Loading...

40+ Tagalog Broken Hearted Quotes

Sinasabi ng ilan na parte na daw talaga ng pagmamahal ang masaktan. Hindi ka pa daw talaga totoong nagmahal kung hindi ka nasaktan. Maaring may katotohanan nga ang mga ito. Kaya naman handa ka man o hindi sa pangyayaring ito, mabuting malaman mo na may mga tagalog broken hearted quotes na maaring magpalakas sa iyo sa ganitong klase ng sitwasyon.

Aming kinalap at pinagsama-sama ang mga tagalog broken hearted quotes na ito upang kung ikaw man ay dumaranas ng sakit dulot ng pagkabigo sa pag-ibig, ang mga ito ay iyong maging kalakasan sa oras ng pag-iisa. Bumangon ka at harapin ang buhay ng may pag-asa. Laban lang! Kaya mo yan kaibigan.

SEE ALSO: 30+ Tagalog Inspirational Quotes

tagalog broken hearted quotes sample

  1. Masakit maging kaibigan ang taong mahal mo. Di mo alam kung saan ka dapat lumugar. Bawal mainis at lalong bawal umasa. Bakit? Ano ba karapatan mo? Kaibigan ka lang di ba?
  2. Sabi mo gusto mo ‘ko, sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo, sabi mo iiwan mo na siya, sabi mo hintayin kita, sabi mo mas mahal mo ako, ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin nya?
  3. Kadalasan nakakatakot magmahal kasi masakit umasa; pero hindi ba mas masakit yung alam mo na ngang wala kang pagasa, pero siya pa mismo ang nagpaparamdam na sa kanya ika’y mahalaga.
  4. Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di ako susuko. Kahit magkaroon pa ng isandaang dahilan upang ika’y iwan, hahanap parin ako ng isang dahilan para pagmamahal ko sayo’y ipaglaban.
  5. Pumayag akong mawala ka, hinayaan kong ako’y masaktan, ayos lang na ako’y lumuha. Kahit na ako’y napipilitan lamang, aking ibibigay lahat para sa iyong kagustuhan at kaligayahan.
  6. Lumapit ako sayo sa pag-iisip na iyong mapapansin, di ko inakala na sa aking paglapit ako’y lalong luluha, dahil pinaramdam mo sa akin na siya lang ang kaya mong mahalin, at tayo’y hamak lamang na mag-tropa.
  7. Tama na yung minsan mo kong paasahin, minsang saktan at minsang paluhain. Minsan mo lang naman din akong minahal; hindi tulad ko, minahal kita ng walang katapusan.
  8. Minsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam dahil sa mga bagay na iyong natutuklasan dun ka pa nasasaktan.
  9. Akala ko ikaw na talaga , nag joke lang pala yung tadhana.
  10. Sa sobrang saya at kuntento mo sa isang bagay hindi mo naisip na pwede paring mawala ang mga ito.
  11. Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayun ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?
  12. Bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? Bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? Bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo? Bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?
  13. Noong gabing iyon halos tumulo ang luha ko dahil sa aking nadama. Lalo na ng sinabi mong “ayoko na”. Masakit man isipin pero kaylangan tanggapin. Hindi naman kasi habangbuhay kang akin.
  14. Biniro kita, ginago mo ko. Nasaktan kita, tinarantado mo ko. Sa lahat ng ginawa ko, mas matindi ang ganti mo. Kaya ngayon, tanong ko lang. Bakit di mo pinantayan ang ginawa ko nung mahalin kita ng todo-todo?
  15. Minsan, dadating talaga ang oras na magsasawa ka sa isang bagay. Pero dadating at dadating din ang oras na mamimiss mo yun at gugustuhin balikan.
  16. Hindi ko kailangan ng taong sisira sa tiwala ko. Ang kailangan ko ay yung taong pinapahalagahan ang tiwalang ibinigay ko.
  17. Hindi sa lahat ng panahon makakahanap ka ng taong magmamakaawa para lang manatilli ka. Kaya matuto kang magpahalaga sa taong gagawin lahat, wag ka lang mawala sa buhay nya.
  18. Aanhin pa ang tiwala kung bawat hinala ay laging tumatama.
  19. Nagtext ako sayo, got no reply. Miss call ako sayo, you didn’t call back. Nung nakulitan ka na sa akin, sabi mo, “Sorry, I’m busy. TC na lang.” Then one day, nakita kita kasama mo sya. Tama ka, busy ka nga talaga.
  20. Kagabi, may nakita akong falling star. Nag-wish ako, sabi ko, sana maging akin ka. Biglang huminto yung star, lumapit sa akin at tumawa. Sabay sabing, “Sira ka talaga! Hindi pwede! Kasi ayun sya kasama mahal niya!”
