Magandang araw sa iyo, kaibigan! Hanap mo ba ay mga halimbawa ng talumpati tungkol sa kabataan? Nasa tamang website ka!
Marami kang mababasang talumpati dito na maaari mong pagkunan ng ideya. Halina’t basahin at gawing inspirasyon sa iyong paksang napili ang mga talumpating nakalap namin. Huwag mo din namang sayangin ang mga aral na maari mong makuha sa bawat talumpating iyong mababasa.
Maligayang pagbabasa! 🙂
SEE ALSO: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng Talumpati at mga Uri
Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kabataan
- Isang Talumpati para sa Kabataan
- Kabataan, Pag-asa ng bayan
- Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?
- Ang Papel ng Kabataan sa Bayan
- Kabataan: Noon at ngayon
- Kabataan Pag-asa pa ba ng Bayan?
- Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng Bayan?
- Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan
- Talumpati Tungkol Sa Kabataan
- Ang Kabataan sa Panahon Ngayon
- Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong Panahon
- Ang Kabataan Noon at Ngayon
- Maikling Talumpati Para sa Atin
- Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng ating Bayan? (Isang Talumpati)
- Kabataan, Simula ng Pagbabago
- Kabataang Pag-asa ng Bayan sa Panahon ng DotA
- Ang Nais Mabatid ng mga Kabataan
- Kabataan, Isipin ang Kinabukasan
- Kabataan: Pag-asa pa ba ng bayan?
- Ang Kabataan sa Makabagong Henerasyon
Isang Talumpati para sa Kabataan
Talumpati ni Jam Canlas Jumawan
Sa tingin nyo kung makikita ni Dr. Jose Rizal ang kabataan ngayon, matutuwa kaya siya?
Sabi niya ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan, pero sa nangyayari sa kabataan ngayon, mukang magiging malabo ang tinatawag nating pag-asa.
Kung ikukumpara natin ang kabataan noon sa kabataan ngayon, naku, walang gawa ang kabataan ngayon. Sa ngayon kasi, hindi na uso ang po at opo. Nakalimutan na ang pagmamano. Wala nang saysay ang paga-aral. At higit sa lahat wala nang saysay ang virginity.
Dota ng dota, hindi naman nag-aaral. Hindi mo naiisip ang magulang mo na nagpapa-aral sayo. Hindi nila tinatae ang perang pinapang-aral mo. Edukasyon na nga lang ang kaya nilang ibigay sayo, hindi mo pa ma-appreciate. Na-first blood ka no? Kung hindi ka parin tinablan, eto pa.
Hindi na bago ngayon ang makakita ng grupo ng kabataang babae na parang kinulang sa tela ang mga suot. Kitang-kita ang mga parte ng katawan na hindi naman dapat ipakita sa publiko. Ang aga-aga mangati, nagpakamot sa kapwa kabataan, ayun nabuntis. Sabi ng matatanda, ang pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa asawa mo sa araw ng honeymoon nyo e, ang virginity. Kaso winalang bahala mo ang kasabihan yun kasi hindi ka na marunong makinig sa matatanda. Feeling mo mas may alam ka sa kanila kasi nabubuhay ka sa panahon ngayong may internet at pwede mo i-Google ang lahat.
Kung titignan natin, mas matalino at maabilidad sila noon. Walang internet na makakapagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa research nila pero nakapasa sila’t nakapagtapos. Walang copy-paste noon, ita-type mo mano-mano ang research mo, malas mo pa kapag nagkamali ka ng kahit isang letra kasi walang erase ang gamit mong typewriter. Pero sa kabila ng hirap noon, hindi sila tinamad gumawa ng assignments. E ikaw, copy-paste na nga lang kailangan mong gawin, tinamad ka parin at pina-xerox mo nalang yung assignment ng utu-uto mong classmate!
May pagkain ka sa tapat mo pero hindi mo kinain kasi diet ka. Bat ka ba nagda-diet? Mainstream kasi? O trip mo lang? Hindi mo ba naiisip yung mga batang namamalimos sayo kanina? Nakita mo yung katawan nila na sa ilalim ng balat e, buto kaagad at wala nang laman? Ganun ang mangyayari sayo kung hindi ka makakain. Yung mga batang yun, salat sa pagkain, e ikaw nasa harap mo na yung biyaya hindi mo pa kinain. Nag-aaksaya ka masyado, kung ipagpapatuloy mo yan, dapat ikaw nalang yung naging bata sa kalsada at yung bata nalang yung may sapat na pagkain. At least siya, maa-appreciate niya yung pagkain na nasa harap niya.
Bisyo, hay, bisyo. Pang matanda lang ‘to kaso curious ka kaya tinry mo din. Yosi ka ng yosi, bat di ka pa namatay? Tutal unti-unti mo namang binabawasan ang oras ng buhay mo sa pagyoyosi. Isang yosi ay katumbas ng limang minuto ng buhay mo. Hindi ka naman siguro kawalan sa mundo kung sakaling mamatay ka dahil sa bisyo mo, pero malaking kawalan ka para sa mga magulang mo at mga nagmamahal sayo. Isipin mo naman sila.
Nagpakahirap ang nanay mo na dalhin ka sa tiyan niya ng siyam na buwan tapos ngayon magpapakamatay ka? Wag kang timang sa katotohanan. Kahit gaano kasakit ang katotohanan kailangan mo ‘tong tanggapin. Hindi pagpapakamatay ang sagot sa problema. Isipin mo, may isang tao sa isang parte sa mundo na mamamatay na dahil sa isang sakit. Sila, nagkukumahog na mabuhay pa ng mas matagal tapos ikaw, ikaw na mahaba pa ang buhay, gusto magpakamatay? Siguro kapag mamamatay na tayo, dun lang natin naiisip na dapat ginawa nating makabuluhan ang buhay natin para kahit nasa kabilang buhay ka na, wala kang regrets. Dun lang din natin maiisip na mahalaga pala ang buhay at dapat hindi natin pinangunahan ang Diyos dito. Habang hindi mo pa oras, gumawa ka na ng mabubuting bagay para kapag dumating na yung oras na kailangan na maghiwalay ng katawan mo at kaluluwa mo, hindi ka masusunog sa nagbabagang apoy sa impyerno.
Bata ka pa, madami ka pang tatahakin kaya hindi mo kailangan dibdibin yang tampuhan niyong magsyota. Laslas, sus, emo. Tapos ipagmamalaki mo yang sugat mo sa braso? Try mo sa leeg minsan. Hindi kasi nakakamatay yang sa braso e. Ang labo ko no? Kanina ayoko kayong magpakamatay, ngayon sinasabihan ko kayong i-try maglaslas sa leeg. Kasi naman, bakit ba natin sinasaktan ang sarili natin e, nasaktan na nga tayo? Ano yun, gusto mo ma-double kill? Bakit hindi natin i-try na magpakasaya kapag nasasaktan?
Sana naman may naitulong ako sa inyo. Kung hindi ko man naimulat ang mga nakapikit nyong mata, sana minuta kayo dahil medyo naluha kayo sa mga sinabi ko. Hindi pa huli ang lahat para magbago ka. Bata ka pa, madami pang pagkakataon sa buhay mo na pwede mong baguhin ang mga maling gawa mo noon. Naway maging pag-asa tayo ng bayan tulad ng sabi ni Rizal. Tayo ang kinabusakan. Kung mapapariwara tayo, paano na ang susunod na henerasyon? Mahalin mo ang buhay, magulang at bayan mo. Manalig ka lagi sa Diyos at magpasalamat sa mga biyayang binibigay niya kahit di mo naman hinihingi. Magpasalamat ka din sa mga pagsubok na nagpapatatag sayo. Ibigin mo ang kapaligiran. Kung hindi man kaibig-ibig ang kapaligiran, gawin mo itong kaibig-ibig. Gumawa ka ng paraan, hindi yung naghihintay ka lang. Salamat sa pakikinig.
Kabataan, Pag-asa ng bayan
Talumpati ni Judy Anne Carpo
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang kabataan ang magpapaunlad sa susunod nahenerasyon.Ang kabataan ang mag-aangat sa Pilipinas. Pag-asa pa nga ba tayo ng bayan?Kaya nga ba nating mapaunlad ang susunod na henerasyon? Mapapa-angat nga ba natin angPilipinas o tayo pa ang magpapabagsak dito? Maaaring ang ilan sa inyo ay sasagot ng hindi na.Para sa akin, kung magsisikap tayong mga kabataan maaari pa rin tayong matawag na pag-asang bayan. Kung babaguhin lamang sana natin ang mga maling kaugalian natin sa panahonngayon.
Bumalik tayo sa nakaraan, hindi ba’t tuwing ika-anim ng gabi ay nasa loob na ng kani-kaniyang bahay ang lahat. Ang pananamit ang kilos ng kababaihan ay kagalang-galang, “MariaClara” nga kung sila’y ating tawagin. Kung gusto naman ng isang binata ang isang dalaga ay hindi niya agad nakukuha ang matamis na oo ng dalaga, kailangan pang sumuot ng butas ngkarayom. Sa ilang programang ating napapanuod sa telebisyon, kailangan munang mamanhikan ng lalaki upang masigurong magiging maalwan ang buhay ng kanilang anak sapiling ng lalaki. Ang mga kabataan noon ay masunurin, magalang, walang bisyo at maka-Diyos. Ang mga kabataan rin noon ay tutok sa kanilang pag-aaral.
