Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kaibigan (11 Talumpati)

Magandang araw sa iyo, kaibigan! Hanap mo ba ay mga halimbawa ng talumpati tungkol sa kaibigan? Nasa tamang website ka!

Marami kang mababasang talumpati dito na maaari mong pagkunan ng ideya. Halina’t basahin at gawing inspirasyon sa iyong paksang napili ang mga talumpating nakalap namin. Huwag mo din namang sayangin ang mga aral na maari mong makuha sa bawat talumpating iyong mababasa.

Maligayang pagbabasa!

SEE ALSO: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng Talumpati at mga Uri

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kaibigan


Kaibigan – Talumpati ko

Talumpati ni Ivy B. Cabarda

Sino nga ba sa ating ang walang tinuturing na kaibigan? Sinasabi nga na “No man is an island”. Hindi madaling mamuhay sa mundo kung wala kang kaibigang magmamahal, magpapatawa, mag aalaga at andyan para sayo.

Pera, yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kung wala kang kaibigan? Oo, mayaman ka nga sa material na bagay ngunit, aanhin mo ba ito kung wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot? Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan, dahil mapupuno ka ng yaman sa pagmamahal. At kung dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila sa atin.

Ang kaibigan ay bahagi na ng ating buhay. Minsan sila ang nagiging basehan kung sino at kung ano tayo. Sabi nga nila “Tell me who your friends are, and I tell you who you are”. Kung titingnan natin ang ganitong pananaw, masasabing dapat maging mapili tayo sa pagkakaroon ng kaibigan.

Ang pagkakaibigan ay isang samahan, na nagbibigay kulay sa ating buhay. Maraming pagkakaibigan ang nabubuo sa pagdaan ng panahon. Mayroong panandalian at mayroon din pang habangbuhay. Ngunit kahit gaano man ito kadali o katagal, ang mga magagandang alala at masalimuot na pinagdaan ng pinagsamahan ay mananatiling nakaukit sa ating mga puso’t isipan. Ang pagkakaibigan ay hindi lamang nandyan, upang magbigay ng kaligayahan, ngunit nandyan din upang ikaw ay sabayan, sa pagharap ng hamon at pagsubok ng ating buhay. Ang pagkakaibigan ay parang hangin, pwede mong maramdaman kahit kalian. Parang ibon na mahirap pakawalan. At parang isang agos na kay hirap pigilan. Ang pagkakaibigan ay hindi inaasahan itoy kusang dumadating at minsan ay nawawala. Dapat pahalagahan upang di mawala. Kailangan ng pasensya at tiwala sa isa’t isa. Minsan kailangan mong magparaya at intindihin.

Lahat ng tao pwede mong tawaging kaibigan, pero hindi lahat masasabe mong tunay.

Sino ba? O ano ba ang isang tunay na kaibigan?

Sila ba yung kasama mo sa inuman? Pag liban sa klase? Pag gagala? Ang tunay na kaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende sa sitwasyon, maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema at kabiguan sa buhay. Mahirap makanap ng tunay na kaibigan at mabibilang mo ang mag tunay na mananatili sa iyo. Ang tunay na kaibigan ay magtatayo sa iyo sa araw na bumagsak ka at magsisilbi mong inspirasyon sa pag papatuloy sa buhay. Malaking bahagi sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan, sino bang ayaw?

Para sa akin ang isang tunay na kaibigan ay kasama mo sa panahon nang iyong kaligayahan at higit sa lahat sa iyong pangangailangan. Hinding hindi ako iiwan sa panahong pakiramdam ko mag-isa ako sa mundo. Hindi ako ipagpapalit kahit kanino. Masasabe kong hindi man ako kaswerte sa buhay pag-ibig, napaka-swerte ko naman sa mga kaibigan ko. 🙂


Kaibigan

Talumpati ni Steven Coral

Kaibigan – sila ang mga karamay mo sa panahong lumulunday ka sa kalungkutan. Sila ang mga sanhi ng mga ngiti at galak ng iyong mga labi. Sila ang nagpapatahan sa puso mong lumuluha sa sakit. Sila ang kasama mo sa panahong iniwan kang nag-iisa’t nalulumbay. Sila ang mga nag-iiwan sa iyo ng mga alaalang kailanma’y hindi magiging alabok ng daigdig. Sila ang mga kaibigan kong laging nandyan at hindi ako iniwan.

