31. Di malaglagang karayom
Kahulugan: Napakaraming tao
Halimbawa: Di malaglagang karayom ang rally kanina.
32. Galit sa pera
Kahulugan: Gastador
Halimbawa: Ang asawa ni Petra ay parang laging galit sa pera tuwing araw ng swelduhan.
33. Ginintuang tinig
Kahulugan: Maganda ang boses
Halimbawa: Si Elizabeth ay may ginintuang tining kaya laging nagwawagi sa tunggalian ng kantahan.
34. Guhit ng tadhana
Kahulugan: Itinakdang kapalaran
Halimbawa:Siya na yata ang guhit ng aking tadhana.
35. Halang ang kaluluwa
Kahulugan: Masamang tao
Halimbawa: Halang ang kaluluwa ng taong gumawa ng karumal-dumal na krimen.
SEE ALSO: Tagalog Jokes: 260+ Best Tagalog Pinoy Jokes
36. Haligi ng tahanan
Kahulugan: Ama o Tatay
Halimbawa: Ang aming haligi ng tadhanan ay mabait at maasahan.
37. Hampas ng langit
Kahulugan: Ngitngit ng Diyos
Halimbawa: Dahil sa ginawa mong iyan ay matitikman mo ang hampas ng langit.
38. Hampas-lupa
Kahulugan: Lagalag, busabos
Halimbawa: Ang hampas-lupang kagaya ni Dan ay di nababagay sa ganda at yaman ni Marian.
39. Hawak sa leeg
Kahulugan: Sunud-sunuran
Halimbawa: Palibhasa’y hawak sa leeg ng kanyang amo kaya kahit anong iutos ay sinusunod ni Inday.
40. Hindi madapuan ng langaw
Kahulugan: Sobrang pinoprotektahan
Halimbawa: Hindi madapuan ng langaw ang batang iyan.
41. Ibong mandaragit
Kahulugan: Mananakop
Halimbawa: Napakaming ibong mandaragit ang umaali-aligid sa bansa natin.
42. Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina o Nanay
Halimbawa: Mahal na mahal ng aking kaibigan ang kanilang ilaw ng tahanan.
43. Isang bulate na lang ang hindi pumipirma
Kahulugan: malapit ng mamatay
Halimbawa: Isang bulate na lang ang hindi pumipirma kay Koring.
44. Isang kahig, isang tuka
Kahulugan: Nabubuhay sa hirap
Halimbawa: Ang pamilya niya’y isang kahig, isang tuka.
45. Itaga sa bato
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa: Kahit kayla’y hindi na ako pupunta pa rito. Itaga mo yan sa bato!
Click page 4 below for more…