Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kung naghahanap ka ng mga halimbawa ng talumpati tungkol sa pangarap nasa tamang pahina ka.
Lahat ng tao ay may pangarap, ngunit batid ng nakararami na hindi lahat ng pangarap ay nagkakaroon ng katuparan.
Naniniwala kami na gaano man kalaki ang isang pangarap, dapat itong pagsumikapang makamit. Kaya naman kinalap namin at pinagsama-sama ang ilan sa mga talumpati tungkol sa pangarap na maaaring magbigay sa iyo ng inspirasyon.
Basahin mo at ibahagi din sa iba ang mga aral na matututunan sa mga talumpating ito.
SEE ALSO: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng Talumpati at mga Uri
Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pangarap
- Ating Abutin Ang Ating Pangarap
- Pangarap
- Talumpati Tungkol Sa Pangarap
- Pangarap ng Isang Simpleng Tao
- Talumpati Tungkol sa Pangarap
- Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral
Ating Abutin Ang Ating Pangarap
Talumpati ni Charmaine R. Frankie
Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kaya’y maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala may pangarap at ito’y iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring umunlad.
Ako, nuong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong nakadungaw sa bintana sa bintana na aming bahay nag-aabang na namimisikleta; Pinag-aralan ko kung paano sila nakakabalanse at sinubukan kong gamitin ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa akin. Takot, pagod at hirap ang dinanas ko preo nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko. Paisaa-iasang metro ay nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba? Marahil. Ito ay isang auekdota na aking iingatan na hanggang ngayong ay nagpapalakas ng aking loob.
Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lipa. Pinag-uukulan ng panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo di matutumba at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walamg taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno na. Wala rin naming Nagtanim ng ubas ng lumakit bumunga ay mangga. Anu nga ang iyong tinanim mabuti o masama.Makakatuong ba o makakasira. Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan natin ng gawa.Huwag tayong tumigil hangga’t di nating natutupad ang ating pangarap.Lahat ng nangangarap ay may kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig sabihn may pangarap at ‘pag may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na natin, hindi bukas,makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON! Tera na!
Pangarap
Talumpati ni Nikki Reyes
Ang pangarap ay hindi nakukuha agad-agad. Ito ay nagsisimula sa isang pagpaplano tungkol sa mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay. Ang plano na minsa’y nanggagaling sa pagkakaroon ng inspirasyon mula sa ibang tao upang pagtibayin ang inyong paniniwala na balang araw ay matutupad lahat ng inyong panaginip.
Hindi madaling abutin ang mga pangarap. Marami kang pagdadaanan at marami kang pagsubok na haharapin. Diyan masusukat ang iyong katatagan at pagtitibayin ang inyong pananampalataya. Madali lang mangarap. Isip at imahinasyon ang ginagamit para makita natin kung anong mga posibleng mangyari bukas, sa isang linggo, sa isang buwan o sa isang taon. Lahat ng kagustuhan natin ay lumalabas at yun ang nagiging dahilan upang maka buo ng isang pangarap.
Walang sumusuko sa mga taong nangangarap. Kahit gaano kahirap abutin basta gusto mong maisakatuparan ang lahat, gagawin mo ang sinisigaw ng iyong puso’t isipan. Kung pursigido kang abutin lahat lahat, pwes kumilos ka. Walang mangyayari sa taong tamad. Ang buhay ay maikli lang at ang layunin nating lahat ay maisakatuparan ang lahat ng ating plano sa ating buhay. Kung papaano mo aabutin, diskarte mo na lang.
Ang pangarap ay kaakibat ng hiling. Ito ay sinasama natin sa ating panalangin. Kung positibo kang mag-isip, alam mo at panatag ka sa sarili mong matutupad lahat ng pangarap mo sa tamang panahon. Kumilos ka lang at wag susuko. Wag kalimutan magbalik tanaw sa mga taong naging susi para makahakbang ka sa hagdan ng iyong pangarap. Ang mga oportunidad na dumarating sa inyo ay wag talikuran. Kunin niyo ito! Malay niyo ito ang maging susi para mas mapalapit ka sa pag-abot mo ng pangarap. Manatiling positibo. Unahan mo ng magagandang pangitain ang mga bagay na gusto mo pa lang mangyari.
Alam nating mahirap ang pagdadaanan natin bago natin maabot ang ating mga pangarap. Pero hindi dahilan yun para pangunahan tayo ng takot, pagsuko, at kawalan ng tiwala sa sarili. Sarili mo lang ang kalaban mo kaibigan. Kung magpapatalo ka sa negatibong takbo ng isip mo, sigurado akong walang mangyayari sa pangarap mo.
