May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.
Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.
Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.
BASAHIN DIN: Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay?
Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.
Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.
Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.
Aral
- Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba para maisahan ka.