Tula Tungkol sa Crush (5 Tula)

78 Shares

Crush. Ang sabi nila kadalasan ang pag-ibig nagsisimula sa pagkakaroon ng crush sa isang tao. Ito yung feeling na magaan lang. Walang commitment na kaylangan mong intindihin, pero masaya at tila ba nabubuo yung araw sa tuwing nakikita mo si “crush”. Kadalasan ito’y pinakatatago-tago mo dahil kapag nalaman ng mga kaibigan mo ay tiyak na tutuksuhin ka nila ng harapan kapag nagkita o nagkasalubong kayo ng crush mo. Nakakatawa kasi minsan kapag nalaman na ni “crush” na crush mo siya, dalawang bagay lang yung pwedeng kahinatnat ng paghanga mo sa kanya. Maaring magtuloy-tuloy at maging simula ng pag-iibigan ninyong dalawa, o kaya nama’y wala lang dahil di ka naman kapansin-pansin sa kanya. Aray ko Bes!

Gayunpaman, nais naming ibahagi sa inyo ang ilan sa mga tulang isinulat ng mga taong minsan ay nakaranas din magkaroon ng crush. Masaya man o malungkot ang tema ng kanilang tula, marahil ay makaka-relate ka rin sa mga sinulat nila. O siya heto na, wag na nating patagalin pa.

SEE ALSO: Tula Tungkol sa Pag-ibig

Halimbawa ng mga Tula tungkol sa Crush

Tula para kay Crush
Tula para kay Crush
Para kay Crush
Ok Lang
Crush Wag Paasa


Tula para kay Crush

Tula ni bitoks001 galing sa symbianize

Naalala ko pa ang itsura mo
Nung una kang magpakita sa harap ko
May salamin at maigsi ang buhok mo
Di mo alam natulala ako sayo

Ang lihim ko na pag tingin
Di ko na lang sasabihin
Sulyap lang mula sa akin
Saglit lang at di mo pansin

Simpleng minamasdan ka
Bat di ako nag sasawa
Wala ka mang ginagawa
Sayo ako’y namamangha

Pero ako’y nagtataka
Ano nga ba ang meron ka
Bat sayo ko nakikita
Bagay na wala sa iba

Hindi ako makatingin ng direcho
Sa titig mo kapag magkausap tayo
Nakakakilig, kailangang lumiko
Patay malisya nalang ang palusot ko

Siguro ako ay iyong nakilala
Sa mga walang kwenta ko na patawa
Pero bakit hindi kita mapasaya
San ba ang kiliti mo di ko makita

Pero ako’y lalayo at aalis na
makilala ka’y magandang ala ala
Hinding-hindi mo na to malalaman pa
Sapat nang akin nalang itong mag-isa

Kung hindi lang dahil sa kaibigan ko
Na may hinala sa akin tungkol sayo
Kabisado na kasi ako ng loko
Nalaman mo tuloy aking tinatago

Seryoso naman at totoo
Sinasabi man ng pabiro
Huwag ka nang mag rereklamo
Korni ang joke ko na seryoso


Tula para kay Crush

Tula ni BlackBallpens galing sa Wattpad

Isinulat ko itong madamdaming tula
Dahil sa pagtibok ng puso kong bigla
Alam kong ito’y hindi kapani-paniwala
Ngunit dahil sa’yo ako’y naging isang makata.

Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman
Sa lalaking ito’y lubhang tinamaan
Kung hindi ako nagkakamali,
_________ ang kanyang pangalan.

Nung una naming pag-uusap
Parang ako’y nasa ulap
Siya lang ang pinakamimithing pangarap.

Ipagdarasal ko sana ito ay mabasa
Ng taong laman nitong istorya
Pinapangako kong ako’y hindi lilingon sa iba
Basta’t siguraduhin niyang ako’y hindi pinapaasa.


Para kay Crush

Tula ni ms_jamy galing sa Wattpad

Nung una pa lang kitang nakita
Lintek na kupido
Pinana agad ang puso ko
Kaya ang lakas ng tama sa’yo.

Tila mata’y naka-stick glue
At ika’y nakidikit na sa puso ko
Naghihintay na mahawakan ang iyong kamay
At kung pwedeng sayong tabi na mamatay.

Dahil sa iyong angking kagwapuhan
Kaya naghahari ang aking kalandian
Tila di mapakali
Tulad ng kiti-kiti.

Nang yumingin ka sa akin
Sabay sabi ng “hi” sakin
Parang ako’y biglang hihimatayin
Sabay sabi ng “Oh God, thank you for blessing”.

O “crush” ko
Na “soon to be husband” ko
Na hanggang sa “growing old with you”
Maniniwala na ako sa “forever” pag ikaw ang makakasama ko.


Ok Lang

Tula ni ms_jamy galing sa Wattpad

Si crush ay crush lang,
Pero di ko alam kung bakit iba na aking nararamdaman,
Tila kinakabahan pag ika’y nandyan,
At tila di makatingin sayo ng diritsuhan.

Palihim kung ako’y makatingin,
At ako’y umiiwas pag napadapo sa akin ang iyong mga tingin,
Nahihiya kasi ako at nag-aalala,
Na baka makita mo ang mukha kong namumula.

Minsan ay napapa-isip ako,
Kung magugustuhan mo ba ang kagaya ko,
O kaya naman may gusto ka nang ibang tao,
Na mas hihigit pa sa tulad ko.

Okay lang ako,
Ngumingiti pag kaharap mo,
Tumatawa sa mga jokes mo,
Pero umiiyak pag nasa kwarto na ako.

Hindi ko alam kung ano na ba talaga to,
Pag-ibig na ba ito?
Sana hindi,
Kasi ayaw kong masaktan sa huli.


Crush Wag Paasa

Tula ni airuser_kyla galing sa Wattpad

Si crush napaka sungit
Tingin niya sakin laging mapanlait
Na para bang sa lahat ng tao ako ang pina kapangit
Kaya kung minsan siya’y nakakagalit.

Pero pag nag “hi” ka
Papansinin ka niya
Pag tinanong mo kung may girlfriend na
Sasabihin niya wala, pero meron na pala.

Si Crush sobrang paasa
Di kasi niya nafeel iyong nadarama
Sa tuwing titingin ka sa kanya ay nakatingin siya sa iba
Plus nakangiti pa.

Paasa, paasa.
Bakit kaya di na ako kumprontahin kung may pag-asa
Para kung wala edi mabigyan ng chance ang iba
Na sa puso ko maghari at wala ng iba.

Pero crush kahit paasa ka
Gusto pa rin kita
Wala eh, tama mo sakin ay sobra-sobra
Kya sana ang tulang ito’y iyong mabasa.