SAWIKAIN: 100+ Halimbawa ng Sawikain at Kahulugan

Ano ang Sawikain?

Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.

Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.

Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag.

SEE ALSO: Salawikain: 150+ Halimbawa ng Salawikain o Kasabihan

Sawikain Halimbawa at Kahulugan

Narito ang mahigit 100 halimbawa ng sawikain pati na rin ang kahulugan nito at kung paano ito ginagamit sa pangungusap.

1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.

4. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.

6. Anak-dalita

Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.

7. Anak-pawis

Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.

8. Asal hayop

Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.

9. Balat-kalabaw

Kahulugan: Matapang ang hiya
Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.

10. Balik-harap

Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?

11. Balitang kutsero

Kahulugan: Maling balita / Hindi totoong balita
Halimbawa: Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.

12. Bantay-salakay

Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.

13. Basa ang papel

Kahulugan: Bistado na
Halimbawa: Basa na ang papel ng prinsipal ang inyong ginawa kaya huwag na kayong magsinungaling.

14. Basag-ulo

Kahulugan: Away
Halimbawa: Mahilig sa basag-ulo si Paking.

15. Bilang na ang araw

Kahulugan: Malapit ng mamatay
Halimbawa: Bilang na ang araw ni Aling Linda.

Click page 2 below for more…

706 Shares
Share via
Copy link