Ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar ay binubuo ng maraming tauhan. Sa post na ito makikilala natin silang lahat pati na rin ang mga katangian ng bawat isa.
Mga Tauhan sa Florante at Laura
Florante
Gerero at tagapagtanggol ng kaharian ng Albanya; mabait na anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca; pinakamamahal ni Laura.
Laura
Prinsesa ng Albanya; anak ni Haring Linceo; minamahal ng lubos ni Florante.
SEE ALSO: Florante at Laura Buod ng Bawat Kabanata 1-30 (with Talasalitaan)
Adolfo
Anak ni Konde Sileno; nagtangkang pumatay kay Florante; umagaw kay Laura kay Florante.
Aladin
Gererong moro ng Persiya; anak ni Sultan Ali Adab; nagligtas sa buhay ni Florante; nakaisang-dibdib ni Flerida.
Flerida
Napusuan ni Sultan Ali Adab; nakaisang-dibdib ni Aladin.
Menadro
Isa sa mga naging kamag-aral nina Florante at Adolfo nung sila’y nag-aaral pa; pamangkin ng gurong si Antenor; nagligtas kay Florante sa tangkang pagpatay ni Adolfo.
Antenor
Mabait at matalino na guro nina Florante, Adolfo, at Menandro.
Duke Briseo
Ama ni Florante; kabiyak ni Duke Floresca; namatay dahil sa utos ni Adolfo.
Prinsesa Floresca
Ina ni Florante; may-bahay ni Duke Briseo; prinsesa ng Krotona.
SEE ALSO: Florante at Laura Buod ng Buong Kwento
Konde Sileno
Ama ni Adolfo
Haring Linceo
Hari ng Albanya; ama ni Laura; namatay dahil sa utos ni Adolfo.
Hari ng Krotona
Lolo ni Florante; ama ni Prinsesa Floresca.
Sultan Ali Adab
Ama ni Aladin; umagaw kay Flerida.
Heneral Osmalik
Pinuno ng hukbong Moro na sumakop sa Krotona.
Menalipo
Pinsan ni Florante