Kaibigan – salita na burahin man ng panahon sa mundo ay mananatili pa ring nakaukit sa puso mo. Salita na hindi mo mauunawaan hangga’t hindi mo nararanasa’t nagagampanan. Salita na simbolo ng samahang walang katulad at kapantay. Salita na puno ng mga alaalang magpapangiti sa’yo. Isang salita ngunit sandalan mo sa panahong nanghihina ka.

Kaibigan – isang mundo na nilikha at hinubog ng pagsasamahang walang singtamis. Isang mundong pinuno ng mga alaalang hardin ng paraiso.Isang mundong nasubok ng mga sakuna ay mananatili pa ring matatag. Isang mundong kahit tanging kayo lamang ang may alam ay nananatili pa ring masaya. Isang mundong walang pinipili o pinagkukutyaan.

Kaibigan – isang kamay na kahawak mo sa paglalakbay. Isang kamay na magpapakita sa’yo ng tamang landasin. Isang kamay na handa kang hawakan maiahon ka lamang sa kasadlakan. Isang kamy na magpapadama sa’yo ng init ng pagmamahal at pag-aalaga. Isang kamay na kaagapay mo sa lungkot man o sa saya, sa galak man o sa sakit, sa pagkalugmok man o sa pagbangon.

Kaibigan – tulad ng lahat ng bagay, may hangganan at katapusan. Tulad ng mga bulaklak na humahalina man sa huli’t nalalanta. Tulad ng bawat pangungusap sa wika, may una at huli. Tulad ng isang larawang luluma’t kukupas sa huli. Tulad ng isang buhay, may kapanganakan at kamatayan.

Kaibigan – isang bulalas ng isang samahang nauwi sa masayang alaala. Isang bulalas ng isang panambitan ng bagong pagkakataon.Isang bulalas ng alaalang nais maisabuhay muli. Isang bulalas ng mundong nauwi sa katapusan. Isang bulalas ng salitang hinapit ng kamatayan. Isang bulalas ng isang pusong namamaliw sa init ng pagmamahal at pag-aalaga.

Kaibigan –isang alaalang kailanma’y hindi kukupas. Isang alaalang patuloy na mananariwa sa bawat litid ng iyong isipan. Isang alaalang yaman mo hanggang sa katapusan. Isang alaalang walang kamatayan at katapusan.Isang alaalang magiging dahilan ng iyong kasiyahan.

Kaibigan ay isang bagay na pagkaiingatan ka’t pagkaiingatan mo. Mamahalin ka’t mamahalin mo. At sa pagsapit ng dapithapon ng mundong nilikha niyo, may alaala ka ng mga kaibigan mong minsang naging dahilan ng pagngiti mo.


Talumpati Tungkol Sa Kaibigan

Mula sa TakdangAralin.ph

Ang tunay na kaibigan sa tuwina ay kaagapay. Mula sa ating pagkabata naging bahagi na ng ating kamusmusan ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Mga taong kung ituring natin ay hindi na naiiba at kabahagi na ng ating mga pamilya.

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Sila ang ating mga sandigan at takbuhan sa oras ng ating mga pangangailangan, lalo na kapag malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay.

Mayroong mga bagay sa buhay na sadyang hindi natin masabi sa ating mga pamilya ngunit nasasabi natin at naidadaing sa ating mga malalapit na kaibigan.

Masarap at maganda ang mamuhay kapag tayo ay napapaligiran ng mga tunay na kaibigan. Nasabi ko na tunay na kaibigan dahil hindi lahat ng kaibigan ay totoo. Mayroong mga tao na sadyang kasa-kasama mo sa tuwina pero hindi mo naman kaibigang tunay.

Ang tagal ng pakikisama mo sa isang tao ay hindi basehan para masabi mo na siya ay kaibigan mo o hindi. Mayroong dalawang uri ng kaibigan. Yaong tunay na kaibigan at ang mga huwad o mapagbalat-kayo. Maging mapanuri at masusi tayo dapat sa pagkakakilanlan ng mga taong kakaibiganin natin. Mahirap ang malinlang at sa bandang huli ay magsisisi.

