouds.

Aanhin pa ang damo, kung bato na ang uso!

Tagalog Quotes Image 34

No guts, no glory. No ID, no entry.

It’s better to cheat than to repeat!

Do unto others, then run!!!

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

Magbiro ka na sa lasing. Magbiro ka na sa bagong gising. Wag lang sa lasing na bagong gising.

When all else fails, follow instructions.

No man is an island because time is gold.

An apple a day makes seven apples a week.

An apple a day is too expensive.

An apple a day cannot be an orange a day.

Tagalog Quotes Image 35

Ang batang masipag paglaki ay pagod.

Bato-bato sa langit, ang tamaan sapul.

Try and try until you succeed or else try another.

Ako ang nagsaing iba ang kumain. Diet ako eh.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik .

Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

Pag may tyaga, goodluck.

If you can’t beat them, shoot them.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment

Tagalog Quotes Image 36

Ang itim mo na nga, nagpulbo ka pa. Ano ka, CRINKLES?

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo,sa paligid puno ng linga.

Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.

Better late than later.

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

Kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila para makapag relax ka.

Kung ang tsismis ay nakamamatay, malamang wala na akong kapitbahay.

Kumain lang sa mahal na restaurant pati resibo pinicturan?

Politiko ka ba? Ang ganda kasi ng mata mo, corrupt ng corrupt!

Pag singkit na mapiti, CHINITO. Pag singkit na maitim, PRINITO.

Ang mga lalaki parang lecheflan. Minsan sweet, minsan leche!

Ang kutis mo ay pang Barbie… Barbie-Q!

Hindi ako tamad. Sadyang masipag lang akong magpahinga.

COCONUT. Ang mangyayari sa chicharong nakabukas ng matagal.

Wag mong ipagmalaking maraming naghahabol sa’yo. Because cheap items have more buyers.

Minsan may mga taong hindi mo inaasahang darating… Kaya magsaing ka ulit dahil kulang ang kanin.

Akala mo mabibilog mo pa ko? Nako! Hindi ako kulangot.

Wag na wag mo akong papakawalan, kung ayaw mo akong makitang pinag-aagawan.

Hindi naman masamang maging single ka. Ang masama in a relationship ka nga, kabet ka naman pala.

Pag tinawag kang PLASTIK, tawagin mo siyang PAPEL. Bakit? Kasi hindi ka naman makikipag-plastikan kung walang pumapapel.

Pag malungkot, problemado agad? Di ba pwedeng wala lang pera?

Lahat tayo ay binigyan ng pagkakataong maging tanga. Pero hindi porket libre ay aaraw-arawin mo na.

Umaasa kami na iyong nagustuhan ang mga quotation na nakapaloob sa pahinang ito. Kung nasiyahan ka sa iyong mga nabasa, maaari mo itong ibahagi sa iyong mga kaibigan o kapamilya sa pamamagitan ng pag-click sa mga social media buttons na iyong nakikita sa screen. 🙂