Ang Kabayo at ang Mangangalakal

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa.

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. Nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

“Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,” ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni’t sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog.

SEE ALSO: Si Langgam at si Tipaklong

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong ito ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo -dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo.

“Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man aymagpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,” ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.

Aral:

  • Huwag manlamang sa kapwa. Ang pagiging tuso ay hindi magandang gawain at dapat iwasan.
  • Ang masamang gawain ay katumbas na kaparusahan kaya kahit ang mag-isip pa nito ay huwag na ring subukan.
17 Shares
Share via
Copy link