Ang tunay na kaibigan ay masasabi nating isang malaking biyaya galing sa langit. Sila yong mga tao na maaasahan mo na makakasama mo sa kasayahan o maging sa oras ng kagipitan. Sila ang mga kaibigan na alam mo na kahit nakatalikod ka ay hindi ka susunggaban at sisiraan.

Mahirap humanap ng tunay na kaibigan dahil mangilan-ngilan na lamang sila. Sadyang marami ang mga taong mapagkunwari at mapagbalat-kayo. Sila yong mga naghahanap ng mga taong lolokohin at bibiktimahin nila. Kakaibiganin ka nila hanggang mahulog ang loob mo at makuha nila ng lubos ang iyong tiwala. Mag-ingat sa mga ganitong uri ng tao.

Ang pakikipag-kaibigan ay parang pag-aalaga ng isang halaman sa hardin. Inaalagaan at pinapalago dapat ang samahan para ito ay lumago at tumatag. Kapag natagpuan mo na ang tunay mong kaibigan, mahalin mo ito bigyan ng halaga ang inyong samahan.

Ang tunay na magkakaibigan ay nagbibigayan. maging bukas tayo sa pagbibigay ng mga magagandang papuri maging ng mga bagay na hindi maganda tungkol sa ating kaibigan. Ang hindi pagkonsinti sa maling gawain ng kaibigan ay isang tanda ng tunay at mapagmalasakit na kaibigan.

Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay napakahalaga sa matatag na samahan, at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tunay na pagmamahal na walang halong pag-iimbot.

Kung gusto mo makahanap at mapalibutan ng mga tunay na kaibigan, magsimula ka sa sarili mo. Maging mabuti kang kaibigan sa iyong mga kaibigan.


Kaibigan

Halimbawa ng maikling talumpati ni Sunshine G. Epilano

BAKIT NGA BA TAYO MAY TINATAWAG NA KAIBIGAN?

Kaibigan, dito natin lalo nakilala ang ating sarili. Sa kanila tayo nakakapag labas ng sama ng loob. Sa kanila tayo nagiging komportable. Sinasabi ang sikreto na hindi natin masabi sa ating mga kapamilya, kapuso kapatid.

Kaibigan, sila ang una nating nilalapitan pag may problema lalong-lalo na sa PAG-IBIG. Kaibigan ay parang NANAY kung mag advise. Tatay magsaway, parang kapatid kung magpatawad at higit sa lahat parang Boyfriend kung mag mahal.

Tunay na kaibigan ay napaka-hirap hanapin. Para kang lulusong sa tubig dagat hindi mo alam kung gaano kalalim. Itataya mo ang buhay mo para sa tinatawag na “tiwala sa sarili”. Kaya ang pag mamahal sa kaibigan ay parang pinaka-importanteng bagay sayo. Kaibigan ay di ka iiwan, ngunit sila ay nadagdagan.

IKAW, PARA SAYO ANO ANG KAIBIGAN?


Pagkakaibigan

Talumpati ni Ramoncito Cua

Una sa lahat, Magandang umaga sa aking mahal na mga guro at ang aking mahal na mga kaklase.!

Ang kaibigan ay isang pinaka mahalagang regalo sa ating lahat. Dapat natin palaging maunawaan ang kahalagahan nito at bigyan ng halaga ito. Ang pagkakaibigan ay isang relasyon kung saan walang umiiral na kaugnayan ng anumang dugo. Ito ay isang walang hanggang ugnayan na magpakailanman. Ito ay ang mga espesyal at natatanging relasyon ng pag-ibig at pagmamahal sa sinumang ibang tao sa mundo. Ang tunay pagkakaibigan ay hindi kailanman nakikita ang kasta, pananampalataya, relihiyon at kulay ng tao; nakikita lamang nito ang panloob na kagandahan, at simpleng pagkatao nito.

Ang kaibigan ay isang tao kung kanino ang isa ay maaaring maging komportable at paniniwala sa bawat isa pati na rin sa kanilang mga saloobin, mga ideya at mga personal na damdamin. Ang kaibigan ay kung saan pakiramdam natin na ligtas tayo at hindi na kailangan mag-isip nang dalawang beses para sa anumang bagay na ito. Ang mga tunay na kaibigan ay mahal na mahal ang bawat isa at maunawaan ang bawat isa na walang paghusga sa mga bagay-bagay. Sila ay laging handa na upang suportahan ang bawat isa at magbigay ng mahusay na kaalaman at payo. Ang isang kaibigan ay isang tao na nakakaalam ng lahat ng tungkol sa iyo at nagmamahal pa rin sa iyo. Ang isang tunay na kaibigan ay palaging nakatayo para sayo at tumutulong kapag ikaw ay nanangailangan ng isang tulong o suporta.

