Sa pahinang ito ay matututunan ninyo ang mga sumusunod na paksa:
- Ano ang Maikling Kwento
- Mga Elemento ng Maikling Kwento
- Mga Bahagi ng Maikling Kwento
- Mga Uri ng Maikling Kwento
- Mga Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral
Ano ang Maikling Kwento?
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.
SEE ALSO: Ano ang Alamat, Mga Elemento, Bahagi, at Halimbawa ng Alamat
Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”
Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Mga Elemento ng Maikling Kwento
Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
- Tao laban sa tao
- Tao laban sa sarili
- Tao laban sa lipunan
- Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
SEE ALSO: Epiko: Kahulugan, Katangian at mga Halimbawa ng Epiko ng Pilipinas
5. Kasukdulan
Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas
Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
9. Paksang Diwa
Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay
Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.
Mga Bahagi ng Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.
1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
SEE ALSO: Sanaysay: Uri, Bahagi at mga Halimbawa ng Sanaysay
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.
Mga Uri ng Maikling Kwento
May sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kwento ng Tauhan
Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
SEE ALSO: Talumpati: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng Talumpati at mga Uri
3. Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kwento ng Katatakutan
Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan
Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig
Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
Mga Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral
Narito ang ilang mga Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral.
Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig
- Si Wigan at si Ma-I
- Ang Nawawalang Prinsesa
- Si Ederlyn
- Wala na Siya
- Tren
- Halaman ng Pagmamahal
- Ang Lugar sa Habang Panahon
- Nakalbo ang Datu
Maikling Kwento tungkol sa Kaibigan
- Ang Kaibigan Ba o Ang Tiya
- Ang Dakilang Kaibigan
- Ang Bata At Ang Aso
- Ang Matalik kong Kaibigan
- Ang Matalinong Pintor
- Kaibigan Daw
- Modelong Bata
- Ang Matalik na Magkaibigan
- Bagong Kaibigan
Maikling Kwento tungkol sa Pamilya
- Ang Inang Matapobre
- Si Juan, ang Pumatay ng Higante
- Ang Batang Espesyal
- Ang Buhay Nga Naman
- Ang Sapatero at ang mga Duwende
- Ang Alkansya Ni Boyet
- Huling Limang Oras
- Ang Mag-asawang Walang Anak
- Isang Aral Para kay Armando
- Matulunging Bata
Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan
- Ang Bulkang Taal
- Ang Araw at ang Hangin
- Ang Aral ng Damo
- Pagatpat
- Araw, Buwan, at Kuliglig
- Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada
- Ang Kalabasa at ang Duhat
- Ang Punong Kawayan
- Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?
- Ang Engkantada ng Makulot
- Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?
- Bakit Mataas ang Langit?
- Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas
Maikling Kwento tungkol sa Pangarap
- Regalo sa Guro
- Ang Inapi
- Ang Batang Maikli Ang Isang Paa
- Ang Babaing Maggagatas
- Si Mariang Mapangarapin
- Kapuri-puring Bata
- Pambansang Pintor
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Ang Espesyal Na Panauhin
- Reynang Matapat
- Si Juan at ang mga Alimango
- Ang Babaeng Ubod ng Talino
- Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang?
I-download ang PDF bersyon ng post na ito at basahin offline. Maaari mo itong i-save sa iyong cellphone at basahin kahit saan. Kung nakatulong sa iyo ang post na ito, please share! Maraming salamat po! 🙂