61. Lawit ang dila
Kahulugan: Sobrang pagod
Halimbawa: Lawit ang dila ni Nancy pagkauwi galing trabaho.
62. Laylay ang balikat
Kahulugan: Bigong-bigo
Halimbawa: Kung alam ko lang na laylay ang balikat mong uuwi dito, hindi na sana kita hinayaang umalis pa.
63. Luha ng buwaya
Kahulugan: Hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong
Halimbawa: Akala mo’y totoo pero luha ng buwaya lang naman ang ipinakita niya.
64. Lumagay sa tahimik
Kahulugan: Nagpakasal, nag-asawa
Halimbawa: Mula ng lumagay sa tahimik si Nathan ay di na siya muling ginambala pa ni Karen.
65. Lumaki ang ulo
Kahulugan: Nagyayabang dahil sa nakamit na tagumpay o pangarap
Halimbawa: Sana hindi na lang siya nagbago at lumaki ang ulo.
66. Lumuha man ng bato
Kahulugan: Hindi mapatawad
Halimbawa: Kahit pa lumuha man ng bato si Leni ay hindi na magbabago ang desisyon ni Ashley.
67. Maaliwalas ang mukha
Kahulugan: Masayahin, taong palangiti
Halimbawa: Nakakatuwa ang taong maaliwalas ang mukha.
68. Maamong kordero
Kahulugan: Mabait na tao
Halimbawa: Bakit kaya sa maamong kordero na si Toto pa nangyari ang bagay na ito?
69. Mababaw ang luha
Kahulugan: Iyakin
Halimbawa: Pasensya na kayo kung mababaw ang luha ko, hindi ko lang talaga mapigilang umiyak.
70. Mabigat ang dugo
Kahulugan: Di makagiliwan
Halimbawa: Mabigat ang dugo ni Vic sa kanyang manugang.
71. Magaan ang kamay
Kahulugan: Laging nananakit
Halimbawa: Masyadong magaan ang kamay ang mga kamay ni aling Petra sa kanyang mga anak.
72. Magaling ang kamay
Kahulugan: Mahusay gumuhit o magpinta
Halimbawa: Bihira lang ang taong may magaling ang kamay.
73. Magdilang-anghel
Kahulugan: Magkatotoo sana
Halimbawa: Naku Pedro magdilang-anghel ka sana.
74. Magkataling-puso
Kahulugan: Nag-iibigan, mag-asawa
Halimbawa: Magkataling-puso na pala sina Ariel at Marta.
75. Mahabang dulang
Kahulugan: Kasalan
Halimbawa: Nalalapit na ang mahabang dulang ng anak ni Mang Tonyo.
Click page 6 below for more…