Ang pagkakaroon ng pagsubok at kabiguan sa buhay ay normal lamang at lahat ng tao ay nakakaranas nito. Ngunit, bilang isang tao, batid natin na ang mga ganitong suliranin ng buhay ay madalas na nagpapahina sa atin kahit alam natin na pagkatapos ng mga pagsubok, tayo ay may aral na matututunan.
Sa panahon ng pag-iisa at tila ba walang gustong makinig o dumamay sa’yo, laging alalahanin na may Diyos kang kasama na handang tumugon sa iyong mga hinaing. Maging ang mga tagalog inspirational quotes na aming kinalap at pinagsama-sama ay makakatulong sa’yo na ipagpatuloy ang takbuhin ng iyong buhay.
SEE ALSO: 300+ Best Tagalog Quotes
Normal ang madapa, ngunit tandaan mo na kaylangan mong bumangon at pulutin ang bawat aral na iniwan nito.
- Hindi ka bibigyan ng pagsubok ni Lord kung alam niyang hindi mo kaya.
- Wag magmadali, para hindi magkamali. Sabi nga nila, the best things in life comes to those who wait patiently.
- Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao. Mababa man ang pinag-aralan mo kung marunong kang RUMESPETO, daig mo pa ang EDUKADO.
- Ang negatibong tao ay nakakakita ng problema sa bawat pagkakataon. Ang positibong tao ay nakikita ang pagkakataon sa bawat problema.
- Hndi dapat laging nagmamadali dahil lahat ay may tamang panahon. Ang mga bagay na madaling makuha ay ang mga bagay na madali ding mawala.
- Ang mga taong agad sumusuko ay hindi nananalo. Ang mga taong laging panalo ay hindi kailan man sumusuko.
- Wag mong sanayin ang sarili mo sa pagsisinungaling, kasi baka dumating yung araw na ikaw mismo sa sarili mo di ka na naniniwala.
- Wag mo hayaang sumasabay ka lang sa agos ng dagat, minsan, dapat ikaw mismo ang kokontrol ng direksyon nito.
- Kapag nadapa ka, bumangon ka! Tandaan mo, may pagkakataon ka pa para ipakita sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon, tama sila!
- Kung lahat ng makakaya mo ay iyong ibinibigay, tagumpay mo’y walang kapantay
- Kapag hinusgahan ka nila, hayaan mo sila! Gawin mo na lang itong inspirasyon para maging mas matatag ka.
- Hindi mahalaga kung gaano ka katagal nabuhay. Ang mahalaga ay kung paano ka nabuhay.
- Matuto kang PUMIKIT ng hindi MAINGGIT. Hindi yung lait ka ng lait.
- Hindi mo na kailangan ng ibang tao para magkusa ka. Kung gusto mo talagang magtagumpay, sapat na yung ikaw mismo ang magkusa para sa ikabubuti mo.
- Lagi mong tandaan kahit gaano pa ka USELESS ang tingin mo sa sarili mo, isa ka pa rin sa mga rason kung bakit may mga masayang tao.
- Lahat ng problema nasusulusyunan, kailangan mo lang tumayo at harapin yung mga bagay na dapat dati mo pa hinarap.
- Wag kang matakot na maging ikaw. TANDAAN MO: Ang pagiging orig ay mas maganda kaysa sa pagiging isang kopya.
- Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.
- Lahat ng bagay, pinaghihirapan. ‘Di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan.
- Lahat tayo ay may problema, pagandahan na lang ng pagdadala.
- Mangyayari ang lahat ng gusto mo kung patuloy kang maniniwala. Kailangan mo lang ng pananalig at lakas ng loob na magagawa mo lahat ng nanaisin mo.
- Lahat ng PROBLEMA, may SOLUSYON, kaya SMILE lang.
- Ang pinakamalaking pagkakamali na maaaring gawin ng isang tao ay ang patuloy na isipin na gagawa siya ng mali.
- Nakadepende ang pagiging maligaya sa buhay hindi sa kung anong meron ka, kundi sa kung ano ang pananaw mo sa mga bagay-bagay.
- Huwag kang manghinayang sa mga bagay na nagawa mo na. Manghinayang ka sa mga bagay na hindi mo nagawa nung may pagkakataon ka!
- Wag kang mag-alala kung sa tingin mo maraming naninira sayo. Isipin mo na lang na sadyang INGGIT lang sila sa kung anong narating mo.
- Hindi magbibigay ang Diyos ng problema kung di mo ito kayang sulusyonan. Kaya humarap ka nang may ngiti sayong mukha.
- Alam ko marami akong naging pagkakamali sa buhay ko, pero salamat LORD kasi hindi mo ako pinabayaan at hinding-hindi mo ako iniwan.
- Huwag kang manghinayang kung ngayon ay nabigo ka.
Tandaan mo, mas magandang nabigo ka dahil sinubukan mo kesa sa nabigo ka nang hindi mo pa sinusubukan. - Tatlong salita lang ang kailangan mo para sa buhay kahit gaano kahirap: It Goes On.
- Hindi mo kailangan ng maraming chance kung willing kang magbago. Yung pagbigyan ka nang una sapat na kung talagang pursigido ka sa sinasabi mong pagbabago.
- Lahat tayo nabibigo. Okey lang ang umiyak ng isa o dalawang beses. Pero pagkatapos nyan, siguraduhin mong matututo ka. Dahil ang pagkabigo, ginagamit yan para matuto hindi para muling magpauto.
- Walang mangyayari sa buhay natin kung papairalin ang hiya at takot sa paggawa ng mga bagay na kaya naman nating gawin.
Sana ay kahit papaano ay nakatulong sa’yo at napalakas ka ng mga tagalog inspirational quotes na iyong nabasa, maari mo rin itong ibahagi sa iyong mga kaibigan o kapamilya upang maging sila man ay ma-inspire din.