Subalit ngayon, napakadali na lamang para sa isang lalaki na mapasagot ang isang bababe. Ang ilan nga’y sa text na nagkaligawan at nagkatuluyan. Maging sa pananamit, karamihan sa mga kadalagahan ngayon ay hindi na iginagalang dahil sa paraan ng kanilang pananamit. Ngayon halos hindi na iginagalang ng ilang kabataan ang kanilang magulang at hindi na rin sila marunong sumunod. Karamihan din sa kabataan ngayon ay walang inatupag kundi mag-Dota. Hindi iniisip kung anong hirap ang dinaranas ng kanilang magulang mapag-aaral lamang sila. Nakakalungkot mang isipin, ngunit ito na ang larawan ng kabataan ngayon. Tayong mga kabataan lalo na sa mga kababaihang katulad ko, dapat nating tandaan, balikan at muling isabuhay ang mga kaugaliang noon. Wala man ito sa uso ngayon ngunit maaari natin itong ibalik sa uso. Subalit ano pa man ang mga kabataan noon at ngayon, ang mahalaga’y hindi natin malimutan ang winika ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ngbayan.
Mga mahal kong kamag-aral, kaklase at kapwa kong kabataan, sama-sama at tulong-tulong nating patunayan na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Patunayan nating kaya nating mapaunlad ang susunod na henerasyon. Patunayan nating kaya nating iaangat ang Pilipinas sa kasalukuyang estado nito. Oras na para kumilos dahil ako, ikaw, sila, tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?
Talumpati ni Michael John Sabido
Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon natin ito sa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway natin ang bandilang ating bayan patunay na tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng mga dayuhan. Ito ay ilan lamang sa mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay ng bawat kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan.
Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at sa kaisipang nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang paniniwalang ‘to. Masyado na yatang mabilis ang takbo ng panahon. Kasabay sa paglipas nito at sa pagsilang ng bagong henerasyon ay marahil ang paglipas din ng paniniwalang pag-asa ng bayan ang mga kabataan.
Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga kabataan ng makabagong henerasyon tulad ninyo. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong pag-iisip sa mga sandaling ito at alalahanin ninyo ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo. Ngayon, sagutin ninyo ang tanong ko: kayo ba’y pag-asa pa rin ng bayan? Kung ako ang inyong tatanungin, hindi ako mahihiya at mag-aatubiling sabihing “Oo!” Sapagkat lahat tayo ay pag-asa pa rin ng bayan. Sakabila ng katotohanang may iilan sa atin na mga nagrerebelde, pasaway, batugan at parang wala ng tamang nagawa sa buhay. Umaasa akong balang araw maintindihan nila ang tunay nilang tungkulin at pananagutan.
Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? Aba simple lang naman! Kailangan lang natin ng kasipagan, katapatan, pagkamakabayan, disiplina at pagmamahal. Ipamalas natin ang ating kasipagan sa lahat ng bagay na nakakabuti o nakatutulong. Hindi ‘yong tipong upo lang ng upo habang hawak ang cellphone at nanunuod ng tv maghapon. Katapatan – maging matapat tayo sa lahat lalo na sa ating sarili. Pagkamakabayan – ang pagtangkilik sa produktong sariling atin ay halimbawa ng gawaing makabayan. Pagmamahal – sino ba naman ang di nakaranas ng pagmamahal? Lahat tayo ay nagmahal at minahal. Kung disipina naman ang pag-uusapan, lahat ng nabanggit ay may kaakibat na pagdisiplina. Lagi nating tatandaan na magtatapos din ang ating pagiging kabataan ngunit tayo’y magiging magulang nagagabay at magtuturo sa susunod na henerasyon ng kabataan.
Tayo mismo ang tagaguhit ng ating kapalaran sa sarili nating mga palad. Lagi nating isipin na magtatagumpay tayo kung ito’y ating nanaisin. Kapag tayo naman ay nalugmok, ito ay dahil sa kagagawan din natin. Pagkatandaan na importante ang oras. Huwag na nating ipagpabukas pa ang ating mga gawain kung puwede naman nating gawin ngayon. Panahon na para tayo ay sumulong! Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at kalayaan. Tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaa’y hindiu pang gawin ang bawat naisin ngunit upang gawin ang tama at nararapat. Tara na kapwa kabataan! Patunayan nating tayo’y pag-asa pa rin ng Inang Bayan!
Ang Papel ng Kabataan sa Bayan
Talumpati ni Nikki Joyce B. Ordiz
“Kabataan ang pag-asa ng bayan” isa ito sa mga nabanggit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan.
Ngunit sa henerasyon natin ngayon, masasabi mo pa bang tayong mga kabataan ang siyang pag-asa ng ating bayan? Kung sa kahit saang anggulo natin tignan, parang naiimpluwensyahan na tayo ng mga makamundong kagamitan. Marami nang kabataan ngayon na imbes na gamitin sa pag-aaral ang pera, mas binibigyan pa nila ng importansya ang mga bawal na droga. Kaysa igugol ang oras sa pagskwela mas iginugogol pa natin ito sa pamamasyal kasama ang mga barkada. Marami naring mga kabataan ngayon na sa murang edad palang nagkaroon na ng sariling pamilya. Kung ito ang ating pagbabasehan, masasabi mo pa bang “kabataan ang pag-asa ng bayan” ?
Magiging pag-asa lamang tayo kun magpupursige tayo sa ating pag-aaral. Ngunit kahit mga mag-aaral ngayon ay hindi na marunong magbigay ng importansya sa mga aral na natututunan nila sa kani-kanilang mga guro.
May kasabihan nga tayo na “Ang kabataan ay hindi lang maging pag-asa ng bayan kundi dapat maaasahan din ng bayan.” Maaasahan nga ba tayo? Sa panahon ngayon, mahirap nang sagutin ang tanong na yan. Magpakatotoo lang po tayo, hindi ko ibig sirain o maliitin ang imahe nating mga kabataan sa kasalukuyan. Sa katunayan, ibig ko lamang na magising tayong lahat sa katotohanang nangyayari sa ating kapaligiran. Alam kung sumasang-ayon kayong lahat sa kasabihang “Ang tunay na studyante konting ulan lang, suspension of classes na agad ang nasa isip.”
Kung ganito tayo lahat mag-isip, para narin nating sinabi na hindi mahalaga sa atin ang bawat sentimong pinaghirapan ng ating mga magulang para lang tayo ay makapagtapos ng pag-aaral. Naisip ba natin na sa bawat sentimong yun, dugo at pawis ang naging puhunan nila? Masuwerte pa nga tayo, dahil mayroon tayong mga magulang na handang magsikap upang tayo ay mabigyan ng kinabukasan.
Karamihan pa atin ngayon ay tamad nang pumasok sa paaralan, tapos may kasabihan pa tayong nalalaman na”Hindi ka naman tamad tulad ng iniisip nila, masipag kalang talagang magpahinga.” Paano natin magagampanan ang papel nating mga kabataan sa bayan, kung puro tayo kalokohan? Paano natin mapapaunlad ang ating kinabukasan kung ang ipinapairal natin sa kasalukuyan ay katamaran? Isa lang naman po ang ibig kung ipahiwatig sa gabing ito, yun ay “Magkaisa tayo sa paglaganap ng kasipagan tungo sa mga susunod nating kabataan.”
Yun lamang po at maraming salamat.
Kabataan: Noon at ngayon
Maikling talumpati ni Donna Jane Lorico
Sa modernong panahon, ang mga kabataan ay maaaninag kung saan-saan, mayroong nasa mga bars at nagliliwaliw kung saan-saang lugar, papaano na tayong matatawag na pag-asa ng bayan kung ganoon an gating gawi at kilos?
Bumalik tayo sa nakaraan, hindi ba’t tuwing saapit ang ika-anim ng gabi ay nasa bahay na ang lahat, hindi rin ba’t tuwing nais ng isang lalaki ang isang babe ay hindi nila kara-karaka nakukuha ang matamis na oo ng dalaga, kailangan pa nilang sumuot sa butas ng karayom, dumaraan din sila sa tinatawag na pamamanhikan sa magulang ng babae.
Ngunit ngayon saan mo makikita ang dalawang taong nagmamahalan, kung hindi sa ibang bahay, naandun sila sa madilim na lugar, mayroon din naming sa text nagkakatuluyan. Yan ang larawan ng mga kabataan ngayon.
Subalit ano pa man sila noon at ano man tayo ngayon, ang mahalaga ay hindi natin nalilimutan ang sinabi ni Dr. Jose P. Rizal na ang “Kabataan ay ang pag-asa ng bayan”.
Kabataan Pag-asa pa ba ng Bayan?
Talumpati ni Jane Abigail L. Javier
Isa sa nabanngit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa Kabataan ay ito ang pag-asa ng Inang Bayan.
Ngunit asan na nga ba ang mga pag-asa ng Bayan? Ito ba yung mga makikita sa mga computer shop na doon nag-aaksaya ng pera at panahon sa paglalaro at panonood ng mga may iskandalong palabas. Mga makikita sa madilim na eskinita at humihithit ng marijuana, mga Kabataang lulong sa droga. O mga Kabataang na sa murang edad pa lamang ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Kung ito lagi ang pagbabasehan ay masasabi mo na rin na wala ng pag-asa ang ating bayan.
Ang tunay na kahulugan ng pag-asa ay hindi nakikita sa mga kokonti lamang bagkus ito ay nagsisimula sa sariling sikap upang matulungan natin ang ating sarili para sa ika-uunlad ng bayan.
Kung ikaw ay kabataan, masasabi mo bang may nagawa ka na para sa sariling bayan? Isang kabataang may paninindigan at prinsipyo? o isa ka sa mga kabataang walang paki sa kahihinatnan ng inang bayan.