Hindi pinahahalagahan ng isang tunay na kaibigan ang kanyang sariling mahalagang gawain at iniiwan nya ito upang matulungan ang mga kaibigan. Siya ay hindi kailanman mag-iiwan ng isang kaibigan na nag-iisa lalo na sa mga panahon ng paghihirap ng kaibigan. Salamat at magandang umaga.


Kaibigan

Halimbawa ng maikling talumpati ni Maribel O. Pancho

Mahalaga pa ba ang magkaroon ng kaibigan?

Isang mahalagang bagay sakin ang magkaroon ng isang kaibigan. Pinahahalagahan ko ang bawat oras na magkakasama kaming lahat sa mabuti man o masama.

Napapasaya ko ang bawat isa na kahit alam kong mayroon silang tinatagong lungkot sa kanilang mga damdamin. Hindi ka nila pababayaan kahit na maraming pagsubok ang iyong hinaharap, nandyan sila upang ako’y damayan. Sa kabila man ng mga pagsubok nito, nakikita ko na hindi nila ako iniwan. Sadyang kay hirap humanap ng masasandalan ng problema, yung matatawag mong “TUNAY NA KAIBIGAN”.

Marami ngayon sa kabataan ang problemado sa pag-aaral, pamilya at pera. Nangangailangan sila ng mabuting kaibigan na kaya kang dalin sa magandang gawa para damayan sa lahat ng oras at suportahan sa lahat ng bagay. Sana nandyan pa rin sila sa kasiyahan, kalungkutan, iyakan at kahirapan man patuloy na nagmamahal sa mga pinagsamahan.

Salamat aking KAIBIGAN!!!!


Taos-pusong Pasasalamat sa mga Kaibigan at Tagasubaybay sa Diaryo at Radyo!

Talumpati ni Hilda C. Ong

Una sa lahat, ang taos-puso kong pagpapasalamat sa ating poong lumikha, sa pagbibigay niya sa akin ng isang taon na naman sa aking buhay, na punong-puno ng kapayapaan, kaligayahan, sa piling ng mga taong nagmamahal sa akin.

Nagpapasalamat ako sa mabubuti at kapaki-pakinabang na mga karanasan na aking nasagupa, sa nakaraang isang taon ng aking buhay. Sa panahon ng pagtatagumpay na nagiging masasayang bahagi sa buhay ko, gayundin ng mga kabiguan na nagpapaalala sa aking mga kahinaan, lalo na sa oras na kailangan ko kayo.

Ang masayang pakiramdam habang matindi ang sikat ng araw na nagbabadya ng maaliwalas na kapalaran. Gayundin naman sa mga sandali ng aking kalungkutan, na siyang nagtutulak sa akin upang pakandili sa inyo.

Kung minsan nakalilimutan ko na pasalamatan ang mga tao na nagpapasaya sa aking buhay sa maraming kaparaanan at kadahilanan. Nakalilimutan ko na sabihin sa kanila kung papaano ko pinahahalagahan at pinasasalamatan ang lahat ng ginagawa nila para sa akin, at kung gaano sila kamahal at kahalaga sa aking buhay.

Ang araw na ito ay isa lamang ordinaryong araw at walang espesyal na pangyayari. Maraming salamat sa inyo, at palagi pa rin kayong nandito para sa akin, sa kabila ng lahat. Nais ko lamang limiin at sabihin sa inyo ang buong puso kong pagpapasalamat sa bawat-isa. Ang inyong masayang pagbati sa aking kaarawan.

Ito ay isang malaking bagay para sa akin na binigyan ninyo ng pansin upang ako ay inyong batiin sa aking kaarawan, sa kabila ng inyong kaabalahan sa mga gawain.

Ako ay napakasuwerte sa pagkakaroon ng mga kaibigan na katulad ninyo, na maalalahanin at mapagmahal. Sa inyo pong lahat, maraming-maraming salamat po.


