Sa pahinang ito ay matututunan mo kung ano ang panghalip, mga uri ng panghalip at ang mga halimbawa nito na nakaayos sa paraang pinakamadaling maunawaan.
Jump to:
Ano ang Panghalip?
Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang pamalit o panghalili sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na pangungusap. Isa rin ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech.
SEE ALSO: Pang-uri: Ano ang Pang-uri, Halimbawa ng Pang-uri, Kaantasan, atbp.
Uri ng Panghalip
May anim (6) na uri ang panghalip: ang Panao, Pamatlig, Pananong, Panaklaw, Pamanggit, at Patulad.
1. Panghalip Panao
Mula ito sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”. Ito ay kilala rin sa Ingles bilang personal pronoun. Panghalili ito sa ngalan ng tao at ila sa mga salitang halimbawa ng panghalip panao ay ang ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we), kayo, atin, inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she), kanila (theirs), at kanya (hers/his).
A. Taong Nagsasalita
Halimbawa (Isahan: ako, ko, akin)
- Bigay ko ang hawak mong laruan.
- Akin na yang unan.
- Ako ang may-ari ng kotseng pula sa labas.
- Mag-iipon ako ng pera para may maipambayad sa kuryente sa makalawa.
- Sa akin mo isauli ang damit na hiniram niya.
- Bukas ko pupuntahan si Mori.
- Ako ay may lobo.
- Sa palengke ko binili ang isda.
- Kunin mo na ang lahat sa akin.
- Nagsaing muna ako ng kanin bago umalis.
Halimbawa (Dalawahan: kita, kata)
- Kita nang kumain sa karinderya. (Kumain tayong dalawa sa karinderya.)
- Kata nang magbasa sa silid-aklatan.(Magbasa tayong dalawa sa silid-aklatan.)
- Kita nang sumayaw sa saliw ng “Sige, Ikembot”. (Sumayaw tayong dalawa sa saliw ng “Sige, Ikembot”.)
- Kata nang umawit ng “Magtanim ay di biro”. (Umawit tayong dalawa ng “Magtanim ay di biro”.)
- Kita nang mag-ehersisyo sa may plasa. (Mag-ehersisyo tayong dalawa sa may plasa.)
- Kata nang matulog sa bahay ni Lola Penchang. (Matulog tayong dalawa sa bahay ni Lola Penchang.)
- Kita nang maglakad sa ulan. (Maglakad tayong dalawa sa ulan.)
- Kata nang maglaba sa ilog. (Maglaba tayong dalawa sa ilog.)
- Kita nang lumangoy sa dagat ng Palawan. (Lumangoy tayong dalawa sa dagat ng Palawan.)
- Kata nang pumunta sa Tagaytay. (Pumunta tayong dalawa sa Tagaytay.)
Halimbawa (Maramihan: tayo, kami, natin, namin, atin, amin)
- Tayo nang pumunta sa bukid.
- Doon tayo sa ilog maligo at maglaro.
- Sumama kami kay Tatay Berting para mangahoy.
- Kami ay kakain sa Mang-inasal.
- Bakit pa natin hihintayin ang bukas kung pwede namang ngayon na pumunta sa baryo?
- Bisitahin natin si Apo Lakay.
- Sa atin matutulog ang pinsan mong si Jerry.
- Atin ang puting pusa.
- Sa amin na kayo maghapunan.
- Amin ang bukid na natatanaw mo.
B. Taong Kausap
Halimbawa: (Isahan: Ikaw, ka)
- Ikaw ang nais kong makasama habang buhay.
- Ikaw na lang ang pumunta sa kanila.
- Kay Tiya Pusit ka lumapit kung ikaw ay walang pera.
- Paano kung ikaw pala ang ibig niya?
- Ikaw ba’y naghapunan na?
- Saan ka ba galing kagabi?
- Pumunta ka sa simbahan.
- Bakit ka ganyan?
- Kumain ka ng prutas para mabilis kang lumakas.
- Kailan ka pinababalik ng iyong guro?
Halimbawa: (Dalawahan: kita, kata)
- Magkikita kita sa harapan ng bangko.
- Maghuhulog kata ng pera sa Cebuana Padala.
- Saan kata makabibili ng rosas na asul?
- Maghahapunan kita sa pinakamahal na restawran.
- Magtatabi kata ng pambili ng sasakyan.
- Magsasayaw kita sa paaralan.
- Mamamangka kata sa ilog Pasig.
- Magbabantay kita kay Lola Tasing.
- Maglalaba kata kina Donya Juana.
- Magluluto kita ng masarap na tinola.
Halimbawa: (Maramihan: kayo, inyo, ninyo)
- Kayo ang kapatid ni Iska.
- Bakit kayo nag-aaway?