Mga kapwa kabataan. Tayo na at mag tulungan. Tayo ang inaasahan ng ating mga magulang na mag aahon sa kanila sa putik ng kahirapan. Ang panahon ng pag kilos ay ngayon. Kung noon pa lamang ay naisip na natin ang kahalagahan natin sa ating bayan at ang papel natin dito. Marahil kinabukasan masasabi mo na “Ako ang Kabataan, Ang pag-asa ng inang Bayan”.
Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng Bayan?
Talumpati ni Steven Coral
Muli nating balikan ang isang tanyag na kasabihan, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”. Ngunit, sa kasalukuyang panahon, ang kabataan pa rin ba ang sinasabing pag-asa ng bayan?
Isang pagbati ng Mapagpalang araw sa lahat ng mga nakikinig!
Ayon kay Gat Jose Rizal, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”, gasgas man sa ating pandinig, hindi pa rin ito maiaalis sa kaisipan at paniniwala ng bawat Pilipino. Ngunit, kung titingnan natin ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon, mga kabataang nasasadlak sa mga maling gawain, masasabi pa kaya natin na “Ang Kabataan ay ang pag-asa ng bayan?”
Napapabalitaan natin ang kaliwa’t-kanang ilegal na gawain na kinasasangkutan ng mga kabataan; Pagtutulak ng droga, pandurugas, paggagahasa at marami pang iba, lahat ng iyon ay hindi nawawalan ng kabataang sangkot. Andyan din ang mga kabataang nakikitang nakatambay pa kahit dis-oras na ng gabi, mga kabataang parang nauubusan ng tela dahil sa iksi ng kanilang pananamit. Masasabi pa ba natin na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan?.
Kung ako ang tatanungin, isa ring kabataan na nabibilang sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin na ang “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”. Hindi natin maiiwasan na masadlak sa maling gawain ang mga kabataan, dahil may mga bagay sila na hinanap. Mga bagay na magpaparamdam sa kanila ng pagmamahal at pag-aaruga, at mga tao na handang dumamay.
Nang dahil din sa di matapos-tapos na kahirapan, mas pinipili pa rin ng mga ilang kabataan na gumawa ng kamalian para may maihain lamang sa hapagkainan at may panlaman tiyan. Ang mga kabataang nasasadlak sa masamang bisyo, ay hindi marapat na husgahan bagkus dapat natin silang bigyan ng pagkakataon upang magbago.
Kung tutuusin, halos lahat ng mga kabataang na sasadlak sa ganitong gawain ay may sariling dahilan at rason, kaya marapat lamang na bigyan nating sila ng pagkakataon at higit sa lahat ng pagkalinga!
Bigyan-pansin naman natin ang mga kabataang mas pinipiling magbanat ng buto kaysa sa maglaro at mag-aral. Mga kabataan na isinasakripisyo ang sarili nilang kaligayahan para lamang sa kanilang pamilya. Ang mga kabataang naulila napero patuloy pa ring nagsisikap at nagsisilbing padre de pamilya ng kanyang mga kapatid. Lahat sila ay isa nang magandang rason upang sabihin na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
Ang mga kabataang maagang naging ina o ama, pero mas pinili nilang maging responsable at hindi duwag sa pagharap ng kanilang kamalian. Mga kabataang, bagamat na sadlak sa masamang gawain, ay natutong ibangon ang kanilang sarili sa kasadlakang hinaharap. Mga kabataang minsang naging masama pero natutong iwasto ang pagkakamaling iyon. Lahat sila ay sapat nang rason na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
Kung iisipin, lahat ng mga kabataang minsang nasadlak sa kahirapan, mga kabataang nakaranas ng matinding kahirapan, ay ang mga kabataan na nagiging mabuting inspirasyon sa lahat. Dahil, natuto silang magbago at umahon sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na kanilang napagdaanan.
At, para sa akin sapat na ang mga dahilang iyon upang patuloy pa nating paniwalaan na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Huwag natin husgahan ang mga kabataan sa kasalukuyan kung nakagagawa sila ng kamalian bagkus pagkalinga at pagmamahal ang dapat nating ihandog, at isa pang pagkakataon upang magbago at iwasto ang kanilang kamalian.
Tingnan din natin ang mga kabataan na sa murang edad ay natuto nang maghanapbuhay at tumayo bilang isang haligi ng tahanan. Mga kabataang marunong magsakripisyo at magtiis para sa kanilang pamilya. Ang mga kabataang iyon ay dapat hangaan at tularan ng sinuman.
Bilang isang kabataan, naninindigan ako na ang “Kabataan ay ang pag-asa ng bayan”, dahil sa murang edad ay natuto na kaming matuto sa aming kamalian atito’yituwid, na sa murang edad natuto na kaming magsakripisyo at magtiis at sa murang edad natuto na kaming maging isang responsableng tao.
At, lahat ng iyon ay magiging susi namin upang maging isang inspirasyon sa lahat, at isang mahalagang karanasan upang patuloy kaming magsumikap at sumabay sa takbo ng buhay. Dahil, magmumula sa amin ang isang magiging mabuting mamamayan, manggagawa, mangangalakal at isang tapat na lider ng bansa na aming sinilangan!
Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan
Talumpati ni Michaela E. Macan
Ito’y isang talumpating aking inihahandog para sa mga Kabataang Pilipino.
Bago ko simulan ang aking talumpati, tatanungin ko muna kayo. Kagaya ko bilang isang kabataan, may kamalayan ba kayo sa mga nangyayari sa ating lipunan? Paano nga ba natin ito matutugunan at mabibigyan ng solusyon?
Sa panahon ngayon, marami ang nagsasabi sakin na kung hindi ka marunong sumabay, maiiwan ka talaga. Ngunit ang karamihan sa atin ngayon ay parang napag-iwanan na ng panahon. Marami na sa ating mga kababayan ang nalugmok sa kahirapan. Kahit anong sikap nilang umahon ay hinihila pa rin sila pababa dahil sa pagiging makasarili ng bawat isa sa atin.
“Ang buhay ay kakambal ng paghihirap” ika nga ni Buddha. Simula pa noong tayo ay sanggol, ang kahirapan ay nandyan na. Kahit iwasan natin ito, kahit magtago pa tayo saan mang sulok ng mundo. Hindi parin natin ito magagawang iwasan dahil ang kahirapan ay parte na ng buhay ng tao.
Imbes na magalit tayo dahil sa naging ganito ang katayuan natin sa buhay, dapat nating isipin at isapuso ang mga magagandang katangian na ipinagkaloob ng ating Panginoon. Ang mga biyayang ito ay may kapalit na responsibilidad upang ito’y gamitin sa tamang paraan upang mas mapaunlad pa ang ating mga sarili.
Ngunit taliwas ang tugon natin dito. Masakit isipin na dahil sa kahirapan maraming tao ang na udyok na gumawa ng mga masasamang bagay para mabuhay. Ang katotohanang ito na aking nasaksihan tungkol sa kahirapan na kinakaharap ng ating lipunan ay taliwas sa nakikita ko sa telebisyon. Kasi sa Tv, napapansin kong ang mga tao ay puro sisi sa pamahalaan sapagkat para sa kanila ay napapabayaan na sila nito. Wala namang masama ang pagiging dukha, kung tayo ang magsisikap lamang na malampasan ang problemang ito. Ito ay isang bagay na hindi nararapat isisi kahit nino man. Dahil tayo mismo ang may hawak ng ating kapalaran. Ito ay maaring sanhi ng kawalan ng iyong pagsisikap, kawalan ng determinasyong mangarap at iba pang mga dahilan ng iyong paghihirap. Bilang isang taong may kakayahang magdesisyon at mangatwiran para sa sarili, nararapat lang na tayo ay maging responsable at huwag umasa at maging reklamador sa pamahalaan lalo pa’t mahirap ang kanilang tungkulin sa ating lipunan. Mga kaibigan, Sariling sikap po ang solusyon sa kahirapan.
Kayo namang mga nakaupo sa pamahalaan at sa mga nakakataas, huwag po nating abusuhin ang kapangyarihan na hawak natin. Kaya nga pinili kayo ng sambayanan upang maglingkod sa kanila ng tapat at para maka tulong sa kanila hindi para kubitin ang pondo ng bayan at igasto para sa sariling kapakanan. Ang mga taong naghihikahos at naghihirap sa buhay ay mas lalong naghirap dahil sa mga kalokohan na inyong ginagawa. Sana’y inyong mapagtanto ang inyong mga nagawa para sa ikagaganda at ikalalago ng ating bansa.
Ako ay lubos na naghahangad ng pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng ating pagkasilang, nararapat na lamang na tayo mismo ang bumago nito at hindi lamang umasa sa pamahalaan. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot harapin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan, kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.
Kaya para sa mga kabataang pinoy, huwag tayong magpabulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.
Talumpati Tungkol Sa Kabataan
Mula sa TakdangAralin.ph
Sa buhay ng isang tao ang pagiging bata ang pinakamasaya sa lahat. Maging sa aking karanasan ito rin ang aking pinakagusto at hindi malilimutan. Masaya ang maging bata. Wala kang alalahanin sa buhay.
Umiikot ang yong oras sa laro, pakikipagbarkada at paggawa ng simpleng gawaing pambahay. Ito yong mga panahon na kahit kain tulog lang ang gagawin mo ay hindi ka nababahala, dahil nakasalalay pa lahat kina tatay at nanay.
Kung aking babalikan ang panahon ng aking kabataan, mas malayong pinagpala ang henerasyong kasalukuyan. Maganda at progresibo ang uri ng pamumuhay na mayroon kayo ngayon. Maraming programa ang ibinibigay ng ating pamahalaan na nagbibigay pabor sa inyong mga kabataan.
