Kwentong Bayan
Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.
Mga Uri ng Kwentong Bayan
May apat na uri ang kwentong bayan. Ito ay ang Alamat, Mito, Parabula at Pabula.
1. Alamat
Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop.
2. Mito
Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel sa mga nilalang o mga tao.
3. Parabula
Ang mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan din ng aral. Sa Biblia ay maraming kwentong parabula.
4. Pabula
Ang mga pabula ay kinatatampukan ng mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga bagay na nagsasalita at binigbiyang buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may aral kung saan ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian.
Mga Halimbawa
Ilan sa mga kilalang kwentong bayan ay ang “Alamat ni Maria Makiling“, “Si Juan at ang mga Alimango“, “Alamat ng Bayabas” at marami pang iba.
Basahin ang mga kwento sa ibaba para sa ilan pang mga halimbawa ng kwentong bayan.
Kapuri-puring Bata
“Nais ko pong ipabili sa aking ina para sa aming notse buena yaong pagkaing pinananabikan … more
Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t … more
Ang Aral ng Damo
May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat … more
Kaibigan Daw
Isang hapon, naglalakad ang dalawang binatang magkaibigan sa gubat. Masaya nilang pinag-uusapan ang mga karanasan … more
Halaman ng Pagmamahal
Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay isang malaking puno ng duhat. Sa lilim … more
Si Ederlyn
Si Alex, isang mag-aaral sa kolehiyo na nagmahal ng isang babaeng nagngangalang Ederlyn De Vivarre. … more
Hudhud: Epiko ni Aliguyon Buod (Epiko ng Ifugao)
Ang Epiko ni Aliguyon na pinamagatang “Hudhud: Ang Kwento ni Aliguyon” ay nagmula sa bulubunduking … more
Alamat ng Ahas (2 Different Versions)
Alamat ng Ahas (Version 1) Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na … more
 
 
 
 
 
 
 
 
