76. Mahangin ang ulo
Kahulugan: Mayabang
Halimbawa: Siya ba yung lalaking mahangin ang ulo?
77. Mahina ang loob
Kahulugan: Duwag
Halimbawa: Kung alam ko lang na mahina ang loob mo ay hindi na sana kita isinama.
78. Maitim ang budhi
Kahulugan: Tuso, masama ang ugali
Halimbawa: Maitim ang budhi ng babaeng iyan!
79. Makapal ang bulsa
Kahulugan: Masalapi, mayaman
Halimbawa: Hindi ba’t makapal ang bulsa nya? Bakit ngayo’y halos walang-wala siya?
80. Makapal ang palad
Kahulugan: Masipag
Halimbawa: Ang taong makapal ang palad ay may magandang bukas.
81. Makitid ang isip
Kahulugan: Mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman
Halimbawa: Hindi nga ba’t makitid ang isip ni Balang kaya ayaw na siyang kausap ni Pina.
82. Malakas ang loob
Kahulugan: Magiting, matapang, buo ang loob
Halimbawa: Ang mga sundalo ay malakas ang loob na humarap sa mga rebelde.
83. Malawak ang isip
Kahulugan: Madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa: Sana’y kagaya ka na lang ni Baldo na malawak ang isip.
84. Malikot ang kamay
Kahulugan: Kumukuha ng hindi kanya, kawatan
Halimbawa: Kung alam ko lang na malikot ang kamay ni Berta ay di ko na sana siya kinaibigan.
85. Mapait na lunukin
Kahulugan: Kahiya-hiyang pagkabigo
Halimbawa: Mapait na lunukin ang nangyari sa akin.
86. Mapurol ang utak
Kahulugan: Bobo
Halimbawa: Mapurol ang utak ni Wanda kaya nakailang balik na siya sa Grade 3.
87. Masama ang loob
Kahulugan: Nagdaramdam
Halimbawa: Masama ang loob ni Lea sa mga nangyari sa kanyang ama.
88. Masama ang panahon
Kahulugan: May bagyo
Halimbawa: Walang pasok bukas dahil masama ang panahon.
89. Matalas ang tainga
Kahulugan: Madaling makarinig o makaulinig
Halimbawa: Matalas ang tainga ng pusa ni Minda.
90. Matalas ang ulo
Kahulugan: Matalino
Halimbawa: Ako ay nagagalak dahil matalas ang ulo ng aking anak.
Click page 7 below for more…