Pag nangarap ka ngayon, hindi yan matutupad kinabukasan. Ang pangarap ay natutupad paunti-unti depende sa sitwasyong inyong tinatahak. Depende sa diskarteng ginagawa mo at depende rin ito sa iyong pagsisikap. Sa dami ng ating pangarap, hindi yan inaabot ng sabay-sabay. Isa-isa lang, mahina ang kalaban. Halimbawa na lang ako. Marami talaga akong pangarap. Sa dami ng pangarap ko, isa pa lang ang natutupad. Pero hindi biro ang pinagdaanan ko para lang abutin yun. Nadadagdagan ang pangarap ko habang may natutupad at napapatunayan ako. Libre lang naman mangarap hindi ba?
Wag kayong magpadala sa mga negatibong sinasabi ng mga tao sa paligid niyo. Sabihin man nilang imposible ang mga pangarap niyo, nasa sa inyo yan kung magpapa apekto kayo at susuko o magbibingi-bingihan na lang at magpapatuloy. Kung ako ang nasa sitwasyon ninyo, tatakpan ko na lang ang tenga ko at magpapatuloy. Walang kwentang makinig sa mga negatibong sinasabi ng iba. Gawin mo na lang insipirasyon ang mga sinasabi nila at gawing bala para magtagumpay sa huli. Makita niyo na lang, nganga sila pag nasa tuktok ka na.
Kung naabot niyo na ang pangarap niyo, wag masyadong mayabang. Pag yan gumuho, ikaw ang pagtatawanan. Matuto lumingon sa nakaraan o sa pinang galingan. Kung hindi dahil sa mga nakaraan, wala ka sa iyong kinalalagyan.
O ano kangitian, nakaka relate ka? Kung oo, mabuti naman. Mag-isip ka. Abutin mo ang dapat abutin. Gawin mo ang mga dapat gawin. Pero tandaan, kapag gumuguho ang pangarap, hindi solusyon ang pagsuko. Kung gusto mo, unti-unti mong itayo ulit. Matagal pero nakasisiguro kang matutupad ang lahat ayon sa iyong kagustuhan.
Magkaroon ng mabuting puso, lahat ay darating sayo sa tamang panahon.
Talumpati Tungkol Sa Pangarap
Mula sa TakdangAralin.ph
Ang buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga munting pangarap. Mga munti na kalaunan ay unti-unting lumalaki at nagkakaroon ng hugis, kulay, buhay at kauparan para sa ating hinaharap.
Walang kasing ganda ang bumuo ng mga pangarap sa buhay. Minsan ay umaabot tayong nangangarap ng mga bagay na wala na halos sa realidad at katotohanan.
Hindi naman ito masama huwag lang po nating seseryosohin ito. Ang mamuhay na walang plano at pangarap sa buhay ang siyang maituturing nating masama.
Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling edad sa buhay, lahat ay pantay-pantay. Maging ang mga batang paslit ay mayroon ring mga minimithing mga gustong makamit. Mayroong kasabihan na “mangangarap ka rin lang, itodo mo na”.
Ang bawat tao ay may natatanging pangarap na gustong makuha o maabot sa buhay, dahil sa mga ito ay nagpupunyagi tayo sa anumang uri ng larangan na ating kinatatayuan para ito ay ating makamtang tunay.
Mayroong mga pangarap na minsan ay abot kamay na pero sa mga hindi inaasahang pagkakataon, minsan ito ay naglalahong parang bula na lamang. Sa mga ganitong pagkakataon huwag tayong magpanibugho at mawalan ng pag-asa.
Pilitin nating bumangon at gumawa ulit ng panibagong pangarap. Ang buhay ay sadyang mapag-biro. Mayroong mga bagay na talagang hindi itinadhana na para sa atin, mapamateryal man ito o hindi. Sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.
Kapag tayo ay nangarap at hindi natin nakamtan, huwag po tayong malulumbay sa buhay. Maging bukas po ang ating mga kaisipan. Ang bawat araw na biyaya sa atin ng dakilang lumikha ay gamitin natin para sa pagbuo ulit ng mas maganda pang mga pangarap.
Mga pangarap na magsisilbing ating mga inspirasyon upang tayo ay lalong sumipag at tumatag sa anumang unos darating sa ating mga buhay.
Pangarap ng Isang Simpleng Tao
Talumpati ni Jay-ann S. Talabis
Ako, simpleng tao lang, simple, pero malaki ang pangarap sa buhay. Pangarap na masuklian ang ibinibigay ng aking mga magulang, kahit na hindi lahat naibibigay, masaya parin ako.