Kung sa edukasyon ang ating pag-uusapan ay hindi na tayo mahuhuli pa sa hanay ng ating mga karatig bansa. Maging sa mga aspeto ng mga bokasyonal na pangkabuhayan ay mayroon na tayong mga pagpipilian. Nakalatag na halos lahat ng oportunidad sa inyong mga harapan, nasa inyo nalang aksiyon na kinakailangan.
Kung sa inyong mga kabataan ito ang pinakamasaya na yugto ng buhay ninyo, sa mga magulang ito ang kabaligtaran. Sa mga panahon na ito lumlabas ang pagkakaiba-iba ng asal ng isang bata. Dito nagkakasalungat ang paniniwala ng bata sa matanda. Mahabang pasensiya at malawak na pang-unawa ang tanging sandata ng mga magulang na kagaya ko.
Ang bawat tagumpay ng isang bata ay nakasalalay sa patnubay ng kanyang mga magulang. Napakalaki ng ginagampanan na responsibilidad sa paghubog ng mga magulang sa murang kaisipan ng isang kabataan. Ang pagbagsak at tagumpay ng mga ito ay nakaatang sa kanilang mga balikat.
Sa inyong mga magulang, gabayan po ninyo sila. Imulat ninyo sa kanila ang pagpapahalaga sa lahat ng bagay na mayroon sila ngayon. Iparamdam ninyo na lagi kayong nasa kanilang mga likuran at handang umagapay sa anumang pagsubok na darating sa kanila.
Sa inyong mga kabataan tulungan ninyo ang inyong mga sarili. Maging produktibo kayo at samantalahin ang lakas ng inyong mga pangangatawan at talas ng kaisipan. Marami kayong maiaambag at mapapatunayan sa ating lipunan kung gugustuhin ninyo.
Samantalahin ninyo at huwag pakawalan ang lahat ng mga pagkakataon na darating sainyong mga buhay. Mag-aral kayo at pilitin niyong tapusin at abutin kung ano man ang gusto ninyong makamtan. Totoong masarap maging bata pero kaakibat nito ay mayroon rin kayong mga obligasyon na dapat gawin para sa inyong mga sariling kapakanan.
Hindi lingid sa inyong mga kaalaman ang nanyayari sa loob at labas ng ating lipunan. Kadalasan ang sangkot ay mga kabaro ninyo, mga menor de edad kung tawagin. Maging alerto tayo sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Magmatyag tayo at huwag makisali sa mga bagay na alam natin ay mali. Droga ang isa sa mga pinamasilan na isyu ng ating lipunan. Pilitin nating huwag masasangkot dito.
Maging mapanuri tayo sa mga uri ng mga kaibigan na ating pakikisamahan. Lagi ninyong isa-isip na kung ano ang kasiraan ng inyong kabataan ay dala dala ninyo hanggang sa inyong pagtanda.
Habang bata pa kayo ay bumuo kayo ng mga pangarap. Pangarap na magiging gabay at susundan ninyo para magsilbing inspirasyon sa inyong magandang hinaharap. Bumuo kayo ng mga alaala at mga magagandang karanasan na babaunin ninyo at ipagmamalaki sa inyong pagtanda.
Dahil sa inyong pagtanda ang mga karanasan ng inyong kabataan ang pinakamasarap na sariwain at ipamahagi sa mga susunod pa na salin lahi. Sinasabi ko ito sa inyo dahil ako mismo ang aking karanasan sa aking kabataan ang aking pinakatangi- tanging alaala na nagbibigay ngiti sa aking mga labi tuwing ito ay aking sinasariwa.
Saan mang bansa, anumang uri ng lipunan, ang kabataan ang mga inaasaha na pag-asa tungo sa magandang kinabukasan.
Ang Kabataan sa Panahon Ngayon
Talumpati ni Dindo Natanauan
Ano nga ba ang kabataan sa panahon ngayon? Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na “Ang Kabataan ang syang pag-asa ng ating bayan”, paano mo ito ipaglalaban? Maraming kabataan sa panahon ngayon ang maagang naliligaw ng landas, dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Ito ang dahilan kung bakit nasisira ang buhay ng ilan sa ating kabataan. Ang hindi mapuksang pagkalat ng droga at at iba pang ipinagbabawal na gamot ang nagtutulak sa isipan ng mga kabataan na gumawa ng krimen, mga marahas na nagdudulot ng kanilang kapamahakan. Masasabi na pa nilang sila’y pag asa ng ating bayan?
Meron na ring kabataan sa panahon ngayon ang menor de edad pa lamang ay meron nang asawa ngunit kadalasan ay maaga rin silang naghihiwalay dahilan rin ng kakulangan nila sa kaalaman sa pamumuhay bilang isang magulang. Hindi na nila natapos ang kanilang pag aaral sapagkat nahihirapan silang pagsabayin ang pag aaral at pag aalaga sa kanilang anak. Meron din naman na gusto pa ring tapusin ang pag aaral upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak nagkulang ba ng pangaral ang ating mga magulang o sadyang tayo ay hindi sumusunod at may katigasan. Nakakalungkot isipin na may kabataan sa panahon ngayon ang nasira na ang buhay. May pag-asa pa kaya ang ating bayan kung ganito na ang lahat ng kabataan? Kaya’t mapalad tayong mga kabataan na nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral.
Huwag nating sayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob sa atin ng panginoon sapagkat meron pang magandang kinabukasan ang naghihintay sa atin. Maging huwaran tayo sa magandang pag-uugali upang mamulat ang marami pang mas nakababata sa atin na sa magandang asal. Bilang pangwakas meron akong katanungan sa inyong isipan. Ikaw bilang isang kabataan, anong tulong ang iyong maibabahagi tungo sa pag-unlad na ating bayan?
Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong Panahon
Mula sa kkk.wave.net.ph
Maniniwala ka ba na ang mga kabataang Filipino ngayon, kahit na kami’y rebelde, suwail, magastos at minsa’y walang pakialam, ay nag-iisip din kung ano ang dapat naming gawin upang umangat sa buhay? Maniwala ka. Kami’y nag-iisip din ng paraan para hindi tumunganga na lamang sa aming pagtanda.
Tama, may mga pagkakamali kaming nakamit. Hindi mo ito mabibilang at madalas ang mga pagkakamaling ito ay nagdudulot ng walang kapantay na sakit at sama ng loob sa aming mga magulang. Dulot pa nito’y dagdag-rebelde kapag napagalitan o napagsabihan lamang. Inaamin ko, kami’y mga batang umaarteng alam na ang lahat, ayaw naming magpadaig at mapagalitan. Sino bang nais na laging pinapagalitan? Alam naman namin na para sa amin iyon. Madalas, maririnig mo na masyadong mapagtuklas at agresibo ang mga kabataan ngayon dahil sa paningin na hindi ka in kung hindi mo kahit minsan ma’y suwayin ang mga magulang mo. Sabi ng ating pambansang bayani, Ang kabataan ang pag-asa ng Inang Bayan. Pero sino pa ba ang natira na naniniwala sa matagal nang kasabihang iyon? KAMI.
Rebelde ang IBANG kabataan. Bakit nga ba? Ang paghithit ng rugbee, pampalipas-gutom ng mga mahihirap at pagsinghot ng marijuana sa mga kabataang gustong matanggap ng iba. Nakaka-high! sa mga salita ng isang binatilyong minsa’y sumubok at habang panahong nalulong. Suriin natin ang paligid ng mga kabataang ito. Sa squatter’s area na lamang, halimbawa, ang paligid doo’y hindi kaaya-aya, pugad ng krimen at mga nagdodroga. Ang kapaligiran ay isang malaking salik at mas lalo na ang mga tao roon. Kilala mo ba si Eminem? Isa siyang sikat na rapper, sa Amerika at maging dito sa Pilipinas. Madaming umiidolo sa kanya at maging sa kanyang mga kanta. Pero kung naiintindihan mo ang mga liriko ng kanyang mga kanta ay makikita mong siya’y biktima ng isang madilim na nakaraan. Ano bang gagawin mo kung makikita mong binubugbog ng iyong ama ang iyong ina? At ang iyong ina, sa harap mo’y umiinom ng kung anu-anong gamot na ikinalulong niya? Naging magulo ang buhay ni Eminem noong kabataan niya at kita pa rin sa kanya ang hindi naghihilom at masaklap na sugat ng nakaraan. Ngunit siya’y halimbawa ng isang mabuting ama. Ibinubuhos niya sa kanyang anak na babae ang kanyang pagmamahal, at kitang ayaw niyang maranasan nito ang karanasang hindi na niya nais pang maalala.
Maaaring naghahanap lamang ng atensyon ang ibang kabataang nagrerebelde. Ipalagay nating nais ng isang binata ang makapiling ang kanyang mga magulang na gabi na umuuwi dahil sa pagkasubsob sa trabaho kaya gumagawa siya ng paraan upang makuha ang kanilang atensyon. Maaaring nais din ng isang kabataan na maramdamang siya’y tanggap. Nais niyang maramdaman na may kalalagyan siya kaya ginagawa niya ang mga nais ng kinabibilangan niyang grupo. Hindi rin naman mapagkakailang may mag kabataang sadyang rebelde, agresibo at lubhang mapagtuklas. May mga nalululong nang labis sa mga bawal na gamot, may mga maagang nabubuntis at nagiging miserable, may mga gumagawa ng krimen na mga menor de edad pa lamang at may mga nagpapakamatay sa ‘di malamang dahilan. Hindi natin matatanggal na talagang may mga kabataang nalilihis ang landas.