- Doon kayo mamasko sa bahay ni Kapitan.
- Saan kayo galing?
- Sa inyo na ang pusang ito.
- Inyo nang dalhin ang isang sakong bigas kay Kapitan Tiyago.
- Maghahapunan kami sa inyo bukas.
- Pakainin ninyo ang pulubi sa labas.
- Tawagin ninyo akong Petra.
- Sa makalawa ninyo balikan ang mga prutas na ito.
C. Taong Pinag-uusapan:
Halimbawa: (Isahan: siya, niya, kanya)
- Sinamahan siya ni Ginang Reyes.
- Bukas siya babalik dito.
- Siya ang may-ari ng bisekletang gamit mo.
- Kailan daw siya dadating?
- Binigyan niya ako ng isang dosenang bulaklak.
- Ang kaibigan niya ay si Joana.
- Saan niya dadalhin ang mga aklat mo?
- Sa kanya ko ibig manitrahan.
- Kanya ang lobong ito.
- Ibibigay ko ang mga laruan sa kanya.
Halimbawa: (Dalawahan: kita, kata)
- Ayaw nila kata sa atin dahil maingay daw tayo. (Ayaw nila sa ating dalawad ahil maingay daw tayo.)
- Kita ay pinayagan nilang magpunta sa Baguio.
- Bakit nila kata pilit na pinaghihiwalay?
Halimbawa: (Maramihan: sila, kanila, nila)
- Sumama sila sa misyon.
- Sila ay manggagaling pa sa malayong lugar.
- Naglakad sila papuntang Nuvali.
- Saan sila pupunta?
- Kanila pala ang paaralang iyon.
- Ang kanilang bahay ay malapit sa simbahan.
- Madalas kong makita ang kanilang kotse.
- Sasamahan nila tayong mamalengke.
- Isasabay nila ako pag-uwi.
- Ngayon nila ibibigay ang mga donasyong bigas.
2. Panghalip Pamatlig
Kilala ito sa wikang Ingles na demonstrative pronoun. Ito ay inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na pamatlig ang mga salitang ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito, nariyan, at naroon.
A. Malapit sa Nagsasalita
Halimbawa: ito/ire, heto, dito
- Ang bag na ito ay bigay ni nanay sa akin.
- Ire ba ang hinahanap mong damit?
- Ito ang bagay sa iyong sapatos.
- Heto ang matagal mo nang hinihingi sa akin.
- Sa Lunes mo na ito kunin.
- Ibibigay ko ire kay bunso.
- Dito siya huling nakita.
- Dalhan mo ako dito ng mga gulay.
- Bakit dito mo inilagay ang hinihingi ko?
- Ang lapis na ito ay dalhin mo sa kanya.
B. Malapit sa Kausap
Halimbawa: iyan, hayan/ayan, diyan
- Iyan ang suklay ko.
- Ang laruang iyan ay ibibigay ko kay Lucy.
- Saan ba iyan mabibili?
- Galing pa iyan sa Europa.
- Ayan na si Kaka.
- Hayan lang pala ang matagal ko nang hinahanap.
- Ayan na ang nanay ni Berta.
- Diyan ko kukunin ang isang sakong patuka.
- Ang batang ito ay diyan nakatira.
- Sayang lang ang binili mo diyang mais.
C. Malayo sa Nag-uusap
Halimbawa: iyon, hayun/ayun, doon
- Bahay iyon nila Mang Kepweng.
- Iyon ang aming paaralan.
- Pakiabot mo iyon sa akin.
- Hindi ko iyon pinagbibili.
- Ayun ang hinahanap kong alahas.
- Hayun ang magnanakaw!
- Doon nakatira si Pamela.
- Si Henry ay doon nagpunta.
- Bakit doon mo inilagay ang gitara?
- Ang aso ay doon nagpunta.
3. Panghalip Pananong
Ang panghalip pananong ay inihahalili sa pangngalan sa paraang patanong. Maari itong isahan o maramihan. Ito ay kilalang interrogative pronoun sa wikang Ingles. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ay ang mga salitang ano (what), anu-ano, sino (who), sino-sino, nino, alin, at alin-alin.
Halimbawa:
- Sino ang ama ni Jose Rizal?
- Kanino itong payong?
- Ano ang pangalan mo?
- Alin sa mga ito ang susuotin mo mamaya sa party?
- Ilan lahat ang natirang tupa?
- Anu-ano ang mga pinamili mo sa bayan?
- Sinu-sino ang kasama ni Marta kanina?
- Alin-alin ang mahalaga sa iyo?
- Ano ang miryenda mamaya?
- Sino ang kasama ni Inday sa mall?
4. Panghalip Panaklaw
Ang panghalip panaklaw o Indefinite Pronoun sa wikang Ingles ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan. Mula ito sa salitang saklaw na may pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop. Ilan sa mga halimbawa nito ang lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang, saanman, ilan.
