Tagalog Tongue Twister: 40+ Best Tongue Twisters (Easy & Difficult)

Naiinip ka ba at naghahanap ng mapaglilibangan? Bakit hindi anyayahan  ang iyong mga pinsan o mga kaibigan at subukan ang Tongue Twister? Karamihan sa mga salitang ginagamit sa mga Tongue Twisters ay hindi madaling bigkasin ngunit siguradong maaaliw kayo at matututo.

Ang mga Tongue Twister o Pampilipit-dila sa wikang Filipino ay nakakatawa kung minsan sapagkat siguradong mapipilipit ang dila mo sa simula at kailangang ulit-ulitin para makuha at mabigkas ng tama ang mga salitang nakapaloob dito.

Bukod sa maari na kayong malibang at magkaroon ng tawanan, nakakatulong din ang mga Tongue Twisters sa ating pagbigkas at pagsasalita. Ang mga ito ay isang uri ng diction o articulation exercise, na nakakatulong sa atin na matutong magsalita nang mas malinaw.

Narito ang apatnapung lima na mga Tagalog Tongue Twisters na hinati namin sa dalawang bahagi; ang Easy at Difficult.

Enjoy! 🙂

SEE ALSO: Bugtong, Bugtong: 150+ Mga Halimbawa ng Bugtong na may Sagot

Easy Tagalog Tongue Twisters

Tongue Twister Clipart
  • Save
  1. Ang relo ni Leroy Rolex
  2. Botika, butiki, bituka
  3. Nakakapagpabagabag
  4. Buwaya, Bayawak, Buwaya, Bayawak, Buwaya, Bayawak, …
  5. Siopao, siomai, suman
  6. Ako ay biik, ikaw ay baboy!
  7. Aklat Pangkatagalugan
  8. Aba, bababa kaba Baba?
  9. Pugong bukid, pugong gubat
  10. Pitumput pitong puting tupa
  11. Pitumput-pitong puting pating
  12. Bababa ka ba? Bababa din ako!
  13. Ang bra ni Barbara ay nabara
  14. Sinusi ni Susan ang sisidlan ng sisiw.
  15. Ang relo ni Leroy ay nagka luray-luray.
  16. Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika.
  17. Pitongpu’t pitong butong puting patani
  18. Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw, …
  19. Buwan ng Kabilugan,
    kabilugan ng buwan, …
  20. Ngipin ang nangangailangan ng ngubngob
  21. Tubig sa gumamugam na pinagumamugaman
  22. Kapapansiteria mo pa lang, magpapansiteria ka na naman.
  23. Notebook at aklat, notebook at aklat, notebook at aklat, …
  24. Minekaniko ni Moniko ang makina ng manika ni Monika.
  25. Betong Tutong alyas “ketong” ang hari ng mga bulutong.
  26. Ngumunguya at nangunguyakoy nang paa si Ka Ngarding.
  27. Tanso sa tasa, tasa sa tanso.
  28. Tinuka ng pitong puting pato ang pitumpot-pitong puting puto
  29. Bagong bahay, bagong buhay. Bagong buhay sa bagong bahay.
  30. Palakang higa,
    laging nakahiga,
    kahihiga pa lamang,
    hihiga na naman.
  31. Sumuso ang sanggol na si Susie sa suso ni Susan na sumuso sa suso.
  32. Palakang dapa,
    laging nakadapa,
    kadarapa pa lamang,
    dadapa na naman.
  33. Pitumpu’t pitong puting putong ipinirito ng puting patong papito-pito
  34. Makati sa Makati,
    may pari sa Aparri,
    mahihilo sa Iloilo
    at may bagyo sa Baguio.
  35. Tumalon si Tonton sa malalim na balon sa ilalim ng talon sa taniman ng talong

Difficult Tagalog Tongue Twisters

Twisted Tongue Clipart
  • Save
  1. Isinayaw nang isinayaw ng mananayaw ang sayaw na isinasayaw ng mga mananayaw.
  2. Pinaputi ni Tepiterio ang pitong puting putong patong patong.
  3. Sumasaway ng pasaway ang nagsasaway na sanay magsaway.
  4. Nagtanim nang nagtanim ang manananim ng tanim na itinatanim ng mga manananim.
  5. Palakang Kabkab,
    kumakalabukab,
    kaka-kalabukab pa lamang,
    kumakalabukab na naman.
  6. Kalabit ng kalabit si Alabit na may bitbit sa balikat ng kanyang kalapit-kabalikat kapitbahay.
  7. Usong usong isang isang salu-salong nagsisi-usyosohan ang mga aso sa asosasyon sa Ascuzena
  8. Mayamaya’y mamamanhikan si Aman sa mayamang si Maya malamang sa harap ng maraming mamamayan.
  9. Kakakanan lang sa kangkungan sa may kakahuyan si Ken Ken habang kumakain ng kakaibang kakanin kahapon.
  10. Humuli ng ahas si Pedro Penduko.
    Ang nahuling ahas ay biglang nagluko.
    Ang naglukong ahas nanuklaw kay Pedro.
    Ang nanuklaw na ahas tinodas ni Pedro
    kaya sila ngayon ay kapwa nadedo.

SEE ALSO: Pamahiin: 250+ Mga Pamahiin ng mga Pilipino

Alin sa mga tagalog tongue twisters sa itaas ang pinakamahirap at pinakamadali para sa iyo? Mayroon ka bang alam na tagalog tongue twister na hindi kasama sa pahinang ito? Mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. 🙂

45 Shares
Share via
Copy link