Minsa’y nasa mga nagpapalaki din naman ‘yan, kung talagang nagkulang sila sa paalala at pagsuporta, paggabay at pag-alaga. Mahalaga ang paggabay sa kabataan sapagkat gaya nga ng sabi ng mga matatanda, hindi lahat ay alam na ng kabataan.
Hindi rin naman dapat idamay lahat ng kabataan sa mga pagkakamaling nagawa na ng iba. Kung hindi nagkukulang sa tamang paggabay at pagpapaalala ang mga magulang sa kanyang anak, ano ang dahilan upang maging pabaya ang isang bata? Nasa desisyon din ‘yan ng isang kabataan kung paano ang paggawa ng landas na tatahakin niya. Hindi dapat hatulan ang kabataan dahil sa mga sabi-sabi at pala-palagay lamang dahil hindi lahat ay mga sira ulo’t nagdodroga, mga may bisyo’t suwail at mga rebelde.
Himalang maituturing ang isang batang pinili ang edukasyon kaysa droga. Marami pa naman ang gumagawa ng himalang ito. Hindi ba natin ito nakikita? May pag-asa pa. Ang negatibong pananaw sa kabataan ngayon ay mali naman, ‘di ba?
Ang mga matatanda’y minsa’y naging mga kabataan din. Sinuway din nila ang kanilang mga magulang, nagpadala din sa barkada nila. Hindi sila dapat mawalan ng pag-asa bagkus ay bigyan kami ng pag-asa. Isang tanong lang ang nasasaisip ko. Bakit kapag mali’y sobra-sobra ang pagpuna samantalang kapag tama, minsan pa’y nakakaligtaang kilalanin? Madaming kayang gawin ang mga kabataan. Maabilidad kami’t matatalino, madaming ideya’t malikhain kaya bakit ‘di niyo kami bigyan ng pagkakataong mapatunayan ang mga maaari naming magawa?
Kabataan nga kami, pero may sariling pananaw at pag-iisip din. Hindi kami manhid sa mga sakripisyong ginagawa ng aming mga magulang at kahit papaano’y mulat din kami sa mundong ginagalawan nating lahat. Sa pagtagal ng panahon, lalo pang lumalawak ang pang-unawa namin sa buhay, kung sa paggising ba nami’y may naghihintay na kinabukasan at tagumpay. Mahirap bang paniwalaan? Hindi din natin alam. Tulad na lamang ni Winston Churchill na malakas uminom at madaming bisyo, sino bang mag-aakalang magiging isa siyang mabuting pinuno? At si Adolf Hitler na walang bisyo’t malusog ang magiging puno’t dulo ng isang pandaigdigang digmaan? Malay ba natin na ang mga kabataang suwail at rebelde ang magiging pag-usad ng kabuhayan at kinabukasan ng ating bansa sa hinaharap? Isang survey ang lumabas sa Asya na nagsasabing ang mga kabataan daw ngayon, kahit na sila’y magastos, mataas ang pagnanasang kumita ng malaki at nais sa buong mundo’y magtagumpay, ay may malasakit at nais pa rin na maging mapayapa ang mundo kaysa makita itong bumagsak. Mas nais daw nilang tumira sa mundong walang gulo. Ang kabataan ay hindi makasarili. Sino ba ang nagsabing ‘di kami nagmamalasakit?
Alam ng lahat na masarap ang maging kabataan. Masarap magkaroon ng kalayaan, mabigyan ng pera araw-araw, gastusin ito, magsaya na parang wala nang bukas at isipin ang gagawin sa susunod na araw. Hindi mo ‘to matatanggal sa isang bata. Pero kami na ang nagsasabi, sa paglipas ng panahon, napagtatanto din naman namin na pag-unlad ang nais namin. Alam ng mga makabagong isip namin na ang buhay ay hindi puro sarap, minsa’y kailangan mong sumugal at maghirap upang makamit ang nais na tagaumpay. Hindi kami magiging pabigat sa aming pagtanda kami ang pag-asa ng Inang Bayan at hindi namin kayo bibiguin!
Ang Kabataan Noon at Ngayon
Talumpati ni Arnel B. Mahilom
Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahala ng saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.
Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at ngayon.
Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.
Maikling Talumpati Para sa Atin
Talumpati ni fictoromantico mula sa Definitelyfilipino.com
Naririnig n’yo ba ang hinaing ng kabataan ngayon ng ating bayang Pilipinas?
Ang Ama ko ay druglord.
Bayarang babae naman si Ina.
Kapwa pusher si Ate’t Bunso.
Si Lolo at Lola naman ay lider ng sindikato.
Ang aking Tito ay ang presidente ng bansa at ang kanyang mga sangay, ang aking iba pang mga kamag-anak ang nag-aagawan sa puwestong numero uno sa pagkakurakot.
Ako? Sino ako?
Ako ay ang Kabataang Pilipino. Produkto ng mga tiwaling magulang. Lumaking kapiling ang mga tiwaling kapatid. Natuto sa pariwarang buhay ng aking lolo’t lola. Ganito na ba ang pamilyang Pilipino? Pamilyang buhay sa kamalian, mga lintang lider na sinisipsip ang buhay ng bayan. Mga kabataang nagtitiyaga sa katas ng kanilang gawi. Mga katas ng lason na pumapatay sa ating pag-iisip.
Ngunit ako rin ay produkto ng mga ninunong lumaban para sa ating inang Pilipinas. Mga ninunong tama ang landas na tinahak. Landas na ating kinatatayuan sa ngayon. Kanilang pinaghirapan, atin na lang bang pababayaan?
Kabataang Pilipino. Tayo ang pagbabago
Ako, ikaw, tayo, mga kamag-aral ko ay si Kabataang Pilipino. Mananahimik na lang ba tayo? Hindi ba’t tayo ang pagbabago? Ang pagbabago ay walang bibig para magsalita, ngunit tayong kabataan ay nagtataglay ng higit pa dito, hindi lamang ang bibig ngunit pati na rin ang boses para isabuhay ito. Pati rin mga kamay upang maisulat at maibahagi ang ispirito ng pagbabago. Ngunit isang tanong, mga tagapakinig ko, nasa inyo bang mga sarili ang lakas ng loob para magbago?
Ako ay tulad n’yo rin. Ako ay Kabataang Pilipino. At ako ay naniniwala na:
“Kung ano ang tibay ng mga maling pundasyon at sandigan ay siya na ring anay na kakain ng kahoy ng kamalayan.”
Naniniwala ako sa pagbabago.
Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng ating Bayan? (Isang Talumpati)
Talumpati ni Darren Joe G. Follero
Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.”
Ito ay isa sa mga napaka-tanyag na katagang binitiwan ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose Rizal noong siya’y nabubuhay pa. Dito, inilalarawan niya na ang kabataan ay ang siyang may kakayahan na ipagtanggol ang ating bayan laban sa mga mananakop o sa iba’t ibang uri ng tao na may maitim na adhikain sa ating bansa. Ngunit, dahil sa mabilis na pagtakbo ng panahon, masasabi pa ba natin na ang kabataan ay siyang tunay na pag-asa ng Pilipinas, ang bayang ating sinilangan?
Sa ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, natunghayan natin ang mga tauhan na sina Basilio, Isagani, Makaraig, Sandoval at Juanito Pelaez. Ang mga kabataan sa nobelang ito ay nagkakaisa sa iisang mithiin at ito ay ang ipaglaban ang karapatan nilang magtatag ng isang paaralang tinawag nilangAkademya ng Wikang Kastila na naglalayong magturo ng wikang Kastila sa lahat ng mga kabataang Filipino. Sa kasawiang-palad, ito’y hindi sinang-ayunan ng pamahalaang Kastila. Subalit, kung inyong mapapansin, ang mga kabataang Filipinong ito ay maituturing na mga dakila dahil sa pamamagitan ng kanilang layunin, naipakita nila na mayroon silang paki-alam sa kapwa nilang mga Filipino.
Ang aking tanong sa bawat isang naririto na nakaririnig ng aking talumpati, “Sa modernong panahong ating kinalalagyan ngayon, masasabi ba natin na mayroon pa ring Basilio, Isagani, Makaraig, Sandoval at Juanito Pelaez na siyang mayroong inisyatibong tumayo at lumaban para sa ating mga karapatan?”
Kung ako ang inyong tatanungin ukol diyan, oo ang aking isasagot. Mayroon pa ring mga kabataang tulad ng mga nabanggit na tauhan ng El Fili na siyang may lakas ng loob na ipaglaban ang ating mga karapatan.
Ngunit, kung mayroong mga kabataang tulad nila Basilio, napakarami rin namang mga kabataan ngayon ang maaari nating ihalintulad sa isa pang tauhan ng El Fili na nagngangalang Tadeo.
Si Tadeo, mga kaibigan, ay isang kamag-aral nina Basilio na namumukod-tangi sa lahat. Siya ay isang uri ng kabataan na tamad mag-aral at laging ipinanalangin na sana’y wala laging pasok. Kaya kung inyong natatandaan, noong hinuli na ang mga kabataan sa paratang na pagkakabit ng mga paskin sa kanilang paaralan, si Tadeo lang ang kaisa-isang mag-aaral na imbes na malungkot ay siya pang abot-tainga ang ngiti sabay sinunog pa ang kanyang mga aklat dahil ito daw ang pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay sapagkat dahil dito’y wala nang pasok sa kanilang paaralan.
