Loading...

35+ Tagalog Friendship Quotes

Masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Sila yung kasa-kasama mo sa oras ng kasiyahan, kalungkutan, kalokohan, at marami pang mga memorable na pangyayari sa buhay. Kung minsan itinuturing din natin silang higit pa sa kapatid. Sa oras ng kagipitan at pagsubok madalas ay sila pa rin ang kasama natin.

Kaya naman bagay na bagay ang mga tagalog friendship quotes na ito sa iyo. Ikaw man ay may bestfriend o tropa, involve ka man sa friend mo pero di mo masabi, sakto sayo ang mga quotes na ito. Sana kahit papano mapangiti ka nito. Pakamahalin mo pang lalo ang iyong kaibigan. Enjoy reading!

SEE ALSO: 25+ Joke Quotes Tagalog

Tagalog Friendship Quotes Picture 1

  1. Minsan naiisip mo na sana magkakasama nalang kayo sa iisang bahay ng mga kaibigan mo. Relate?
  2. Aminin mo, may mga kaibigan kang sobrang kulet peru pag nawala… sila pa yong mas nakakamis.
  3. Sana maisip mo na yung mga panahong wala kang matawag na “kaibigan” ako yung nandito.
  4. Hindi lahat ng kaibigan, dapat pinapayuhan. Minsan kailangan mo lang silang batukan para matauhan.
  5. Bilang friend mo…
    I have to take care of you.
    I should make sure no one will harm you.
    Cause I can’t always be there for you.
    So friend, kahit astig ka na konting ingat prin ha!
  6. Ang mga KAIBIGAN ay parang mga prutas. May dalawang klase yan, ang SEASONAL at FOR ALL SEASONS.
  7. Yung iba sinasabi friends forever daw. Pero hindi naman umaabot ng forever. Kaya ako ito lang, “friends hanggang bukas”. Ok na un! Di naman nauubos ang bukas diba?
  8. Wag kang humanap ng kaibigang makaka-intindi sayo, hanapin mo ang kaibigang hindi ka maiintindihan pero HINDI KA RIN IIWAN.
  9. Magkalayo man tayo, stil i’ll be a friend.
    Magalit ka man sakin, dito pa rin ako.
    Kalimutan mo man ako, you’ll stay sa puso ko.
    At magbago man takbo ng mundo, ikaw pa rin ang kaibgan ko!
  10. Di baleng magkaroon ng kaibigang MAGULO. Atleast TOTOO. Hindi yung kaibigang akala mo’y SANTO. Yun pala DEMONYO.
  11. Ako yung friend na lagi nasa likod mo kahit anong mangyari nandyan pa rin ako sa likod mo.
  12. Ang tunay na kaibigan kahit busog pa yan, pag nanglibre ka, kakain at kakain yan.
  13. Sabi nila kapag mahal mo ang kaibigan mo friends lang daw kayo.
    Paano kung sa kanya umikot ang mundo mo?
    Kaibigan pa rin ba ang turing mo sa kanya?
  14. Ang tunay na kaibigan, magalit man hindi nangbubunyag ng sekreto yan.
  15. Paano kung hawak mo ang kamay ng bestfriend mo at kamay ng mahal mo?
    Tapos napuwing ang mata mo. Sinong bibitawan mo?
    Kamay ng bestfriend mo o kamay ng mahal mo?
  16. Ang tunay na kaibigan ay hindi nagagalit kapag ininsulto mo. Sa halip ay mag-iisip sila ng mas nakaka-insultong salita na ibabato sayo.
  17. Kung ang isang kaibigan ay may tag price, ikaw siguro ang pinakamahal.
    Pero mag-iipon ako para mabili kita!
  18. Pag CELLPHONE nalaglag makapag panic wagas! Pero pag KAIBIGAN ang nalaglag maka-tawa parang wala ng BUKAS!
  19. Simple lang akong friend. Kung sa prutas saging lang ako, di tulad ng ibang friends mo na apple, orange at grapes.
    Pero tandaan mo, sa lahat ng prutas, saging lang ang may puso!
  20. Ang Gusto kong mga KAIBIGAN yung mala REXONA, kasi alam kong THEY WON’T LET ME DOWN!
  21. Barkada…
    Dyan ako natutong tumambay, umuwi ng late, ma-inlove, makipag-away, at makisama.
    Tapos sasabihin ng iba, “barkada masamang impluwensiya”.
    Iba-iba man kami ng katangian, napahamak man ako minsan…
    Lahat yan di ko pinagsisihan.
    Dahil sa salitang yan, dyan ako naging masaya at natutong lumaban.
