Ang Palaka at ang Kalabaw
Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat na ang araw. Maganda na ang panahon. … more
Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.
May apat na uri ang kwentong bayan. Ito ay ang Alamat, Mito, Parabula at Pabula.
Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop.
Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel sa mga nilalang o mga tao.
Ang mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan din ng aral. Sa Biblia ay maraming kwentong parabula.
Ang mga pabula ay kinatatampukan ng mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga bagay na nagsasalita at binigbiyang buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may aral kung saan ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian.
Ilan sa mga kilalang kwentong bayan ay ang “Alamat ni Maria Makiling“, “Si Juan at ang mga Alimango“, “Alamat ng Bayabas” at marami pang iba.
Basahin ang mga kwento sa ibaba para sa ilan pang mga halimbawa ng kwentong bayan.
Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat na ang araw. Maganda na ang panahon. … more
Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang libutan … more
Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang magkakaibigan. Sila ay si Pagong … more
Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog Pasig. Siya ay … more
Bawat tao ay may kanya-kanyang kwento ng pag-ibig. May masasaya at mayroon ding malulungkot. May … more
Ang kalikasan ay isa sa pinakamagandang bagay na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan. Bawat bansa … more
Mayroon ka bang pangarap? Mga pangarap para sa iyong sarili, pamilya o pangarap para sa … more
Kaibigan, sila yung mga taong itinuturing nating kapatid o kung minsan ay higit pa sa … more
Ang aming koleksyon ng mga maikling kwento tungkol sa pamilya ay binubuo ng dalawa o … more