Loading...

25+ Joke Quotes Tagalog

May mga jokes na bentang-benta, meron namang sa sobrang corny. Alin man sa dalawang iyan ang pagbagsakan ng mga tagalog joke quotes na aming kinalap, sana ay magustuhan mo ito at makapagbigay ng ngiti sa iyong mga labi. Paalala lang kaibigan, maaring makatama o simpleng banat ito para sa iba pero kung sakaling ikaw naman ang tamaan ng mga jokes na ito ay galingan mo na lang sa pag-ilag! 🙂

SEE ALSO: 300+ Best Tagalog Quotes

Joke Quotes Tagalog Image 1

  1. Ang pag-ibig ay parang utot, kahit anung gawin mo ay napakahirap itago. At pag –ibinuga mo ang kinimkim na damdamin, maamoy ng lahat kahit hindi ka man umaamin,
  2. Mahal mo kasi maputi? It’s not love, it’s Dove!
  3. Niligawan ka sa text tapos sinagot mo, asan yung love dun? Nasa simcard?
  4. Kung tinanong ka ng manliligaw mo kung chocolates o flowers… Be practical! Bigas men, bigas!
  5. Pag may mahal ka ipaglaban mo. Pag dalawa naman mahal mo paglabanin mo, matira matibay kamo.
  6. Mahal ka niya, mahal mo siya. Pero mas mahal ang tuition, ga-graduate ka ba?
  7. Pag gusto may paraan, pag ayaw ilibre mo muna, sasama na yan!
  8. Para kang dessert. Ang sweet mo sakin, ang sweet mo sa kanya, ang sweet mo sa lahat. Anong flavor ka?
    Crema de Puta?
  9. Ang bilis ng panahon no? Parang last year lang nene ka pa, ngayon nanay ka na? Landi mo talagang bata ka eh!
  10. Sa panahon ngayon mas tumatagal pa ang UTANG kesa sa RELASYON.
  11. Once there was an angel who wants to take everything away from me, then nakita ko sya tumingin sayo…”Oist”
    Pag yan ginalaw mo gagawin ko shuttlecock ang pakpak mo!
  12. Kung wala kang maisip na iregalo sa taong mahal mo
    Halikan mo na lang. Tapos sabihin mo… “Kung ayaw mo, ibalik mo na lang.’
  13. Bakit pag umiinom tayo ng isang basong tubig
    parang ang hirap? Pero pag umiinom tayo ng redhorse
    kahit isang case parang kulang pa? Bakit ganon?
  14. Ang pagmamahal ko sa mga EX ko ay parang ulam
    namin kanina… UBOS NA!
  15. Masakit sabihin ang “I hate you”
    Mahirap sabihin ang “I’m sorry”
    Lalo na ang “I love you”
    Pero pinakamahirap sabihin ang…
    “iskibiritsiboooop
    iskiribaaboap
    blooopikiribitkiribit””
    Ikaw nga?
  16. Nag-aaway na naman ang utak at pusoa.. Sabi ng utak sa puso, Kalimutan mo na sya.. “”[email protected]@ mo talaga!”” sagot ng puso… “”Kala ko ba matalino ka? Paano ko kakalimutan eh lagi mong iniisip!”””
  17. Ang PAG-IBIG ay parang utot. Kahit anong gawin ay napakahirap itago. At pag-ibinuga mo ang kimkim na damdamin, maaamoy ng lahat kahit hind ka man umamin!
  18. Kung ayaw mong mainlove ng todo
    Ay huwag mo ng susubukang tingnan pa ako,
    dahil baka mabaliw ka ng husto!!!
  19. Lahat naman tayo may kapintasan,
    Lahat tayo hindi perpekto…
    Kaya wag kang mag-alala kung ganyan
    ka pinanganak…
    Normal lang yan…
    Hindi mo naman kasalanan na maging kamukha mo si…
    KOKEY.
  20. Dahan-dahan ka sa pagpili
    ng MAMAHALIN mo ..
    Baka kasi MALAGPASAN mo ako!
  21. Nakakainis kayo lagi niyo na lang ako tinatapakan.
    Hindi na ba magbabago ang pagtingin niyo sakin? -Doormat
  22. Bakit pag late ka, pumapasok yung prof mo?
    Pero pag hindi ka late wala naman yung prof mo?
    Bakit ganon???
  23. Wala naman talagang taong panget,
    nagkataon lang na ang mukha nila ay di pa
    uso sa panahon ngayon.
  24. Paano ba nasusukat ang ang pag-ibig?
    Paano ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?
    Pano ko malalaman kung siya na ba talaga?
    Hindi ko alam pero dapat tandaan mo na wag kang
    sisigaw pag nakasalubong mo si Sadako.
  25. Pag masaya ka, masaya rin ako.. pag badtrip ka, badtrip din ako,
    Pag malungkot ka, malungkot din ako..pag nasa2ktan ka, nasa2ktan dn ako..
    wala lang….gusto lang kitang gayahin ahihihi…
  26. Ang bawat piso ay pinaghihirapan
    Dugo’t pawis ang puhunan.
    Mahalaga ang bawat piraso
    kaya sana…
    Magreply ka naman pag nagtetext ako!
    Mahiya ka sa parents ko na nagtitiyagang magload saken!
  27. Tom, nagitim ka ha, nag-outing ka siguro no?
    Hindi po, nagsimento po ako maghapon.
    Ang sipag ah! Ano naman sinimento mo?
    Relasyon po namin, baka sakaling tumibay.

Marami sa mga quotes na nakapaloob sa pahinang ito ay hindi matukoy kung sino ang orihinal na may gawa o akda. Kung kilala mo kung sino sila, mangyaring kontakin kami upang mabigyan namin ng proper credit ang kanilang mga gawa.

Samantala, kung ikaw naman ay nag-enjoy sa iyong mga nabasa, ibahagi mo ito sa iyong mga kaibigan at kapamilya. 🙂

Loading...