Kaibigan

Halimbawa ng maikling talumpati ni Rowena T. Pumar

Ano nga ba ang kaibigan? Kaibigang laging nandyan kapag may problema ka? O, kaibigang nandyan lang kapag kailangan ka?

Lahat tayo ay may kaibigan. Sino nga ba naman ang walang kaibigan? Isang kaibigan na laging nandyan kapag may problema ka, isang kaibigan na laging nandyan kapag may kailangan ka, laging nandyan at sinusuportahan ka sa lahat ng bagay, kaibigang dinadala ka sa kabutihan at hindi sa kasamaan. Kadalasan naman mayroong kaibigan na nandyan lang kapag kailangan ka lumalapit lang kapag may kailangan ka nya, kaibigang dinadala ka lang sa kapahamakan minsan ng dahil sa barkada naliligaw ka ng landas nalululong ka sa masamang bisyo o gumagamit ng masamang gamot na nakakasira sa katawan.

Kaya kailangan nating pumili ng isang kaibigan, kaibigang sa kabutihan tayo dadalhin at hindi sa kasamaan.


Ang Tunay na Kaibigan

Halimbawa ng maikling talumpati ni Dennis Fallete Pineda

Sino ba? o ano ba ang isang tunay na kaibigan? siya ba ‘yong kasama natin sa inoman kung tayo’y may problema. Siya ba ang taong madalas kasama sa iyong mga ginagawang biro at kalukuhan. Siya ba ang taong kasama mo sa tuwing ikaw tatakas sa bahay para lang makapaglakwatsa. O siya ba ang tumutlong sa iyo para gumawa ng dahilan para hindi ka mapagalitan ng iyong mga magulang. Syia ba ang isang tunay na kaibigan. Hindi di ba.

Ang isang kaibigan ay di papayag na ikaw ay malihis ng landas. Gagawin niya ang lahat para matuwid ang landas na iyong tinatahak. Hindi rin ito papayag na siya ang maging dahilan upang ikaw ay mapagalitan ng iyong magulang. Samakatuwin , ang isang tunay na kaibigan ay isang huwaran. ang isang bagay na pwedeng gawin na isang tunay na kaibigan para matawag na siya ay isang huwaran ay ang ipakikilala ka sa diyos.

Ikaw, natagpuan mo na ba ang isang tunay na kaibigan sa iyong buhay?


Nasaan ka na, Kaibigan? Maibabalik pa ba ang dating Samahan?

Talumpati ni Cluelezz417 galing sa DefinitelyFilipino.com

Sa bawat relasyon na nabubuo sa buhay ng tao, hindi maiiwasan ang mga bagay na puwede ninyong ikasira.

Mga bagay na pinagtatalunan, mga bagay na hindi pinagkakaunawaan.

Mga bagay na maaaring ibalik sa normal, ngunit masasabi mong may kakaiba na, hindi na buo at may lamat na.

Sa kahit ilang taon man ng pagsasama,

Masasayang panahon, mga panahon na parehas ng emosyon o ng kung ano pa.
nasasaktan,nawalan ng pagasa dahil sa lupit ng buhay.

Pero sa dami ng dadaan sa inyong bagyo at asenso, manatili kayong magkasama. Walang makakabuwag, kahit ano pa.

Sa bawat relasyon, naniniwala akong sa bawat sampu dito, may kalahating porsyento na may pinagdaanang hindi maganda o pasgsubok sa relasyon nila.

Gaya ng karamihan,madaming pagkakataon na din na nag -away, hindi nagpansinan, at nagkairingan. Pero sa dami ng pinagdaanan,manatili kayong matibay at magkasama. Ngunit hindi pala parating ganun.

Huwag papalamon sa kanya kanyang isyu sa buhay.

Mga isyu na parang anay na unti unting sumisira sa napakatatag na relasyon na binuong napakatagal na panahon.

Para sa akin, masakit ang mawalan ng KAIBIGAN kesa ng ESPESYAL NA TAO sa buhay natin. Gaya ng nobya o nobyo.

Lalo na sa henerasyon ng kabataan natin ngayon, mas binibigyang halaga ng ilan sa atin ang romatikong relasyon, kesa sa relasyon sa kaibigan o maging sa pamilya.
Pero ang nararamdaman ko ngayon ay nasa gitna.

Kumbaga sa isang bangka na papalubog, masaya akong nakakapit dahil alam kong mabubuhay ako dahil hindi ako nagiisa.