Sa panahong ito, nagkalat ang mga “Tadeo” sa ating lipunan. Maraming mga kabataan na mas pinili na ubusin ang kanilang panahon sa paggawa ng mga walang kabuluhang gawain kaysa sa pagpunta sa kani-kanilang mga paaralan. Nariyan ang mga kabataang nauubos hindi lamang ang oras kundi pati na rin ang kanilang pera dahil lamang sa paglalaro ng mga computer games tulad ng Defense of the Ancient o mas kilala sa daglit na D.O.T.A. Nariyan naman ang mga kabataan na nauubos ang pera sa pagbili ng mga bagay na hindi naman nila kailangan. At ang mas masahol pa rito, marami nang mga kabataan ngayon ang nalululong sa iba’t ibang mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at ang mas matindi pa, ang paghithit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Kung dati-rati, sa handaan ng isang kamag-aral na nagdiriwang ng kaarawan, madalas nating itanong ang mga ito: “Marami bang pagkain?,” “May mga palaro ba?” at “May keyk ka ba?” Ngayon, karamihan ng mga kabataang dadalo sa isang pagdiriwang ng kaarawan ng isang kaibigan ay ganito ang unang tinatanong: “May inuman ba?” sabay sabi ng, “Ui, San Mig Lights lang sa akin ha? Baka mapansin ni Papa at Mama.”
Oo. Marahil kayong naririto ay natatawa ngunit tanggapin na natin sa ating mga sarili na lahat ng mga ito ay possible at tunay na nangyayari sa modernong panahong ito.
Mayroon namang mga kabataan, na sa murang edad pa lang, ay pumapasok na sa pakikipag-relasyon. Ito ang siyang nagiging dahilan ng tumataas na kaso ng maagang pagiging mga magulang ng kabataan.
Oo, hindi masamang magmahal sa ating kapwa. Ngunit, hindi lang puso ang dapat nating gamitin sa pag-ibig. Maskailangan nating gamitin ang atin isip. At kapag magmamahal tayo, huwag natin ibigay lahat ng pagmamahal sa ating mga kasintahan. Magtira rin tayo para sa ating mga sarili. Kung gusto mong mahalin ka ng taong mahal mo, bakit hindi mo muna mahalin ang sarili mo? Sa ganoon, makikita ng mga tao sa paligid mo na may respeto ka sa sarili mo na siyang magiging dahilan ng iba upang mahalin ka.
Sa lahat ng mga kamaliang ginagawa natin bilang kabataan ng ating bayan, panahon na siguro upang tao’y magbago na at tahakin ang matuwid na pamumuhay.
Paano natin ito magagawa?
Simple lang ang naiisip kong solusyon. Simulan na nating isapuso ang pag-aaral. Isipin ninyo na iba pa rin ang taong nakapagtapos at may pinanghahawakang college degree. Sa pamamagitan nito, hindi lamang natin makakamit ang ating pansariling pangarap, kundi makakatulong pa tayo sa pag-unlad ng ating bansa.
Sa simpleng pamamaraang ito, mapatutunayan natin sa lahat ng tao sa buong mundo na tunay at totoo nga ang sinabi ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang siyang natatanging pag-asa ng bayan!
Kabataan, Simula ng Pagbabago
Talumpati ni Gladys P. Delos Reyes
Pilipinas! Bansang pinagpala, mayaman sa likas na kayamanan; Masaganang kalupaan, matatayog na bundok, malawak na karagatan. Masipag na mamamayang Pilipino, masayahin, madasalin, magalang. Mayaman sa tradisyon at kaugalian, kultura ay sadyang kinagigiliwan. Ngunit bakit ang Pilipinas ay hindi maunlad kumpara sa ibang mga bansa? Bayan, ano nga ba ang dahilan?
Kulang ang trabaho, mga Pilipino sa ibang bansa nakikipagsapalaran. Magulong pulitika, rebelyon sa Mindanao at ng mga Komunista. Kakulangan sa serbisyo, silid-aralan, gamot at ospital para sa mahihirap. Mahal na bilihin, mataas na populasyon, krimen sa lansagan. Korapsyon sa gobyerno, droga, carnapping, kalamidad. Bayan, ano nga ba ang dahilan?
May solusyon pa ba sa problema ng ating mahal na bayang Pilipinas? OO, ang sagot natin. Sagot ng mga kabataan ng bagong henerasyon. OO, tinatanggap natin ang hamon ng bayan, tayo ang simula ng pagbabago. Isang hamon na magsusulong ng bagong pag-asa. Pagbabagong magsisimula sa ating mga sarili. Pagbabago na ituwid ang tinatahak na landas ng ating bayan.
Ano ang magagawa nating mga kabataan upang maisulong ang pagbangon ng ating bayan? Anong kontribusyon ang ating maibibigay? Saan natin ito sisimulan?
Sa ating sarili, sa ating pamilya, sa ating paaralan, sa ating pamayanan, sa bawat sangay ng lipunan, sa ating bawat kilos at galaw.
Para sa ating sarili, DISIPLINA. Gumawa ng mga bagay na kalugod-lugod sa mata ng tao. Katanggap-tanggap sa paningin ng Maykapal. Pakikisama, pakikipagkaibigan, pagpapakumbaba.
Sa ating pamilya, PAGGALANG AT PAGMAMAHAL. Pahalagahan ang sinasabi ng mga magulang. Magbigay ng pang-unawa sa mga kapatid. Bigyan ng panahon at sapat na oras ang mga mahal sa buhay.
Sa ating paaralan, DEDIKASYON. Isipin ang mabuting edukasyon ang puhunan sa pag-unlad ng sarili at ng bayan.
Sa ating pamayanan, PAGKAKAISA AT KAPAYAPAAN. Kung may pagkakaisa, may pagsulong. Kung may kapayapaan, may pag-unlad.
Mga kapwa ko kabataan, ang laban natin ngayon ay hindi laban kontra sa pananakop. Hindi laban kontra sa dayuhan o kontra sa pang-aapi. Ang laban natin ngayon ay laban tungo sa pagababago. Tayo ng magkaisa upang hubugin ang bagong Pilipinas!
Maraming salamat po!
Kabataang Pag-asa ng Bayan sa Panahon ng DotA
Talumpati ni Julius Renomeron Jr.
IMBA!, GG, RM at paminsan “Trash talk”. Yan ang mga salitang madalas marinig sa bawat computer shop na makikita mo rito sa Pinas. Adik kasi ang mga bata ngayon sa DOTA. Umaga, hapon, gabi at paminsan kapag walang pasok ay puyat kakalaro ng DotA. Kahit wala pang almusal, kahit wala pang tanghalian at kahit wala pang ligo ay panay ang paglalaro ng DotA. Laman ng computer shop sa mga kanto, laman ng computer shop diyan sa may Dapitan. Huwag kayong magkaila karamihan dito sa klaseng ito ay nakapaglaro na ng DotA at parang parte na ng araw-araw na gawain ang paglalaro nito.
Ano nga ba ang DotA? Kung tutuusin isang custom map lang naman ito sa larong Warcraft 3 na isang sikat na real time strategy game lalong lalo na sa mga koreano. Sa laki na wala pang halos 10mb ay madadownload mo na ang DotA. Makapipili at makapaglelevel-up ka ng hero na gusto mo. Makapag-iipon at makapag-eekwip ng mga gamit upang mapalakas ang karakter mo at talunin ang kalabang grupo. Ang isang magandang laro ay madalas tumatagal ng hindi bababa ng 20 minutos at kung minsan ay may game 2 pa o game 3 o game 4 na siyang kumukunsumo ng napakaraming oras. Sa kalagitnaan ng isang nag-iinit na laro ay marami kang maririnig na mga salitang hindi na nga kanais nais ay ipagsisigawan pa sa tenga mo. Ito ay ang tinatawag nilang “pagtatrash-talk”. Hindi nga naman kasi kumpleto at masaya ang isang laro kung hindi mo naiintimidate ang mga kalaban mo.
Kung tatanungin mo ang mga kabataang lulong sa nakakaadik na larong ito kung anong magandang aral ang natututunan nila sa paglalaro nito, ang siguradong isasagot nila ay ang pag-iistrategy at teamwork. Ang pagpaplano ng mga taktika upang ma-ambush ang isa o napakaraming hero at ang pagtutulungan ng bawat isa upang maisagawa ito. Ngunit sapat ba itong pag-iistrategy at teamwork upang magamit at maisabuhay ng mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan?
Hindi maipagkakailang ang pag-lalaro ng DOTA ay nakakaadik sa halos karamihan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sa maliit na halagang bente pesos ay maari ka na kasing makapaglaro ng isang oras sa computer shop na madalas na dahilan ng pagkakaubos ng baon ng mga bata sa eskuwela. Sa sobrang pagkakawili ay di narin namamalayan ang oras na kinukunsumo ng paglalaro na nagiging sanhi ng pagsasantabi ng mga gawain at hindi pagtapos ng mga ito. Ang mga homework ay madalas na hindi nagagawa sa oras at madalas na hindi nakakapasok sa mga klase dahil mas pipiliing maglaro kasama ang mga kaibigan sa computer shop.
Kung tutuusin ay mayroong kautusan na nagbabawal na magtayo ng computer shop malapit sa mga paaralan ngunit hindi naman ito nasusunod. Nakakatawa ngang isipin na kung saan pa may paaralan ay doon naman laganap at nagsusulputan ang napakaraming computer shop na ang kadalasang laman ay mga nagtutumpukang mga estuyante na imbes na gugulin ang oras sa pag-aaral sa mga nalalapit nilang exams ay mas pipiliin pang ubusin ito sa paglalaro. Kung ganitong eksena ang makikita mo araw-araw, ay parang nagdadalawang isip nako na kami nga ang pag-asa ng susunod na henerasyon.