Halimbawa:
- Kunin mo ang lahat ng iyong maibigan.
- Masyado nang masama ang madla kaya mabuti pang maubos na sila.
- Sinuman sa inyo ay maaring kumain sa piging mamayang gabi.
- Alinman ang iyong maibigan ay ibibigay ko sa iyo.
- Anuman ang iyong pangarap ay susuportahan ko.
- Pawang kasinungalingan ang lumalabas sa kanyang bibig.
- Isa tayo sa naambunan ng grasya.
- Bawat isa ay may karapatang maging masaya.
- Ang lahat ng ito ay magagawa mo rin.
- Pawang kabutihan ang iginaganti niya.
5. Panghalip Pamanggit
Kilala ito sa tawag na Relative Pronoun sa wikang Ingles. Ang panghalip pamanggit ay mula sa salitang banggit na may pakahulugang pambanggit o pangsabi. Ito ay kataga o parirala ng tagapag-ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita. Ilan sa mga halimbawa nito ang daw, raw, umano, diumano, ani, sa ganang akin/iyo.
Halimbawa:
- Siya daw ang kumuha sa lapis ni Minda.
- Saan raw pupunta ang mag-ina ni Lando?
- Ang pumatay diumano ay isang lalaking may hawak ng kutsilyo na tumalon mula sa bakod ng kapitbahay.
- Kung sa ganang akin lang, ibibigay ko na sa iyo itong isang sakong pataba.
- Kay Mayor umano galing ang utos.
- Ang bola daw pagmamay-ari ni Boyet.
- Ayaw daw niyang pumunta doon.
- Masyado raw maangas ang pinsan niya.
- Ang pulis diumano ang nagturo ng mga sasabihin niya sa korte.
- Mahal na raw ang mga bilihin ngayon.
6. Panghalip Patulad
Ang panghalip patulac ay ang inihalili sa itinutulad na bagay. Nagpapakilala rin ito ng pagkakawangis ng dalawang bagay.
Halimbawa:
- Ganito ang dapat mong gawin.
- Ganire umiyak si Bea Alonzo.
- Ganyan dapat ang gawin mong proyekto.
- Ganoon ang tamang pag-akyat sa puno ng niyog.
- Ganito ang paghiwa sa patatas.
- Ganire ang pagtatahi sa butas mong puruntong.
- Ganyan ang tamang paglalampaso sa sahig.
- Ganoon din ang nais kong bilhing kotse.
- Ganito kami sa Makati.
- Ganyan kumanta ng may emosyon.
Iba pang mga Halimbawa ng Panghalip
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga panghalip na ginamit sa pangungusap.
30 Halimbawa ng Panghalip
- Ako ay kumain muna bago umalis ng bahay.
- Kasama ko ang aking alagang si bantay.
- Ito ang dapat mong itanim tuwing Mayo.
- Siya pala ang bago mong nobya.
- Kailan daw ibibigay ni ang Ella ang matamis niyang “oo” kay Noel?
- Ang lahat ng ito ay akin.
- Sinu-sino ang hindi nakapagpasa ng proyekto sa Filipino?
- Ano ang gagawin ninyo pagkatapos ng klase?
- Iyon ang laso ni Leslie.
- Ganoon ang nais kong makuha sa raffle.
- Doon ko na kukunin ang iyong padala.
- Ayan na ang ulan!
- Sa makalawa mo na ito balikan.
- Ang baunang ito ay kay Liza.
- Dito ko nais manirahan.
- Heto na ang hiniram kong pantasa.
- Ilalagay ko ire sa lugar na madali mong makikita.
- Sila ang may-ari ang negosyong ito.
- Dadaan muna sila sa parke bago pumunta dito.
- Kanila pala ang manukang ito.
- Ang kanilang bahay ay malapit sa simbahan ng Quiapo.
- Sasamahan siya ni Pedro sa Linggo ng umaga.
- Siya ang napili kong magdala ng aking alahas.
- Ibibigay ko sa kanya ang pinaglumaan kong sapatos.
- Sa inyo ang lagaderang ito.
- Ang mga gulay na ito ay sa talipapa ko binili.
- Ako ay may alaga.
- Nagluto na ako ng ulam kaya ikaw naman ang magsaing.
- Sa bukid na tayo pumunta.
- Kami ay may tatlong manok na panabong.
Umaasa kami na naipaliwanag namin ng maayos kung ano ang panghalip, ano ang mga uri nito at natutu ka mula sa mga halimbawang ibinigay namin. Kung mayroon kang mga katanungan, mag-iwan lamang ng komento sa ibaba.
Kung natagpuan mo ang post na ito na kapaki-pakinabang, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. ?