Ang Babaing Maggagatas

Isang araw ang babaing maggagatas ay nagpunta sa palengke na may bote ng gatas sa kanyang ulo. Maganda at mabuti ang panahon ng araw na iyon. Habang siya ay naglalakad sa maruming lansangan, siya ay nagsimula ng mangarap kung ano ang kanyang gagawin sa perang mapagbibilihan niya ng gatas.

“Marahil,” sabi niya, “bibili ako ng manok sa aking kapitbahay at kapag ito’y nangitlog, ipagbibili ko at ang perang mapagbibilihan ko ng itlog ay ibibili ko nang magandang damit na may laso. Baka bumili rin ako ng isang pares ng sapatos. Pagkatapos ay pupunta ako sa Pistang Bayan at ang lahat ng mga lalaki doon ay magtitinginan sa akin at ako’y susuyuin ngunit hindi ko sila papansinin at iismiran ko pa sila.”

Nakalimutan niya na may bote ng gatas sa kanyang ulo, kaya’t paggalaw niya sa kanyang ulo, ang mga bote ay nagsibagsak. Ang mga ito ay kumalat sa kapaligiran. Ang kanyang mga pangarap ay nagsilaho kasabay ng mga bote ng gatas.

Lungkot na lungkot siyang umuwi at hindi niya malaman kung saan siya kukuha ng kakainin para sa araw na iyon.

Aral:

  • Ituon ang pansin sa kung ano ang kasalukuyang ginagawa ng sa gayon ay magawa ito ng maayos.
  • Hindi masama ang mangarap ng mga magagandang bagay pero mas bigyan halagang at unahin kung ano ang pinakakailangan.
  • Huwag magbilang ng sisiw kung hindi pa napipisa ang itlog.
2 Shares
Share via
Copy link