  21. Nandito lang ako, kapag kailangan mo ng kaibigan, ng makakausap, ng maiiyakan. Sabi ko kasi sayo iwan mo na siya eh. Ano bang nakita mo sa kanya?
  22. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
  23. Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
  24. Minsan kahit may libo-libo tayong dahilan para maging masaya, mas pinipili nating maging malungkot dahil sa isa.
  25. Huwag kang malungkot kung iniwan ka niya ang mahalaga ay napadama mo sa kanya kung gaano mo sya kamahal.
  26. Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.
  27. Minsan ang sinasabi ng isip, iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin, nalilito! Hindi malaman kung alin ang dapat sundin. Ang isip na nagsasabi ng dapat? O ang pusong nagmamahal ng tapat?
  28. Yokong magtanong, kasi yokong malaman. yokong malaman, kasi yokong masaktan… Pero bat pa ko aayaw kung ikaw na nagsabing… yoko.. sayo..
  29. I know that you already found maybe the right person who you think will love you more than I did. Dont worry, im not hurt. I’d wait, and if you come back, i’ll just say. WAG KA MAGALALA, MAHAL PA DIN KITA!
  30. Bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? Bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? Bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo? Bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?
  31. Naging tayo noong wala na kayo. Sabi mo minahal mo sya pero mas minahal mo ko. Masaya pa nga tayo diba? Ngayon bumabalik sya iniwan mo ko… Ngayon pa? Kung kelan di ko na kayang mawala ka…
  32. Nung gabing un.. halos tumulo luha ko dhl skng nadarama.. nang iyong cnb “ayoko na..” masakit man icpin pro kelangan tanggapin.. hindi nmn hbang buhay kang AKIN.. =(
  33. Sabi mo gusto mo ‘ko, sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo, sabi mo iiwan mo na siya, sabi mo hintayin kita, sabi mo mas mahal mo ako, ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin nya?
  34. Kadalasan nakakatakot magmahal kasi masakit umasa; pero hindi ba mas masakit yung alam mo na ngang wala kang pagasa, pero siya pa mismo ang nagpaparamdam na sa kanya ika’y mahalaga
  35. Hindi naman ako umaasang mamahalin mo ko.. OK lang sakin kung ayaw mo talaga.. Pero sana naman wag mo ipamukha sa akin kung ganu mo siya kamahal… Ang sakit sakit kase… Masakit sobra..
  36. Sinabi mo mahal mo ko, sinabi mo di mo kaya na wala ako, pero bakit una kang bumitaw, una kang sumuko, nagkamali ako’t naniwala sayo.
  37. Sabi ko, musta na? Pero tumango ka lang, Sabi ko, Ok ka ba? Pero di mo ko narinig.. Sabi ko miss na kita. Pero umalis ka.. Pano kung sabihin kong Mahal kita! maririnig mo pa kaya ako?? Sa tingin ko hindi na..
  38. Sabi nila mahirap ka daw abutin.. Paki ko? Mahal kita eh.. Sabi nila huwag nako mag-aksaya ng oras sayo.. Paki ko? Mahal kita eh… Pero alam mo ba yun? Paki mo ba? May mahal ka namang iba..
  39. Sabi nila kapag mahal mo, lahat gagawin mo, lahat ibibigay mo, pero paano na kung hilingin nyang palayain mo na sya? mabibigay mo pa? kahit mahal mo pa sya.
  40. Masakit man ng todo titiisin ko kase Mahal kita kahit ayaw mo na… Nandito lang ako para sayo…
  41. Masarap titigan ang taong mahal mo at isiping magkasama kayo. Masaya managinip. Masaya mangarap. Pero mahirap umasa kung habang tinititigan mo siya, nakatitig rin siya sa iba.
  42. minsan gusto kong tumakbo, malayung-malayo sa iyo.. baka sakaling makalimutan kita.. kaya lang sa pagtakbo ko, dala ko pa rin ang puso ko na walang ibang laman kundi.. alaala mo!
  43. Bakit ang hirap mag move on sa taong minahal mo ng sobra… pero kahit minsan, hindi mo man lang naramdamang minahal ka.

Marami sa mga quotes na nakapaloob sa pahinang ito ay hindi matukoy kung sino ang orihinal na may gawa o akda. Kung kilala mo kung sino sila, mangyaring kontakin kami upang mabigyan namin ng proper credit ang kanilang mga gawa.

Samantala, kung ikaw naman ay nag-enjoy sa iyong mga nabasa, ibahagi mo ito sa iyong mga kaibigan at kapamilya. 🙂

Loading...