Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pamilya (3 Talumpati)

Magandang araw sa iyo, kaibigan! Hanap mo ba ay mga halimbawa ng talumpati tungkol sa pamilya? Nasa tamang pahina ka!

Narito ang tatlong halimbawa ng mga talumpati tungkol sa pamilya na maaari mong pagkunan ng ideya at inspirasyon. Halina’t basahin ang mga talumpating nakalap namin.

Marami ka ring mga aral na matututunan sa bawat talumpating iyong mababasa na pwede mong ibahagi sa iba. Maligayang pagbabasa!

SEE ALSO: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng Talumpati at mga Uri

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pamilya


Talumpati tungkol sa kahalagahan ng pamilya

Maikling talumpati ni ReadKnowWrite

Marahil madalas nating nakakasama ang ating mga kaibigan sa eskwelahan man o sa opisina subalit sa ating paguwi ang pamilya ang ating nakakasama. Sila yung laging naggagabay at nag-aalala. Kasabay sa kainan, panunuod ng telebisyon, at pagtawa. Ngunit madalas hindi natin nakikita ang kanilang importansya.

Gigising tayo sa umaga, mag-aaral, magtratrabaho, kakain, matutulog. Lahat tayo ay abala sa kanya kanyang laban sa buhay. Madalas hindi natin sila pinapansin. Dahil alam natin na lagi lang sila nandiyan. Diba sadyang magaan ang buhay pag alam mong nakaalalay lang sila? Kaya pahalagahan natin ang pamilya. Sila ang dahilan kung bakit ka masaya.


Relasyon o Pamilya?

Talumpati ni Marianne Sayson

Marami sa atin ang nag-aasawa ng maaga dahil sa pagkabuntis ng maaga.

Hindi man ako Isa sa kanila, ngunit marami pa ring pinipili ang relasyon. Sa ating kababaihan, ano ang mas mahalaga, relasyon o pamilya?

Sa ating kalalakihan, ano ang mas mahalaga, katawan o panahon?

Ating pag-isipan. Kung pipiliin natin ang relasyon sa maling panahon, masama ang idinudulot. Hindi lang masama, marami pang problema ang dumadating. Iyan ang dahilan kung bakit marami sa atin ang nagpapakamatay, naghihirap at gumagawa na masasama. Sa maagang mag-asawa, ituro nyo sana sa inyong mga anak ang tama at hindi ang gawing kinalakhan nyo.

Ako man ay isang lalaki o babae, nasa panahon pa rin ang pag-ibig. Hindi sinasabing bawal umibig, kundi sa oras at panahon ang magtuturo sa atin kung kailan tayo dapat mag-asawa at magkaroon ng karelasyon. Ating bulay-bulayin, “Ito na ba ang oras o panahon para ipasok ko ang ganitong relasyon? May problema ba ang susunod kapag ginawa ko ito? Bakit ako prinoprotektahan ng magulang ko na dapat sa pagtapos ko ng pag-aaral at magtrabaho bago pumasok sa alinmang relasyon sa di-kasekso?.” Hindi rin naman masamang humanga. Ako nga ay marami nang hinahangaan kahit isang estudyante pa lamang ako.

Ang maagang pagrerelasyon iyon man ay mabuti o masama, dapat ginagawa muna ang mas makakabuting misyon sa ating buhay.

Kung pagpipiliin ako kung relasyon o pamilya, mas pipiliin ko ang pamilya. Bakit? Mas alam nila ang makakabuti sa atin.

Sa atin ngayon, lumalago ang populasyon pero ang lupa ay lumiliit. Tandaan, kung may pok may pak. Alam na ibig sabihin.

Papipiliin ko kayo, kayong lahat na pumasok o papasok pa lang sa relasyon, ano ang mas mahalaga sa iyo, ang relasyon o pamilya? Relasyon o kaibigan? Relasyon o misyon? Relasyon o edukasyon? Relasyon o sarili? Relasyon o gampanin? Inuulit ko, ngayon pa lamang.. Ang maagang pakikipagrelasyon ay ibig sabihin ay handa ka nang mag-asawa.