Nung ako ay bata palang mura pa ang isip, wala pang gasinong alam sa mundo. Wala pang naiisip kung anu ba ang magiging propesyon ko, at kung anu ba ang mararating ko kapag ako’y lumaki na. Subalit ngayon akoy malaki na, marami akong pangarap na gustong abutin. Kaya sinusunod ko lahat ng payo at pangaral ng aking mga magulang. Kapag sinabi nila na bawal yan sinusunod ko naman, siyempre alam ko na para sa akin din ang kanilang sinasabi.
Kaya maraming salamat sa mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa aking kakayahan. Dahil kayo ang nagsisilbing inspirasyon ko sa araw-araw at nagbibigay tatag ng aking kalooban. Na sya ko ring hinuhugutan ng tapang upang maabot ko ang aking mga pangarap.
MARAMING SALAMAT PO!!!
Talumpati Tungkol sa Pangarap
Talumpati ni little ol’ ghost~
“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
Bill Gates, Katy Perry, Walt Disney, Oprah, Pia Wurtzbach. Alam natin na mga matagumpay na tao ang mga ito. Subalit nagtataka man ba kayo paano sila naging ganito? Paano ba nila naabot ang kanilang mga ambisyon? Simple lang iyon: nakuha nila ang inspirasyong iyon mula sa isang simpleng pangarap.
Mayroong iba’t ibang klase ng pangarap: pangarap sa pag-aaral, pagkakaibigan, pag-ibig, negosyo, ang magiging buhay natin sa kinabukasan at iba pa. Magkaiba man ang mga bagay na ito, mayroon silang parehong layunin: ang makamit ang pangarap na iyon. Subalit ang pangarap ay mananatiling panaginip kapag hindi tayo kikilos upang magtagumpay. Kailangan natin ipagpawisan ang pangarap na iyon upang magkatotoo. Ngunit dapat rin natin tandaan na hindi palagi kakampi natin ang buhay. Minsa’y maranasan natin talaga ang masakit na pagkabigo. At doon palagi mawawalan ng pag-asa ang isang tao. Pero kailangan natin marunong tumayo muli. Paulit-ulit natin maririnig ito pero ginagawa ba natin kapag nabigo tayo? Huwag mong ikahiya na bumagsak ka. Ang tunay na kahihiyan ay kapag ayaw mo na bumangon muli. Ang buhay ay parang sugal. Dapat tayong magbakasakali para sa mga pangarap ibig natin makamit. Walang mawawala sa iyo kung subukin mo ang mga hamon binibigay sa iyo ng buhay. Huwag rin kalimutan na gamitin ang mga pagkakamali mo bilang mga aral na makapagturo sa iyo sa magiging hamon mo sa huli.
Libre ang mangarap kaya dapat pagsikapan natin iyon dahil libre na nga sa simula, babayaran ka pa ng tagumpay sa mga sakripisyo nagawa mo para sa mahalagang pangarap na iyon.
Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral
Talumpati ni Mary Jane Tarucan
Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa nila sa aming magkakapatid.At para matulungan ko rin ang 3 kung mga nakakabatang kapatid na sila rin ay makapagtapos sa pag-aaral para dumating din ang panahon na magkaroon sila nga sariling pamilya, hindi nila maranasan ang kahirapan na hinaharap namin ngayun. Gusto ko rin matulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa bahay, gaya ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-araw na gastusin sa pagkain, pamasahe sa aming magkakapatid at gastos sa kuryente kaya pagsikapan ko na makatapos ako sa pag-aaral.
Ako ang panganay sa aming magkakapatid, kaming apat ay nag-aaral ako sa college, yung pangalawa ay secondarya at ang dalawang bunso ay elementarya. Hindi sana ako makapagpatuloy sa pag-aaral ngayun dahil sa kahirapan. Gusto ko sanang maghanap nga trabaho kaso pero hindi pa daw pwede dahil sa murang edad ko pa.Nang ang aking ante ay bumisita sa a amin, humingi ako nang tulong na siya ang gagastos sa aking pag-aaral para makatapos ako nga 2 taon pwede na akung mag-trabaho.
Ngayun na 2nd year na ako, hindi ko sasayangin antg ibinigay na opurtunidad na makapagtapos ng pag-aaral. Dahil laging sinasabi na aking nanay na ako ang pag-asa nya pag makatapos ako nang pag-aaral. Ggawin ko ang lahat na makakaya ko na para lang maabot ang aking pangarap na makapag tapos. at para rin na ipagmalaki ako na aking mga magulang na kahit 2 taon lang, nakatungtong ako sa kolehiyo.At laging sabi ng nanay ko na bago ako bumuo nang sarili kung pamilya, unahin ko muna sila pero hindi nila alam na yun ang plano ko. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko na matapos ko ang huling taon na pinag-aaralan ko.
SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Pamilya