Sa kabataan ngayon, hindi na ata sapat ang pagsasabi ng “mag-aral ng mabuti”. Madaling sabihin pero ang gawin ito ay nangangailangan ng ibayong pagpupursigi at tiyaga. Sa dami kasi ng sagabal sa pag-aaral ngayon tulad ng DOTA, Internet at T.V., napakahirap na ifocus ang mga sarili natin sa iisang bagay lang. Kapag sobra ang pag-aaral ay ma-iistress ka. Kapag sobra naman ang paglalaro mo ay maaaring mapabayaan mo naman ang iyong pag-aaral at siyang maging dahilan upang bumaba ang mga grades mo. Ang lahat ng sobra ay masama, pede siguro nating ipasok ang pag-iistrategy dito. Pag-iistrategy hindi kung paano makapatay ng hero sa laro kung hindi kung paano mababalanse ang oras natin sa pag-aaral at paglalaro.
Kung ikaw naman ay maraming oras na bakante ay maari rin naman itong ilaan sa pagsali sa mga grupo o organisasyong naglalayong tumulong sa mga higit na nangangailangan. Dito naman maipapasok ang balyu ng teamwork. Isang bagay rin na natututunan sa pag-lalaro ng DOTA. Ang pakikipagtulungan upang maiiangat ang estado ng isang bagay. Isang napakahalagang katangian na matutununan ng isang tao at nakakatuwang isipin na maari itong magsimula at makuha sa hamak na paglalaro lamang ng isang video game.
Naniniwala ako na kaming mga kabataan ang susi sa pag-unlad ng ating bayan sapagkat sa kami ang susunod na henerasyong papalit sa kasalukuyan. Kami ang may potensyal na humubog ng isang bayan na sa ngayo’y puno ng kurapsyon at kasinungalingan. Sa pamumuhunan namin sa pag-aaral ay maaring isa sa amin dito ngayon ang maging susi ng pagbabago sa bansang Pilipinas.
May kasabihan nga na “Maaring iwanan ka ng girlfriend mo pero hinding hindi ng DOTA”. Hindi naman ganun ka perpekto ang larong DOTA sa totoo lang at mas lalong hindi ito habang buhay na nandyan . May kakaibang lasa lang talaga siguro ang larong ito kaya pumapatok sa mga kabataang Pilipino. Kung tutuusin sa ibang bansa tulad ng Amerika ay hindi naman ito gaanong pansin ng mga tao doon. Mas kilala ang World of Warcraft doon. Paniguradong darating ang panahon at may papalit na bagong laro na mas kahuhumalingan naming mga kabataan. Walang masama sa pagkakalulon dito dahil kahit noong bago pa man ito sumikat ay nauna nang kinaadikan ang mga Brick Game at Game and Watch ng mga mas nakatatanda.
Sana lang ang pagkahumaling naming ito ay hindi makaapekto sa kalidad ng aming pagtatrabaho at panananaw sa buhay. Na hindi lahat ng pagkakataon sa buhay ay may rematch. Na ang pagkapanalo ay hindi nadadaan sa isang madugong trash talk at higit sa lahat hindi mo pwedeng laging sabihin na GG na sir.
Ang Nais Mabatid ng mga Kabataan
Mula sa Tinig.com
Itong ating bayang Pilipinas, na dating pinamamahalaan ng mga mananakop, ay hitik ang kasaysayan sa mga kuwento ng pagsalunga at pakikibaka. Noo’y nilabanan ng mararahas na mga anak ng bayan ang mga Kastila, Amerikano at Hapones na nang-alipin sa atin. Gayundin, ilang dekada na ang nakalilipas nang ang mga mamamayan ay mag-alsa at sipain palabas ng Palasyo ng Malakanyang ang isang diktador. Karamihan sa ating mga kabataan ngayon ay paslit pa lamang noong maganap ito. Ngunit ilang taon pa lamang ang nakalilipas, tayo man ay nakibahagi sa isang pag-aalsang muling nagpatalsik ng isang perwisyong Pangulo.
Nasaksihan at sinalubong natin ng pagbubunyi ang pagluklok ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Palasyo. Sa noo’y matamis niyang dila ay nangako siyang lalabanan ang kahirapan, iaangat ang pamantayang moral sa pamahalaan, itataguyod ang bagong politika, at magiging isang mabuting modelo ng malinis na pamamahala.
Mahigit limang taon na mula nang ito ay mangyari. Ngunit ano ang kinahinatnan ng pamamahala ni Ginang Arroyo? Lalong nagutom ang mga Pilipino, nangibabaw ang mga trapo, at nagsunud-sunod ang mga paratang ng katiwalian sa Unang Pamilya.
Sa lahat ng ito, may nakikita ba tayong pagtupad sa mga pangako? Wala, kundi pawang kataksilan. Sa halip na ipinagakong kagalingan, binaha tayo ng mga kasinungalingan at pagbaluktot sa ating mga pagpapahalaga.
At kung tayo’y mangahas na ipahayag sa mga lansangan ang ating pagnanais na mabatid ang katotohanan sa likod ng mga kontrobersiyang gaya ng “Hello Garci”, ang nagiging kasagutan ay kamay na bakal. Ang bawat isang himutok na ating ilabas ay itinuturing napakalaking kasalanan at agad tinatapatan ng mala-hayop na kabangisan. Ngayong unti-unting inaalis ang ating karapatan, ngayong pilit na tinatakpan ang katotohanang nais mabatid ng mga kabataan, ano ang dapat nating gawin?
Ang liwanag ng araw na sumisikat sa Silangan ay nagtuturo sa atin ng makatarungang landas na dapat nating tahakin. Itinuturo ng katuwiran na magkaisa sa paghahanap ng lunas sa naghaharing kasamaan sa ating bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang ipakita na tayo’y may hiya, puri at pakikisangkot. Panahon nang muling isiwalat at balikan ang tila nakalimutan nang mga dakilang aral ng mga nakalipas na pag-aalsa. Dapat nang kumilos tungo sa katotohanan, katarungan, at kalayaan.
Muli nating gisingin ang tila natutulog na kaisipan at kusang gugulin ang ating lakas sa pagsusulong ng tunay na ikabubuti ng ating bayan. Lumabas tayo at makisangkot.
Kabataan, Isipin ang Kinabukasan
Talumpati ni Marily N. Pacana
“Kabataan pag-asa ng bayan”, Kasabihan na sadyang nakatatak na sa ating mga isipan. Ano nga ba ang ating kinabukasan?
Ako’y narito sa inyang harapan upang ipahayag ang nasa aking isipan. Bilang isng kabataan, isang kabataan na minsan nang naligaw ng landas at nagkamali. Ngunit sa aking pagkaluklok sa kawalan, napagtanto ko na mali pala ang aking ginagawa. Kaya heto ako ngayon, Nagbago! at patuloy pang nag-sisikap upang mapaganda ang aking bukas.
Marami sa mga kabataan ngayon ang sinisira ang buhay. Pinapag-aral ng mga magulang ngunit ano ang ginagawa? Ayon! Gimik don! Gimik dito! Natuto ng mga bisyong hindi dapat: nag-iinom ng alak, naninigarilyo, at ang ibang mga babae ay sa murang edad ay nabubuntis na. Nasaan na ang tinatawag na moralidad? Di nyo ba alam na dugo at pawis ang puhunan ng ating mga magulang para lang tayo ay makapag-aral at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Alam ba niyo na kung gugustuhin lamang natin ay mapapaganda natin ang ating mga hinaharap? Maging responsable at isipan ang naghihintay na bukas. Dahil kung magiging tulog ka lamang sa katotohanan, ano pa ang naghihintay sayong bukas? Tiyak wala kang mararating.
Kaya mga kabataan, makinig! May bukas pa, subalit bakit pa hihintayin ang bukas kung pwede naman ngayon na. KKK! Katatagan, Katalinuhan, at kaayusan. Iyan ang sagot sa magandang kinabukasan. Kaya ngayon pa lamang… “Kabataan, Isipan ang kinabukasan”.
Kabataan: Pag-asa pa ba ng bayan?
Talumpati ni Kent Ryan Masing
“Children today are tyrants. They contradict their parents, gobble their food, and tyrannize their teachers.” ~ Socrates
Mga kabataang kakaiba at nakakabahala na ang ugali at kilos. Mga kabataang hindi lang basta kabataan. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Sila ngayo’y mapupusok, matatapang, walang takot, walang pakundangan, walang pakialam. Nagbago na nga ang mundo.
Sa murang edad na nasa elementarya pa lamang mga batang lalaki ay walang takot na ihahayag, ilalantad at ipapaskil ang kanilang kabadingan na pilit noong itinatago hangga’t maaari. Matatapang na ibi-video ang sarili nakapusturang babae, nakatikwas ang daliri at buong giting na ihahayag ang malalaswang nais sabihin ng isip. Hindi ko alam kung sino o ano ang nag-impluwensiya sa kanila para magkaroon ng ganito kalakas ng loob para ipangalandakan ang napakamurang kalandian. Sa unang tingin, oo nakakatuwa pero kalauna’y hindi mo maiiwasang mapailing. Hindi ko nais na husgahan ang pagiging bakla nila pero talaga lang na nakakabahala. At hindi ka ba mababahala kung aksidenteng makita at mapanood mo sa Youtube na isa sa mga “rumarampang” ito’y anak mo? Saka mo sasabihing hindi ito nakakatuwa.