Nakaramdam ako ng natural na emosyon ng isang taong nagmamahal sa kaibigan na tinuturing ko naring kapatid.

Ilang taon na ang nakakalipas, isa sa mga malapit naming kaibigan ang nagturan ng “WALANG BAGAY ANG PERMANENTE. KAHIT RELASYON. DADATING ANG PANAHON, NA KAHIT KAYONG DALAWA, MAGHIHIWALAY..”

Sa mga nakalipas na araw ng buhay ko, napatunayan ko iyon. Wala ngang permanente sa mundo. Lahat ng bagay, maging ang tao, nawawala, nagbabago.

Nakakita siya ng ibang nilalang na syang magpapasaya sa kanya. Nakakita sya ng mga nilalang na pagsasabihan nya ng mga bagay na gusto nyang ibahagi o kung ano pa man. Nakakita sya ng mga nilalang na bago niyang pakikisamahan, bibilangan niya ng taon, mamahalin niya, katulad ng pagmamahal na inukol namin sa isa’t isa sa mga nakalipas na taon na kami ang magkasama. Nakalimot siya na sa pag alis niya, may naiwan sya mula sa kanyang pinanggalingan na taong hindi sya iniwan kailanman. Na hindi sya hinayaan masaktan, o kahit kailan, hindi sya tinalikuran..

Sa kanyang pag alis, naiwan akong nakatunghay sa unti unti niyang paglayo. Umaasang babalik yung MATALIK KONG KAIBIGAN na alam kong babalikan ako. Na walang pagiimbot at walang pagdududa. Naghintay ako kung saan nya ako iniwang luhaan at nag aabang. May ilang beses syang bumalik, bumista, nangamusta. Pero sa tagal na naming nagsama, alam ko na ang karakas nya. At alam kong hindi yon ang kaibigan na kilala ko. Hindi yon ang kaibigan na minahal ko. Hindi yon ang kaibigan na inaantay kong bumalik sa akin. Nagbago ang pananalita, ang mga tinuturan. Hindi man malayo sa dati nyang pagkatao, alam ko sa sarili ko na hindi ito ang nakasanayan ko.

Dumaan pa ang mga araw, nakalimot na siya ng tuluyan mula sa unti unti niyang pag alis. Bumalik sya sa kung saan sya nagmula, pero nandoon pa rin ako sa lugar kung saan nya ko iniwang nag hihintay. Nag hihintay pa rin. Bumalik ang dating samahan na meron kami. Dating samahan na nakasanayan ko. Dating kaibigan na inaasahan ko sa paghihintay kong to. Ngunit nagkamali ako. Para akong naghintay ng matagal sa inorder kong pagkain pero pagkabigay sa akin, mali ito. Nakakadismaya.

May ilang araw ko rin dinala ang isiping “NASAAN NA SYA? BAKIT HINDI NA KAMI NAGKIKITA?”. Sinagot ng Diyos ang mga tanong na bumabagabag sa akin. Nakakita ako ng pruweba na talagang hindi na talaga dadating ang taong hinihintay ko. Napaluhod ako sa aking kinatatayuan. Napaluha sa aking mga nalaman. Nasaktan sa aking pagiisip. “BAKIT NYA KO INIWAN? BAKIT NYA KO PINAGPALIT?”. Isang malutong na tawa ng demonyo ang narinig ko na may kasabay na wikang, “HINDI KA NA NIYA MAHAL..”

Ang sakit na dulot ng kanyang nagawa ang nagdulot sa aking kalimutan iya katulad ng kanyang ginawa. Madami akong kaibigan na puwede kong pag alayan ng pagmamahal at atensyon na tinuran ko sa kanya ng napakatagal na panahon. Madaming tao ang puwede kong pagkatiwalaan katulad ng pagtitiwala na inalay ko sa kanya. Pinaramdam ko sa kanya na hindi sya kawalan sa akin. Pinaramdam ko sa kanya na mali ang ginawa niyang pagtalikod sa akin. Pinaramdam ko sa kanya na kaya kong maging masaya na hindi sya ang kasama. Pinaramdam ko sa kanya na kaya kong mabuhay ng wala sya. Na kaya kong gawin yung mga bagay na ginagawa namin dati na ako na lang. “HINDI KO SIYA KAILANGAN..” sabi ng utak kong pagod na sa kaiisip. Kasabay ng lumuluha kong puso dahil sa sakit.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mabuhay sa paraan na gusto kong makita niyang masaya ako. Namuhay ako sa ibang mundo ng iba’t ibang tao. Namuhay ako sa bagong paligid na hindi sya kabilang at wala siyang anino. Namuhay ako sa sarili kong pagkukusang kalimutan siya at maghanap ng iba. Sa pagkakataong ito, iyong alam kong hindi na ako iiwan. Iyong hindi na ako bibitawan. Sa mga taong nakasalamuha ko, hindi ko alam kung sino sa kanila ang totoo. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang papalit sa kanya. Sa mga oras na iyon, hindi ko sigurado kung tama ang ginagawa ko. Pero tama man o hindi, bahala na…

