Huling Limang Oras

Tumunog na ang bell. Hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng kagaya ko. Pero bakit ang aga? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang pagpupulong ng mga guro para sa darating na foundation day. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana dahil ngayon din ang pag-uwi ng aking ina galing sa abroad.

Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng huli ko siyang makita. Ano na kayang itsura nya ngayon na ako ay nasa ikalawang baitang na ng pagiging high school.

Sa aking pag uwi ay may nasulyapan akong isang babaeng umiiyak, tinulak ako ng aking pagkausyoso para tanungin kung bakit sya umiiyak.

“Ale, bakit po kayo umiiyak?” natanong ko sa babae.

“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay.”

“Kung hindi ninyo po mamasamain, maari ho ba kayong sumama sa akin upang mawala ang inyong lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang,” ang di ko mawari kung bakit ko nasabi.

Ang pagtango niya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang ng kanyang pagpayag.

Hindi namin namamalayan ang oras habang kami ay magkasama, tila isang panaginip ang nangyayari. Sa kalagitnaan na aming kasiyahan ay nagwika ang ale, “Maari mo bang ipikit ang iyong mga mata?”

Sinunod ko ang kanyang utos at gayon na lamang ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking noo at ang narinig ko ay ang kanyang pagsabi sa akin ng “Mahal Kita”.

Sa aking pagmulat ay nawala ang ale na hindi ko man lang naitanong kung ano ang kanyang pangalan. Biglang umihip ang malamig na hangin na niyakap ang aking buong paligid.

SEE ALSO: Ang Aral ng Damo

Hindi ko namalayan ang oras. Tiningnan ko ang aking relo.

“Aba, anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi” nasabi ko sa aking sarili. Nilisan ko ang lugar na iyon ng may tanong na hindi ko alam kung kailan masasagot.

Sa aking pag-uwi ay nakita ko ang aking ama na tila kakatapos lang lumuha. Anong problema? Lumapit ako sa kanya at nagmano. Siya ay biglang nagwika,

“Anak iniwan na tayo ng nanay mo, namatay siya sa aksidente limang oras na ang nakalilipas.”

Imbis na umiyak ay naitanong ko lang sa kanya kung may litrato siya ng aking ina, nagulat na lamang ako sa aking nakita…

Hindi nya ako iniwan ng walang paalam. Ipinarating niya sa akin kung gaano ako kahalaga at kamahal niya.

Siya pala ang ale na aking nakasama kanina, ang umiiyak na ale.

Ang inakala ko na isang istranghero ay ang mahal kong ina. Kahit sa kaunting panahon ay nakasama ko siya. Sa huling limang oras ay pinuno ang buhay ko ng kasiyahan na noon ko lang naranasan.

Aral:

  • Laging iparamdam sa mga magulang kung gaano natin sila kamahal. Hindi sa lahat ng panahon ay makakasama natin sila kaya hangga’t maari ay sabihin natin ng madalas ang mga salitang “I love you” sa kanila at pahalagahan natin ang lahat ng sakripisyo nila sa atin.
  • Kung ang iyong Ama o Ina ay nasa ibang bansa, maglaan ng oras upang makausap sila sa telepono man o sa mga chat. Maliit na bagay ito para sa atin ngunit sa kanila ay sobrang mahalaga nito. Kahit sa ganoong paraan ay maiparamdam mo na mahalaga sila sayo at kaya mo ring masakripisyo ng kahit kaunting oras para lang makasama sila.

Source: Wattpad

9 Shares
Share via
Copy link