16. Buhok anghel
Kahulugan: May magandang buhok
Halimbawa: Si Kat ay may buhok anghel.
17. Bukal sa loob
Kahulugan: Taos puso tapat
Halimbawa: Bukal sa loob ni Henry ang pagtulong asa kapwa.
18. Bukang liwayway
Kahulugan: Malapit nang mag-umaga
Halimbawa: Hindi namalayan ni George ang oras kaya bukang-liwayway na ng siya’y makauwi.
19. Bukas ang isip
Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa
Halimbawa: Mabuti na lamang at bukas ang isip ni Abel sa mga usaping iyan.
20. Bukas na kaban
Kahulugan: Mapagkawanggawa
Halimbawa: May bukas na kaban si Aling Tasya sa mga mahihirap.
21. Bulaklak ng lipunan
Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan
Halimbawa: Si Ginang Milagros ay itinuturing na bulaklak ng lipunan.
22. Bumangga sa pader
Kahulugan: Lumaban sa makapangyarihan at mayamang tao
Halimbawa: Kahit pa bumangga sa pader ay gagawin ni Tonyo huwag lamang maging sunud-sunuran sa mga ito.
23. Bungang-tulog
Kahulugan: Panaginip
Halimbawa: Bungang-tulog lang pala! Akala ko’y totoo na.
24. Buntong hininga
Kahulugan: Himutok, hinagpis
Halimbawa: Napa-buntong hininga na lang si Mang Ben ng masaksihan ang aksidente.
25. Busilak ang puso
Kahulugan: Malinis ang kalooban
Halimbawa: Busilak ang puso ng batang si Angel.
26. Butas ang bulsa
Kahulugan: Walang pera
Halimbawa: Butas ang bulsa ni Mang Cesar kung kaya’t hindi siya nakabayad agad ng kuryente.
27. Buto’t-balat
Kahulugan: Sobrang kapayatan
Halimbawa: Halos buto’t balat na si Boyet ng dalawin namin.
28. Buwaya sa katihan
Kahulugan: Ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa: Buya sa katihan naman yang si aling Iska.
29. Di mahapayang gatang
Kahulugan: Sobrang yabang
Halimbawa: Aminado naman si Ruben na siya ay di mahapayang gatang kaya kaunti lang ang kanyang kaibigan.
30. Di makabasag-pinggan
Kahulugan: Mahinhin
Halimbawa: Sadya namang di makabasag pinggan iyang anak ni Ka Miling.
Click page 3 below for more…