Isang gabing hindi ako dalawin ng antok, napatitig ako sa kisame at napaisip. “MASAYA BA AKO?”. Gustong sabihin ng utak ko na “OO. MASAYA KA. OKAY KA NA..” pero iba ang nararamdaman ng puso ko. Tila alam nito ang kulang. Alam nito ang nawawala. Mabilis nag unahan ang mga luha palabas mula sa aking pugpog na mga matang wala pang matinong pahinga mula ng maramdaman ko ang sumpa na ito. Masakit., sa mata at sa utak pero lalo na sa puso. Ang malamang may iba ng pinagkakatiwalaan ang taong pinagkakatiwalaan mo. May iba ng nakakarinig ng kanyang mga kuwento na dati’y tenga mo ang may ari. May iba ng balikat ang handang mapatakan ng luha sa tuwing sya’y nasasaktan. May iba ng yayakap sa kanya at sasabihing “TAHAN NA, NANDITO LANG AKO..” May iba ng magpapasaya sa kanya tuwing nalulungkot sya. May iba na. Hindi na ikaw. Hindi na lang ikaw..

Kahit gaano kasakit ang naramdaman ko sa lumipas na mga araw, alam ko sa sarili ko na nasasaktan ko din sya. Wala syang alam sa nararamdaman ko. Bigla na lang akong nawala, biglang hindi nagparamdam. Hindi katulad ng unti unti niyang pagpatay sa akin sa mga panahong nararamdaman kong wala na sya. Alam kong may tanong sa utak nyang nagtuturan, “BAKIT KAYA, HINDI KAMI NAGKIKITA..” Hindi ko lang alam kung may Diyos din siyang nagbigay sa kanya ng sagot sa kanyang tanong..

Isang araw, nagtugma ang mga mata namin. Muling nagharap sa kauna unahang pagkakataon mula ng umiwas ako’t gumawa ng sarili kong buhay na wala siya. Mula ng araw na sinanay ko ng maglakad mag isa papunta sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa na dati’y lakad naming dalawa. Sinanay ko ang sarili kong kwentuhan ang pader at kisame sa twing may nangyayari sa buhay ko na hindi ko kayang sarilinin. Na dati’y siya ang unang nakakaalam. Sa oras na tinawag ako ng kasama niyang kaibigan ko din, nagdalawang isip ako kung ihahakbang ko ang mga paa ko palapit, o ihaharap ko sa kanila ang aking likuran at hindi sila pansinin. Pero mapagbiro ang tadhana. Isa, dalawa, lakad palapit, palapit ng palapit. Hanggang kaharap ko na sya. Isang mahigpit na yakap ang tinuran ko sa kanya. Ganon din naman ang ginawa nya. Pero batid ko sa aking sarili na may malaking puwang bago magdikit ang aming mga dibdib kung saan nandoon ang aming mga puso na nagdudulot ng pagmamahal sa isa’t isa…

Nakakalungkot mang isipin, hindi na tulad ng dati. Wala na ang pananabik na meron ang aking puso sa tuwing sya ay nakikita ko. Maging ang sama ng loob na mag isa kong dinibdib sa mga nakalipas na araw. Sapat na emosyon na kaya syang harapin ng walang pagiimbot at pagkukunyari. Pero emosyon na nagsasabing “NASAKTAN MO AKO. AT HINDI MO NA YUN MAUULIT..”