  22. Ever ask yourself why friends say, “nasa likod mo lang ako” when you have problems?
    Bakit sa likod lang? Diba pwede sa harap?
    Kasi friends push you to go on when you give up.
  23. Okay lang mawala sa akin ang taong minsan kong minahal. Huwag lang ang mga kaibigan kong ABNORMAL!
  24. Di ba pag friend kayo…
    Madalas mag biruan ng “i love you”..
    Minsan tinatawag mo pang “loves” o “hon”
    Paano mo sasabihing seryoso ka na..
    Kung para sa kanya biro pa?”
  25. Mahirap mawalan ng kaibigang katulad mo. Kaya kahit ano pa ang mangyari sana magkaibigan pa rin tayo. Wag na wag mo akong iiwan kasi alam kong di ko kaya.
  26. “Bilang friend mo
    I have to take care of you
    I should make sure no one will harm you,
    because I cant always be there for you.
    so friend,kahit astig ka na konting ingat prin ha.
  27. Bestfriend – siya yung taong handang makinig sayo kapag pakiramdam mo lahat sila iniwan ka.
  28. Bakit masakit magmahal ng kaibigan?
    Kasi kahit kasama mo sya, nakakausap, nakaka tawanan
    Di parin maiiwasan na kung love na ang pinag..
    Ibang pangalan na ang binabanngit nya..”
  29. Mahirap makipaghiwalay sa taong mahal mo sabay sabing “FRIEND” na lang tayo. Pero ang mas mahirap magquit sa isang pagkakaibigan at sabihing “Friend” in love ako sayo.
  30. “Friendship o love?
    Hirap mamili noh?
    Pero naisip ko..
    Ang pagkakaibigan pwedeng tapusin at
    Magmahalan na lang…
    Pero ang tinapos na pagmamahalan..
    Mahirap nang ibalik sa dating pagkakaibigan…”
  31. Sa tunay na kaibigan mo lang mararanasan yung mahampas dahil kinikilig siya. Sa tunay na kaibigan mo lang maririnig yung mga masasakit na salita kapag alam nilang mapapaphamak ka sa pinaggagawa mo. Sa tunay na kaibigan mo lang din mararanasan yung pakiramdam na wala kang problema kapag kasama mo sila.
  32. Natatakot akong mahalin ka dahil kaibigan kita….
    Kailangan kong mamili sa dalawa…
    Sasaya ba ako kung pipiliin kong kaibigan lang kita
    O habang buhay kong pagsisisihan dahil
    Hindi ko nasabing mahal kita?
  33. Nakakaloko kapag crush mo friend mo, di mo malaman kung paano itatago, dedma pag nangungulit, wala lang pag lumalalapit, pero alam mo yung pag naglalambing at nais mo ng sabihin na “Tama na! Pwede ba? Naiinlove ako.”
  34. Kung pwede ko lang sabihing mahal kita..
    Matagal ko ng sinabi..
    Magulo, nakakalito. Kasi baka pagsinabi ko yon..
    Sabihin mong: “walang ganyanan, friends tayo diba?
  35. Minsan nakakatamad na ring magtext
    Minsan kakahinayang magsend
    Minsan wala ng panahon dahil busy masyado
    Pero ni minsan di kita nakuhang kalimutan!
  36. Ang pagkakaibigan hindi nasusukat sa haba ng pinagsamahan kundi sa mga panahong hinding hindi ka iiwan kapag kailangan.
  37. “Kung magmamahal ako sana ikaw na lang…
    Pero matimbang ang pagkakaibigan kaya pinili kong ganon na lang. Di dahil di kita mahal, kundi pinili ko kung saan tayo tatagal.
  38. Its hard to keep your feeling to the one you love.
    Lalo na kung friend mo sya. But it hurts more if your friend loves you too but can’t express it. Kasi kala nya hanggang friends lang kayo.”””
  39. Yung sadyang pupuntahan ka sa bahay nyo para sabihin ang isang bagay na hindi nmn mahalaga.
  40. Walang lugar sa puso nang matalik na magkaibigan ang salitang tampuhan.

Marami sa mga quotes na nakapaloob sa pahinang ito ay hindi matukoy kung sino ang orihinal na may gawa o akda. Kung kilala mo kung sino sila, mangyaring kontakin kami upang mabigyan namin ng proper credit ang kanilang mga gawa.

Samantala, kung ikaw naman ay nag-enjoy sa iyong mga nabasa, ibahagi mo ito sa iyong mga kaibigan at kapamilya. 🙂

Loading...