SAWIKAIN: 100+ Halimbawa ng Sawikain at Kahulugan

106. Pusong mamon

Kahulugan: Maramdamin
Halimbawa: Hindi ko na sana biniro si Mike kung alam ko lang na pusong mamon pala siya.

107. Pusong-bakal

Kahulugan: Hindi marunong magpatawad
Halimbawa: Namatay na’t lahat ngunit pusong-bakal pa rin si Ising.

108. Putok sa buho

Kahulugan: anak sa labas, anak ng taong nagsama ng hindi kasal
Halimbawa: Nakakaawa talaga ang batang putok sa buho.

109. Sira ang tuktok

Kahulugan: Gago, loko-loko
Halimbawa: Hindi na nakakapagtaka kung may ginawa siyang hindi maganda. Palibhasa’y sira ang tuktok.

110. Takaw-tulog

Kahulugan: Mahilig matulog
Halimbawa: Takaw-tulog na lang lagi si Manding.

111. Tengang kawali

Kahulugan: Nagbibingi-bingihan
Halimbawa: Nagtetengang-kawali na naman si Boyet.

112. Tinik sa lalamunan

Kahulugan: Hadlang sa layunin
Halimbawa: Iyang si Harold ang tinik sa lalamunan ni Harvy.

113. Tulak ng bibig

Kahulugan: Salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa: Puro tulak ng bibig lamang naman ang alam ni Eya.

114. Utak-biya

Kahulugan: Walang nalalaman
Halimbawa: Kung makapag-salita akala mo’y maraming alam pero utak-biya naman.

115. Walang bahid

Kahulugan: Walang maipipintas
Halimbawa: Sadyang mababait at walang bahid ang pamilya ni Lanie.

SEE ALSO: Pamahiin: 250+ Mga Pamahiin ng mga Pilipino (Superstitious Beliefs)

Inaasahan namin na ang mga halimbawa ng sawikain na nakapaloob sa pahinang ito ay nakatulong sa iyo. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaklase o kaibigan upang matulungan din kami.

Maraming salamat! 🙂

706 Shares
Share via
Copy link