Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat.

Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasing-ganda ang kalooban nito.

READ ALSO: Araw, Buwan, at Kuliglig

Galit na galit si Buwan. Dahil dito, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya ng isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.

Nang nalaman ng Diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit.

Nagdikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Aral:

  • Iwasan ang pagiging mainggitin sa kapwa. Maging mabuti sa lahat ng pagkakataon dahil ito ang nais ng Diyos.
  • Ang pagiging mainggitin ay walang mabuting maidudulot bagkus, ito ay magdadala sa atin ng kapahamakan.
  • Kung may nais na maabot o makuha sa buhay, ang pinakamahusay na paraan ay pagtrabahuan ito ng mabuti, pagpaguran, pagsumikapan at hindi kunin sa mabilis at masamang paraan.

80 Shares
Share via
Copy link