Tayo ay may limitasyon. Limitasyon sa lahat ng bagay. Isipin din ito, ibinigay ng Diyos hindi para abusuhin kundi gamitin sa tama. Lahat sa atin ay madalas sumasalungat sa ganitong pamantayan.

Tanungin muli ang sarili, “Makikipagrelasyon ba ako para lamang sumaya?,” hindi lahat ng relasyon ay laro. Ako ay nalulungkot dahil sa ganitong problema. Na sana ay isipin muna kung ano ba ang dapat pagpasyahan. Humingi ng tulong sa mas napagtitiwalaan mo gaya ng pamilya, kamag-anak o kaibigan na syang matapat sa iyo. Mas sasaya pa sana kung may panahon ang relasyon.

Ito ang tatlong pamantayan: ang paghanga ay ang bagay na nakikita mo gaya ng hitsura at kilos nya. ang pagkahibang ay isang uri na damdamin na inaakalang pag-ibig na. Huwag paliligaw, mawawala na lang bigla ang ganitong damdamin at malilipat sa iba. Tunay na Pag-ibig- isang uri ng pagmamahalan ayon sa nalalaman mo sa kanya.

Tandaan, panahon at oras ang magtuturo at maggagabay sa atin.


Talumpati Tungkol sa Pamilya

Mula sa TakdangAralin.ph

Sa anumang oras ng pangangailangan, anumang hidwaan at hindi pagkakaunawaan mayroon tayo, sa hulit-huli ang pamilya pa rin ang ating natatanging kanlungan sa buhay.

Tayo bilang isa sa mga bansang nabibilang sa Asya ay may kaugalian at kulturang kinagisnan na may malapit na ugnayan sa bawat miyembro ng ating mga pamilya.

Hindi bago sa atin na nakakakita tayo ng mga uri ng pamilya sa ating lugar na kung saan ay halos lahat hanggang sa mga lolo, lola at mga tiyahin at iba pang kasapi ng pamilya ay kasama sa loob ng isang maliit na tahanan.

Hindi natin iniinda kahit na maliit ang tirahan at nagsisiksikan, ang mahalaga ay buo at masaya ang pamilya. Ganyan ang buhay pamilya nating mga Pilipino.

Ang ganitong uri ng sistema minsan ay may naidudulot na kabutihan, minsan naman ay may hindi magandang dulot. Maganda sa tanang, nakakabuo ito ng mahigpit na samahan at pagkakabuklod-buklod ng bawat isa.

Pero ang ganitong uri ng samahan minsan ay nagdudulot ng pagiging pala-asa ng mga iba. Hindi tayo matututo na tumayo sa ating mga sariling paa. Habang buhay tayong aasa sa lakas at tulong ng mga mahal natin sa buhay.

Ang pagkakaroon ng pamilya lalo na sa mga bago pa lamang ay hindi gawaing biro at laru–laro lamang. Kaakibat nito ay ang napakalaking obligasyon na nakaatang sa ating mga balikat.

Lalo na kapag may mga anak na tayo na umaasa sa atin. Ang pagpasok sa estadong ito ng buhay ay dapat na masusing pinag-hahandaan. Handa tayo dapat sa aspetong pang-pinansiyal at ganun rin sa emosyonal.

Walang kasing saya ang pakiramdam ng may pamilyang sarili na maituturing at maipagmamalaki mo sa buhay. Kayamanang tunay kung ito ay sabihin ng mga nakatatanda.

Ang pamilya na kahit ano pa mang uri ng bagyo ang pagdadaanan, ang samahan ay pansamantalang mabubuwag ngunit kusa pa rin itong mabubuo dahil sa masidhing pagmamahalan ng bawat isa.

SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Magulang

10 Shares
Share via
Copy link