Sa halip na nasa bahay na nagbabasa ng aralin kasama ang pamilya, marami ang mas nanaising magpunta sa computer shop at maglalaro ng on-line games, mag-uubos ng mahabang oras sa Chat o sa Facebook, o kaya pasimpleng tatambay lang ng napakatagal. Magsasayang ng oras at perang pinagpagurang ng kanilang mga magulang. Kung ang bahay mo’y malapit sa isang computer shop alam mong kahit anong oras ay lagi itong puno at kabataan ang laging laman nito. Hindi masama ang mag-internet, mag-computer o maglaro pero ang lahat ng kalabisan ay masama. Mabuti sana kung ang sipag nilang magtungo sa ganitong lugar ay tinutumbasan din nila ng ganoong sipag sa pag-aaral.
Kapansin-pansin na rin na mga kabataan na rin ang nai-involve sa iba’t ibang krimen na hindi lang sa Kamaynilaan kundi sa halos lahat na yata ng panig ng bansa. Mga batang snatcher, jumper boys o batang hamog, mga kabataang ginagamit ng sindikato at meron ding sa murang edad ay sila mismo ang namumuno nito, mga kabataang miyembro ng kung ano-anong gang at walang takot na makikipagrambulan sa mga nakakaaway. Napakatatalinong ipapamukha sa’yo na hindi sila pwedeng ikulong dahil sa umiiral na batas (RA9344- Juvenile Justice and Welfare Act of 2006), halos isampal na sa mukha mo ang dala nilang mga birth certificate katunayang sila ay sakop ng batas. Uulitin ko hindi sila pwedeng ikulong kahit sila’y miyembro ng carnapping syndicate, nagnanakaw o pumapatay. May gatas pa raw sa labi pero alam na kung paanong magnakaw at pumatay.
Kung dati ‘pag may kaguluhan sa isang komunidad alam mo na agad na ang pasimuno’y mga adik na nagtitrip, mga lasenggong nagkapikunan o mga sigang maaangas. Sa modernong panahon ngayon mas malaki na ang porsyentong ang mga kabataan ang nag-umpisa ng gulo. Mas mahirap pa sawayin at supilin dahil kumakasa at walang preno sa pagmumura. Hawak ay sumpak, bote, tubo, bato at ihahagis ito ng walang pakialam kung sino ang tamaan. Hindi rin nila balak makipagsundo o makipagbati sa mga nakaalitan dahil ang plano nila’y rumesbak. Walang katapusang resbakan.
Pabata na rin ng pabata at tila sobrang maagang nahilig sa alak at sigarilyo ang mga modernong kabataan. Kung hindi mo ito napapansin siguro ay magandang obserbahan mo ang paligid mo. Mga teenager na kung makahitit ng yosi ay said na said hanggang ‘dulo. Kay sasarap ng buhay na nakapagtatakang sa kabila ng kahirapan ng buhay ay laging may tangang yosi lalo sa gabi. Kapartner ng kwentuhan at ng yosing hinihitit ay ang umaatikabong inuman. Hanggang madaling-araw na lasingan lalo kung araw ng Biyernes o Sabado. Tila hindi makaporma ang mga magulang sa tigas ng mga ulo ng mga kabataang ito na karamiha’y magagaling mangatwiran at rebelde ang panakot kung sakaling mapagsabihan. At hindi lang mga kabataang lalake ang nasa umpukang inuman makikita mo ring nakiki-kampai ang mga kasing-edaran nilang mga kababaihan. Nagbago na nga siguro ang panahon at hindi ka sunod sa uso kung hindi ka marunong mag-yosi at tumoma.
Kung pag-uusapan na rin lang ang uso, uso na rin sa kabataan ang maagang mamulat sa SEX. Mga kabataang animo’y inosente, mga kabataang kung pagmamasdan mo’y ‘di gagawa ng kalokohan pero marunong na pala ng sex o kaya’y mga kabataang babae na hindi nahihiyang magpaskil sa internet ng kanilang (halos) hubad na larawan. Liberated na nga sila. Kung malaking bahagi ng maagang pagkamulat ng kabataang ito ang malayang teknolohiya o mga programa sa TV na may temang pakikipagrelasyon o sekswalidad ‘yun ang hindi natin alam. Marami-rami na ring kabataan ang nasira ang kinabukasan dahil sa maagang pagkamulat dito. Ayon sa pag-aaral, halos kalahating milyong sanggol ang pinaa-abort taon-taon ilang porsyento kaya dito na ang kabataan ang may gawa? Mga liberated na pag-iisip pero hindi naman kayang pangatawanan ang resulta ng kanilang pagiging mapusok. Asahan mo nang marami sa kabataang ito na maagang nabuntis o nakabuntis ay hindi magiging ganoon kadali ang buhay-pamilya dahil hindi nagawang mairaos ang pag-aaral.
Maibabalik pa ba natin ang dating Kabataang Pinoy? OO.
Oo nga’t pagbabago ang dala ng mga Kabataan, ngunit hindi ganito ang nararapat. Ang pagbabago dapat ay may kaakibat na magandang kaugalian ng nakalipas, na magiging basehan ng mga susunod na henerasyon.
Ibalik natin ang mga panahong konserbatibo pa ang lipunan, mga edukadong kabataan at disiplinadong mamamayan. Ang mga ito ay maaaring nakalipas na, ngunit kung muling isasabuhay natin, susunod sa yapak natin ang mga mas nakababata sa ‘tin. Tutularan nila tayo dahil may konti pa tayong hiya, iidolohin tayo dahil disiplinado at sumusunod tayo sa mga nakakatanda, at gagalangin at rerespetuhin nila tayo dahil may karunungan tayong tinataglay, na sa balang araw ay makukuha rin nila.
Gawin nating inspirasyon ang ating mga sarili, tayo ang mag-iilaw sa ngayo’y tinatahak nilang maling landas. Disiplinahin sila sa tamang paraan, upang sa ganoo’y maramdaman nila kung gaano sila kahalaga sa bayan.
Imulat natin sa kanila na ipinanganak sila para pagsilbihan at paunlarin ang bansa, silang mga susunod na lider at magseserbisyo ng tapat na may pagmamahal sa bayang sinilangan.
Kung naniniwala kang pag-asa ng bayan ang Kabataan, gabayan natin sila. Huwag nating hayaang tahakin nila ang baluktot na landas at ituro natin sa kanila kung nasaan ang daan tungo sa pagbabago, kaunlaran at katiwasayan, ang tuwid na landas.
Ang Kabataan sa Makabagong Henerasyon
Mula sa ludwig02.wordpress.com
Ang tangi ko lamang pong layunin ay mabigyan ng kamalayan ang ating mga kababayan at mga magulang. Sapagkat nakikita ko na parang walang pakialam ang iba sa atin lalo na tungkol sa mga kabataang nakikita nating palaboy-laboy sa mga lansangan.
Nasaan na ang mga kabataang pag-asa ng bayan? Ika nga ng ating pambansang bayani (Dr. Jose P. Rizal) ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ba’y mababaon na lamang ba sa limot? Huwag naman po nating biguin ang ating pambansang bayani. Kaya tayo po’y kumilos habang may panahon pa.
Mga magulang makinig kayo! Huwag ninyong pabayaan na lamang ang inyong mga supling sapagkat kayo ang magtuturo ng daang kanilang tatahakin. Kaya’t habang may panahon pa’y kumilos tayo bigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga susunod na henerasyon. Kaya po nakapag-sulat ang inyong lingkod hinggil dito ay sa kadahilanang kahit saang dako ako pumaroon ay nakikita ko po kawalang pag-asa ng bansang ito.
Sa mga kalunsuran man o sa mga lalawigan patunay ang mga kabataang ligaw ng landas na dapat sana’y nasa mga paaralan.Ngunit nasaan sila? Naroon sa mga lansangan nakikipag laro kay kamatayan maka-amot man lang ng konting barya at ang iba naman ay lulong sa droga ito ang dahilan kaya kahit mga musmos pa’y nakakagawa na ng mga karumal-dumal na mga krimen.
Ito ba ang mga kabataang pag-asa ng ating bayan? Isa itong malaking suliranin sa ating bansa. Kaya dapat na hindi ipag-sawalang bahala sapagkat kapakanan ng ating lipi ang nakataya dito kaya’t pakiusap sa mga magulang alagaan ninyo ang inyong mga supling. Hindi katuwiran ang kahirapan sapagkat ang kahirapan ay kakambal na natin noong tayo ay ipinanganak.
Ang tamaan ay huwag magalit sapagkat may klase ng mga magulang na gusto pa nilang mag trabaho ang kanilang mga anak kahit ala pa sa panahon imbes na mag aral. Meron namang mga magulang na luho ng katawan ang inaatupag imbes na alagaan ang mga anak. Anong klaseng mga magulang kayo? Huwag naman po nating ipahiya ang lahing kayumanggi na minsa’y kinilala sa lahat ng dako hanggang sa kasalukuyan.
Sa aking palagay kahit na ilng medalya pa ang makuha ng ating pambansang kamao ay hindi kayang ikubli ang tunay na imahe ng ating inang bayan. Kaya mga kababayan ko kumilos tayo habang may panahon pa huwag nating hintayin na dayuhan pa ang magsabi na linisin mo ang iyong bayan. Hindi po lalabas tayong kahiya-hiya sa mga taga ibang bansa? Kaya habang may panahon pa sagipin natin ang ating mga kabataan sa maka-mundong kalagayan.
Ito po ang aking saloobin mga minamahal kong mga kababayan magtulungan tayong akayin sa mga mabubuting gawi ang ating mga kabataan.
SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Edukasyon