Alam ko, sa mga darating na panahon, muli’t muli kaming magsasama katulad ng dati. Babalik ang nakaraang samahan, maglolokohan, magbibiruan. Babalik iyong mga dating nakasanayan. Pero sa pagkakataong ito, ibibigay ko sa sarili ko ang tapang at talino na hindi sanayin ang sarili kong muli siyang antayin. Muli masaktan sa pagkakataon na muli niya akong iwan. Sa pagkakataong ito, sarili ko ang mamahalin ko, higit kanino man sa mundo. Sarili ko ang pagkakatiwalaan ko pagdating sa mga iba’t ibang emosyon na maari kong maramdaman. Ayoko ng maiwan muli. Ayoko ng isipin ang “BAKIT” o “PAANO?” o “SAAN AKO NAGKULANG?” sapat ang simpleng salitang “OKAY LANG AKO.”


Kaibigan

Talumpati ni Rachelle Pamatmat

“Ang kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo lagi-lagi. Ang kaibigan ay yung taong nagparamdam sayo, kahit isang sandali, na walang problema sa mundo, na kumpleto na ng iyong buhay, at pwede ka nang mamatay at maglaho, dahil nakaramdam ka na ng kasiyahang di mapantayan kahit langit.”

Madalas ko itong marinig sa mga matatanda. Sa kaibigan raw kasi masasalamin ang pagkatao mo. Sa uri at ugali ng kaibigan mo.Lagi kaming nagkakatampuhan ng kaibigan ko dahil lang sa pagkikita namin na madalas ma reset kesa matuloy.Sa isandaang kaibigan ko ay iilan lamang ang tootong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, karamihan sa kanila ay kaibigan ko lang pagdating sa kaligayahan at nalisan kapag ako na ang nangangailangan ng tulong nila. Kunwariy wala sila, may ginagawang importante. Bakit? Hindi ba ko importante? Sa palagay ko nga’y hindi pero nagpapasalamat ako at may natitira pa rin na tunay ang pakikipagkaibigan sa akin, sabi nga nila ay mas tatatag pa daw ito pagdating ng marami pang taon. Pero ano ba ang pagkakaiba ng tunay na kaibigan sa kaibigan?

Ang tunay na kaibigan ay hindi nangangako na hindi ka iiwan pero nandiyan iyan. Ang kaibigan ay mahilig mangako ngunit lagi iyang napapako.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ilalaglag kahit hirap sila. Ang kaibigan kapag nalamang umaangat ka ay hindi ka na kilala.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka sasamahan kapag may kasama ka, sila ang lalapit kapag mag-isa ka na. Ang kaibigan lumalapit lang para sa tingin ng iba ay kaibigan mo sya.

Ang tunay na kaibigan ay sasaluhin ka kapag babagsak ka. Ang kaibigan kapag bumagsak ka tatawanan ka pa.

Ang tunay na kaibigan hanggang sa huli nandiyan iyan. Ang kaibigan hanggang umpisa lang.

Ang tunay na kaibigan ay hindi malalapitan at matatakbuhan, bagkus sila ang lalapit kapag nangangailangan ka. Ang kaibigan tutulungan ka kapag may nakatingin na iba, pero kapag kayong dalawa na lang, “Bahala ka na”.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka pinupuri. Ang kaibigan pinupuri ka kapag nakaharap ka lang. Ang tunay na kaibigan ay pinakikinggan ka ng tahimik. Ang kaibigan pag nakinig, lahat makakaalam.

Ang tunay na kaibigan ay hindi binibilang kung gaano kadami ang kaibigan. Ang kaibigan pinipili kung sino ang sasamahan.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ginagamit ang pagkakaibigan kapag gipit na. Ang kaibigan nagiging kaibigan kapag hihingi ng pabor.

Ang tunay na kaibigan ay pinupuna ang iyong kamalian. Ang kaibigan kapag may mali ka walang iyang pakialam.

Ang tunay na kaibigan nagsasabihan ng problema kapag may alitan. Ang kaibigan kapag kinausap mo hindi ka papansinin.

Ang tunay na kaibigan kahit magkalayo kayo ay hindi ka kakalimutan. Ang kaibigan kapag malayo ka na hindi ka na kilala.

Ang tunay na kaibigan nagpapahalaga. Ang kaibigan walang pakialam.

Salamat sa ating mga tunay na kaibigan, Oo, mahirap magpasalamat sa kanila.

SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Pag-ibig

39 Shares
Share via
Copy link